Excited na pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Hindi siya mahilig magsuot ng dress. Mas sanay siyang naka-shorts or jeans saka blouse or shirt. Special ngayong araw kaya't nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod at kulay beige. Nilagyan pa niya ng clip ang buhok sa may gilid ng tenga. Hanggang balikat lang ang haba ng maitim niyang buhok.Naglagay siya ng manipis na lipstick. Susunduin siya ni Brent dahil manonood sila ng sine. Actually, hindi na bago sa kanila ang panonood ng sine na sila lang pero iba ngayon dahil lalabas sila bilang magsiyota.Nang masiyahan sa mukha ay agad na lumabas ng kwarto. Nagulat pa siya nang makita itong nakaupo sa sala at hinihintay siya. Napangiti siya dahil ang gwapo nito sa suot nito na sky blue na polo shirt at maong na pantalon. Maayos pang nakasuklay ang buhok nito. Lumingon ito sa kanya at nakita niya ang pagluwang ng ngiti nito habang tinitingnan ang kabuuan niya.Tumayo si Brent at lumapit sa kanya." Pinaghandaan mo nga 'ata ang date nati
Kinabukasan pagkagising niya ay agad niyang tinawagan si Brent. Akala niya ay hindi nito sasagutin iyon pero nakaisang ring palang ay may sumagot agad." Hello," dinig niya agad ang buong boses nito.Lumunok muna siya." B-brent... I, ah..." magso-sorry na sana siya." I'm sorry. I'm so sorry, Love. Maliligo na sana ako para mapuntahan na kita diyan," biglang singit nito sa sasabihin niya.Love? Sa lahat ng sinabi ng lalaki ay isang salita lang ang tumatak sa utak niya. Hindi pa naman kasi ito nag- I love you sa kanya.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa. Kagabi pa kasi niya nasigurado na wala na siyang nararamdaman kay Nick. Si Brent na ang tuluyang umuukopa ng puso niya. Sa katunayan, sa first monthsary nila ay siya mismo ang buong pusong mag-aannounce sa buong barakada ng tungkol sa kanila ni Brent. Surprise gift niya iyon sa boyfriend." Zy?" narinig niya uling tawag ni Brent.Nakalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala ito." Na-miss kita," bigla niyang nasabi na parang maiiyak
Buong araw siyang hindi mapakali. OA na kung OA pero gusto na niyang makita uli si Brent kahit isang araw pa lang naman niya itong hindi nakita. Tumawag ito kanina at babiyahe na nga raw ito at ang Tita nito pauwi sa kanila.Naglinis siya ng bahay. Takang-taka pa nga ang Mama niya kung bakit para siyang kiti-kiting di mapakali. As usual, maaga na namang umalis ang Mama niya dala ang binibenta nito. May sinuswelduhan itong driver para sa pagbibenta kung saan-saan. Sinabi nitong bukas pa ito makakauwi. Sanay naman siya na hindi ito umuuwi minsan lalo't malayo ang pinupuntahan nitong lugar. Dumadayo kasi ito sa lugar na may piyesta dahil maraming tao.Sabi ni Brent ay siguradong gagabihin ang mga ito dahil tanghali na sila bumiyahe. Nagluto siya ng dinner nila. Sinabi niyang doon na kumain ng hapunan.Mag-aalas sais na at kanina pa siya nakapagluto. Naligo siya at kahit nasa bahay lang ay isinuot niya iyong pinakabago niyang blouse saka paldang hanggang tuhod na isang beses pa lang niyan
Mag-aalas sais na ng umaga pero dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi na niya mabilang kung ilang messages na ang na-send niya kay Brent pero ni isa ay wala siyang natanggap na reply galing dito. Nagising na ang pinsan ni Brent kaya't nagluto na muna siya para pakainin ito bago ito umuwi sa kanila. Binilinan din niya ito bago umalis na pasabihan si Brent na papuntahin sa kanila.Hindi na niya kinaya ang antok kaya't nakatulog siya bago mag-alas otso ng umaga. Nagising din naman siya agad bago magtanghali at tiningnan niya uli ang phone kung may message galing kay Brent. Wala pa rin siyang natanggap galing dito. Sinubukan niya uling tawagan ang binata pero nakapatay na ang phone nito.Naligo siya at nagbihis dahil napagpasyahan niyang puntahan ito sa kanila. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya pero wala siyang ganang kumain. Pagkabihis ay pumunta agad siya sa bahay ng Tita ni Brent kung saan ito nakatira. Si Joli ang nakausap niya. Hindi pa rin daw umuuwi si Brent at ang Kuya Jojo nit
Nakaupo siya sa ilalim ng malaking puno na paboritong tambayan nilang magkakabarkada. Buhay na buhay pa rin ang punong iyon na saksi sa pagkakaibigan nilang anim. Matagal na mula nang huling beses na kumpleto pa silang nakaupo sa ilalim ng punong iyon.Malungkot na napapangiti siyang mag-isa. Siya at si Nick na lang ang naiwan sa lugar nila. Si Eunice ay nakapag-asawa na at may isang anak. Sa Maynila na ito naninirahan dahil tagadu'n ang napangasawa nito. Si Katrina naman ay ikakasal na sa susunod na taon. Nasa Maynila rin ito dahil andu'n ang clinic nito. Isa na itong ganap na dentist. Si Joe ay busy naman sa pagiging photographer. Napapakinabangan na rin nito ang hobby nito. Kabi-kabila ang kliyente nito kaya't kung saan-saan ito napapadpad. Si Nick ay isang DJ sa radio station sa lugar nila at ikakasal na sa Sabado sa anak ng may-ari ng istasyon na pinagtatrabahuan nito. Siya naman ay may sariling printing shop na. Katabi ng pwesto niya ang pwesto ng Mama niya. Tinulungan niya iton
" You may now kiss the bride," narinig na lang niyang sabi ng pari.Saka lang niya naalala na nasa kasal pala sila ni Nick. Kanina pa kasi abala ang utak niya sa lalaking pitong taon din niyang pinananabikang makitang muli. Natuon agad ang tingin niya sa harap nang halikan na ni Nick ang asawa nito.Napangiti uli siya habang naging malamlam ang mga matang nakatitig sa bagong kasal." My hanky is at your disposal," biglang bumulong si Brent sa kanya.Kanina pa pala siya pinagmamasdan nito at napansin nito ang ekspresyon ng mukha niya." I-I'm just happy for him," hindi niya alam pero gusto niyang iparamdam dito na hindi siya naiiyak dahil malungkot siya na ikinasal sa iba si Nick." You don't have to explain. Maiiyak din ako if ikinasal na ang taong... mahal ko," sabi nito na nasa harap na uli nakatingin." B-brent, I..." bumuka ang bibig niya pero sa dami ng gusto niyang sabihin tanging pangalan lang nito ang lumabas sa bibig niya.Gusto niya pa ring magpaliwanag kahit pitong taon na
Panay ang tawag ng " Hannah" dito dahil panay ang labas nito para sagutin ang phone. Hindi na siya nagulat nang nagpaalam na ito maya-maya. Una nitong nilapitan si Nick at ang asawa nito. Kapagkuwan ay nagpaalam na rin sa kanila." Guys, I'll go ahead. Babiyahe pa ako pa-Manila dahil may susunduin ako sa airport bukas ng umaga," paalam nito sa kanila." Sino naman kasi iyang susunduin mo at mukhang importante?" tanong ni Katrina." I'll introduce you to her one of these days," nakangiting sabi nito na kumindat pa.Her? Iyong Hannah nga siguro ang susunduin nito. Biglang napainom na naman siya ng wine. Nakailang baso na ba siya nu'n?" Uy, Brent, ha? Mukhang hindi mo na pala kailangang maghanap. Sige, hihintayin naming ipakilala mo iyang bebs mo," nanunudyong sabi ni Eunice." So, alis na muna ako. Zy, sumabay ka na lang muna kay Joe pag-uwi ninyo," baling nito sa kanya." Sure, don't worry about me," sagot niya na kumuha na naman ng baso ng wine.Biglang kinuha iyon ni Brent sa kamay
Nang sumunod na araw ay napag-usapan nilang magkikita sa paboritong tambayan nila dati for old time's sake. Ilang oras din ang ginugol niya para sa pagbibihis. Nakailang palit na rin siya ng damit. Kung tutuusin ay pwde na ang short at shirt pero ewan ba niya kung bakit naisipan niyang magsuot ng matingkad na orange na damit na hanggang tuhod. Iyong parang pang-summer na damit. Mukha siyang naliligaw na highschool sa suot niya.Dinaanan siya ni Joe. Hindi nito kasama ang boyfriend nito dahil may trabaho saka usapan din nilang silang magbabarkada lang ang pupunta para hindi na maa-out of place ang mga partners ng kaibigan niya. Hindi na pumasok pa si Joe at hinihintay na lang siya sa labas ng gate.Nagulat pa ito sa ayos niya at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa." Wow, ha! Magmumukha naman akong tatay mo niyan," reklamo nito.Naka-sando na puti at cargo pants lang kasi ito. Hindi na ito nagdala ng sasakyan dahil malalakad lang naman ang tambayan nila mula doon.Napatawang k