Humigit-kumulang 12 hours din ang biyahe mula Maynila hanggang Ilocos. At kahit mag-isang lumuwas si Ehra ay sulit naman dahil sa mainit na pagtanggap ng mga kamag-anak niya sa father side. Lalo na ang kanyang tito Manuel at ang may-bahay nito.
She was overwhelmed with their very warm welcome.
"Welcome home, hija!" masayang salubong ni tito Manuel, sabay yakap.
"Kamusta ang biyahe, hija?" sabad ni tita Isabel na sa edad na 50 ay hindi pa rin kumukupas ang angking ganda. Sopistikadang-sopistikada pa rin ang dating nito.
"Okay lang po. Enjoy," tipid niyang sagot sabay yakap rito.
Mayamaya'y sabay-sabay na silang pumasok sa mala-Mansiyon na tahanang iyon ni tito Manuel. He was a retired Navy sa edad na 58. Maaga itong nagretiro dahil mas gugustuhin raw nitong makasama ang buong pamilya habang malakas pa siya. May tatlo itong anak na may kanya-kanya na ring pamilya.
Isa ang pamilya ni tito Manuel sa buong Narvacan na ginagalang at nirerespeto. Ilang beses na ring may nag-alok rito na kumandidato sa pagka-Mayor, pero tinanggihan nito. Aniya, maari naman daw siyang makatulong sa kapwa kahit wala sa pulitika. At ayaw nito sa pulitika dahil magulo. Which she agree. Kaya nga hanga siya sa prinsipyong iyon ni tito Manuel.
"Kumusta naman sina Renato at Sylvia?" Nasa sala na sila ng Mansiyon nang banggitin ni tito Manuel ang mga magulang niya. Dalawang taon ang tanda nito kay daddy.
"Maayos naman po sila sa States. Kahit paano ay may pinagkakaabalahan na ring negosyo roon. Bukod sa pag-aalaga ng mga apo nila kay Kuya Ervin," tukoy niya sa kaisa-isa niyang kapatid na lalake.
"Kailan naman daw nila balak magbakasyon dito?"
"Baka po next-year. Hindi po kasi nila maiwan-iwan ang dalawang apo. Dahil pareho ring busy sa trabaho si kuya at asawa nito," tugon niya.
"E, ikaw hija. Kailan mo naman balak mag-asawa? Sa ganda mong 'yan, siguradong maraming kalalakihan ang naghahangad na mapangasawa ka," ani tita Isabel na nakangiti. "Pero teka, siguro naman ay may mapalad nang lalake na nagmamay-ari ng puso mo. Tama ba ako?"
Napalunok siya. Sa lahat ng ayaw niyang mapag-usapan ay iyong tungkol sa estado ng buhay pag-ibig niya. Pero bilang respeto, buong katapatan pa rin niyang sinagot si tita Isabel.
"W-Wala po akong boyfriend..."
Tila hindi makapaniwalang nagkatinginan sina tito Manuel at tita Isabel.
"Aba'y sa ganda mong 'yan, hija? Kung ako ang lalake, hindi ako magdadalawang-isip na ligawan ka!"
Natawa siya sa tinuran ni tita Isabel.
"Siguro naman ay may dahilan 'tong maganda nating pamangkin kung bakit single pa rin. Tama ba ako, hija?"
Tumango lang siya bilang pagsang-ayon kay tito Manuel.
"Sabagay. Mas maganda pa rin na hindi nagmamadali. Baka mamaya, lalakeng babaero o manloloko pa ang makatagpo mo. 'Wag naman sana. You deserve a responsible and faithful boyfriend."
Naku tita, wala na pong lalake na hindi manloloko sa panahon ngayon! gusto niyang sabihin, pero sinarili na lang niya iyon.
MASAYA nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing Ilokano gaya ng dinengdeng, pinakbet, dinakdakan, ar-arusep at iba pa na niluto ni tita Isabel. Ito ang namiss niyang mga pagkaen dito sa Ilocos. Habang salo-salo silang naghahapunan, panay pa rin ang kumustahan at kuwentuhan nila sa harap nang hapag-kainan. At home na at home ang pakiramdam niya sa tahanang iyon. Not to mention that she's the favorite niece of tito Manuel. Even when she's still young, they treat her like their own child. Kaya naman masyado siyang na-spoil ng mag-asawa. At ganoon na lang kalapit ang loob niya sa mga ito.
Hindi nila kasalo ang tatlong anak nina tito Manuel at tita Isabel nang gabing iyon. Dahil may sari-sarili ng tirahan ang mga ito sa karatig-bayan. Sa susunod na araw pa bibisita ang mga ito doon.
"Siya nga pala, hija. Maagang darating bukas si architect Mijares. Kailangan niyang malaman ang iba pang detalye para sa disenyo ng ipatatayong beach houses. Mabait ang taong 'yun," pagkuwa'y ani tito Manuel.
"May kopya na po ako ng mga gusto kong design at catalogue na ipe-present ko bukas kay architect Mijares, tito," sagot niya. "And I really want to see and meet him as soon as possible for the other details."
"Good. Don't worry, bukas ay makikilala mo na siya, hija."
"Salamat sa lahat ng tulong, tito Manuel. I can't do all of this without your help and support," emosyunal na saad niya na ginantihan nito ng ngiti.
"Wala 'yun, hija. Anytime, basta ikaw. Parang anak na rin ang turing ko sa'yo."
ALAS-SIYETE pa lang nang umaga ay nakagayak na si Ehra. Isang simpleng blusang bulaklakin lamang ang suot niya na tinernuhan niya ng above the knee na palda. Maaga siyang gumising at naligo para sa unang pagkikita nila ni architect Mijares.
Naglagay lang siya ng konting pulbo sa mukha at inilugay niya ang mahabang buhok na unat na unat. Isa siya sa mga mapalad na kababaihan na biniyayaan ng natural na straight na buhok. Kaya hindi na niya kailangang pumunta ng salon para magpa-rebond.
Ilang minuto pa'y dumating na rin si architect Mijares. Sinalubong nila ni tito Manuel ang 32-year old na Architect.
"Nice to finally meet you, Architect Mijares," masayang salubong niya rito sabay lahad sa kanyang palad na malugod naman nitong tinanggap.
"Likewise, Ms. Villamor."
Ngumiti ito at doon lang niya napasadahan ng tingin ang mukha nito. Hindi maikakailang guwapo ito. Idagdag pa ang matikas nitong pangangatawan at malinis na pagdadala ng damit. He was wearing plain black polo and pants na bumagay sa black leather shoes nito. He looks very professional in his attire.
Hindi nagtagal ay naipakita na rin niya kay architect Mijares ang catalogue na siya mismo ang nagdesinyo. Lupa pa lang kasi na tatayuan ng beach houses at mga materyales ang nakahanda. Pero ang landscape at designs ay ngayon pa lang nakita ni architect Mijares.
"Your idea is very fit to the place. We have almost the same ideas, Miss Villamor. I guess, hindi ako mahihirapan na i-build ang dream beach resort mo," pagdaka'y turan ni architect Mijares pagkatapos nitong pasadahan ng tingin ang catalogue na binigay niya.
"I have trust in you, architect Mijares. Like how tito Manuel trusted you. Kaya kayo na po bahala sa lahat. Anytime na may iba pa kayong kailangan, just inform me. Thank-you, architect."
"No worries. I'll take care of everything. Salamat din sa tiwalang binigay mo, Miss Villamor," mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito.
"Ehra na lang, Architect. Just call me Ehra," paalala niya.
"Ok. But in one condition..."
Kunot-noo niyang tinitigan ang arketikto.
"S-Sure. Ano po 'yun?"
"I think mas maganda kung tawagin mo na rin ako sa first name ko. Instead of architect Mijares, just call me 'Tyrone'."
Ngumiti siya. "Sure. No prob!"
Nagkatawanan silang dalawa.
ITUTULOY....
Hi readers! Please enjoy reading and support my novel as well. I would love to hear your comments. Thank-you!
HINDI pa man sumasapit ang alas-kuwatro ay todo ayos na si Ehra. Excited na siyang muling makita si Dwight. Kanina pa niya nasend dito ang location ng opisina nila. At nagreply naman ito agad na susunduin siya before 4:00 nang hapon. Pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para muli na niyang makita ang lalaking laging laman ng kanyang puso’t isipan. Katunayan, pakiramdam niya ay para siyang teenager na sabik na sabik na muling masilayan ang lalaking pinakamamahal . “Aba’t mukhang ayos na ayos ka, ha? May date ka ba mamaya?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala si manang Flor. Napansin agad nito ang ayos niya na kuntodo make-up. Sanay kasi ito na nakikita siyang walang kulorete sa mukha. Ngumiti siya. “Tama ka manang Flor. Let’s just say na may special date ako mamaya.” “Naku, siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa akin noon?” “Oo manang Flor. Si Dwight po.” “Dwight pala ang pangalan. Siguradong guwapo din ‘yon
DINALA si Dwight ng kanyang mga paa sa central park kung saan niya unang nakita si Ehra pagdating niya dito sa New York. Medyo malamig na ang panahon dahil parating na ang winter season. Kokonti pa ang mga tao noong dumating siya sa lugar. Papalubog pa kasi ang sikat ng araw at tinatao lamang ang lugar kapag sumapit na ang gabi. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi lalo’t iba’t ibang mga ilaw ang masisipat roon. Idagdag pa ang naglalakihan at naggagandahang water fountain na isa sa atraksiyon ng nasabing park. Para sa kanya ay napaka-peaceful ng nasabing park at madalas din itong tambayan ng mga mag-jowa o lovers. Pumuwesto siya sa isang bench na puwede ang pandalawahan. Pagkaupo niya, kitang-kita niya ang mga taong paroo’t parito na naglalakad sa harapan niya. Iba-ibang lahi pero karamihan ay mga puti. Napabuntong-hininga siya. Kahit alam niyang wala naman talaga siyang pakay sa lugar na iyon ay mas pinili pa rin niyang mag-stay muna doon pansamantala. Nagbabakasaka
MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito. At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya. Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin. Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras. Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito. Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito? “Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon. Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya. “Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
"OH MY GOD! Kahit pala saan ka pumunta, magkikita at magkikita pa rin kayo ng Dwight na 'yon. Para kayong pinaglalaruan ng tadhana," eksaheradang bulalas ni Darla habang kausap ni Ehra ang matalik na kaibigan sa phone. Sinadya niya itong kausapin para ikuwento rito ang muling pagku-krus ng mga landas nila ni Dwight sa Central Park. Maging si Darla ay halatang nagulat din sa ibinalita niya. "Feeling ko nga ay may purpose talaga ang lahat ng ito kung bakit nangyayari ngayon. I think isa na ito sa mga signs na hinihintay ko!" ang natutuwang bulalas niya. "Gaga ka ba? Hanggang ngayon ba naman ay umaasa ka pa rin na magkakagusto ulit ang Dwight na 'yon sa'yo? Akala ko ba nagkaliwanagan na tayong dalawa na kalilimutan mo na ang lalaking 'yon? Hindi naman halatang iniilusyon mo pa rin hanggang ngayon ang mokong na 'yon, ano?" "Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, Darla." "Hay naku! Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung wala ka talagang balak na itigil 'yang
"EHRA, nandiyan na ang suitor mo sa labas. Kanina ka pa hinihintay. Infairness, nuknukan pa rin ng guwapo at macho 'yang si fafa Nick na 'yan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya sinasagot!" maharot na untag sa kanya ng 48 anyos na ka-opisina niyang si manang Flor na animo'y isang teenager na kinikilig. Isa itong old-maid na ayon dito ay wala nang planong mag-asawa pa. Mas peg daw nitong magpaka-forever single na lang dahil sa ilang beses na laging sawi sa pag-ibig. Natawa siya sa reaksiyon nito. "Five minutes na lang manang at matatapos na ako rito," tugon niya. "Kung p'wede nga lang sa'yo na lang manligaw 'yang tisoy na 'yan manang Flor. At ng wala na akong iniintindi," dugtong niya na tatawa-tawa pa rin habang nakatutok sa harap ng computer. "Aba, kung p'wede nga lang e, noon ko pa siya sinagot at niyayang magpakasal sa'kin. Kaso, imposible. Bakit ba kasi ayaw mo kay tisoy e, nasa kanya na nga ang lahat? Masyado kang choosy, Ehra!" anito n