로그인Malakas ang hampas ng ulan sa makapal at tinted na salamin ng bulletproof Maybach ni Damien habang pumapasok kami sa mataas na bakal na gate ng Valderama Mansion. Kumikidlat sa madilim na kalangitan, tila nakikisabay ang panahon sa nagngangalit na poot sa dibdib ko.Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa ilalim ng malawak na portico, hinubad na ni Damien ang itim niyang suit jacket at marahang ipinatong iyon sa hubad kong balikat. Niyakap ako agad ng pamilyar niyang amoy—cedarwood, whiskey, at ang init ng katawan niya na bahagyang nagpakalma sa nanginginig kong mga kamay."Stay behind me," mababa at maawtoridad niyang bulong bago bumukas ang pinto ng sasakyan.Pagkababa namin, agad na sumalubong si Manang Lourdes mula sa bukana ng mansyon. Namumutla ang matanda at may nakabalot na basang tuwalya sa namumula niyang siko. Sa likuran niya, nanginginig ang tatlong kasambahay habang nakatingin pataas sa grand staircase."Celeste, anak!" halos mapaiyak na salubong ni Manang Lourdes
Hindi pa man tuluyang nakakagalaw ang VIP elevator, dumagundong na ang malalakas na kalabog mula sa labas ng makapal at bakal na pinto."Celeste!! Buksan ninyo 'to! Tito Damien, anong ginagawa ninyo diyan sa loob?! Bitawan niyo ako, mga gago!!"Kahit soundproof ang elevator, rinig na rinig pa rin ang bahagyang kulob ng desperadong sigaw ni Marco habang pinipigilan siya ng mga armadong bodyguards sa pasilyo. Parang isang baliw na hayop na nawalan ng katinuan ang pamangkin ni Damien sa kabilang panig ng pinto.Ngunit wala akong pakialam sa kanya. Dahil sa mga sandaling ito, ni hindi ako makahinga sa tindi ng presensya ng lalaking nakakulong sa akin.Nakasandal nang buo ang hubad kong likod sa malamig na salamin ng elevator, habang ang matigas at mainit na katawan ni Damien ay nakadiin sa harapan ko. Nakatukod ang isang malaking kamay niya sa salamin sa tabi ng ulo ko, at ang kabila naman ay mahigpit na nakahawak sa panga ko—marahan ngunit puno ng nakakakilabot na pag-aangkin.Bago pa um
Sa isang iglap, tila bumagsak ang temperatura sa loob ng buong Grand Ballroom.Lahat ng tatlong daang bisita—mula sa mga pinakamayayamang tycoon sa bansa hanggang sa mga matatapang na reporters na kanina lang ay nakikipag-unahan sa flash ng kamera—ay sabay-sabay na nanigas. Ilang photographer pa ang kusang nagbaba ng kanilang mga lente dahil sa matinding takot.Walang may lakas ng loob na basta-basta kunan ng litrato si Damien Monteverde nang walang pahintulot.Mabagal, mabigat, at walang pakialam sa nakakabinging katahimikan ang bawat hakbang niya sa gitna ng pulang karpet. Sa likuran niya, anim na matitipunong bodyguards na nakasuot ng purong itim ang nakasunod nang may nakakakilabot na disiplina. Ang liwanag ng mga kristal na chandelier ay tumatama sa matalim na panga ni Damien, sa perpektong pagkakasuklay ng itim niyang buhok, at sa kulay-abong mga mata niyang kasing-lamig ng yelo.Sa gitna ng entablado, halos manginig ang mga tuhod ni Marco. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin n
Napasigaw ang ilang bisita sa harap ng entablado nang makita nilang parang ulol na asong sumugod si Chloe patungo sa akin. Nakataas ang parehong kamay niya, nakalabas ang mahahaba at matatalim niyang mga kuko, handang-handang sirain ang mukha ko sa harap ng daan-daang kamera.Masyadong malayo ang mga security guards para maabutan siya. Maging si Mr. Salazar sa VIP table ay napatayo sa gulat.Ngunit hindi man lang ako kumurap.Sa nakaraan kong buhay, marahil ay napaatras na ako sa takot at hinayaan ko siyang saktan ako. Pero pagkatapos kong mamatay nang dilat ang mga mata sa gitna ng apoy, wala na akong kahit anong takot sa isang tulad ni Chloe.Nang isang dipa na lang ang layo ng matatalim niyang kuko sa pisngi ko, kalmado akong humakbang pakaliwa. Bago pa siya lumampas sa akin, mabilis kong sinalo ang kanang pulso niya sa ere at marahas itong pinilipit nang bahagya."Aray!! Bitawan mo ako!" tili ni Chloe habang napapangiwi sa sakit.Hindi ko siya binitawan. Sa halip, hinila ko siya p
Biglang natahimik ang buong Grand Ballroom. Kahit ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at ang maingay na bulungan ng mga bisita kanina ay tuluyang naglaho.Sa gitna ng nakakasilaw na spotlight, hawak ko ang mikropono habang nakatingin sa dagat ng mga taong gutom sa balita. Sa gilid ng entablado, napahinto si Chloe sa pag-alis. Nagpumiglas siya sa hawak ng dalawang usher, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin—hindi pa rin siya makapaniwalang hindi ako bumigay sa drama niya kanina.Samantala, sa tabi ko, halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ni Marco.Akala siguro ng hangal na ito ay natakot ako sa banta niya tungkol sa media at sa stocks ng Valderama Corp. Tumindig siya nang tuwid, inayos ang butones ng suot niyang suit, at bahagyang humakbang palapit sa akin. Narinig ko pa ang mahina at mayabang niyang halakhak habang nagpapacute sa mga kamera ng press."Ano pang regalo ang hinanda mo, sweetheart?" malambing niyang tanong sa mikropono, pilit na ibinabalik ang imahe ni
Sabay-sabay na napasinghap ang halos tatlong daang bisita sa loob ng Grand Ballroom.Mas lalong bumilis at nagmistulang kidlat ang kislap ng mga kamera ng media, lahat nakatutok sa gitna ng pulang karpet kung saan nakaluhod si Chloe sa mismong paanan ni Marco. Para siyang isang basang kuting na itinapon sa ulan, gusot ang buhok, namumugto ang mga mata, at nanginginig ang mga balikat habang nakabalot sa maluwag na itim na coat na kinuha lang niya mula sa kung saang tauhan ng hotel.At ang pinakamatinding detalye sa palabas niya? Ang malaking pamumula sa kaliwang pisngi niya, mula sa sampal ni Marco kanina sa Suite 3004—na ngayon ay pilit niyang inihaharap sa mga kamera para lalong magmukhang kinawawa."Celeste, please..." humahagulgol na iyak ni Chloe habang bahagyang hinihila pababa ang kwelyo ng coat niya, sapat lang para masilayan ng mga photographer ang ilang mapupulang marka sa balikat niya mula sa matandang si Chavez. "Alam kong galit ka sa akin dahil malapit kami ni Marco, pero







