Ang marahang tunog ng pagsara at pag-lock ng mabigat na pinto sa likuran ko ay tila umalingawngaw sa buong Presidential Penthouse. Sa isang iglap, naputol ang koneksyon ko sa magulong mundo sa ibaba—sa engagement party, sa mga pekeng ngiti ng alta-sosyedad, at sa dalawang ahas na naghihintay sa pagbagsak ko.Dahan-dahang ibinaba ni Damien ang hawak niyang baso ng whiskey sa marmol na mesa malapit sa pinto. Hindi siya nagmadali. Bawat galaw niya ay kalkulado, mabigat, at puno ng nakakakilabot na awtoridad. Nang humarap siya nang tuluyan sa akin, halos matunaw ang tuhod ko sa talim ng kulay-abo niyang mga mata.Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa—mula sa namumula kong pisngi, sa pawis na dumadaloy sa pagitan ng dibdib ko, hanggang sa nanginginig kong mga kamay na mahigpit pa ring nakakapit sa puti niyang dress shirt."Do you even hear yourself, Celeste?" malalim at malamig ang boses niya, ngunit may kakaibang panganib na nakakubli sa bawat salita. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mamah
최신 업데이트 : 2026-11-20 더 보기