로그인Umalingawngaw ang matinis na tunog ng mikropono nang bumagsak iyon sa kahoy na sahig ng entablado.
Sa isang iglap, tila may huminto sa oras sa loob ng Grand Ballroom. Lahat ng tatlong daang bisita, mula sa mga kilalang negosyante, mga sosyalera, hanggang sa mga gutom na reporters na kanina lang ay nagkakagulo dahil sa livestream mula sa Suite 3004, ay sabay-sabay na napalingon sa bukana ng malaking gintong p***o. Humakbang ako papasok sa pulang karpet nang nakataas ang noo. Tanging ang matunog na hakbang ng suot kong stiletto heels ang maririnig sa buong bulwagan. Sa bawat paggalaw ng mga binti ko, bahagyang humahawi ang malalim na hiwa ng crimson red off-shoulder couture gown na ibinigay ni Damien, ibinubunyag ang makinis at maputi kong hita. Sa ilalim ng nakakabulag na liwanag ng mga kristal na chandelier, tila nagliliyab ang mga rubies na nakaburda sa baywang ko. Ibang-iba ito sa maputla at mahinhin na silver gown na pinili ni Marco para sa akin, ang kulay ng isang maamong tupa na handang katayin. Ngayong gabi, hindi tupa ang pumasok sa bulwagang ito. "Oh my God... si Celeste Valderama ba talaga 'yan?" "Akala ko ba may nangyari sa kanya sa taas? Tingnan mo naman, she looks like a damn goddess!" "Wait, isn't that an exclusive piece from Maison Laurent in Paris? Hindi ba't iisa lang ang ginawa nilang ganyan sa buong mundo?!" Sunod-sunod ang kislap ng mga kamera sa magkabilang gilid ng karpet. Hindi ako umiwas. Sa halip, ngumiti ako nang bahagya , isang ngiting malamig, nakakapanindig-balahibo, at walang bahid ng dating kahinaan na kilala nila. Sa gitna ng entablado, nakatulala pa rin si Marco. Namumutla ang mukha niya at bahagyang nakaawang ang bibig na parang nakakita ng multo. Mabilis niyang pinulot ang nahulog na mikropono, iniabot iyon sa natatarantang host, at halos takbuhin ang hagdan pababa para salubungin ako sa gitna ng bulwagan. "Celeste!" Pagkalapit niya sa akin, agad niyang hinanap ang kamay ko para hawakan iyon sa harap ng mga photographer, suot ang pamilyar niyang maskara ng mapagmahal na fiancé. Ngunit bago pa dumampi ang palad niya sa balat ko, marahan kong itinaas ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng buhok sa balikat ko,sapat na para mapahiya ang nakabitin niyang kamay sa ere. Nanigas ang panga ni Marco. Kumislap ang galit sa mga mata niya, ngunit mabilis niya itong tinakpan ng pilit na ngiti nang maramdaman niyang nakatutok sa amin ang lente ng media. "Sweetheart, thank God you're here," malambing niyang sabi nang sapat lang para marinig ng mga nakapaligid na bisita, ngunit nang yumuko siya malapit sa tenga ko, biglang nagbago ang tono ng boses niya. Naging matalim ito at puno ng pagbabanta. "Saan ka ba nagpunta?! Pinahanap kita sa buong hotel! At anong ginagawa mo sa suot mong 'yan? Nasaan ang silver gown mo?" Bahagya kong ikiniling ang ulo ko at tiningnan siya nang diretso sa mata. Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon, kitang-kita ko kung gaano siya kaliit. Kung gaano siya kadesperado. "Natapunan ng champagne ang silver gown ko, Marco," malamig at walang emosyon kong sagot. "Kaya nagpalit ako. Hindi ba bagay?" Kumunot nang husto ang noo niya. Hinagod ng tingin niya ang kabuuan ko,nagtataka kung bakit wala ni isang bakas ng pagkahilo, pamumula, o pagkalasing sa mukha ko gayong dapat ay lumulutang na ako sa epekto ng malakas na aphrodisiac. Nang dumako ang tingin niya sa manipis na pulang silk choker na nakapulupot nang mahigpit sa leeg ko, biglang naningkit ang mga mata niya. Lumapit siya nang isang hakbang, at sa paglanghap niya sa hangin sa pagitan namin, biglang dumilim ang ekspresyon niya. "Wait a minute..." mahina ngunit mariing bulong niya habang sinusuri ang mukha ko. "Bakit amoy pabango ng lalaki ka? Cedarwood... at whiskey? Celeste, sino ang kasama mo kanina sa itaas?! Kanino galing ang gown na 'to?!" Isang mainit na alon ang biglang gumapang pababa sa puson ko nang marinig ko ang sinabi niya. Cedarwood at whiskey. Kahit nag-ayos na ako sa banyo ng penthouse, nananatili pa rin pala sa balat ko ang marka ng presensya ni Damien Monteverde. Kusang dumampi ang mga daliri ko sa pulang seda sa leeg ko. Sa ilalim nito, ramdam ko pa rin ang bahagyang kirot mula sa mga kagat ng bilyonaryo, at ang mahinang pananakit sa pagitan ng mga hita ko na paulit-ulit na nagpapaalala kung paano niya ako inangkin nang paulit-ulit sa itim niyang kama habang tinatawag ko ang pangalan niya. Tila sinadya ng tadhana, biglang nagtindigan ang balahibo ko sa batok. Parang may mabigat at nagliliyab na tingin na nakapako sa akin. Hindi ko napigilang mag-angat ng tingin patungo sa madilim na second-floor VIP balcony na nakatanaw sa buong ballroom. At doon, nakakubli sa anino ng malalaking haligi, nakita ko siya. Nakatayo si Damien Monteverde, nakasandal ang isang braso sa bakal na harang habang marahang pinaikot ang hawak na baso ng alak. Kahit malayo siya, ramdam na ramdam ko ang nakamamatay na talim ng kulay-abo niyang mga mata—nakatitig nang diretso sa akin, at sa kamay ni Marco na halos dumikit na sa baywang ko. Nang magtama ang paningin namin, dahan-dahang umangat ang gilid ng labi ni Damien sa isang mapanganib at mapang-angkin na ngisi. Remember our deal, baby, tila bulong ng mga mata niya. You're mine. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ngunit mabilis kong ibinalik ang malamig kong tingin kay Marco. "Nagpapatawa ka ba, Marco?" mahinahon kong tanong, sapat ang lakas para marinig ng mga nakikitsismis sa malapit. "Bakit parang mas interesado ka pa sa pabango ko kaysa sa iskandalong nangyari sa Suite 3004 kanina? Nabalitaan ko kasi na nagdala ka raw ng media sa kwarto ni Mr. Chavez." Parang tinamaan ng kidlat si Marco. Agad siyang namutla at mabilis na luminga-linga sa paligid. Sakto namang lumapit sa amin si Mr. Salazar kasama ang apat pang miyembro ng board ng Valderama Corp. Matatalim ang mga tingin ng matatanda kay Marco, ngunit puno ng respeto nang humarap sila sa akin. "Miss Valderama, mabuti at ligtas ka," bungad ni Mr. Salazar, hindi man lang pinansin si Marco. "Nag-alala kaming lahat nang sabihin ni Marco na lasing ka raw at nasa panganib sa third floor. Pero ibang-iba ang nadatnan namin doon—at may mga mabibigat na akusasyon si Mr. Chavez laban sa fiancé mo." "Mga sir, tulad ng sinabi ko kanina, gawa-gawa lang ni Chavez ang lahat!" natatarantang singit ni Marco, pinagpapawisan na ang noo sa kabila ng malamig na aircon. Pinilit niyang umakbay sa akin ngunit mabilis akong humakbang pakaliwa palapit kay Mr. Salazar, dahilan para muli siyang mapahiya. "Babe, sabihin mo sa kanila! Nagkakamali lang sila ng akala! Biktima lang din ako ng paninira ng mga kalaban natin sa negosyo!" Tiningnan ko si Marco nang matagal. Sa nakaraan kong buhay, sa sandaling nagmakaawa siya nang ganito, agad ko siyang ipagtatanggol sa buong board kahit ako pa ang magmukhang tanga. "Huwag kayong mag-alala, Mr. Salazar," kalmado kong sabi, sabay ngiti nang ubod ng tamis na ikinaginhawa nang bahagya ng dibdib ni Marco. "Hindi ako ang tipong humusga nang walang matibay na ebidensya. Lahat ng tanong ninyo tungkol sa nangyari ngayong gabi... at tungkol sa kinabukasan ng Valderama Corp, sasagutin ko sa entablado mamaya." Nakahinga nang maluwag si Marco. Sa sobrang yabang niya, inakala niya talagang kakampihan ko pa rin siya para iligtas ang pangalan ng kumpanya ko. "Tama si Celeste!" masiglang sagot ni Marco, muling nabuhayan ng loob. Bahagya siyang lumapit sa akin nang medyo lumayo ang mga board members para bumalik sa VIP table nila. "Thank you, sweetheart. I knew I could count on you. Alam kong nagalit ka sa kalokohan ni Chloe sa taas, pero huwag mo na siyang intindihin—ipinaasikaso ko na siya para hindi na makagulo. Umakyat na tayo sa stage ngayon din, ituloy natin ang engagement speech, at pirmahan na natin ang Share Transfer Agreement para tuluyan nang mamatay ang tsismis na 'to, okay?" Hinawakan niya nang mahigpit ang siko ko, bahagyang ibinabaon ang mga daliri niya para pilitin akong sumunod patungo sa hagdan ng entablado. Tiningnan ko ang kamay niya sa braso ko, pagkatapos ay ang sakim na kislap sa mga mata niya. Hanggang sa huling sandali, ang kumpanya ko pa rin ang nasa isip niya. "Of course, Marco," mahina kong bulong, isang malamig na ngisi ang sumilay sa labi ko habang sinasabayan ko siya sa paglakad patungo sa entablado. "Kailangan na nating tapusin ang palabas na sinimulan mo." Ngunit nakatatlong hakbang pa lang kami palapit sa hagdan nang biglang magkagulo sa may side entrance ng Grand Ballroom. Blag! Malakas na bumukas ang p***o sa gilid. Bago pa siya mapigilan ng dalawang security guards, isang babaeng nakabalot sa maluwag na itim na coat, gusot-gusot ang buhok, at puno ng luha ang mukha ang patakbong sumugod papasok sa gitna ng bulwagan! "Marco!! Celeste!!" Nagulantang ang lahat ng bisita at agad na humarap ang mga kamera sa direksyon niya. Si Chloe. Imbes na magtago sa kahihiyan, buong-drama siyang nagpadapa at lumuhod sa mismong paanan ni Marco sa gitna ng karpet, humahagulgol nang malakas na parang siya ang pinakakawawang nilalang sa mundo. "Marco, tulungan mo ako! Huwag kang maniwala sa babaeng 'yan!" nanginginig na sigaw ni Chloe habang ituturo ang daliri niya nang diretso sa mukha ko sa harap ng buong alta-sosyedad. "Sinira niya ang buhay ko! Nilagyan niya ng droga ang inumin ko at ipinatapon niya ako sa kama ni Mr. Chavez dahil nagseselos siya sa akin! Celeste, itinuring kitang kapatid, bakit mo nagawa sa akin 'to?!"Malakas ang hampas ng ulan sa makapal at tinted na salamin ng bulletproof Maybach ni Damien habang pumapasok kami sa mataas na bakal na gate ng Valderama Mansion. Kumikidlat sa madilim na kalangitan, tila nakikisabay ang panahon sa nagngangalit na poot sa dibdib ko.Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa ilalim ng malawak na portico, hinubad na ni Damien ang itim niyang suit jacket at marahang ipinatong iyon sa hubad kong balikat. Niyakap ako agad ng pamilyar niyang amoy—cedarwood, whiskey, at ang init ng katawan niya na bahagyang nagpakalma sa nanginginig kong mga kamay."Stay behind me," mababa at maawtoridad niyang bulong bago bumukas ang pinto ng sasakyan.Pagkababa namin, agad na sumalubong si Manang Lourdes mula sa bukana ng mansyon. Namumutla ang matanda at may nakabalot na basang tuwalya sa namumula niyang siko. Sa likuran niya, nanginginig ang tatlong kasambahay habang nakatingin pataas sa grand staircase."Celeste, anak!" halos mapaiyak na salubong ni Manang Lourdes
Hindi pa man tuluyang nakakagalaw ang VIP elevator, dumagundong na ang malalakas na kalabog mula sa labas ng makapal at bakal na pinto."Celeste!! Buksan ninyo 'to! Tito Damien, anong ginagawa ninyo diyan sa loob?! Bitawan niyo ako, mga gago!!"Kahit soundproof ang elevator, rinig na rinig pa rin ang bahagyang kulob ng desperadong sigaw ni Marco habang pinipigilan siya ng mga armadong bodyguards sa pasilyo. Parang isang baliw na hayop na nawalan ng katinuan ang pamangkin ni Damien sa kabilang panig ng pinto.Ngunit wala akong pakialam sa kanya. Dahil sa mga sandaling ito, ni hindi ako makahinga sa tindi ng presensya ng lalaking nakakulong sa akin.Nakasandal nang buo ang hubad kong likod sa malamig na salamin ng elevator, habang ang matigas at mainit na katawan ni Damien ay nakadiin sa harapan ko. Nakatukod ang isang malaking kamay niya sa salamin sa tabi ng ulo ko, at ang kabila naman ay mahigpit na nakahawak sa panga ko—marahan ngunit puno ng nakakakilabot na pag-aangkin.Bago pa um
Sa isang iglap, tila bumagsak ang temperatura sa loob ng buong Grand Ballroom.Lahat ng tatlong daang bisita—mula sa mga pinakamayayamang tycoon sa bansa hanggang sa mga matatapang na reporters na kanina lang ay nakikipag-unahan sa flash ng kamera—ay sabay-sabay na nanigas. Ilang photographer pa ang kusang nagbaba ng kanilang mga lente dahil sa matinding takot.Walang may lakas ng loob na basta-basta kunan ng litrato si Damien Monteverde nang walang pahintulot.Mabagal, mabigat, at walang pakialam sa nakakabinging katahimikan ang bawat hakbang niya sa gitna ng pulang karpet. Sa likuran niya, anim na matitipunong bodyguards na nakasuot ng purong itim ang nakasunod nang may nakakakilabot na disiplina. Ang liwanag ng mga kristal na chandelier ay tumatama sa matalim na panga ni Damien, sa perpektong pagkakasuklay ng itim niyang buhok, at sa kulay-abong mga mata niyang kasing-lamig ng yelo.Sa gitna ng entablado, halos manginig ang mga tuhod ni Marco. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin n
Napasigaw ang ilang bisita sa harap ng entablado nang makita nilang parang ulol na asong sumugod si Chloe patungo sa akin. Nakataas ang parehong kamay niya, nakalabas ang mahahaba at matatalim niyang mga kuko, handang-handang sirain ang mukha ko sa harap ng daan-daang kamera.Masyadong malayo ang mga security guards para maabutan siya. Maging si Mr. Salazar sa VIP table ay napatayo sa gulat.Ngunit hindi man lang ako kumurap.Sa nakaraan kong buhay, marahil ay napaatras na ako sa takot at hinayaan ko siyang saktan ako. Pero pagkatapos kong mamatay nang dilat ang mga mata sa gitna ng apoy, wala na akong kahit anong takot sa isang tulad ni Chloe.Nang isang dipa na lang ang layo ng matatalim niyang kuko sa pisngi ko, kalmado akong humakbang pakaliwa. Bago pa siya lumampas sa akin, mabilis kong sinalo ang kanang pulso niya sa ere at marahas itong pinilipit nang bahagya."Aray!! Bitawan mo ako!" tili ni Chloe habang napapangiwi sa sakit.Hindi ko siya binitawan. Sa halip, hinila ko siya p
Biglang natahimik ang buong Grand Ballroom. Kahit ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at ang maingay na bulungan ng mga bisita kanina ay tuluyang naglaho.Sa gitna ng nakakasilaw na spotlight, hawak ko ang mikropono habang nakatingin sa dagat ng mga taong gutom sa balita. Sa gilid ng entablado, napahinto si Chloe sa pag-alis. Nagpumiglas siya sa hawak ng dalawang usher, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin—hindi pa rin siya makapaniwalang hindi ako bumigay sa drama niya kanina.Samantala, sa tabi ko, halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ni Marco.Akala siguro ng hangal na ito ay natakot ako sa banta niya tungkol sa media at sa stocks ng Valderama Corp. Tumindig siya nang tuwid, inayos ang butones ng suot niyang suit, at bahagyang humakbang palapit sa akin. Narinig ko pa ang mahina at mayabang niyang halakhak habang nagpapacute sa mga kamera ng press."Ano pang regalo ang hinanda mo, sweetheart?" malambing niyang tanong sa mikropono, pilit na ibinabalik ang imahe ni
Sabay-sabay na napasinghap ang halos tatlong daang bisita sa loob ng Grand Ballroom.Mas lalong bumilis at nagmistulang kidlat ang kislap ng mga kamera ng media, lahat nakatutok sa gitna ng pulang karpet kung saan nakaluhod si Chloe sa mismong paanan ni Marco. Para siyang isang basang kuting na itinapon sa ulan, gusot ang buhok, namumugto ang mga mata, at nanginginig ang mga balikat habang nakabalot sa maluwag na itim na coat na kinuha lang niya mula sa kung saang tauhan ng hotel.At ang pinakamatinding detalye sa palabas niya? Ang malaking pamumula sa kaliwang pisngi niya, mula sa sampal ni Marco kanina sa Suite 3004—na ngayon ay pilit niyang inihaharap sa mga kamera para lalong magmukhang kinawawa."Celeste, please..." humahagulgol na iyak ni Chloe habang bahagyang hinihila pababa ang kwelyo ng coat niya, sapat lang para masilayan ng mga photographer ang ilang mapupulang marka sa balikat niya mula sa matandang si Chavez. "Alam kong galit ka sa akin dahil malapit kami ni Marco, pero







