홈 / Romance / Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession / Chapter 4: Ang Eskandalo sa Suite 3004

공유

Chapter 4: Ang Eskandalo sa Suite 3004

작가: Pieces97
last update 게시일: 2026-11-20 02:02:54

"Wait for it," bulong ni Damien sa gilid ng tenga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa balat ko habang marahan niyang inilapat ang malaki niyang palad sa ibabaw ng kamay kong may hawak sa tablet.

Pinindot niya ang isang maliit na icon sa sulok ng screen. Sa isang iglap, nagpalit ang anggulo ng video, mula sa labas ng pasilyo, lumipat ito sa malinaw na kuha sa loob mismo ng Suite 3004, kumpleto sa napakalinaw na audio.

"Naglagay din ng bug si Lucas sa loob?" tanong ko, bahagyang napalingon sa kanya.

"I told you, baby," nakangising bulong ni Damien habang humahalik nang marahan sa hubad kong balikat. "I never do things halfway. Watch the show."

Ibinalik ko ang tingin ko sa screen, sakto sa pagbalibag ng p***o ng Suite 3004.

"Celeste! Paano mo nagawa sa akin 'to?!" malakas at punong-puno ng pekeng hinagpis ang sigaw ni Marco pagkapasok niya. "Bakit mo ako pinagtaksilan sa mismong gabi ng engagement"

Sabay-sabay na sumabog ang nakakabulag na liwanag ng mahigit sampung kamera mula sa likuran ni Marco. Mabilis na nag-unahan ang mga reporters at photographers papasok sa kwarto, habang sa likuran nila ay sumisilip ang limang matatandang board members ng Valderama Corp na nagtataasan na ang mga kilay.

Ngunit biglang naputol ang drama ni Marco.

Nanigas siya sa gitna ng kwarto. Bumagsak ang panga niya at tila naubusan ng dugo ang buong mukha niya habang nakatitig sa magulong kama.

Sa ilalim ng liwanag ng mga kamera, tumambad ang mataba, pawisan, at halos hubad na katawan ng sisenta-anyos na si Mr. Chavez, at ang babaeng nakakubabaw sa kanya, walang kahit isang saplot sa katawan, magulo ang buhok, at punong-puno ng mamula-mulang marka ng halik sa dibdib at hita, ay hindi ako.

Si Chloe.

At sa hubad niyang leeg, walang-hiyang kumikinang sa bawat flash ng kamera ang dyamanteng kwintas ng yumao kong ina.

"Aaah!! Patayin ninyo ang mga ilaw! Huwag ninyo akong kuhanan!" nakakabinging tili ni Chloe habang nagkukumahog na hinihila ang kumot para takpan ang katawan niya. Dahil sa dobleng dosis ng drogang ibinigay sa kanya ni Lucas, namumungay pa ang mga mata niya, namumula ang buong balat, at tila hindi pa lubusang nagsi-sink in sa utak niya ang nangyayari.

"What the hell is going on here?! Sino ang nagpapasok ng media rito?!" galit na galit na sigaw ni Mr. Chavez habang natatarantang nagtatakip ng unan sa kanyang balakang. Nang makilala niya si Marco na nakatulala sa harap ng kama, biglang uminit ang ulo ng matanda. "Monteverde! Ano 'tong kalokohan na 'to?! Akala ko ba si Celeste Valderama ang ibibigay mo sa akin ngayong gabi kapalit ng boto ko sa board?! Bakit itong alalay niya ang nasa kama ko, at bakit may dala kang press?!"

Napasinghap nang sabay-sabay ang lahat ng board members na nakarinig. Mas lalong lumakas ang kislap ng mga kamera at ang pagkagulo ng mga reporters na naka-livestream sa mga cellphone nila.

"Narinig niyo ba 'yon?! Ipinagpalit daw ni Marco Monteverde ang fiancée niya para sa boto sa board?!"

"Oh my God, live ito sa page natin! Trending na agad!"

"Si Chloe Delos Santos 'yan, 'di ba? Ang best friend ni Miss Valderama!"

"Shut up! Tumahimik kayo!" halos mabaliw na sigaw ni Marco habang namumula ang leeg sa matinding takot at kahihiyan. Mabilis siyang lumingon sa mga reporters at tinabig ang kamera ng pinakamalapit sa kanya. "Security! Palabasin ninyo silang lahat! Kumpiskahin ang mga cellphone at memory card nila ngayon din!"

"Mr. Monteverde, hindi ninyo pwedeng kumpiskahin ito, naka-live broadcast na po kami!" sigaw ng isang journalist habang mabilis na umaatras palabas ng kwarto kasama ang ibang press.

Nang makita ni Chloe si Marco na nagwawala, humagulgol siya nang malakas habang gumagapang pababa ng kama, nakabalot lang sa puting bedsheet. "Marco! Babe, tulungan mo ako! Hindi ko alam ang nangyari! May nag-text sa akin na pumasok na raw si Celeste rito, kaya bumalik ako para tingnan, tapos bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko at.."

Pak!

Bago pa matapos ni Chloe ang sasabihin niya sa harap ng mga natitirang board members, malakas siyang sinampal ni Marco sa mukha. Tumilapon si Chloe sa carpeted na sahig habang umaagos ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Manahimik ka, malandi ka!" gigil na sigaw ni Marco, pilit na bumubuo ng kasinungalingan habang nanginginig na humaharap kina Mr. Salazar at sa iba pang board members. "Mga sir, mali ang iniisip ninyo! Nagsisinungaling lang si Chavez dahil nahuli siya sa akto! May nag-text sa akin mula sa number ni Chloe na nagkakagulo raw dito kaya inakala kong nasa panganib si Celeste! Hindi ko alam na... na may relasyon pala sina Chloe at Mr. Chavez!"

"Gago ka, Monteverde! Huwag mo akong ilaglag!" bulyaw ni Chavez habang nagmamadaling isinusuot ang pantalon niya.

"Tama na!" galit na putol ni Mr. Salazar, ang pinakamatandang miyembro ng board, sabay tingin nang may matinding pandidiri kay Marco. "May kailangan kang ipaliwanag sa buong board at kay Miss Valderama, Marco. Nasaan ba si Celeste?! Bakit wala pa siya sa ballroom hanggang ngayon?!"

Doon lang tila natauhan si Marco. Nanginig ang mga kamay niya habang mabilis na dinudukot ang cellphone niya.

Kung si Chloe ang nandito... nasaan si Celeste?!

Pinindot ko ang pause button sa tablet at ibinaba iyon sa kama. Isang mababa, malamig, at punong-puno ng kasiyahang tawa ang kumawala sa dibdib ko.

Sa nakaraan kong buhay, ako ang nakaluhod sa sahig na iyon, nanginginig, duguan ang hita, at nagmamakaawa habang winawasak ng mga kamera ang buong pagkatao ko. Ngayon, saktong-sakto ang balik ng karma. At simula pa lang ito.

"Satisfied?"

Naramdaman ko ang bigat ng katawan ni Damien nang marahan niyang hilahin ang likod ko pasandal sa matigas niyang dibdib. Niyakap niya ako mula sa likuran, ang isang malaki niyang kamay ay dahan-dahang gumapang sa ilalim ng itim na silk sheet, marahang humahaplos sa makinis kong tiyan pataas sa hubad kong dibdib.

"Hindi pa," bulong ko habang napapapikit nang bahagya sa kiliti ng mainit niyang labi na dahan-dahang humahalik sa gilid ng leeg ko. "Nabasag lang ang pakpak nila. Hindi pa sila nagmamakaawa sa harap ko."

"God, I love how ruthless you are," paos na ungol ni Damien. Marahan niyang pinisil ang dibdib ko, dahilan para mapasinghap ako at mapakapit sa braso niyang nakapulupot sa akin. Bumaon ang matigas niyang pagkalalaki sa balakang ko kahit may manipis na telang nakapagitan sa amin. "Bakit hindi na lang natin hayaang magpatayan ang mga basura sa baba? Stay here with me all night, Celeste. I'll give you something much better to scream about."

Napakagat ako sa labi ko nang dumampi ang mainit niyang dila sa pulso sa leeg ko. Aminado akong isang galaw pa niya ay baka makalimutan ko na ang lahat ng plano ko at muling magpaangkin sa kanya sa kamang ito. Nakakaadik ang lalaking 'to, mas nakakaadik pa sa anumang droga.

Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay niyang naglalakbay na pababa sa pagitan ng mga hita ko at humarap nang bahagya sa kanya nang may mapang-akit ngunit matalim na ngisi.

"Later, Mr. Monteverde," bulong ko, sabay dampi ng maikling halik sa nakaigting niyang panga. "May engagement party pa akong kailangang sirain. At gusto kong makita nang malapitan ang itsura ng pamangkin mo kapag pumasok ako sa ballroom."

Isang mabangis at aliw na aliw na ngisi ang sumilay sa labi ni Damien. "You're playing with fire, my queen. Make sure you can handle the heat when we get home tonight."

Binitawan niya ako at tumayo mula sa kama. Wala pa rin siyang pakialam na lumakad nang bahagyang nakabukas ang itim niyang silk robe, ipinapakita ang batak niyang dibdib at abs, patungo sa walk-in closet. Pagbalik niya, may bitbit siyang isang malaking itim na garment bag mula sa isang eksklusibong couture house sa Paris at isang pulang kahon ng sapatos.

Inilatag niya iyon sa kama at dahan-dahang binuksan ang zipper.

Natigilan ako.

Sa loob niyon ay isang nakamamanghang crimson red off-shoulder couture gown. Gawa ito sa pinong seda at velvet na tila bumubuhos na apoy, may malalim na hiwa sa kanang hita, at pinalamutian ng maliliit na kumikinang na rubies sa baywang. Sa tabi nito ay isang pares ng itim at gintong stiletto heels, at isang manipis na pulang silk choker na saktong-sakto para itago ang mga markang iniwan ni Damien sa leeg ko.

"Paano ka nakakuha nito nang ganito kabilis?" gulat kong tanong habang hinahaplos ang mamahaling tela. "At paano mo nalaman ang eksaktong sukat ko?"

Lumapit si Damien at hinawakan ang baba ko, itinataas ang mukha ko para salubungin ang madilim at mapang-angkin niyang mga mata.

"White and silver are for lambs and martyrs, Celeste," mababa niyang sagot. "Tonight, you wear blood and fire. At tungkol sa sukat mo... matagal ko nang kabisado ang bawat kurba ng katawan mo, kahit bago pa kita nahawakan."

Uminit ang buong dibdib ko sa tindi ng obsesyon sa boses niya. Hindi na ako nagtanong pa. Tumayo ako, mabilis na nag-ayos sa banyo, at isinuot ang gown.

Nang lumabas ako, tila huminto ang oras sa kwarto. Tapos na ring magbihis si Damien ng kanyang pulido at itim na three-piece bespoke suit. Nang makita niya akong naglalakad palapit, dumilim nang husto ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa likuran ko, marahang hinawi ang mahaba at alon-alon kong buhok patungo sa isang balikat, at dahan-dahang itinaas ang zipper ng gown ko.

Bawat dampi ng mainit niyang daliri sa hubad kong likod ay nagpapadala ng kuryente sa buong sistema ko. Nang maisara niya iyon, yumuko siya at hinalikan ang batok ko, bago niya iniabot sa akin ang isang maliit na silver flash drive at ang telepono ko.

"Nasa cellphone mo na ang kopya ng bar CCTV footage kung saan kitang-kita si Chloe na naglalagay ng droga sa baso mo," bulong niya sa tenga ko. "At nasa flash drive na ito ang lahat ng bank transfer records ni Marco at ang kopya ng mga ninakaw niyang pondo mula sa Valderama Corp. Everything you need to bury them alive."

Kinuha ko ang flash drive at isinilid iyon sa hawak kong clutch bag. Sakto namang biglang umilaw at sunod-sunod na nag-vibrate ang telepono ko.

17 Missed Calls from Marco.

New Message from Marco: Celeste!! Nasaan ka ba?! Pumunta ka na sa ballroom ngayon din! Nagkakagulo na ang media at board! We need to fix this mess!

Isang matalim na ngiti ang gumuhit sa pulang-pula kong labi.

Humarap ako kay Damien at marahang inayos ang itim niyang kurbata. "Huwag ka munang sasabay sa akin sa baba. Gusto kong iparamdam kay Marco na wala akong kakampi... bago ko siya ihulog sa bangin."

Ngumisi si Damien at hinuli ang kamay ko para halikan ang likod ng palad ko. "Take your time, my queen. I'll be watching from the shadows, and the moment you give the signal, I'll burn the whole fucking room down for you."

Limang minuto ang lumipas, bumukas ang p***o ng pribadong elevator sa ground floor.

Habang naglalakad ako patungo sa dambuhalang gintong p***o ng Grand Ballroom, dinig na dinig ko na mula sa loob ang maingay na bulungan ng mahigit tatlong daang bisita, ang tarantang boses ng host na pilit pinapakalma ang mga tao, at ang nagmamadaling sigaw ni Marco sa mikropono habang sinusubukang pagtakpan ang eskandalong kumakalat na sa social media.

"Ladies and gentlemen, please calm down! Walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis! Parating na ang fiancée ko, si Miss Celeste Valderama, para patunayan na maayos ang lahat at itutuloy namin ang engagement ngayong gabi!"

Huminto ako sa tapat ng malaking p***o. Huminga ako nang malalim, itinaas ang baba ko, at sinenyasan ang dalawang nakabantay na usher na bahagyang natulala sa itsura ko.

"Buksan ninyo ang p***o," malamig kong utos.

Dahan-dahang bumukas ang dambuhalang p***o ng Grand Ballroom.

At sa isang iglap, sabay-sabay na tumigil ang musika, ang bulungan, at ang paghinga ng lahat ng tao sa loob nang tumapak ako sa pulang karpet habang sa gitna ng entablado, biglang nabitiwan ni Marco ang hawak niyang mikropono nang makita ako.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 11: Sa Gitna ng Ulan at Putikan

    Malakas ang hampas ng ulan sa makapal at tinted na salamin ng bulletproof Maybach ni Damien habang pumapasok kami sa mataas na bakal na gate ng Valderama Mansion. Kumikidlat sa madilim na kalangitan, tila nakikisabay ang panahon sa nagngangalit na poot sa dibdib ko.Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa ilalim ng malawak na portico, hinubad na ni Damien ang itim niyang suit jacket at marahang ipinatong iyon sa hubad kong balikat. Niyakap ako agad ng pamilyar niyang amoy—cedarwood, whiskey, at ang init ng katawan niya na bahagyang nagpakalma sa nanginginig kong mga kamay."Stay behind me," mababa at maawtoridad niyang bulong bago bumukas ang pinto ng sasakyan.Pagkababa namin, agad na sumalubong si Manang Lourdes mula sa bukana ng mansyon. Namumutla ang matanda at may nakabalot na basang tuwalya sa namumula niyang siko. Sa likuran niya, nanginginig ang tatlong kasambahay habang nakatingin pataas sa grand staircase."Celeste, anak!" halos mapaiyak na salubong ni Manang Lourdes

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 10: Sa Likod ng Pintong Bakal

    Hindi pa man tuluyang nakakagalaw ang VIP elevator, dumagundong na ang malalakas na kalabog mula sa labas ng makapal at bakal na pinto."Celeste!! Buksan ninyo 'to! Tito Damien, anong ginagawa ninyo diyan sa loob?! Bitawan niyo ako, mga gago!!"Kahit soundproof ang elevator, rinig na rinig pa rin ang bahagyang kulob ng desperadong sigaw ni Marco habang pinipigilan siya ng mga armadong bodyguards sa pasilyo. Parang isang baliw na hayop na nawalan ng katinuan ang pamangkin ni Damien sa kabilang panig ng pinto.Ngunit wala akong pakialam sa kanya. Dahil sa mga sandaling ito, ni hindi ako makahinga sa tindi ng presensya ng lalaking nakakulong sa akin.Nakasandal nang buo ang hubad kong likod sa malamig na salamin ng elevator, habang ang matigas at mainit na katawan ni Damien ay nakadiin sa harapan ko. Nakatukod ang isang malaking kamay niya sa salamin sa tabi ng ulo ko, at ang kabila naman ay mahigpit na nakahawak sa panga ko—marahan ngunit puno ng nakakakilabot na pag-aangkin.Bago pa um

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 9: Ang Hatol ng Tunay na Hari

    Sa isang iglap, tila bumagsak ang temperatura sa loob ng buong Grand Ballroom.Lahat ng tatlong daang bisita—mula sa mga pinakamayayamang tycoon sa bansa hanggang sa mga matatapang na reporters na kanina lang ay nakikipag-unahan sa flash ng kamera—ay sabay-sabay na nanigas. Ilang photographer pa ang kusang nagbaba ng kanilang mga lente dahil sa matinding takot.Walang may lakas ng loob na basta-basta kunan ng litrato si Damien Monteverde nang walang pahintulot.Mabagal, mabigat, at walang pakialam sa nakakabinging katahimikan ang bawat hakbang niya sa gitna ng pulang karpet. Sa likuran niya, anim na matitipunong bodyguards na nakasuot ng purong itim ang nakasunod nang may nakakakilabot na disiplina. Ang liwanag ng mga kristal na chandelier ay tumatama sa matalim na panga ni Damien, sa perpektong pagkakasuklay ng itim niyang buhok, at sa kulay-abong mga mata niyang kasing-lamig ng yelo.Sa gitna ng entablado, halos manginig ang mga tuhod ni Marco. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin n

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 8: Ang Kwintas at Ang Banta ng Basura

    Napasigaw ang ilang bisita sa harap ng entablado nang makita nilang parang ulol na asong sumugod si Chloe patungo sa akin. Nakataas ang parehong kamay niya, nakalabas ang mahahaba at matatalim niyang mga kuko, handang-handang sirain ang mukha ko sa harap ng daan-daang kamera.Masyadong malayo ang mga security guards para maabutan siya. Maging si Mr. Salazar sa VIP table ay napatayo sa gulat.Ngunit hindi man lang ako kumurap.Sa nakaraan kong buhay, marahil ay napaatras na ako sa takot at hinayaan ko siyang saktan ako. Pero pagkatapos kong mamatay nang dilat ang mga mata sa gitna ng apoy, wala na akong kahit anong takot sa isang tulad ni Chloe.Nang isang dipa na lang ang layo ng matatalim niyang kuko sa pisngi ko, kalmado akong humakbang pakaliwa. Bago pa siya lumampas sa akin, mabilis kong sinalo ang kanang pulso niya sa ere at marahas itong pinilipit nang bahagya."Aray!! Bitawan mo ako!" tili ni Chloe habang napapangiwi sa sakit.Hindi ko siya binitawan. Sa halip, hinila ko siya p

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 7: Ang Punit na Kasinungalingan

    Biglang natahimik ang buong Grand Ballroom. Kahit ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at ang maingay na bulungan ng mga bisita kanina ay tuluyang naglaho.Sa gitna ng nakakasilaw na spotlight, hawak ko ang mikropono habang nakatingin sa dagat ng mga taong gutom sa balita. Sa gilid ng entablado, napahinto si Chloe sa pag-alis. Nagpumiglas siya sa hawak ng dalawang usher, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin—hindi pa rin siya makapaniwalang hindi ako bumigay sa drama niya kanina.Samantala, sa tabi ko, halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ni Marco.Akala siguro ng hangal na ito ay natakot ako sa banta niya tungkol sa media at sa stocks ng Valderama Corp. Tumindig siya nang tuwid, inayos ang butones ng suot niyang suit, at bahagyang humakbang palapit sa akin. Narinig ko pa ang mahina at mayabang niyang halakhak habang nagpapacute sa mga kamera ng press."Ano pang regalo ang hinanda mo, sweetheart?" malambing niyang tanong sa mikropono, pilit na ibinabalik ang imahe ni

  • Her Sweetest Revenge , His Deepest Obsession    Chapter 6: Ang Maskara ng Biktima

    Sabay-sabay na napasinghap ang halos tatlong daang bisita sa loob ng Grand Ballroom.Mas lalong bumilis at nagmistulang kidlat ang kislap ng mga kamera ng media, lahat nakatutok sa gitna ng pulang karpet kung saan nakaluhod si Chloe sa mismong paanan ni Marco. Para siyang isang basang kuting na itinapon sa ulan, gusot ang buhok, namumugto ang mga mata, at nanginginig ang mga balikat habang nakabalot sa maluwag na itim na coat na kinuha lang niya mula sa kung saang tauhan ng hotel.At ang pinakamatinding detalye sa palabas niya? Ang malaking pamumula sa kaliwang pisngi niya, mula sa sampal ni Marco kanina sa Suite 3004—na ngayon ay pilit niyang inihaharap sa mga kamera para lalong magmukhang kinawawa."Celeste, please..." humahagulgol na iyak ni Chloe habang bahagyang hinihila pababa ang kwelyo ng coat niya, sapat lang para masilayan ng mga photographer ang ilang mapupulang marka sa balikat niya mula sa matandang si Chavez. "Alam kong galit ka sa akin dahil malapit kami ni Marco, pero

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status