Share

Kabanata 3

Author: Rocel
last update publish date: 2026-03-08 14:13:22

Cindy POV

Hays! Ka boring pala dito sa office wala man lang ka chikahan. Ilang minuto na lang matatapos na ko.

"Hi!" Bati sakin ng isa sa kasamahan ko. Finally meron din.

"Paki print naman to oh." Psh! Kaya naman pala. Pero at least may nagawa din ako. Hindi ko alam kung anong pinasok ko dito. Five thousand a day daw sweldo ko pero ang tumunganga lang ganern!

" Sure akin na." Kinuha ko ang hawak niya at ginawa ko ang pakisuyo niya. Nang natapos ako nagpunta muna ako sa C.R. kaso paglabas ko.

"Ouch naman po Kuya. " sabi ko nung nabangga ako nitong janitor.

"Sorry Ms." Nang tumingin siya sakin napaatras ako nang nakaturo sa kaniya.

"Oh! Naka buka na naman yang bunganga mo pagnakikita ako. Gusto mo siguro talaga akong kainin noh." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko makayanan ang yabang niya.

"Kapal! Hoy stalker ba kita?!" Naiinis kong sabi.

"Ako stalker mo?! For your information Ms. Salcedo, nag tatrabaho ako dito at mas nauna ko sayo. Wag ka ngang feeling." Sabi niya sakin, medyo napahiya ako ng konti.

"O-okay sige sorry naman! Tao lang nagkakamali din."Sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Sinundan ko naman ang tingin niya. At pinaikot pa ko nang siraulo. "Problema mo?!"

"Tao ka pala?! Hindi ako na updated." Nagpamewang ako sa sinabi niya.

"Hay naku! Wala akong panahon sayo may mga ipi print pa ko." Sabi ko aalis na ko ng hinawakan niya ko sa braso.

"Teka nga? What did you say? Nagpi print ka?" Tanong niya sakin na naka kunot ang noo.

"Oh?! Eh bakit? Alangan namang ayan ang gawin ko mag mop at saka mag walis! Sa beauty kong to?!" Nakakainis to.

"Sino nag pa print sayo ng mga yan?" Tanong niya sakin.

"Sa marketing. Yung head." Sabi ko tumango tango siya. At umalis sa harap ko problema nun?

Natapos na kong mag print medyo madami din yun ah.

Kumatok ako sa pintuan na salamin ng marketing department.

"Eto na po yung mga na print." Malungkot niyang kinuha yun sakin.

" Pwede pong mag tanong? Kung hindi niyo po mamasamain ah. Bakit po kayo parang na matayan?" Bigla na lang siyang humagulgol.

"Last day ko na kasi ngayon eh. " Napakagat ako ng daliri.

"Bakit daw po?" Kumibit balikat lang siya. Lakas nang saltik ata nang may-ari nitong kumpaniya.

Buti na lang maaga akong uuwi ngayon tapos nakabale agad ako. Kahit hindi naman ako humingi ng bale, astig dito ah. May huminto na sasakyan sa harapan ko. Kilala ko kung kanino to.

"Halika na!" Umirap lang ako, peste talaga to ng araw ko. " Pinapasundo ka ni Janine sakin." Binuksan ko agad yung pinto ng kotse at pumasok sa likod ng sasakyan.

"Bakit diyan ka uupo?!" Sabi niya sakin.

"Eh saan ba ako dapat uupo? " Nakakaasar talaga to, ang ganda ganda ng mood ko tapos iinisin lang.

"Malamang dito sa harapan. Ano ko driver mo?" Napahinga ako ng malalim.

"Eh diba driver ka naman talaga? Ano naman kung umupo ako sa likod! Lakas tama ka!" Umalis siya sa harap at pumasok sa likod. " Oh bakit nandito ka? Sino mag da drive?"

"Eh di wala." Tipid niyang sabi.

"Hay! Naku mababaliw talaga ko sayong Nilo ka! Sige na uupo na ko sa harapan bwisit ka talaga!" Lumabas na ko sa kotse at pumunta sa harapan.

" Oh? Ano na?! Nandito na ko, ano pang inuupo mo diyang halimaw ka?!" Bumalik na siya sa harapan.

"Hmm. Uupo din pala pakipot pa." At nagsimula na siyang mag drive.

"Ano naman kaya ang ginawa ng h*******k mong kaibigan?! Naku nakaka bwisit na talaga kayo!" Nanggigil kong sabi.

"Oh?! Bakit nasali ako diyan?" Sabi niya habang nag da drive.

"Eh! diba isa ka din sa mga nagpapahirap sa kaniya? Grabe kayo ang sasama niyo." Pumalatak siya.

"Sino kaya satin ang masama? Diba kayo! Pinainom niyo yung tao ng ecstasy para lang sa sarili niyong kaligayahan." Sabi niya na medyo may inis.

"Nagawa lang naman niya yun dahil mahal niya si Luc. Hindi niya pa ba napagbabayaran yun huh?! Halos nahihirapan na yung best friend ko sa kaniya." Pagtatanggol ko siyempre sa bff ko.

"Bakit si Luc hindi ba siya nahihirapan? Mahal niya si Jewel pero sino kasama niya si Janine? Ganon ba yung pagmamahal na tawag mo?!" Sigaw niyang sabi sakin

"Uy! Kung makapag react ka naman! As if naman ba nagmahal ka na eh! Kaliwa't kanan nga babae mo! Kaya wag kang mag judge dahil wala kang alam sa ganon! Dahil alam mo lang gumawa ng kamunduhan sa buhay! Manloko ng mga babae!" Nakakabanas to! Kung umasta akala mo!

"Me? Bakit kasalanan ko bang pinanganak akong walang kapintasan sa katawan! Na may ma ala Adonis na katawan at itsura?"

" Yung mga babaeng sinasabi mo. Sila ang may gustong matikman ako! Anong magagawa ko kung akit na akit kayong mga babae sakin. Syempre ang gagawin ko lang ipamigay ang blessings na binigay sakin ng Dyos hindi kasi ako madamot!" Pagmamayabang niya.

"Kung maka kayo ka! Hoy! Hindi ako kasali sa mga nagpapantasya sayo noh! Kapal nito! Minsan nga ipapacheck up ko yang mga babae na yan eh."

" Kung malalabo ang mga mata o may katarata na kasi nabibighani sayo! Eh wala namang kabigha bighani sayo, Eww!" Kunyaring naduduwal ako.

"Sinasabi mo lang yan kasi nahihiya ka. Sabihan mo lang ako kung di mo na kaya huh?!" Sabi niyang nakangisi.

"Ewan ko sayo." Sabi ko na lang sa kaniya.

Bago kami pumunta sa bahay nila Best. Dumaan muna kami sa restaurant dahil gusto kong pasalubungan siya ng pagkain.

"Oh! Cinderella Salcedo?!" Napalingon ako sa nagsalita. Classmate namin ni Janine nung college.

"Hi! Liza." Bati ko sa kaniya nang nakangiti. Pero nawala ng may dumating si Bettina.

"Hello! Cinderella kamusta ka na? " Sabi ni Liza sasagot na sana ko.

"Syempre ayun bagsak pa din ang buhay, right?" Napayuko ako sa sinabi ni Bettina nakita kong sinuway siya ni Liza.

"Why totoo naman ah! Kaya nga si Chris kanino napunta, diba sakin?"

"Ahh okay lang ako ngayon at saka ayoko naman na kay Chris na ex ko. Thank you sa pagsalo ah! Nang basura ko." Nakangisi kong sabi sa kaniya.

"At least may boyfriend ako noh. Mayaman at gwapo. Engaged na nga kami eh."

Pagmamayabang niya sakin at itinaas ang engagement ring niya.

"Sweet heart!" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Napaka babaero talaga nito! At si Liza siguro ang tinatawag niya. Nabigla ako ng niyakap niya ko.

" Bumili lang ako ng food. Na miss na kita agad. " Hala nababaliw na tong lalaki na to.

" Sumakay ka na lang kung ayaw mong mapahiya." Bulong niya sakin. Na gets ko na, napatingin ako sa dalawa at nakita kong napikon na mukha pang naiingit.

"Sweetheart ko na miss din kita agad." Niyakap ko din siya kahit ayoko. Pero ngayon lang ako natuwa sa mokong na to ah.

"Walang forever!" Sabi ni Bettina. Bitter lang ang peg.

"I don't think so. Merong may forever at kami yun. Kasal na nga kami." Napanganga ako sa sinabi ni Nilo.

"Where is your wedding ring?" Hindi makapaniwala si Bettina. Si Liza naman ay nakatingin lang samin na parang namasa ang mga mata. Bakit kaya? Tingnan mo tong Nilo na to! Sana mag syota na lang kami ang sinabi niya. Hindi yung asawa papano yan

"Ah k-kasi?! " Naputol ang sasabihin ko nang dumukot si Nilo sa bulsa.

"Sweetheart pinalinis ko na yung wedding ring natin para mukha laging bago. Parang relationship natin parang laging bago ang pagmamahalan." At sinuot niya sakin yung dalawang ring at yung isa sa kaniya.

" Ayan bagay talaga sayo yang engagement ring mo at wedding ring natin,perfect!" Nakangiting sabi niya tiningnan ko ang daliri ko. Napakaganda nga kamay ko.

"By the way ladies. I'm Niel Monteverde." Baliw to ginaya pa yung imagination kong boyfriend.

"K-kelan pa?"Tanong ni Liza

"Last year. Actually anniversary namin ngayon." Nakatitig si Nilo kay Liza. Tumango tango ito.

"Oh! Liza magkasabay pala ang anniversary ng-"

Napatigil si Bettina sa ginawa ni Liza.

"Kiss her." Sabi ni Liza kay Nilo at naalerto ako.

Hindi ppwedeng first kiss ko tong h*******k na to.

"I said kiss her in front of us!" Ngumisi si Nilo

"Ahm." Natataranta kong sabi pero bigla akong hinalikan ni Nilo.

Gusto kong umanga pero ang sarap at lambot ng labi pala niya.

"I love you." Sabi niya na nakaharap kay Liza.

"Sweet heart." Sabi niya sakin. Lumingon siya kay Liza.

"Happy?" Tumango tango si Liza at ngumisi.

"Dalhin mo naman siya sa bahay." Sabi ni Liza.

"Next time."

Sabay hatak niya sakin na may seryosong mukha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hidden Desire    Final

    Hidden Desire Final Author’s POV Nakarating na sila sa mansion, at napaka-tahimik ng buong bahay. Agad na pumunta si Cindy sa kanyang kwarto para maligo. Sinabi ni Niel na hihintayin siya nito sa rooftop, dahil andun ang kanilang mga anak. Paglabas niya ng banyo, bigla siyang napatingin sa harap niya sina Janine at Lalaine, na parehong naka-princess gown. Si Lalaine ay nakasuot bilang Rapunzel, habang si Janine naman ay naka-Snow White. " T-teka? Nakidnapped ba ulit ako… at pati kayo nadamay?!" Kinakabahan niyang tanong, pero sabay na tumawa ang dalawa. " May party sa taas para sa asawa mong kumag!" biro ng kanyang bestfriend, at sabay silang natawa ni Lai. Matapos siyang maayusan, ngayon ay si Cinderella na naman siya — pero mas maayos at malinis kaysa dati. " Malinis na Cinderella na ako ngayon, ah!" natawa siyang tatlo. Nang makatawid na sila sa taas, napansin niyang masyadong madilim ang paligid. Biglang naramdaman niyang umalis na ang dalawa niyang kasama, kaya medyo ki

  • Hidden Desire    Chapter 88

    Hidden Desire Author's POV Kamusta ka naman? I thought tonight your husband's arrive." Tumango lang siya sa tanong ni John sa kaniya. Nandito sila ngayon sa isang bar at umiinom. " Yeah. Katawan niyang wala ng buhay. Gago nga eh! Sumama sa lukaret!" Kumunot ang noo sa kaniya ng kausap. " Tawagan mo pinsan mo para malaman mo." Tumayo ito saka may tinawagan. Maya maya ay bumalik na si John sa upuan nito. " Hala! Ang sweet, bumabalik sana all!" Pagbibiro niya dito kahit hindi maganda ang lagay ng puso niya. Natutuwa siya music na naririnig dahil puro love song. Inom lang siya ng inom habang sumasabay sa indayog ng kanta. Ang kasama naman niya ay panay lang tawa sa kaniya. " Mapanakit!" Umistop ang music at ang mga tao ay tumingin na sa maliit na stage doon. " Mukhang may kakanta ah." Nakita niyang lumabas ang mga Tab. Naisip niyang baka may raket ang mga ito dito. Naningkit siya dahil naiisip niyang napaka oa naman nitong mga kumita. Nag umpisa na ang music. Maganda sa kaniy

  • Hidden Desire    Chapter 87

    Hidden Desire Author's POV Nasa rooftop si Cindy ngayon katabi ang mga anak. habang hinihintay ang labi ng kaniyang asawa na makakapiling na nilang mag iina. " Gago talaga yang kaibigan niyo." Nakapikit niyang bulong sa mga kaibigan nito, na naghihintay din. Lahat sila ay mugto ang mga mata dahil sa walang patid na mga luha. Nagtataka sila kay Cindy na hindi man lang nakikitaan lungkot. " Pagod na kong umiyak ng umiyak ng dahil sa kaniya." Tipid lang na sagot ni Cinderella. Tumayo si Cindy at lumayo sa kaniyang mga anak. Dinama niya ang hangin na dumadampi sa kaniyang mga mukha saka tumingin sa langit, pinagmasdan ang mga makikinang na bituin sa langit. " Nandyan ka ba, na nakatanaw samin? Hmp! Eto sayo!" Saka siya nag dirty finger sa ere! " Galit ako sayo! Hindi na kita mapapatawad kahit kailan! Bwisit kang bakulaw ka!" Sigaw niya habang nakatingin sa kalangitan. Pero walang makikitang bahid ng luha sa kaniyang mga mata dahil sobrang manhid na siya sa lahat. Narinig ni

  • Hidden Desire    Chapter 86

    Hidde DesireCindy POVLumabas ako ng kwarto at pumunta sa study room. Nakahanda na ang laptop. Mag-s-Skype kami ni Vanessa. Pagkatapos ng ilang ring. Lumabas ang mukha niya sa screen. “Cindy…” “Kamusta siya?” agad kong tanong. Sandaling natahimik si Vanessa. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. “Stable ang vital signs. Pero… hindi pa rin siya nagre-respond.” Parang may kumuyom sa puso ko. “Van…” nanginginig ang boses ko, “naririnig kaya niya kami?” “May possibility,” sagot niya. “Minsan tumataas ang heart rate niya kapag binabanggit ang pangalan mo… o ng mga bata.” Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi. “Pwede ko ba siyang makita?” Iniikot ni Vanessa ang camera. Nakita ko si Niel. Tahimik. Maputla. Nakahiga. May mga nakakabit na tubo at makina. “Bakulaw…” bulong ko sa screen. Lumapit ako, hinawakan ang monitor na parang mahahawakan ko siya. “Hindi pa tapos ang laban natin, ha? Sabi mo hindi mo ko susukuan. Hindi rin kita susukuan.” May tumunog na mahinang

  • Hidden Desire    Chapter 85

    Hidden Desire Cindy POV “Kids hurry up! Your Tito Ced is waiting for us!” sigaw ko habang inaayos ang buhok ni Charlotte at ang polo ni Liam. Papunta kami ngayon sa Ilocos para sa reunion naming magkakapatid. Hindi ko maiwasang mapangiti. Matagal din bago ulit naging buo ang pamilya namin. At ngayon? Mas matatag, mas matagumpay. Kilala na naman ang apelyido namin dahil sa apat kong kuya—lagi silang nasa mga business magazine, “Most Eligible Bachelors” pa nga raw. Natatawa na lang ako kapag nakikita ko ang mga cover nila. “Bunso!” Nakadipa si Kuya Caylus habang tumatakbo papunta sa’kin. Parang bumalik kami sa pagkabata. Sobrang tagal niya nawala sa amin, at nang bumalik siya—isa na siyang kilalang engineer. “Kuya Cay!” Yumakap ako nang mahigpit. Ramdam ko pa rin ang lungkot ng mga panahong wala siya… pero mas nangingibabaw ang saya na nandito na ulit siya. “Tito Cay, last time you promised me na gagawan mo po ako ng doll house,” sabi ni Charlotte matapos magmano. Umupo si Kuy

  • Hidden Desire    Chapter 84

    Hidden Desire Author’s POV “Pasensya ka na, Cindy, pero tanging mga member ng mafia lamang ang maaaring makasama doon. Lihim lang din ang pagdala namin sa kanila roon. Wag kang mag-alala, hindi namin siya pababayaan ni Zandro.” Sandaling natahimik ang paligid matapos marinig iyon. Tanging tunog ng paggalaw ng stretcher at mahihinang yabag ng mga tao ang maririnig. Tumango na lamang si Cindy, kahit ramdam niya ang bigat ng bawat salitang iyon. Wala siyang ibang magawa kundi magtiwala—kahit hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat. “Salamat sa inyo,” mahina niyang sabi, halos pabulong. Lumapit siya sa asawang nakahiga sa stretcher. Nanginginig ang kanyang kamay habang marahang hinahaplos ang mukha nito, tila kinikintal sa kanyang isipan ang bawat detalye—baka sakaling ito na ang huling beses na makita niya ito sa ganitong kalagayan. Niyakap niya ito nang mahigpit, na para bang sa yakap na iyon ay maipapasa niya ang lakas na kailangan nito para mabuhay. “Bumalik ka! Kundi m

  • Hidden Desire    Chapter 8

    Hidden Desire Cindy POVPagkatapos nun umupo na lang kami nang tahimik. Malapit nang dumilim. Walang nagsasalita saming dalawa at pinagmamasdan lang, ang pagbaba ng haring araw."First love at first girlfriend ko si Liza. Pero pinagpalit niya ko sa kuya ko, sa hindi ko alam kung ano ang dahilan."

  • Hidden Desire    Chapter 7

    Hidden Desire Chapter 7Nilo POVTakte! Problema niya?! Maghapon ba naman akong hindi pinapansin ng babae na to.Nandito kami sa kwarto ko nakatingin sa kaniya at siya busy sa pagbabasa ng kung ano ano. Ang malupit pa dun pagtapos niyang basahin ibabato niya yung libro malapit sakin tapos sisimang

  • Hidden Desire    Chapter 13

    Hidden Desire Chapter 13 Nilo POV "Labas na." Sabi ko sa babaeng tinawagan ko. "Are you out of your mind? Kinansel ko lahat ng mga commitments ko for you! Tapos pagtatabuyan mo lang ako? You’re impossible!" Galit niyang sabi. "Pakelam ko. Bakit ka nagpa-uto?" Wala akong ganang makipag-usap.

  • Hidden Desire    Chapter 9

    Hidden Desire Chapter 9 Cindy POV Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang misteryo kina Nilo. Kinabukasan, bumalik na rin kami ng Manila. Ayaw pa sana ng parents niya, pero nagpumilit si Nilo. Diretso agad kami sa mansion niya. Doon ko lang tuluyang na-realize—siya pala si Niel! J

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status