Share

Chapter 3

Naglakad ang dalawa patungo sa loob ng napaka sosyal na restaurant, ngunit pumasok sa isip ni karrie kung gaano siya ka- swerte sa binatang ito kung hindi niya lang siguro alam ang mga pinag- gagagawa ng matipunong lalaking ito ay tiyak na agad siyang mahuhulog dito. 

Sabay silang naglakad papuntang restaurant hanggang makapasok na ang mga ito, hindi akalain ni karrie na sila lang pala ang customer sa restorant na ito, bumungad sa kaniya ang napaka romantic na dekorasyon ng buong restaurant. Puno ito ng mga pulang lobong nakalutang na may magandang arrangement, kasabay ng mga rosas na nagkalat sa daan patungo sa table nila at mga piling staff na pasadya din ang pulang t- shirt na suot.

Nakapinta sa mukha ng dalaga ang pagka mangha, she didn't expect this special venue. Ang alam niya lang naman kase ay inaya lang siya ng binata para sa isang dinner, hindi sa ganitong napaka romantic na restaurant. 

Lumapit ang dalawang waiter sa kanila at silay inalalayan patungo sa kanilang pinaka special na table. At saka sila pinaupo.

" Here's the menu, ma'am and sir" Ibinigay waiter ang isang malaking cardboard na puno ng food designs, kung saan nakasaad din duon ang mga special dishes na gusto nila.

" Oh, thank you!" sambit ni karrie, ngunit tumango lamang si dyke sa waiter bilang pagtugon

Tumayo ng pormal ang waiter at matiyangang naghintay sa kanilang pagpili. 

Napakaraming masasarap na pagkain ang nakalagay sa menu, tulad na lamang ng fish fillet at Beef Cerafei na kilala bilang pinaka special dish ng Sayoula Restaurant. Ngunit wala sa dalawa ang pinili ni karrie, sandali lamang ang naging pagpili ng dalaga, napagpasiyahan nitong kunin ang Meat Cheffeu at Special Salad kurapika. Dahil nasa diet siya, besides nakakain narin naman siya ng lunch. Samantalang ang kinuha ni dyke ay ang dalawang best seller ng restaurant, ang fish fillet at beef cerafei saka isang salad. 

Sandaling lumapit ang waiter.

" Okay na po ba ma'am?" 

"Uhm, yes. These are my orders" tinuro ni karrie ang kaniyang order at agad naman iyon nakuha ng waiter, kasabay din ng mga order ni dyke na nasa isa namang waiter.

" Just wait for a short time ma'am and sir, your order will be serve quickly!"

Sabay na pagsabi ng dalawang waiter na bakas parin ang ligaya mula nuong sila'y binati. Napaka accomodating ng mga staff dito, pati narin ang serbisyo. Hindi nabigo sa pagpili ng maayos na restaurant si dyke para sa dalaga, dahil halata sa maamong mukha ng dalaga ang pagkamangha at saya na alam ni dyke na itinatago lamang ng nito.

Mga ilang minuto lang ang kanilang hinintay saka dumating na ang kanilang mga inorder kanina

" Here's your orders ma'am and sir!"

Inilapag ng dalawang waiter ang kanilang mga order at maayos itong 

nai- serve sa kanila, umalis na sa kanilang harapan ang dalawang waiter at tuluyan na lamang naghintay sa kanilang matapos

Nagsimulang kumain si karrie, ngunit maingat sa pagsubo, alam niyang nakabalin na naman ang tingin sa kaniya ng binata at sobrang naiilang siya sa sitwasyon na iyon. Hindi parin nagsisimulang kumain ang binata, at tuloy lamang ang pagbalin nito ng atensyon sa kaniya

" Dyke!, please, just eat" Hindi na napigilan ng dalaga ang pagkailang sa ginagawang pagtitig ng binata sa kaniya.

" Ang ganda mo parin kahit ngumunguya ka, can't wait to kiss that lips of yours karrie" Pilyong sambit ng binata, at saka na nagsimulang kumain.

Binigyan siya ng masungit na tingin ni karrie, ngunit wala lamang iyon sa kaniya. Natutuwa siya kapag lumalabas na ang bad side na iyon ng dalaga, dahil kahit ganoon ay napakaganda parin nito para sa kaniya, kung puwede lang ilabas ang tawa niya ay kanina niya pa ito ginawa, pero napakaraming staff ang makakarinig sa kaniya. Kailangan niyang umakto ng seryoso dahil iniingatan niya ang kaniyang pagkakakilanlan.

Nagpatuloy na si dyke sa pagkain, saka uminom ng red wine na katabi lamang ng mga inorder niya.

" What's your plan about the new model of android?" tanong ni karrie sa binata

" Dad told me na mag re- release ulit kayo ng new model" Dagdag ng dalaga. Agad naman huminto sandali ang binata at saka bumalin kay karrie

" Ya, but i also included the improvement of its system, for better experience of the users"

" That's great!, you should focus on that plan, instead of sabotaging the other companies!" Seryosong pagkakasabi ni karrie sa binata, na bakas na ang pagkainsulto sa mukha nito.

"I wouldn't do that if they didn't do anything wrong. I have a good reason for doing those bad things to them"

Buwelta ni dyke, at muling pinagtuunan ng pansin ang kinakain

"But dyke, alam kong dahil sa pagkamatay ng lolo mo yan, pero ang torres lang ang dapat mong sisihin, dahil sila naman ang napatunayang nagpapatay sa lolo mo diba!, huwag kanang mandamay ng ibang kompanya, pati ibang impleyado nadadamay sa ginagawa mo!"

" Hindi lang yan ang rason, karrie. Wala kang alam sa ginagawa ko. Yung mga panget na bagay lang ang nakikita mo sa akin, pero never mong inalam lahat ng pakay ko sa kanila. I want them to suffer!, masyado ka pang bulag sa sistema ng lipunan natin ngayon." Pangaral ng binata, hindi sa ginagawa niyang bata si karrie kung hindi gusto niyang maipamukha dito na maging mapanuri sa bawat gawi ng ibang tao. 

Nagiging patas lamang ang binata sa mundong kaniyang ginagalawan. Hindi lang matataas na tao ang karapat dapat na makakuha ng maayos na pagtrato kundi pati narin ang mga mas nakakababa dito. 

" Alam mo, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ka about diyan, dyke. Hindi ko naman intensyon na panghimasukan ka sa mga ginagawa mo, pero sana manlang mag isip ka ng maayos" Ani karrie.

"Nag- iisip ako ng maayos!" Giit ng binata sa kaniya

" Maayos ba ang tawag don?" 

"Let's just not talk about that. Please!" Maayos na pakiusap ni dyke sa dalaga.  Wala naman magagawa si karrie kung iyon ang gusto ng binata, hindi rin naman ito makikinig sa kaniya. 

Tumango na lamang ang dalaga at saka bumalik sa pagkain, nakaramdam siya ng pagka dismaya kasabay ng pagkawala ng kaniyang gana, pero minabuti niya parin ubusin ang nakahain na pagkain.

Gumuhit sa mukha ng binata ang pagtataka sa dalaga, parang nag laylow ito at hindi na nagsalita. Inabot niya ang kamay ng dalaga saka ito hinawakan, ngunit iniwas agad ito ni karrie.

" I'm sorry— karrie" Mariin na paghingi ng tawad ng binata, alam niyang nadismaya ang dalaga sa pakikipag sagutan niya dito kanina.

Tumugon na lamang ng tipid na ngiti ang dalaga saka huminga ng malalim

" That's okay, btw. I'm done!" 

Saktong pagkakasabi na iyon ng dalaga ay tapos narin si dyke sa pagkain. 

"Thanks for this, i really appreciate this special dinner!" 

"You're welcome, i'm happy to hear that!" Untad ng binata. 

Nagpahinga muna ang dalawa, ngunit nanatiling tahimik ang bawat isa, hanggang sa dumating ang oras na magpasiya na silang umuwi.

"Let's go?" Pag- aaya ng dalaga, kasabay naman nuon ang pagpayag ng binata, sabay tumayo na si dyke at akmang aalalayan na ang dalaga ngunit nagsalita itong muli

"I'll just call my driver to pick me up"

"No!". Pagtanggi ng binata, iritado ang mukha ng binata 

"I'll take you home!" Wala nang nagawa ang dalaga, dahil hindi rin naman magpapaawat ang binatang to sa pakikipag talo.

"Fine!" Tugon ni karrie at saka tumingin sa orasang pambisig. It's already 7:30. Maaga pa para sa kaniya

Matapos magpasalamat sa mga staff ng restaurant, sabay na silang lumabas at nagtungo sa parking lot kung saan naka- park ang kotse ni dyke. Kahit nagkaroon ng argumento sa pagitan ng dalawa kanina, masaya parin si karrie sa effort na ginawa ng binata para sa kaniya. Kahit may kasamaang ginawa ang binata ay parang unti- unti niya nang naiintidihan ang pag- uugali nito. 

Hinihiling na lamang ni karrie na sana dumating ang panahon na magbago ang binata, at malaman niya pa lahat ang mga rason nito sa buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status