LOGINHindi agad nakapagsalita si Mikaela.
Pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya matapos marinig ang malamig na boses ng Marketing Director.
"Ms. Mikaela Santiago."
Napalunok siya.
"Narito po."
Tahimik ang buong opisina.
Wala siyang makita kundi ang malaking monitor sa ibabaw ng mesa. Natatakpan nito ang mukha ng lalaking kausap nila.
Hindi man lang nito ipinakitang nakatingin sa kanya.
Parang sapat na ang hawak nitong impormasyon para hubaran ang pagkatao ng bawat aplikante.
Ilang segundo ang lumipas.
Pagkatapos ay nagsalita itong muli.
"Mahusay ang academic record mo."
Nakahinga nang bahagya si Mikaela.
"Salamat po."
"Valedictorian noong senior high."
"Opo."
"Cum Laude."
"Opo."
"Limang banyagang wika."
"Opo."
Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita.
Biglang natahimik ang lalaki.
Naramdaman ni Mikaela ang muling pagbilis ng tibok ng puso niya.
Mas nakakatakot pala ang katahimikan kaysa sa pagtatanong.
Maya-maya...
"Magpakilala ka."
Napakurap siya.
"I-Introduce ko po ang sarili ko?"
"Sa wikang Ingles."
Agad siyang tumango.
Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsimula.
"Good morning, Sir. My name is Mikaela Santiago. I graduated with a Bachelor's Degree in Foreign Languages..."
Malinaw ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Hindi siya nauutal.
Hindi rin siya kinakabahan gaya ng inaasahan niya.
Natapos siya makalipas ang halos dalawang minuto.
Tahimik na naman.
Akala niya tapos na.
Ngunit...
"Japanese."
Bahagyang nanlaki ang mata niya.
Agad siyang lumipat sa wikang Hapon.
Pagkatapos...
"French."
Sumunod siyang nagsalita sa French.
"Spanish."
Lumipat ulit siya.
At sa huli...
"Mandarin."
Napapikit siya sandali.
Ito ang pinakamahina niyang wika.
Pero hindi siya maaaring umatras.
Pinilit niyang magsalita nang diretso.
Pagkatapos ng halos limang minutong pagsusulit...
Muling bumalot ang katahimikan.
Hindi niya alam kung tama ba ang mga sinabi niya.
Hindi rin niya alam kung may mali siyang pagbigkas.
Walang reaksyon ang lalaki.
Makalipas ang ilang segundo...
"Pwede na."
Napahinga siya nang malalim.
Akala niya iyon na ang katapusan.
Nagkamali siya.
"Ms. Santiago."
"Opo?"
"Bakit real estate?"
Natigilan siya.
Hindi iyon ang tanong na inaasahan niya.
Hindi iyon tungkol sa diploma.
Hindi rin tungkol sa mga alam niyang wika.
Napaisip siya.
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
"Sa totoo lang po..."
"Ang una kong dahilan ay kailangan ko ng trabaho."
Tahimik ang opisina.
"Pero habang pinag-aaralan ko ang kumpanya ninyo..."
"...naisip kong gusto kong matutong makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao."
"Gusto kong gamitin ang mga natutunan ko sa kolehiyo."
"Gusto kong maging mahusay sa larangan ng negosasyon."
"Hindi lang po bilang empleyado..."
"...kundi bilang isang propesyonal."
Muling tumahimik ang silid.
Hindi niya alam kung tama ba ang sagot niya.
Ngunit iyon ang totoo.
Biglang nagsalita ang direktor.
"Maganda ang sagot."
Napakurap si Mikaela.
Ngunit bago pa siya makangiti...
"...pero hindi sapat."
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.
Nawala agad ang pag-asa niyang naramdaman.
"Bakit gusto mong yumaman?"
Nanigas siya.
Hindi niya inaasahan ang tanong.
Hindi ito interview.
Parang inuusisa ang buong pagkatao niya.
Unti-unti niyang ibinuka ang labi.
"Dahil..."
Huminto siya.
Sa unang pagkakataon...
Hindi siya nagsinungaling.
"Dahil pagod na po akong maging mahirap."
Tumigil ang oras.
Pati ang tatlong natitirang aplikante ay napalingon sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
Pero wala siyang pinagsisihan.
Iyon ang katotohanan.
"Dahil sawa na po akong mamili kung pagkain ba o pamasahe ang uunahin."
"Dahil sawa na po akong makitang nahihirapan ang pamilya ko."
"Dahil gusto kong dumating ang araw na hindi ko na kailangang mangutang para lang mabuhay."
Tahimik.
Napakatahimik.
Maging siya ay nagulat sa sarili niyang sinabi.
Biglang...
Narinig niya ang mahinang pagtapik ng daliri sa mesa.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pagkatapos ay nagsalita muli ang direktor.
"Iyan."
"Iyan ang unang totoong sagot na narinig ko ngayong araw."
Napatingin ang tatlong aplikante kay Mikaela.
Samantalang siya...
Lalong kinabahan.
Ngunit hindi pa pala tapos.
"Ms. Santiago."
"Opo."
"May boyfriend ka ba?"
Napasinghap siya.
Halos mabulunan siya sa sariling laway.
"Ano po?"
"Simple lang ang tanong."
Namula ang pisngi niya.
"Wala po."
"Sigurado?"
"Opo."
"Tatlong taon na kayong hiwalay ni Adrian Villanueva."
Parang tumigil ang mundo.
Nanigas ang buong katawan ni Mikaela.
Paano...
Paano nito nalaman?
Ang pangalang iyon...
Hindi niya kailanman binanggit sa résumé niya.
Hindi rin sa application form.
Lalong hindi sa social media.
Pakiramdam niya ay may malamig na tubig na ibinuhos sa likod niya.
"Bakit..."
Hindi niya napigilan ang sariling magtanong.
"Paano ninyo nalaman?"
Tahimik.
Pagkatapos...
Isang mahinang buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang mesa.
"Trabaho naming alamin ang lahat ng dapat naming malaman."
Napalunok siya.
Hindi na siya nagsalita.
Maya-maya ay muli itong nagtanong.
"Handa ka bang manatili sa Maynila kung sakaling matanggap ka?"
"Opo."
"Walang balak bumalik ng Bicol?"
"Wala na po."
"Sigurado?"
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa folder.
"Opo."
"May mga pangarap pa po akong kailangang tuparin."
Tumahimik muli ang lalaki.
Pagkaraan ng ilang segundo...
Narinig niya ang mga salitang matagal niyang hinihintay.
"Okay."
"You may leave."
Iyon lang.
Walang pagbati.
Walang ekspresyon.
Walang paliwanag.
Hindi niya alam kung pasado ba siya.
O tuluyan na siyang bumagsak.
Tahimik siyang yumuko.
"Maraming salamat po."
Dahan-dahan siyang lumabas ng opisina.
Pagkasara ng p***o...
Saka lamang niya naramdaman ang panginginig ng mga tuhod niya.
Napasandal siya sa malamig na pader ng hallway.
Pakiramdam niya ay katatapos lang niyang makipaglaban sa isang digmaan.
"Bes!"
Napalingon siya.
Mabilis na lumapit si Jessa.
"Kamusta? Buhay ka pa?"
Napatawa siya kahit pagod na pagod.
"Parang hindi na."
Tinapik siya ni Jessa sa balikat.
"Anong nangyari?"
Hindi agad nakasagot si Mikaela.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.
"Paano ba sabihin..."
"Parang..."
"...hindi interview ang nangyari."
"Kundi para akong hinubaran ng buong pagkatao ko."
Napakunot ang noo ni Jessa.
"Tinatanong ka ba ng personal?"
"Hindi lang personal."
"Pakiramdam ko..."
"Mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko."
Biglang natahimik si Jessa.
May kakaibang ekspresyon ang dumaan sa mukha nito.
Parang may gusto itong sabihin.
Ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Bes..."
"May sasabihin sana ako."
"Ano?"
Napatingin muna si Jessa sa paligid.
Pagkatapos ay dahan-dahang lumapit.
Mahina itong bumulong.
"Alam mo bang..."
"...walang nakakakita sa totoong mukha ng Marketing Director?"
Nanlaki ang mata ni Mikaela.
"Ha?"
"Halos dalawang taon na ako rito."
"Hindi ko pa rin siya nakikita."
Natawa si Mikaela.
"Huwag nga."
"Seryoso."
"Kapag may meeting..."
"Nasa likod lagi ng tinted glass."
"Kapag may presentation..."
"Nakapatay ang ilaw."
"Kapag may event..."
"Laging may representative."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Mikaela.
Hindi siya makapaniwala.
"Ibig mong sabihin..."
"Walang empleyado ang nakakakilala sa kanya?"
Huminga nang malalim si Jessa.
Pagkatapos ay mahina itong nagsalita.
"Meron."
"Sino?"
"Ang CEO."
"At..."
"...wala nang iba."
Biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway.
Lahat ng empleyado ay sabay-sabay na tumabi.
May paparating.
Hindi nila makita kung sino.
Napapalibutan ito ng apat na bodyguard.
Kasunod ang ilang executives.
Habang papalapit ang grupo...
Biglang yumuko ang lahat ng empleyado.
"Good afternoon, Sir."
Hindi makita ni Mikaela ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng mga tao.
Ngunit nang dumaan ito sa harapan nila...
Saglit itong huminto.
Isang segundo.
Dalawang segundo.
Tatlong segundo.
Unti-unti nitong ibinaling ang ulo sa direksiyon ni Mikaela.
At sa unang pagkakataon...
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Malamig.
Matalim.
At tila may kung anong pamilyar na hindi niya maipaliwanag.
Ngunit bago pa siya makapagtanong...
Nagpatuloy na ito sa paglalakad.
Napabuntong-hininga si Jessa.
"Alam mo ba kung sino iyon?"
Umiling si Mikaela.
Mahina ang tinig ni Jessa habang nakatingin sa papalayong lalaki.
"Siya ang Vice President ng Aurelia Prime Realty..."
"...at ang nag-iisang taong may direktang access sa misteryosong Marketing Director."
Halos hindi makapaniwala si Mikaela Santiago sa nangyari.Kaninang umaga lang, iniisip niyang baka hindi siya makapasa sa final interview.Ngayon...Nasa loob na siya ng isang mamahaling sports car kasama ang pinakanakakatakot na taong nakilala niya.Tahimik.Napakatahimik.Tanging mahinang ugong ng makina at musika mula sa stereo ang maririnig.Mahigpit na nakahawak si Mikaela sa seatbelt.Pakiramdam niya, kahit huminga siya nang malalim ay maririnig iyon ng lalaking katabi niya.Mula sa driver's seat, hindi man lang siya nilingon ng lalaki.Pareho pa rin ang malamig nitong ekspresyon.Parang wala itong emosyon.Parang sanay itong utusan ang lahat.Napatingin si Mikaela sa logo ng manibela.McLaren.Hindi niya alam ang eksaktong presyo nito.Pero sigurado siyang mas mahal pa iyon kaysa sa bahay nilang magkakapatid sa Bicol.Hindi niya napigilang mapalunok."Anong klaseng Marketing Director ang nagmamaneho ng ganitong sasakyan?"Hindi na niya napigilan ang sariling magtanong."Sir..."
Hindi agad nakapagsalita si Mikaela.Pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya matapos marinig ang malamig na boses ng Marketing Director."Ms. Mikaela Santiago."Napalunok siya."Narito po."Tahimik ang buong opisina.Wala siyang makita kundi ang malaking monitor sa ibabaw ng mesa. Natatakpan nito ang mukha ng lalaking kausap nila.Hindi man lang nito ipinakitang nakatingin sa kanya.Parang sapat na ang hawak nitong impormasyon para hubaran ang pagkatao ng bawat aplikante.Ilang segundo ang lumipas.Pagkatapos ay nagsalita itong muli."Mahusay ang academic record mo."Nakahinga nang bahagya si Mikaela."Salamat po.""Valedictorian noong senior high.""Opo.""Cum Laude.""Opo.""Limang banyagang wika.""Opo."Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita.Biglang natahimik ang lalaki.Naramdaman ni Mikaela ang muling pagbilis ng tibok ng puso niya.Mas nakakatakot pala ang katahimikan kaysa sa pagtatanong.Maya-maya..."Magpakilala ka."Napakurap siya."I-Introduce ko po ang sarili
Mahigpit na nakahawak si Mikaela Santiago sa kanyang interview invitation habang nakatitig sa direksyon ng malaking mesa sa dulo ng opisina.Hindi pa rin niya makita ang mukha ng lalaking nasa likod ng monitor.Tanging ang malalim nitong boses lamang ang umaalingawngaw sa malawak na silid.Pakiramdam ni Mikaela ay nauubusan na siya ng hangin.Hindi niya alam kung nakapasa ba siya o tuluyan nang nabigo.Huminga siya nang malalim saka bahagyang yumuko."Maraming salamat po sa oras ninyo, Sir."Dahan-dahan siyang tumalikod.Isa...Dalawa...Tatlo...Tatlong hakbang pa lamang ang kanyang nailalakad nang muling marinig ang malamig na tinig ng direktor."Diretso ka sa Human Resources."Natigilan si Mikaela.Para bang hindi niya tama ang narinig.Unti-unti siyang lumingon."A... ako po ba ang tinutukoy ninyo?"Hindi sumagot agad ang lalaki.Pagkaraan ng ilang segundo ay maikli lamang itong nagsalita."Oo."Parang huminto ang pag-ikot ng mundo.Nanlaki ang mga mata ni Mikaela.Mabilis siyang
Mahigpit na napakapit si Mikaela Santiago sa hawak niyang folder.Hindi siya halos makahinga.Parang isang maling sagot lang ang kailangan para tuluyan siyang palabasin sa opisinang iyon.Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, muling nagsalita ang lalaking nasa likod ng computer."Ms. Bianca Morales."Bahagyang napaatras ang babaeng mukhang artista sa K-drama."Ako po?""Ikaw."Mahina itong tumango.Muli niyang inayos ang buhok at pilit na ngumiti.Ngunit sa sumunod na mga segundo...Unti-unting nawala ang kumpiyansa sa kanyang mukha.Napakalamig ng boses ng Marketing Director."Noong 2020, nagpa-rhinoplasty ka sa isang kilalang aesthetic clinic sa Bonifacio Global City."Nanlaki ang mga mata ni Bianca."Tapos ay nagpa-double eyelid surgery ka sa Quezon City."Lalong namutla ang babae."Pagkaraan ng isang taon, lumipad ka sa South Korea para sa contouring ng panga at noo."Tahimik ang buong opisina.Maging si Mikaela ay napatitig lamang.Hindi siya makapaniwalang alam ng lalaking
Naupo si Mikaela Santiago sa lounge ng Aurelia Prime Realty, mahigpit na hawak ang tatlong kopya ng kanyang interview invitation.Pakiramdam niya ay parang lalabas na ang puso niya sa sobrang kaba.Hindi lang dahil ito ang una niyang job interview matapos grumadweyt sa kolehiyo.Kundi dahil isinugal niya na ang lahat para makarating doon.Iniwan niya ang kanilang maliit na bayan sa Bicol at bumiyahe patungong Maynila dala lamang ang isang maleta, ilang ipon, at napakaraming pangarap.Wala nang atrasan.Kung mabibigo siya rito, hindi niya alam kung saan siya pupulutin.Tahimik siyang napabuntong-hininga at lihim na sinulyapan ang mga kapwa aplikante sa kabilang sofa.Halos lahat ng babae roon ay mukhang modelo.May isang nakasuot ng mamahaling corporate dress na halos magpahinto sa paghinga ng sinumang makakita rito. Makinis ang balat nito at perpekto ang katawan.May isa namang petite at mukhang artista sa K-drama. Maya't maya itong naglalabas ng compact mirror para ayusin ang make-up







