Share

His Forbidden Maid
His Forbidden Maid
Author: Saffyiel_Mikasa

PROLOGUE

last update publish date: 2026-05-04 19:33:51

“SIGURADO ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi biro ang Maynila…” nag-aalalang wika ni Nanay habang mabagal na hinihiwa ang panggisa, tila bawat hiwa ay may kasamang pangamba.

“Lordes, huwag ka nang mag-alala,” singit ni Tyang Lani, may halong pangungumbinsi ang boses. “May kakilala ako roon na tutulong kay Cy. Mabait ang papasukan niya, at maayos ang sahod. Mas makakatulong siya pag na roon siya, kaysa rito na paulit-ulit lang ang hirap.”

Napabuntong-hininga si Nanay Lordes, bakas ang bigat ng loob sa kanyang mukha. “Lani… hindi gano’n kadali ‘yon,” sagot niya, nanginginig ang boses. “Alam kong kailangan natin ng pera, pero anak ko ‘yan. Paano kung may mangyaring masama sa kanya roon? Wala siya sa tabi ko… wala akong magagawa.”

Saglit siyang tumigil, saka napapikit na tila pinipigilan ang luha. “Mas gugustuhin ko pang magtiis tayo rito kaysa isugal ko ang kaligtasan ng anak ko. Hindi ko kayang isipin na nag-iisa siya sa lugar na hindi natin kilala…”

Lumapit ako kay nanay at marahang hinaplos ang kanyang braso. “Nay… naiintindihan ko po yung takot n’yo,” mahinahon kong sabi, pilit pinatatag ang boses kahit ramdam ang kaba. “Pero kung patuloy lang po tayong magtitiis dito, lalo lang po tayong lulubog. Ayoko pong dumating sa punto na pati ang sakahan ni Tatay mawala sa atin.”

Tumingin ako nang diretso sa aking ina, may halong pagmamakaawa ang aking mga mata. “Hindi ko po ito ginagawa dahil gusto ko lang umalis… ginagawa ko po ito para sa atin. Para kahit papaano, may maitulong ako. Pangako po, mag-iingat ako. Hindi ko pababayaan ang sarili ko.”

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng aking ina. “Nay, hayaan n’yo po akong subukan… para sa inyo, para kay Tatay, para sa pamilya natin.”

Apat kaming magkakapatid, pero ako na lang ang natira dito sa bahay. Yung mga kapatid ko, may kanya-kanya na silang pamilya, kanya-kanya na rin silang problema na kailangan harapin. Ako yung naiwan… ako yung kailangang sumalo ng lahat. Kahit gustuhin kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hindi na iyon kasya sa realidad ng buhay namin—kailangan kong piliin kung ano ang mas makakatulong sa pamilya ko, kahit masakit iwan yung pangarap ko.

Biglang bumukas ang pinto at napalingon ako. Humahangos na pumasok si Jay, pinsan ko, hingal na hingal at halatang gulat. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya—may kung anong kaba agad na kumapit sa dibdib ko, parang may masamang balitang kasunod ng pagdating niya.

“Tiya Lordes! Cy!” halos mapasigaw si Jay habang hingal na hingal. “Nahimatay si Tiyo Ruben! Sinugod na siya sa ospital—kanina pa may mga naniningil ng utang sa sakahan. Nakipagtalo pa siya… hindi na kinaya ng katawan niya.”

Napahawak si Nanay sa dibdib, tila nawalan ng lakas. “Ruben…” halos pabulong niyang sambit, nanginginig ang boses.

Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Nanay at nakita ko kung paano siya napahawak sa dibdib niya, unti-unting nawawalan ng lakas.

“Pinipilit nilang magbayad agad,” dugtong pa ni Jay, habang ako naman ay parang unti-unting hinihila pababa ng kaba. “Sabi pa nila, kung wala kayong maibibigay, kukunin na raw ang lupa… doon na siya napatigil… tapos bigla na lang siyang bumagsak.”

Hindi ako agad nakasagot. Para akong napako sa kinatatayuan ko, pilit pinoproseso ang lahat ng narinig ko habang lalong bumibigat ang dibdib ko sa takot.

——

Pagdating namin sa ospital, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at matapang na amoy ng antiseptic. Parang lalo nitong pinatindi yung kaba sa dibdib ko. Hindi ako mapakali habang naghihintay ng balita tungkol kay Tatay—pabalik-balik ako ng lakad, mahigpit kong hawak ang laylayan ng damit ko para lang mapigilan ang panginginig ko.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor mula sa silid.

“Kayo ba ang pamilya ni Mang Ruben?” seryoso niyang tanong.

“Opo…” sagot ni Nanay, mahina ang boses.

“Pwede ba tayong mag-usap?” aya niya.

Sumunod kami, at sa bawat hakbang papasok sa loob, pakiramdam ko lalo lang naninikip ang dibdib ko. Parang ang bigat ng hangin sa consultation room, halos hindi ako makahinga.

“Dok… kamusta po si Tatay?” tanong ko agad, hindi ko na kayang maghintay, kahit nanginginig ang boses ko.

Parang huminto ang mundo ko.

“S-stroke…?” bulong ko, halos hindi makapaniwala sa narinig ko. “Hindi po… hindi po pwedeng ganon…”

“Sa ngayon, stable po siya,” dagdag ng doktor, “pero may posibilidad po ng pangmatagalang epekto gaya ng panghihina ng kalahating katawan at hirap sa pagsasalita.”

Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi. Para akong binagsakan ng napakabigat na bagay sa dibdib—hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw.

“Tay…” mahina kong sambit, nanginginig ang labi ko. “Hindi po…”

Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Nanay na biglang napahawak sa upuan.

“Ruben…” nanginginig niyang bulong.

“Nay…” agad akong lumapit sa kanya, pero pagharap ko sa kanya, nakita kong nanginginig na ang buong katawan niya.

Bago pa siya makapagsalita ulit, napahawak siya sa dibdib niya at unti-unting nanlabo ang mga mata.

“Cy… parang… nahihilo ako…”

“Nay!” sigaw ko, agad ko siyang sinalo bago pa siya tuluyang bumagsak sa harapan ko.

Biglang nagkagulo ang paligid. Nagmamadaling lumapit ang mga nurse. “Dalhin sa stretcher!”

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko habang inilalayo si Nanay sa akin. Parang may punit sa dibdib ko sa bawat hakbang na inilalayo siya. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, parang doon na rin ako nawalan ng lakas—napaupo ako sa gilid ng pader, nanginginig ang buong katawan.

“Nay… Tatay…” pabulong kong sambit, habang hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.

Parang sabay-sabay na gumuho ang mundo ko—si Tatay na nasa bingit ng panganib, at si Nanay na halos mawala sa harapan ko.

Sa gitna ng kaguluhan sa ospital, napansin ko ang pagdating ni Tiya kasama si Jay. Hingal sila, halatang nagmamadali at punong-puno ng pag-aalala.

“Ano’ng nangyari?!” agad na tanong ni Tiya nang makita ang sitwasyon. “Lordes! Ruben…”

“Na-stroke po si Tatay…” sagot ko, halos pabulong na habang pilit kong pinipigilan ang luha. “Tapos si Nanay… nahimatay din po…”

Nanatili lang si Jay sa gilid, tahimik pero seryoso ang tingin sa paligid, habang si Tiya naman ay agad na lumapit sa mga doktor para magtanong.

Pagkatapos no’n, parang biglang tumahimik ang lahat sa paligid ko. Tanging tunog ng mga monitor at yabag ng mga nurse ang naririnig ko. At doon ko naramdaman—parang sabay-sabay na gumuho ang lahat ng plano at pag-asa ko.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid ko. Tanging tunog ng mga monitor at yabag ng mga nurse ang naririnig ko, pero sa loob ko, parang napakaingay—parang may unti-unting nadudurog.

Napatingin ako sa pintuan ng ICU kung saan dinala si Tatay… tapos sa direksyon ng emergency room kung saan si Nanay naman ginagamot.

Dalawang pintuan.

Parehong may laman ng buong mundo ko.

“Hindi ko na kaya…” mahina kong bulong sa sarili ko.

Pero sa gitna ng pagod, takot, at sakit… may biglang pumasok sa isip ko.

Maynila.

Yung trabahong ilang beses ko nang tinanggihan. Yung pagkakataong kanina lang, ayaw ko pang tanggapin.

Huminga ako nang malalim, kahit nanginginig ang labi ko.

“Kung magpapatuloy ako dito… lalo lang tayong malulubog…” bulong ko, parang pinipilit kumbinsihin ang sarili ko.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay Tiya, ramdam ko yung bigat sa bawat hakbang.

“Tiya…”

Napalingon siya. “Cy?”

Tiningnan ko ulit sandali yung ICU… tapos yung emergency room… bago ako tuluyang nagsalita.

“Pupunta po ako sa Maynila… tatanggapin ko po yung trabaho,” sabi ko, kahit nanginginig ang boses ko, pinipilit kong maging matatag. “Kailangan ko pong gawin ‘to… para kay Tatay… para kay Nanay.”

Tahimik si Jay sa gilid, napatingin sa akin, habang si Tiya naman ay bahagyang napatigil—halatang nagulat sa sinabi ko.

“Sigurado ka ba, Cy?” mahinahong tanong ni Tiya.

Napatingin ako sa ICU… tapos sa emergency room. Pakiramdam ko doon nakasalalay lahat—lahat ng dahilan kung bakit kailangan kong maging matatag kahit hindi ko na kaya.

Napapikit ako nang mariin, pilit kinakalma ang sarili ko.

“Opo…” mahina kong sagot, pero pinilit kong patatagin ang boses ko. “Wala na po akong ibang choice. Kailangan ko pong subukan… kahit malayo.”

Nang araw ding iyon, inasikaso ko na ang lahat ng kailangan ko at tuluyang nagpasya na umalis kinabukasan. Hindi ko na nagawang magpaalam kina Nanay at Tatay dahil alam kong pipigilan lang ako ni Nanay sa desisyong ito. Si Jay at si Tiya Lani ang naghatid sa akin, at nakausap na rin ni Tiya ang susundo sa akin pagdating ko sa Maynila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 49

    Hindi nagtagal, nakahanap si Luiz ng isang simpleng bahay sa probinsya. Hindi iyon malaki o marangya. May ilang silid, maliit na sala, kusinang sapat para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, at bakurang maaari nilang taniman ng mga halaman. Tahimik din ang paligid, at hindi gaanong matao ang lugar. Nang unang makita ni Czyrie ang bahay, marahan siyang pumasok at pinagmasdan ang bawat sulok. “Dito na tayo titira?” tanong niya. Tumango si Luiz. “Kung gusto mo. Hindi man ito kasinglaki ng dati nating bahay, puwede naman natin itong ayusin ayon sa gusto natin.” Napangiti ang babae. “Gusto ko ito.” “Really?” Tumango siya habang pinagmamasdan ang maliit na bakuran. “Simple lang. Pero parang ang sarap gumising dito sa umaga.” Lumapit si Luiz at niyakap siya mula sa likuran. “Then this will be our home.” Napahawak si Czyrie sa mga kamay ng asawa. Hindi niya kailangan ng malaking bahay. Hindi niya kailangang mamuhay sa marangyang lugar upang maging masaya. Ang gusto

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 48

    Hindi na naging kampante si Luiz Sebastian Delacroix simula nang mapansin niyang may kakaibang nangyayari sa paligid ng kaniyang pamilya. Mas naging mapagmatyag siya sa bawat taong nakakasalamuha nila, at doble ang ipinagawa niyang seguridad sa kanilang bahay. Nagdagdag siya ng mga tauhang magbabantay sa paligid at sinigurong maayos ang bawat posibleng paraan ng pagpasok sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung may tunay bang nagbabanta sa kanila o sadyang naging masyado lamang siyang mapag-alala. Ngunit bilang asawa at ama, hindi niya kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Kaya pansamantala niyang pinili na manatili muna sa bahay si Czyrie habang siya ay nagtatrabaho. Hindi naman tumutol ang babae. Alam niyang ginagawa iyon ni Luiz para sa kanila, kahit paminsan-minsan ay nakararamdam siya ng pagkabagot sa palagiang pananatili sa loob ng bahay. Ang mas mahirap ay ang takot na hindi niya maipaliwanag. Sa bawat tunog ng sasakyan sa labas, napapalingon siy

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 47

    Alas-siyete pa lamang ng umaga nang tuluyang mabasag ang katahimikan sa loob ng bahay.Nasa kusina si Czyrie habang inihahanda ang gatas ng kaniyang anak nang tumunog ang kaniyang cellphone. Isang tawag iyon mula kay Luiz.“Baby, I need to tell you something,” bungad nito.Napangiti siya nang bahagya. “Good morning din sa iyo.”“I'm sorry. There's an emergency meeting at the office. I have to leave now.”Nawala ang munting ngiti sa kaniyang labi.“Ngayon? Akala ko magkasama tayo ngayong umaga.”“I know. It was scheduled unexpectedly, and I can't send anyone else in my place. I'll be back as soon as I can.”Tumingin siya sa silid kung saan natutulog ang kanilang anak.“Luiz, may nangyari kagabi.”“What happened?”Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang mahinang pag-iyak ng sanggol mula sa silid.“I'll call you back,” sabi niya. “Kailangan ko munang puntahan si baby.”“Czyrie, wait—”Naputol ang tawag nang maibaba niya ang cellphone.Mabilis siyang nagtungo sa silid, kinuha ang ana

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 46

    Hindi agad nakatulog si Czyrie matapos matanggap ang huling mensahe. Ilang beses niyang binuksan ang litrato ni Lenored Froid, umaasang may makikilala siyang detalye sa mukha nito. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang maalala.Ang mas nakababahala ay ang babalang huwag magtanong kay Luiz.Bakit kailangang ilayo siya sa sarili niyang asawa? At bakit tila alam ng hindi kilalang nagpadala kung paano siya unti-unting nawawalan ng tiwala rito?Muli niyang binasa ang mensahe.Dahil baka siya ang huling taong gusto mong makita.Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.“Who are you?” bulong niya sa sarili.Walang sagot, siyempre.Tanging katahimikan ng silid at mahinang paghinga ng kaniyang anak ang naririnig niya.Nang lingunin niya ang kuna, bahagyang gumalaw ang sanggol at napangiwi bago muling pumikit. Agad siyang tumayo at inayos ang kumot nito.“Okay lang, anak,” mahinang sabi niya. “Nandito si Mama.”Ngunit habang pinagmamasdan niya ang mukha ng kaniyang anak, isang nakakatakot na

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 45

    Nakatitig si Czyrie sa dokumentong hawak ni Luiz. Ilang minuto na silang nasa sala, ngunit wala pa ring nakapagsalita sa kanilang dalawa. Sa bawat pahinang binubuksan niya, mas lalo lamang dumadami ang tanong sa kaniyang isip.Sa wakas, nakita niya ang pangalang matagal nang nakatago sa mga lumang rekord.LEN ORED FROID.“Who is he?” tanong ni Czyrie.Napatingin si Luiz sa dokumento. Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito, ngunit agad din itong nagkunwaring kalmado.“Someone connected to your past.”Napailing si Czyrie. “Hindi na puwede ang ganoong sagot, Luiz. Hindi na ako papayag na puro pahiwatig lang ang ibibigay mo sa akin.”“I understand.”“Kung naiintindihan mo, sabihin mo ang totoo. Ano ang kinalaman ni Lenored Froid sa akin?”Matagal bago sumagot si Luiz.“His name appeared in the records connected to Athena Gray. He was also mentioned in the investigation I conducted before we got married.”Napaatras si Czyrie, tila may malamig na kamay na humawak sa kaniyang dibdib.“Bago ta

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 44

    Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin matahimik ang isip ni Czyrie.Sa bawat paggising niya, ang mga mensaheng natanggap niya ang unang pumapasok sa kaniyang isip. Sa bawat pagtulog, ang mukha ng babaeng nasa litrato at ang pangalang Athena Gray ang huling bagay na naiisip niya.Mas lalo siyang naguguluhan dahil sa katahimikan ni Luiz.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang asawa upang itanong ang tungkol sa pangalang iyon, ngunit palaging ipinagpapaliban ni Luiz ang kanilang pag-uusap. May mga pagkakataong sinasabi nitong pagod lamang siya mula sa trabaho, at may mga pagkakataong nangangakong ipapaliwanag nito ang lahat pag-uwi.Ngunit habang tumatagal, mas lalo lamang siyang nababalisa.Maging ang simpleng pag-aalaga sa kanilang anak ay nagsimula nang maapektuhan.Isang umaga, nakaupo si Czyrie sa gilid ng kama habang karga ang sanggol. Kanina pa umiiyak ang bata, ngunit hindi niya malaman kung gutom ba ito, inaantok, o may hindi komportableng nararamdaman.“Anak, ano ba

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 5

    ILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala.Hanggang sa hindi ko na kaya.Sa tulong nina

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 4

    ARAW ang lumipas at mas lalo akong nag-pursigi sa trabaho para sa pamilya ko. Iniiwasan ko rin si Sir Luiz hangga’t maaari—hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil mas ligtas na ganoon.Dumating ang araw ng sahod.Parang gumaan kahit papaano ang dibdib ko.Agad akong nakisuyo kay Nay Vivian na makahiram

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 3

    TULAD ng sabi niya, nagtungo ako sa opisina niya na nasa loob lang din ng mansyon. May dala akong mga panlinis, tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa pinto. Buong akala ko wala si Sir Luiz doon.Pero bigla itong bumukas.Napahinto ako.Nakatayo siya sa harap ko—nakasuot ng itim na polo a

  • His Forbidden Maid    CHAPTER 1

    TAHIMIK ang mansyon nang gabing iyon, tanging ilaw sa hallway ang nagbibigay ng liwanag sa malawak na paligid.Pagkatapos ipakita ni Nay Vivian ang kwarto ko, iniwan niya akong mag-isa."Magpahinga ka muna, Cy. Maaga ang simula mo bukas," sabi niya bago siya umalis."Opo... salamat po," sagot ko, s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status