Share

chapter 4

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-10-25 05:46:37

Pagod na pagod si Helena nang makarating siya sa kaniyang apartment. Halos buong araw siyang nakatayo sa coffee shop dahil sa dami ng mga customer na kanilang inasikaso.

Pagkapasok ay agad niyang inilapag ang kaniyang bag sa maliit na sofa bago hinubad ang puting rubber shoes.

"Hay, salamat! Sa wakas, na sa bahay na rin." bulong niya habang iniunat ang nangangalay na mga braso.

Gusto na sana niyang dumiretso sa kama at matulog, ngunit kumakalam na ang kaniyang sikmura. Naalala niyang tanghalian pa ang huling kain niya kanina.

May natira pang pritong manok mula sa kaniyang hapunan noong nakaraang gabi. Mayroon ding kaunting kanin, pipino, at kamatis.

"Okay na 'to," nakangiting sabi niya.

Kinuha niya ang manok at pinainit sa kawali. Naghiwa rin siya ng kamatis at pipino bago nagsalin ng malamig na tubig sa baso.

Hindi na niya kailangang magluto ng kung anu-ano. Sanay naman siyang kumain ng simpleng pagkain.

Habang kumakain ay tahimik niyang pinagmasdan ang maliit na apartment. Malinis at maayos ang lahat. May ilang halaman sa tabi ng bintana at mga litrato nilang mag-ina na nakasabit sa dingding.

Sa kabila ng katahimikan ay hindi na niya nararamdaman ang matinding lungkot na dati niyang nararanasan tuwing umuuwi mula sa trabaho.

Marahil ay dahil sa bago niyang kaibigan. Si Michelle, napangiti siya nang maalala ang masayahing dalaga. Hindi niya inaasahang sa simpleng pagsisilbi ng kape ay makakakilala siya ng isang taong napakadaling pakisamahan.

Hindi niya alam kung bakit kusang pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ng Kuya ni MIchelle, mabilis siyang napailing.

"Ano ba naman 'yan, Helena? Bakit mo iniisip ang kuya niya?"

Ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa isip ay hindi niya maiwasang maalala ang kanilang maikling pagkikita.

Napakaguwapo naman kasi ni Marcus. Iyon ang unang bagay na napansin niya. Matangkad, malapad ang balikat, maganda ang pangangatawan, at may seryosong mukha na lalong nagpapalakas sa dating nito.

"Siguro ganoon talaga kapag mayaman at maraming negosyo," bulong niya.

Pagkatapos kumain ay hinugasan niya ang kaniyang pinagkainan at nagtungo sa banyo. Matapos maghugas ay nagtungo na siya sa kanyang higaan, saktong tumunog ang kaniyang cellphone.

Napakunot ang noo niya. Nang tingnan niya ang screen ay agad siyang napangiti.

Michelle

Helena! Nakauwi ka na ba? Tawagan mo naman ako kapag nabasa mo 'to. May importante sana akong itatanong sa 'yo. Please! ❤️

Napaupo si Helena sa gilid ng kama. "Ano kaya 'yon?" Mahina niyang sambit sa sarili.

Hindi na siya nagdalawang-isip at agad na tinawagan ang kaibigan. Ilang ring pa lamang ay sinagot na nito ang tawag.

"Helena!" masayang bungad ni Michelle. "Buti tumawag ka!"

Napatawa siya. "Bakit? May emergency ba?"

"Wala naman. Pero may malaking pabor sana akong hihingin sa 'yo."

"Pabor? Ano naman 'yon?" Tasks kong tanong at sandaling natahimik ang kabilang linya.

"Okay, ganito kasi..."

Naghintay si Helena. "May malaking birthday celebration ang lolo namin sa Sabado. Seventy-five years old na siya at maghahanda kami sa bahay."

"Wow! Advance happy birthday sa lolo mo pala kung ganun." Masayang bati niya.

"Thank you! Pero hindi lang kasi ordinaryong birthday party ‘yon."

"Bakit naman?" Muli kong sagot at napapaisip.

"May importante ring announcement si Lolo tungkol sa kompanya namin."

Hindi alam ni Helena na ang tinutukoy ni Michelle ay ang pormal na pagpapakilala kay Marcus bilang The Heir ng The Vizconde Empire.

Sa harap ng kanilang mga kasosyo at kilalang negosyante, iaanunsiyo ni Don Carlos Vizconde ang magiging bagong pinuno ng Vizconde Group of Companies.

Ngunit sa likod ng selebrasyong iyon ay mayroon pang mas mahalagang pagpupulong. Ang pagtitipon ng mga pangunahing miyembro ng The Obsidian Circle.

Isang lihim na organisasyong hindi kailanman nabanggit ni Michelle sa kaniyang bagong kaibigan.

"Nakilala mo naman ang kuya ko, 'di ba?" pagpapatuloy ni Michelle.

Bahagyang napangiti si Helena. "Si Marcus? Oo naman. Bakit may problema ba sa kuya mo?” 

"Kasi gusto ni Lolo na may kasama siyang babae sa party."

"Aa, ganoon ba?" Sambit lang ni Helena.

"Ang problema, ayaw ni Lolo sa mga babaeng nakakasama ni Kuya.

Napakunot ang noo ni Helena. "Bakit naman?"

"Hay naku! Helena, kung alam mo lang kung gaano kalakas mambabae ang kuya ko!"

Hindi napigilan ni Helena ang mapatawa. "Talaga?" Sabagay gwapo naman kasi.

"Oo! Kung sino-sinong babae ang dini-date no'n. Minsan nga, hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.” 

Napailing si Helena na napapangiti dahil hindi naman siya nagulat. Sa hitsura at estado ni Marcus sa buhay ay hindi imposibleng maraming babaeng nagkakagusto rito.

"Kaya gusto ni Lolo na disenteng babae ang isama niya sa birthday celebration," dagdag ni Michelle.

"Ee, di maghanap siya." Sagot ni Helena at hindi niya alam na siya pala ang nahanap.

"Actually..."

Bigla ang katahimikan. "Michelle?" untag ni Helena kay MIchelle.

"Ikaw sana." Natigilan si Helena.

"A-ako?" Parang nagloading pa ang utak ni Helena.

"Yes! Ikaw Helena.” 

Napaupo siya nang tuwid. "Wait lang! Anong ako?"

"Ikaw ang gusto kong maging date ni Kuya sa party!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Michelle! Nagbibiro ka ba?"

"Hindi! Seryoso ako!"

"Pero bakit naman ako?" Gulat na gulat at nanlalaki ang mata ni Helena.

"Kasi mabait ka, maganda at higit sa lahat, hindi ka kagaya ng mga babaeng nakakasama niya."

Napailing si Helena. "Michelle, hindi puwede 'yan. Hindi naman kami magkakilala ng kuya mo." Ani pa ni Helena na may pag-aalala.

"Ee, ‘di magkakilala kayo sa party!"

"Pero—" akmang magpapaliwanag pa siya.

"Please, Helena! Isang gabi lang naman." Pakiusap ni MIchelle.

Napabuntong-hininga ang dalaga. Hindi niya alam kung matatawa o kakabahan sa naririnig.

"Alam ba ng kuya mo 'yang plano mo?" Maya'y tanong niya.

"Oo naman!"

Hindi lubos na totoo ang sagot ni Michelle. Ang totoo ay sinabi lamang ni Marcus na pag-iisipan niya ang mungkahi nito. Ngunit dahil kilala niya ang kaniyang kuya, alam niyang may posibilidad na pumayag ito.

"Lalo mo naman akong pinakakaba," sabi ni Helena.

"Bakit?"

"Michelle, empleyado lang ako sa coffee shop. Hindi ako sanay sa mga sosyal na party. Baka mapahiya lang ang kuya mo pati ako."

"Hindi mangyayari 'yon! Ako ang bahala sayo.”

"Saka wala akong damit na puwedeng isuot sa ganoong okasyon." Dagdag pa niya.

"Problem solved!" Mabilis na sagot ni Michelle.

"Ha?" Tanging nasambit ni Helena.

"Sagot ni Kuya ang gown mo, sapatos, at lahat ng kailangan mo."

Napailing si Helena kahit hindi naman siya nakikita ng kaibigan.

"Hindi puwede 'yan nakakahiya naman sa kuiya mo."

"Bakit naman?" Sagot ni MIchelle.

"Nakakahiya, gagastusan pa niya ako."

"Helena, please! Maniwala ka sa akin, barya lang kay Kuya ang mga iyon."

"Hindi naman sa ganoon. Ayoko lang na may ibang taong gumagastos para sa akin."

Sandaling natahimik si Michelle. Pagkatapos ay mas mahinahon itong nagsalita.

"Alam mo, naiintindihan kita. Pero hindi naman ito limos. Kailangan ni Kuya ng kasama at tutulungan mo lang siya. Natural lang na siya ang sasagot sa damit mo dahil formal event iyon."

Napaisip si Helena dahil may punto naman ang kaibigan niya.

"Helena, gusto rin talaga kitang makasama. Nakakabagot ang mga party sa bahay namin. Puro negosyante at matatandang seryoso ang nakakausap mo."

Napatawa si Helena. "Grabe ka naman."

"Totoo kaya! Please? Para naman may kasama akong kaedad ko."

Hindi agad sumagot si Helena dahil sa totoo lang ay matagal na rin siyang hindi nakakadalo sa anumang selebrasyon. Mula nang mamatay ang kaniyang ina ay halos trabaho at bahay na lamang ang kaniyang mundo.

Marahil ay hindi rin masamang lumabas paminsan-minsan. Isa pa isang gabi lamang naman.

"Okay," mahinang sagot niya.

"What?"

"Sabi ko, okay. Sasama ako."

Biglang napasigaw si Michelle sa kabilang linya.

"OH MY GOSH! HELENA! THANK YOU!"

Natawa siya habang inilalayo nang bahagya ang cellphone sa kaniyang tainga.

"Michelle! Ang lakas ng boses mo.” 

"Sorry! I'm just so happy!"

"Pero may kondisyon ako." Dagdag ni Helena.

"Ano 'yon?"

"Ayokong mapahiya at kung may problema ang kuya mo sa pagsama ko, sabihin mo agad sa akin."

"Promise! Walang magiging problema!"

"Sigurado ka?" Paninigurado ni Helena.

"One hundred percent!"

Napailing si Helena habang nakangiti. "Bahala ka na nga."

"Thank you talaga! Alam mo, ang bait-bait mo talaga.”

"Sus! Baka kaya mo lang ako gustong maging kaibigan para may kasama ka sa party."

"Huy! Hindi ah!" natatawang protesta ni Michelle. "Gusto talaga kitang maging kaibigan. Best friends na tayo, okay?"

Bahagyang naantig si Helena. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng kaibigang maaari niyang makausap tungkol sa kaniyang buhay.

"Okay," malambing niyang sagot. "Best friends."

Masayang napasigaw muli si Michelle. "Yay! By the way, bukas na lang tayo mamimili ng gown. Susunduin kita sa coffee shop pagkatapos ng shift mo."

"Sige."

"Good night, Helena!"

"Good night, Michelle."

Pagkatapos ng tawag ay inilapag ni Helena ang cellphone sa tabi ng unan. Humiga siya at pinagmasdan ang kisame.

Hindi niya lubos maisip na sa loob lamang ng dalawang araw ay magkakaroon siya ng bagong kaibigan at ngayon naman ay inimbitahan pa siyang dumalo sa isang marangyang selebrasyon.

Ang mas hindi niya inaasahan ay makakasama niya ang  katulad ni Marcus Vizconde.

Napailing siya. "Isang gabi lang naman, Helena," bulong niya sa sarili.

Ngunit bago tuluyang pumikit ay muli niyang naalala ang mukha ng lalaki. Ang seryosong mga mata nito at ang matangos nitong ilong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Heir, His Obsession    chapter 5

    Bago matapos ang kaniyang shift bandang hapon ay naroon na si Michelle naghihintay na kay Helena. "Ready ka na?" tanong ni Michelle nang mag-out na si Helena."Magpapalit muna ako." Ani ni Helena."Okay! I'll wait."Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya na nakasuot ng simpleng blouse at maong na pantalon."Ready na ako.""Let's go!"Ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng coffee shop ay biglang kumulog. Napatingin si Helena sa labas.Mabilis na dumilim ang kalangitan.Makalipas ang ilang segundo ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan."Ay, naku!" bulalas niya.Napangiti si Michelle. "Buti na lang may sasakyan tayo.""May driver ka?" Tanong ni Helena."Actually, si Kuya ang susundo sa atin."Biglang natigilan si Helena. "Si Marcus?""Oo. Bakit?""Wala naman." Ngunit hindi niya maikakailang bigla siyang kinabahan.Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang isang pamilyar na itim na SUV sa tapat ng café. Agad na tumayo si Michelle."Ayan na sila!"Lumapit si Adrian na may dal

  • His Heir, His Obsession    chapter 4

    Pagod na pagod si Helena nang makarating siya sa kaniyang apartment. Halos buong araw siyang nakatayo sa coffee shop dahil sa dami ng mga customer na kanilang inasikaso.Pagkapasok ay agad niyang inilapag ang kaniyang bag sa maliit na sofa bago hinubad ang puting rubber shoes."Hay, salamat! Sa wakas, na sa bahay na rin." bulong niya habang iniunat ang nangangalay na mga braso.Gusto na sana niyang dumiretso sa kama at matulog, ngunit kumakalam na ang kaniyang sikmura. Naalala niyang tanghalian pa ang huling kain niya kanina.May natira pang pritong manok mula sa kaniyang hapunan noong nakaraang gabi. Mayroon ding kaunting kanin, pipino, at kamatis."Okay na 'to," nakangiting sabi niya.Kinuha niya ang manok at pinainit sa kawali. Naghiwa rin siya ng kamatis at pipino bago nagsalin ng malamig na tubig sa baso.Hindi na niya kailangang magluto ng kung anu-ano. Sanay naman siyang kumain ng simpleng pagkain.Habang kumakain ay tahimik niyang pinagmasdan ang maliit na apartment. Malinis a

  • His Heir, His Obsession    chapter 3

    Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas.Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya.Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila."Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang pinto ng sasakyan.Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone."Sino ang kasama mo?" Tanong nito.Napairap si Michelle. "There we go again.""I'm just asking you.”

  • His Heir, His Obsession    chapter 2

    Nakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo.Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape."Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan."Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo."Damien!"Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito."Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!"Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sof

  • His Heir, His Obsession    chapter 1

    Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle.Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama."Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status