Share

chapter 5

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-10-25 05:46:53

Bago matapos ang kaniyang shift bandang hapon ay naroon na si Michelle naghihintay na kay Helena. 

"Ready ka na?" tanong ni Michelle nang mag-out na si Helena.

"Magpapalit muna ako." Ani ni Helena.

"Okay! I'll wait."

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya na nakasuot ng simpleng blouse at maong na pantalon.

"Ready na ako."

"Let's go!"

Ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng coffee shop ay biglang kumulog. Napatingin si Helena sa labas.

Mabilis na dumilim ang kalangitan.

Makalipas ang ilang segundo ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ay, naku!" bulalas niya.

Napangiti si Michelle. "Buti na lang may sasakyan tayo."

"May driver ka?" Tanong ni Helena.

"Actually, si Kuya ang susundo sa atin."

Biglang natigilan si Helena. "Si Marcus?"

"Oo. Bakit?"

"Wala naman." Ngunit hindi niya maikakailang bigla siyang kinabahan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang isang pamilyar na itim na SUV sa tapat ng café. Agad na tumayo si Michelle.

"Ayan na sila!"

Lumapit si Adrian na may dalang malaking payong upang sunduin ang dalawang babae.

"Good afternoon, Miss Michelle."

"Hi, Adrian!"

Pagkatapos ay humarap ito kay Helena.

"Good afternoon, Miss Helena."

"Good afternoon po." Magalang na bati ni Helena.

Ngumiti si Adrian.  "Adrian na lang, Miss. Hindi naman ako ganoon katanda."

Napatawa si Helena. "Sige po."

Nang makapasok sila sa sasakyan ay agad niyang nakita si Marcus na nakaupo sa likuran. Nakasuot ito ng kulay abong polo shirt at itim na pantalon.

Kahit simple lamang ang damit ay halatang mamahalin iyon.

"Hi, Kuya!" bati ni Michelle.

Tumango lamang ang lalaki. Pagkatapos ay napatingin ito kay Helena.

"Good afternoon, Helena."

Bahagyang ngumiti si Helena sa pagbati sa kanya ni Marcus.

"Good afternoon po." Napataas ang kilay ni Marcus sa pagbati ni Helena.

"Po na naman?”

Nakaramdam ng pag-init ng pisngi ni Helena dahil sinabi ni Marcus.

"Sorry. Nakasanayan ko lang talaga ang may po lagi kapag nakikipag-usap.” Paliwanag ni Helena.

Bahagyang napangisi ang lalaki. "Marcus na lang."

Tumango siya at tahimik na pinaandar ni Adrian ang sasakyan. Dahil sa malakas na ulan ay mabagal ang daloy ng trapiko sa kalsada.

Habang nasa biyahe ay walang tigil sa pagkukuwento si Michelle. Tungkol sa mga gown na gusto niyang bilhin, sa mga sapatos na bagay kay Helena at sa mga hairstyle na maaari nitong subukan.

Samantala, tahimik lamang si Marcus habang nakikinig. Paminsan-minsan ay napapatingin ito kay Helena.

Napansin niyang hindi gaanong nagsasalita ang dalaga maliban kapag may itinatanong ang kaniyang kapatid.

Sa tuwing sasagot ito ay palaging magalang. Kakaiba sa mga babaeng madalas niyang makasama.

"Helena," biglang tawag niya at napalingon ang dalaga.

"Sinabi na ba sa 'yo ni Michelle ang tungkol sa party?"

"Sinabi niyang kailangan ninyo ng kasama."

Tumango ang lalaki. “Pumayag ka?"

"Oo naman. Kung makakatulong ako."

Sandaling pinagmasdan siya ni Marcus.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka hindi ka komportable sa mga taong makakasama mo?"

Bahagyang ngumiti si Helena. "Medyo kinakabahan po ako. Pero nandiyan naman si Michelle."

Napangisi si Marcus.  "Good."

"Kuya!" singit ni Michelle. "Huwag mo ngang takutin si Helena.”

Hindi na sumagot si Marcus. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating sila sa isang malaking mall, ngunit bago pa sila makababa ay tumunog ang cellphone ni Marcus.

Tiningnan niya ang screen. Nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"Adrian, samahan mo muna sila."

Napalingon si Michelle. "Bakit, Kuya?"

"May kailangan lang akong asikasuhin." Sagot ni Marcus.

"Sasama ka pa ba sa amin?" Tanong pa ni Michelle.

"Hindi ko sigurado."

Pagkatapos ay bumaba siya upang sagutin ang tawag. Hindi alam ni Helena na ang tawag na iyon ay mula sa isa sa mga miyembro ng The Inner Circle.

May mahalagang usaping kailangang ayusin bago ang opisyal na pag-anunsiyo kay Marcus bilang The Heir.

Samantala nasa loob ng shop si Helena at Michelle, halos dalawang oras na silang namili ni Michelle. Ilang boutique ang pinuntahan nila bago nakapili ng isang magandang gown para kay Helena.

Simple ngunit elegante ang napili nilang damit. Isang kulay champagne na long gown na may maayos na tabas sa baywang at banayad na disenyo sa dibdib.

Hindi ito masyadong magarbo ngunit lalong lumitaw ang natural na ganda ni Helena nang isukat niya iyon.

"Oh my gosh, Helena!" bulalas ni Michelle. "Ang ganda mo!"

Napangiti si Helena habang nakatingin sa salamin. "Talaga?"

"Oo! Bagay na bagay sa 'yo!"

Ngunit nang makita niya ang presyo ay agad siyang napalunok.

"Michelle, ang mahal nito!"

"Huwag mo nang tingnan ang presyo."

"Pero—"

"Helena, please. Si Kuya naman ang magbabayad."

Napabuntong-hininga siya. "Hindi talaga ako sanay sa ganito."

"Masasanay ka rin."

Napailing si Helena. "Huwag naman sana. Baka maging maluho ako."

Pareho silang natawa, pagkatapos bumili ng gown ay dumaan pa sila sa isang salon upang magpa-schedule para sa kinabukasan.

Bandang alas-sais na ng gabi nang matapos ang lahat. Sa labas ng mall ay malakas pa rin ang ulan.

Naghihintay na sa kanila si Marcus sa loob ng sasakyan.

"Finally!" sabi ni Michelle nang makapasok sila. "Kuya, ang tagal naming namili!"

Napatingin si Marcus sa mga shopping bag.

"Mukha nga."

Napangiti si Michelle. "Wait until you see Helena tomorrow!"

Bahagyang napatingin si Marcus kay Helena.

Ngunit agad namang umiwas ng tingin si Helena. "Thank you po pala sa gown," mahina niyang sabi.

Tumango si Marcus. "You're welcome. By the way, where do you live, Helena?"

Matapos sabihin ni Helena kung saan siya nakatira ay binalingan ni Marcus si Adrian.

"Adrian, ihatid muna natin siya."

Agad na umiling si Helena. "Huwag na po. Baka maabala pa kayo. Puwede naman akong mag-book."

"Malakas ang ulan," maikling sagot ni Marcus.

"Pero—"

"Helena." Mahinang sambit ni Marcus.

Napatingin siya kay Marcus.

"Ihahatid ka namin."

Hindi na siya nakipagtalo. "Okay. Salamat."

Napangiti si Michelle habang palihim na sinusulyapan ang kaniyang kuya. Bihira nitong personal na ihatid ang mga babaeng nakakasama niya.

Kadalasan ay ipinauubaya lamang nito sa driver o bodyguard. Ngunit ngayon ay tila gusto nitong makasigurong ligtas na makakauwi si Helena.

Makalipas ang halos apatnapung minuto ay nakarating sila sa apartment ni Helena. Patuloy pa rin ang malakas na ulan.

"Nandito na po," sabi niya habang itinuturo ang maliit na apartment building.

Napatingin si Marcus sa labas. Hindi kalakihan ang gusali ngunit maayos at malinis naman ang paligid.

"Anong floor ka?" tanong ni Marcus.

"Sa second floor." Kaswal lang na sagot ni Helena.

"Sasamahan kita."

Biglang napalingon si Michelle sa sinabi ng kanyang Kuya dahil gulat na gulat siya.

"Kuya?" Napapaangat ang kilay ni Michelle.

"What?" Salubong ang kilay ni Marcus.

"Ako na lang ang sasama kay Helena." Ani ni Michelle.

"Hindi na. Dito ka na." Sagot lang ni Marcus.

Napangisi si Michelle. "Okay!"

Bahagyang nagtaka si Helena ngunit hindi na siya tumutol. Kinuha ni Marcus ang payong mula kay Adrian bago bumaba ng sasakyan.

Pagkatapos ay binuksan niya ang p***o para kay Helena.

"Come."

Mabilis na lumapit ang dalaga sa ilalim ng payong. Dahil malakas ang hangin ay napilitan silang maglakad nang magkalapit upang hindi mabasa.

Tahimik silang pumasok sa gusali at umakyat sa hagdan. Paminsan-minsan ay nararamdaman ni Helena ang presensiya ng lalaki sa kaniyang likuran.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Marahil ay dahil ngayon lamang siya nakasama nang ganoon kalapit ang isang lalaking katulad ni Marcus.

Nang makarating sila sa ikalawang palapag ay agad niyang kinuha ang susi mula sa kaniyang bag.

"Dito na po ang apartment ko."

Tumango si Marcus. Binuksan ni Helena ang p***o bago humarap sa lalaki.

"Salamat sa paghatid."

Ngunit sa halip na umalis ay tahimik na pinagmasdan ni Marcus ang paligid. Napansin iyon ni Helena, bahagya siyang napangiti.

"Gusto mo bang makita ang loob?"

Napataas ang kilay ni Marcusi. "Are you inviting me inside?"

Nag-init ang mukha ni Helena dahil sa sinabi ni Marcus 

"Aa, hindi naman sa ganoon. Ang ibig kong sabihin, baka gusto mo lang makita kung anong itsura sa loob. Para hindi ka na mag-alala kay Michelle kapag kasama niya ako."

Bahagyang napangisi si Marcus. "Matalino ka pala."

Napakurap si Helena. "Ha?"

"Alam mong gusto kong makasigurong ligtas ang kapatid ko."

Napangiti si Helena.  "Natural lang naman ‘yon. Kung may kapatid ‘din siguro ako, ganoon rin ang gagawin ko."

Sandaling tumahimik si Marcus, pagkatapos ay pumasok ito sa loob at binuksan ng dalaga ang ilaw.

Simple lamang ang loob ng apartment. May maliit na sofa, mesa, telebisyon, at ilang halamang nakalagay malapit sa bintana.

Napansin din ni Marcus ang mga litrato sa dingding. Isang larawan ni Helena noong bata pa ito kasama ang isang babaeng kahawig niya.

"Your mother?" tanong niya.

Napalingon si Helena. "Oo."

"Nasaan siya ngayon?"

Bahagyang nawala ang ngiti ni Helena. "Wala na siya."

Napatingin si Marcus. "What do you mean?"

"Namatay siya dalawang buwan na ang nakalipas. Naaksidente."

Hindi agad nakapagsalita si Marcus.

"I'm sorry." Maya’y litanya nito.

Ngumiti si Helena kahit may lungkot sa kaniyang mga mata.

"Okay lang. Unti-unti naman akong natututong mamuhay nang wala siya."

"Your father?" Tanong pa ulit ni Marcus.

"Hindi ko siya nakilala."

Napakunot ang noo ni Marcus. "Mag-isa ka lang dito?"

Tumango si Helena.  "Oo. Pero okay lang naman. Tahimik dito at mababait ang mga kapitbahay."

Tahimik na pinagmasdan ni Marcus ang dalaga. Hindi niya inaasahang sa murang edad ay ganoon na karami ang pinagdaanan nito.

Karamihan sa mga babaeng nakilala niya ay lumaki sa marangyang pamumuhay. Ang iba ay walang ibang iniisip kundi mamili, magbakasyon, at gumastos.

Ngunit si Helena ay tila kabaligtaran ng lahat ng iyon.

"Are you sure you're okay living alone?" tanong niya.

Ngumiti si Helena.  "Oo naman, simula nang makilala ko si Michelle, parang hindi na rin ako masyadong nag-iisa."

Hindi agad sumagot si Marcus. Sa halip ay matagal lamang niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga.

Napansin niyang napakaganda nitong ngumiti. Hindi pilit, lalong walabg halong pagpapanggap.

Para bang kahit gaano kabigat ang mga problemang pinagdaraanan nito ay pinipili pa rin nitong maging masaya.

"Maswerte ang kapatid mo," dagdag ni Helena.

"Bakit?"

"Kasi may kuya siyang katulad mo. Kahit istrikto ka, halatang mahal na mahal mo siya."

Bahagyang napangisi si Marcus. "Sinabi niyang istrikto ako?"

Napatawa si Helena. "Medyo."

"Medyo lang?" Hindi maiwasan ni Marcus na mapangiti.

"Okay, sobra raw." Napailing si Marcus sa sinabi ni Helena ngunit hindi napigilang mapangiti.

"That girl."

Muling natawa si Helena, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gumaan ang pakiramdam ni Marcus habang kausap ang dalaga.

Walang takot o pag-iingat sa mga salita nito. Hindi rin nito alam ang tunay niyang pagkatao.

Para kay Helena, isa lamang siyang kuya na nag-aalala sa kaniyang kapatid. Kakaiba ang pakiramdam na ‘yun para sa kanya.

Dahil sa mundong ginagalawan niya, halos lahat ng taong nakakaharap niya ay may halong takot o paggalang dahil sa kaniyang kapangyarihan.

Ngunit ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay walang anumang ideya kung gaano kadelikado ang lalaking pinapasok nito sa sariling tahanan.

Mayamaya ay tumingin si Marcus sa kaniyang relo.

"Kailangan ko nang umalis."

Tumango si Helena. "Sige. Baka naiinip na si Michelle."

"Susunduin ka niya bukas ng tanghali."

"Oo. Sinabi na niya." Sagot ni Helena.

"Be ready."

Ngumiti siya.  "Yes I will."

Naglakad si Marcus patungo sa p***o. Sinundan naman siya ni Helena upang ihatid.

"Marcus?"

Napalingon ang lalaki. "Yes?"

"Salamat ulit. Sa paghatid at sa damit."

Bahagyang tumango si Marcus. "You're welcome, Helena."

Akala ng dalaga ay tuluyan na itong aalis. Ngunit bigla itong lumapit nang isang hakbang.

Bago pa niya maunawaan ang gagawin ng lalaki ay bahagya itong yumuko at marahang humalik sa kaniyang pisngi.

Natigilan si Helena,  parang biglang huminto ang oras. Hindi iyon matagal na halik, isang simpleng pagdampi lamang ng labi sa kaniyang pisngi.

Ngunit sapat iyon upang mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib.

"Good night, Helena," mahinang sabi ni Marcus.

Pagkatapos ay bahagya itong ngumisi bago tuluyang lumabas. Naiwang nakatayo ang dalaga sa may pintuan.

Hindi siya agad nakagalaw at dahan-dahan niyang hinawakan ang pisnging hinalikan ng lalaki.

"Ano 'yon?" bulong niya.

Ramdam niyang umiinit ang kaniyang mukha. Mayamaya ay napailing siya bago isinara ang p***o.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano, Helena. Baka ganoon lang talaga siya sa mga babae."

Ngunit kahit anong sabihin niya sa sarili ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. 

Samantala, pagbalik ni Marcus sa sasakyan ay agad siyang sinalubong ng mapanuksong tingin ni Michelle.

"Kuya, ang tagal mo naman.”

Umupo ang lalaki at isinara ang p***o. "May pinag-usapan lang kami."

Napangisi si Michelle. "Talaga? Ano naman?"

"Mich—" Natigilan siya bago napailing. "Stop,”

Natawa si Michelle. "Okay! Hindi na!"

Ngunit nang mapansin niyang bahagyang nakangiti ang kaniyang kuya habang nakatingin sa labas ng bintana ay lalo siyang napangisi.

Dahil kilala niya si Kuya Marcus niya. Sa loob ng maraming taon, bihira niyang makitang ganoon ang ekspresyon nito pagkatapos makipag-usap sa isang babae.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa loob ng apartment ni Helena. Ngunit isang bagay ang sigurado niya.

May kakaibang epekto sa kanya si Helena at hindi niya pa alam kung ano ‘yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Heir, His Obsession    chapter 5

    Bago matapos ang kaniyang shift bandang hapon ay naroon na si Michelle naghihintay na kay Helena. "Ready ka na?" tanong ni Michelle nang mag-out na si Helena."Magpapalit muna ako." Ani ni Helena."Okay! I'll wait."Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya na nakasuot ng simpleng blouse at maong na pantalon."Ready na ako.""Let's go!"Ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng coffee shop ay biglang kumulog. Napatingin si Helena sa labas.Mabilis na dumilim ang kalangitan.Makalipas ang ilang segundo ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan."Ay, naku!" bulalas niya.Napangiti si Michelle. "Buti na lang may sasakyan tayo.""May driver ka?" Tanong ni Helena."Actually, si Kuya ang susundo sa atin."Biglang natigilan si Helena. "Si Marcus?""Oo. Bakit?""Wala naman." Ngunit hindi niya maikakailang bigla siyang kinabahan.Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang isang pamilyar na itim na SUV sa tapat ng café. Agad na tumayo si Michelle."Ayan na sila!"Lumapit si Adrian na may dal

  • His Heir, His Obsession    chapter 4

    Pagod na pagod si Helena nang makarating siya sa kaniyang apartment. Halos buong araw siyang nakatayo sa coffee shop dahil sa dami ng mga customer na kanilang inasikaso.Pagkapasok ay agad niyang inilapag ang kaniyang bag sa maliit na sofa bago hinubad ang puting rubber shoes."Hay, salamat! Sa wakas, na sa bahay na rin." bulong niya habang iniunat ang nangangalay na mga braso.Gusto na sana niyang dumiretso sa kama at matulog, ngunit kumakalam na ang kaniyang sikmura. Naalala niyang tanghalian pa ang huling kain niya kanina.May natira pang pritong manok mula sa kaniyang hapunan noong nakaraang gabi. Mayroon ding kaunting kanin, pipino, at kamatis."Okay na 'to," nakangiting sabi niya.Kinuha niya ang manok at pinainit sa kawali. Naghiwa rin siya ng kamatis at pipino bago nagsalin ng malamig na tubig sa baso.Hindi na niya kailangang magluto ng kung anu-ano. Sanay naman siyang kumain ng simpleng pagkain.Habang kumakain ay tahimik niyang pinagmasdan ang maliit na apartment. Malinis a

  • His Heir, His Obsession    chapter 3

    Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang, naging mahigpit siya sa pagbabantay rito. Alam niyang maraming taong gustong makalapit sa pamilya nila dahil sa pera at impluwensiya.May ilan ding ginagamit ang kapatid niya upang makalapit sa kaniya. Kaya hindi siya basta nagtitiwala sa mga nakakasama nito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan at tinawagan ang kapatid. Agad itong napatingin sa labas.Nang makita ang kanilang sasakyan ay tinaasan siya nito ng kilay bago itinaas ang isang daliri, senyas na maghintay muna siya.Napailing si Damien, ngunit hanggang ganun lang siya dahil pagdating sa kapatid niya ay mahaba ang pasensiya niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Michelle at naglakad papalapit sa kanila."Hi, Kuya!" masayang bati nito nang buksan ni Adrian ang pinto ng sasakyan.Tumango lamang si Damien habang abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone."Sino ang kasama mo?" Tanong nito.Napairap si Michelle. "There we go again.""I'm just asking you.”

  • His Heir, His Obsession    chapter 2

    Nakahawak sa baba niya si Damien at halatang problemado dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Halatang hindi natutuwa si Damien habang nakaupo sa mamahaling leather sofa sa loob ng opisina ng kaniyang Lolo.Nasa isang malaking mansiyon sila, kung saan nakatira ang matandang si Chairman Ronaldo Vizconde. Ang kinikilalang pinuno ng kanilang pamilya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Damien," seryosong sagot ng matanda habang humihigop ng kanyang mainit na kape."Ikabubuti ko? Pinipilit ninyo akong dumalo sa isang party at kailangan ko pang magdala ng mabuting babae? Wala akong nakikita na makakatulong sa akin sa bagay na ‘yan."Malakas na ibinaba ni Chairman Ronaldo ang tasa sa ibabaw ng kaniyang mesa halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanyang apo."Damien!"Natahimik si Damien dahil kilala niya ang lolo niya kapag galit ito."Ayusin mo ang tono ng pananalita mo kapag kinakausap mo ako. Huwag mong kalimutang ako pa rin ang Lolo mo!"Napabuntong-hininga si Damien bago sumandal sa sof

  • His Heir, His Obsession    chapter 1

    Habang nagsusuklay ng buhok si Helena sa harap ng maliit niyang salamin na nakansandal sa pader. Napatingin siya sa picture na kasama ang kaniyang ina.Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente sa kalsada. Pauwi na sana ang kaniyang ina mula sa pamimili sa palengke nang mabangga ng isang rumaragasang kotse ang sinasakyan nitong tricycle.Hindi na umabot ang buhay nito sa ospital diretsong binawain ng buhay ganun rin ang driver ng tricycle.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Helena ang araw na iyon. Mula ng mawala ang nag-iisang kasama sa buhay ni Helena ang kaniyang ina, nagbago ang buhay niya. Ngayon ay talagang mag-isa na lang siya dahil kahit ang ama niya hindi niya alam kung buhay pa ba ito dahil lumaki siyang walang ama."Kailangan mong maging matatag," sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at lumibot ang mata sa kabuan ng apartment na tinitirahan niya ngayon. Gamit ang kaunting perang na inipon ng mama niya at iba pang ipon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status