Share

Kabanata 4

Isang araw lang akong tinuruan ni Tessa. Sinaulo ko lahat kahit napakahirap dahil ang dami. May mga ginagamit silang mga bagay na hindi ko pa nagamit kailanman. Nang maalala ko si Archie ay kumalma ako. Pwede naman siguro akong magpaturo sa kaniya kung sakali. Kapag sweldo ko ay bibilhan ko na lang siya ng dalawang notebook.

Ito ang unang araw para doon. At kinakabahan talaga ako. Hawak ko ang mop, walis tambo, at iyong tinatawag nilang vacuum. Nasa labas lamang ang trolley ko na napupuno ng mga kagamitang panglinis.

Sabi nila ay kakatok ako ng tatlong beses at sasabihin ko kung ano ang sadya ko. At ginawa ko nga iyon.

"M-Maglilinis po ako." Kinakabahan ako.

Hinintay ko na may magsalita mula sa loob pero dumaan na lamang ang ilang segundo pero wala pa rin. Kaya nagpasya na akong ipihit ang seradura. Kaya lang ay alanganin pa ako lalo pa at wala naman akong narinig na sagot.

Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung, ayos lang kaya? Hindi kaya ako mapagalitan? Tama ba ang ginagawa ko?

Lumunok ako at nagpatuloy. Hinayaan ko muna ang trolley ko sa labas. Nakiramdam ako nang makapasok ako, agad kong naramdaman ang mga tingin na noon ko pa nararamdaman. Isang pamilyar na tingin.

"M-Maglilinis lang po ako,"paalam ko ulit bago ko kinapa ang mop. Balak kong unahin sana ang banyo niya. 

Kaya lang hindi ko alam kung saan banda iyon. Kung sana nakikipag-usap ang may-ari ng silid na ito. Naalala ko ang sinabi ni Tessa. Na isang mamamatay tao ang may-ari ng silid na ito. Napalunok ako at sinikap na lamang na hanapin ang banyo niya. Basta ang alam ko ay ang buong silid ngayon ang lilinisin ko. Sa isang linggo ay isang beses lang daw lilinisan ang silid na 'yon. Ayaw raw ng may-ari na parating may ibang tao ang silid niya.

Nangapa ako sa kung saan hanggang sa hindi ko namalayan na narating ko ang kama niya. Naramdaman ko ang lambot ng higaan na iyon na nagdala sa'kin sa ala-ala ng batang dati kong nakasama. Hanggang ngayon hindi ko siya nakakalimutan. Hindi ko alam kung bakit tila pamilyar ang lugar na ito.

Saglit at napansin ko ang pagkatulala ko kaya agad akong kumilos upang magpatuloy sa paghahanap ng banyo niya. Nang makahawak ako ng seradura ulit ay binuksan ko. Hinawakan ko ang paligid at nalamang iyon na nga ang hinahanap. 

Bumalik ako sa pintuan upang kuhanin sana ang trolley ko sa labas nang malaman na naka-lock na iyon. Kinabahan ako bigla sa nalaman. 

"S-Sino po ang nagsara? K-Kailangan ko pa po na kuhanin ang..."

Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi nang makaramdam ng hininga malapit sa mukha ko. 

"Here." At kumalansing ang bakal na hula ko ay mga susi. Malapit din sa mukha ko iyon.

Nakapagtataka na hindi ko siya namalayang nakalapit sa akin. Umatras ako bahagya at napalunok.

"M-Mukhang marami po ang hawak niyong susi. H-Hindi ko po alam kung saan diyan."

"Bakit ka lalabas?" Imbes na ibigay ang saktong susi ay iyon ang tinanong niya.

"K...Kunin ko po ang trolley ko sa labas."

Naaamoy ko ang ibang klase niyang bango sa katawan. Amoy lalaking-lalaki, hindi ko rin siya matatawag na kasing-bango ng rosas sa harden dahil may sarili siyang bango na kakaiba sa lahat. Amoy mayaman kasi siya.

"Babalik ka ba agad kapag nakuha mo na?"

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagtataka. Ibang klase kasi ang mga tanong niya samantalang mukhang alam niya naman yata na ako na ang bagong nakatuka na maglilinis simula ngayon sa silid niya. Babalik naman talaga ako kasi magsisimula na ako sa trabaho ko.

Alanganin akong tumango.

"Okay,"aniya at ilang saglit ay narinig ko ang pag-click at pagbukas ng pintuan.

Nararamdaman kong napakalapit niya sa hamba ng pintuan para maramdaman ko pa na malapit siya sa'kin noong lumabas ako. Akala ko ba at nakakulong bakit may susi rin siya? Sadya pang binigyan ako ni Tessa ng susi kasi raw kailangan kong ikandado ang may-ari ng silid pagkatapos kong maglinis. 

At isa pa ay pakiramdam ko ay matiyaga siyang nakabantay sa'kin habang hinihila ko ang trolley papasok sa silid niya. Nang makapasok ako ay nag-click ulit ang lock ng pintuan. Mukhang ni-lock niya na naman yata iyon. Napalunok ako at nagsimulang manginig lalo na tuwing naalala na nakapatay na ng tao ang lalaking nasa likuran ko ngayon. 

Nagsimula na akong maglinis habang nangangapa sa gawain. Pero sinisikap kong hindi pumalpak o kahit makagawa man lang ng ingay. Pati doon ay nag-iingat ako... at kanina ko pa nararamdaman ang mga mata na nakamasid sa'kin. 

Sinunod ko ang pagva-vacuum sa malawak na sahig na may carpet. Nagpaturo ako kay Archie dito at alam kong mahihirapan ako dito pero kinakaya ko lang din. Ilang saglit lang ay nangyari nga ang kinatatakutan ko. Nadaganan ng mabigat na vacuum ang paa ko kaya napangiwi ako sa sakit kaya lang dahil sa mga mata na alam kong kanina pa nakamasid ay tiniis ko ang sakit. Nagkanda sugat-sugat na rin kanina pa ang mga kamay ko dahil nakakapa ako ng bubog doon sa basurahan. 

Hindi nga lang ako pwedeng huminto dahil baka may magalit at delikado. Hindi ko kilala ang lalaking kasama ko ngayon dito. Baka ano ang gawin niya sa'kin kapag nagalit na. 

Natigilan ulit ako ilang saglit nang mapansin na huminto ang vacuum na ginagamit. Nagtataka na kinapa ko agad ang wire niyon para sana sundan kung saan nakasaksak at i-check kung nakasaksak pa rin ba. Kasi duda ko baka natanggal ang saksak kaya namatay.

Pero nagulat na lang ako nang may humawak ng kamay ko napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina. 

"Your wounds." Boses iyon ng lalaking kasama ko dito. 

Naramdaman kong binuka niya ang palad kong alam kong may sugat. Napasinghap ako.

"Uh... o-opo. M-Maliit lang naman yata,"ani ko at alanganin na napangiti.

"It's deep and huge."

Nagulat ako nang maramdaman na hinila niya ako sa kung saan. Napuno ng katanungan ang utak ko dahil sa kilos niya lalo na at kung saan niya ako dadalhin.

May naalala na naman ako sa paraan ng paghila niya. Ang batang iyon, para siyang iyong bata na nakasama ko dati dito. 

Ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili na naka-upo sa bagay na sa tingin ko ay pamilyar sa'kin. Ang higaan niya. Ginagamot niya ang sugat ko dahilan para mas lalo akong makaramdam ng pagkailang. Nakakailang na anak ng amo ko ang gumagamot sa'kin at isang lalaking tinawag nilang mamamatay tao.

Nilagyan niya ng cast ang kamay ko. 

"Hindi mo nakikita kaya paano mo nasasabing maliit lang?"

Napalunok ako dahil sa kasinungalingan na iyon.

"You know nothing."

Napayuko ako lalo. Ang hindi ko lang nalaman ay nakaluhod siya sa harapan ko at sa pagyuko ko ay mas nailapit ko pa ang mukha ko sa kaniya.

Ilalayo ko na dapat ang mukha nang mapansin iyon pero may malakas na kamay na tumulak sa ulo ko upang maituloy ang naudlot. Isang malambot na bagay ang marahas na sumakop sa mga labi ko. Naging marahas pa iyon nang akmang tatabigin ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko at bahagya niya nitong nasasabunutan ang buhok ko.

Hindi na ako halos makahinga kaya sinikap kong makawala pero hindi siya maawat. Kasunod niyon ay nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko at parang nahihilo na ako. At parang hindi ko na kakayanin lalo na nang daganan niya ako.

At tuluyan na nga akong tinakasan ng malay.

....

"Ay bakit naman? Sa lahat ng katulong dito siya lang talaga may sariling kwarto?"mapanuya na sabi ni Tessa.

"Siguro kasi bully ka, Tessa."

Tapos nagtawanan ang iba kong kasama. Ang mayordoma pa mismo ang padaskal na kumuha ng lalagyan ko ng damit. Hindi ko alam kung bakit ganoon, walang nagsabi sa'kin kung bakit ako magkakaroon ng sariling silid.

Napasinghap ako nang hilain ni Miss Dona ang gamit ko.

"Sumunod ka sa'kin,"aniya sa mataray na boses.

Apat na araw na matapos mangyari iyon sa pagitan namin ng anak ng amo namin. Nagising ako sa isang silid pero kasama na ang babaeng amo namin. Si Mrs. Rojo ang asawa. 

"Ikaw ang bagong taga-linis sa silid ni Asmodeus?"

Iyon pala ang pangalan noong lalaking gumawa noon sa'kin. Aaminin kong pakiramdam ko natatakot na rin akong bumalik sa silid niya. Pero kung uutusan ulit ako ay mapipilitan ako. Dahil ayoko rin matanggal. Wala nang ibang tatanggap sa'kin maliban sa mga Rojo.

"O-Opo, Ma'am." Hindi ko alam kung saan ako babaling dahil hindi ko alam kung saan siya banda.

"May pagsasabihan ka ba sa nangyari?"

Ang tinutukoy niya ay iyong ginawa ng anak niya.

Alanganin akong umiling dahil ang nasa isip ko ay si Archie. Gusto kong magsumbong sa kaniya, balak ko talaga. Dahil pakiramdam ko sasabog ang utak ko kapag wala akong mapagsabihan ng mga kinatatakutan ko. 

"Good."

"T-Tanggalin ho ba ako, Ma'am?"

"N...No, no, no,"aniya sa mabilis at agresibong boses. Nakapagtataka. "Instead, I want to increase your salary this time."

"H-Ho?"

"Hmm,"boses ng pagsang-ayon. "Just stay here and don't ever leave."

Napalunok ako at napayuko. Wala rin akong mapuntahan, at tataas daw ang sahod ko pumirme lang ako dito. Maraming bagay na kwestyunable sa bahay na iyon pero hindi ko kayang kwestyunin lalo na ngayon na nangangailangan talaga ako. 

....

Sa tingin ko ay malaki ang silid na binigay sa'kin pero nakakalungkot. Tahimik, wala na iyong mga tunog ng mga kuliglig na nakasanayan ko nang pakinggan bago matulog.

Malambot ang kama, ganoon din ang mga unan at napakabango pa. Pumikit ako at naisip ang Lola ko. Sana naranasan man lamang ni Lola na makahiga sa ganito kalambot na kama. Mapait akong napangiti sa gitna ng pagkakapikit. 

"Matutulog na ho ako, La. Ikaw rin, kung nasaan ka man ngayon."

Sa gitna ng kadiliman ng gabi. Naramdaman ko ang isang presensya sa silid ko. Pamilyar ang kaniyang mga tingin. Ngunit sa pagod at antok ay hindi ko na iyon pinansin. Kahit ang huling kataga niya bago ako kainin ng antok.

"You won't leave. You'll stay here."

noowege

Hello! Good Day! Thank you for reading Dark Side!

| 1
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tjlance Sambat
hahahahy nkahap nnmn aku ng bgo ku pboriting otor dito s gn..thank u ang gnda pti yung isang ongoing...️...️...️...️............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status