Share

CHAPTER 2

Araw ng kasal ng isa sa heredera ng pinakamayaman na pamilya sa Sta. Barbara. Halos buong bayan ay nagdiriwang. Napakaraming media ang nagkalat sa buong lugar para i-cover ang event lalo na at dadalo sa okasyon na iyon ang mga sikat na artista, mamamahayag, pulitiko at mga businessmen ng bansa. 

Si Leon ay nasa Sta. Barbara rin bilang representative ni Elizabeth. Hindi kasi makadadalo ang bilyonarya dahil may conference itong dadaluhan sa Australia. Hindi nito isinama si Leon dahil ang binata ay maraming kailangang gawin bukod pa ang pag-attend sa kasal ng isang Monte Allejo. 

Katulad ng karamihan sa mga bisita, sa hotel na pagmamay-ari ng mga Monte Allejo tumuloy ang binata. May naka-reserba na suite doon para sa kaniya. Thankful siya kay Elizabeth dahil nararanasan niya ang mga bagay na iyon sa kabila ng kaniyang mga suliranin na wala pang katiyakan ang kasagutan. 

Dahil hapon pa naman ang kasal nina Josh Mondrado at  Carie Monte Allejo, pinili ni Leon na magpalakad-lakad muna sa buong paligid. Nasu-suffocate kasi siya sa kaniyang silid. Siya kasi ang tipo ng tao na ayaw na nakukulong sa isang lugar lugar.  

"Mr. Marquez, I'm glad to see you here," sabi ni Lexie Monte Allejo— ang nakababatang kapatid ng bride. "Welcome to Allejo Hotel."

"Thank you." Nakipagkamay si Leon sa dalagang agad nagpakita ng motibo sa kaniya. 

"Lexie!" sigaw ni Moley. Agad nitong hinablot sa braso ang anak. "Lumayo ka sa assistant na iyan ni Elizabeth Devanadera. Napakaraming mayayaman na lalaki dito sa hotel. Sila dapat ang punteryahin mo at hindi ang isang pipitsugin na assistant lang ang pag-aksayahan mo ng oras," bulong ni Moley sa anak niya. 

"Titikman ko lang," bulong din ni Lexie sa kaniyang ina. 

Tumikhim si Leon at magalang na nagpaalam sa mag-inang Monte Allejo. Ngunit bago siya tumuloy sa pupuntahan niya, he tried to show his sweetest smile para akitin hindi lang ang anak kung hindi pati na rin ang ina nito. Alam niya kasing minamata siya ni Moley dahil kilala na matapobre ang ginang. 

Hindi rin nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata ang paraan ng tingin ng mag-ina sa kaniya dahilan para gawin niya iyon. Habang naglalakad sa kahabaan ng corridor hindi sinasadyang nakita ni Leon ang silid kung saan naroon si Carie. Sumilip kasi ang dalaga sa pasilyo pero hindi  naman ito lumabas. 

Dahil hindi maganda ang una at pangalawang pagtatagpo nila ng isa sa mga heredera ng Monte Allejo kaya nagdesisyon si Leon na kausapin si Carie. Nais niyang humingi ng tawad dahil sa kagaspangan ng ugali niya noong nagkita sila. Kakatok pa lang sana siya sa suit ng dalaga ng muling bumukas iyon. 

"Mr. Marquez, how may I help you?" Sarcastic ang paraan ng pagkakatanong ni Carie. 

“I just want to ask for forgiveness. I was rude noong una tayong nagkita at nang bumisita ako sa mansion ninyo. Akala ko kasi talaga ay…

“Katulong ako ng mga Monte Allejo? Huwag kang mag-alala. Sanay na ako sa mga katulad mong mapanghusga,” mataray na sabi ni Carie. 

“If you don’t mind me asking, Ms. Monte Allejo, bakit ganoon ang trato sa iyo ng mommy at kapatid mo?” 

Tumaas ang kilay ni Carie. Napangiti naman ng bahagya si Leon. Napahiya siya sa sarili niyang kagagawan. Hindi lang talaga makapaniwala ang binata sa nakita niyang sitwasyon ng babaeng nasa harapan niya kaya hindi na niya napigilan ang magtanong. 

“My life is none of your business, sir. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang nagkita tayo sa mansion. Kahit trinato mo akong katulong, forget it. Hindi kasi ako mahilig magtanim ng sama ng loob.” 

"Still, I think, I have to ask for forgiveness, Miss Monte Allejo. I was rude. Well, it's not my character talaga. Medyo dominating lang ang personality mo kaya siguro tinamaan ang ego ko," paliwanag pa rin ni Leon. 

"Oh, really? Sa tingin ko ay hindi talaga iyon ang reason. Ang totoo ay isa kang taong mahilig mag-power-trip. I hate people like you. Wala kang pinagkaiba sa stepmom and stepsister ko. Para kayong mga tagak na nakatungtong lang sa kalabaw, akala mo kung sino." Carie was more sarcastic as she looked at Leon from head to toe. 

"Where did you learn that?" tanong ni Leon na nagulat sa sinabi ng maganda ngunit mataray na dalagang nasa harapan niya.

“Ang alin?” Nalilito na tanong ni Carie.

“Those lines.”  

"You know what, I grew up talking and working with common people. Hindi ako pa-sosyal at feeling high maintenance. Kung ano ako bilang tao ay hinubog ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ako katulad mo na feeling mayaman na rin because of your work." 

Dahil sa sinabi ni Carie kaya nagdesisyon si Leon na batiin na lang ang magandang bride. Hindi niya napigilan ang humanga sa ganda ng dalaga pero hindi niya ugali ang mang-agaw ng babae na pagmamay-ari na ng iba. 

Ngunit dahil matindi ang epekto sa kaniya ni Carie, halos ayaw pang iwan ni Leon ang dalagang parang anghel ang itsura. He was mesmerized by Carie’s beauty kaya naman nag-isip pa siya ng pwede nilang pag-usapan. Unfortunately, biglang dumating ang groom. 

“Love, may kausap ka pala kaya hindi ka sumasagot sa tawag ko sa iyo,” wika ni Josh. “How are you Mr. Leon Marquez?” Kilala nito si Leon dahil madalas na silang nagkikita sa mga parties. 

Habang sinasabi ni Leon na okay lang siya ay nakipagkamay din siya kay Josh. Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ng huli. Naisip niyang may pagka-seloso ang fiance ni Carie.

“Nice meeting you, Josh Mondrano. So, pa’no, hindi na rin ako magtatagal. Humingi lang ako ng tawad sa bride mo dahil sa kasalanan ko sa kaniya,” wika ni Leon. 

Pagtalikod ng binata, wala siyang kamalay-malay na isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa labi ng isang Josh Mondrano. Naningkit ang mata nito at sineyasan si Carie na pumasok na ng silid. 

“Bakit ka nandito, Love? Hindi tayo dapat nagkikita ngayon, ‘di ba?” tanong ni Carie sa lalaking ilang oras na lang ay magiging asawa na niya. First boyfriend ng dalaga ang konsehal at talaga namang mahal na mahal niya ito. Sa ilang taon nilang relasyon, si Carie palagi ang nag-a-adjust kapag may mga hindi sila pinagkakasunduan. 

Simula highschool pa lang sila ay naging sandigan na nila ang isa’t isa. Kahit may mga pagkakamali si Josh ay pilit siyang inuunawa ni Carie. Para sa dalaga, buhay niya ang anak ng gobernador ng lugar nila. Ilang beses na nagloko si Josh ngunit pinatawad siya ni Carie. Madalas kasing sabihin ng binata na fling lang nito ang mga babaeng nakarelasyon niya at si Carie talaga ang mahal nito. Dala ng sitwasyon na tanging si Josh lang ang karamay niya, tiniis at tinanggap ni Carie ang kakulangan ng boyfriend niya hanggang sa alukin na siya nito ng kasal.  

"I just want to check if you are ready for our wedding," sabi ni Josh. 

"I am. Iyon lang ba?" tanong muli ni Carie. “Love, hindi na ako makapaghintay. Mamaya ay makalalaya na rin ako mula sa pang-aapi ng pamilya ko. Thank you, Josh.”  

"Yeah, everything will change today. Get ready, Love.  See you later. Enjoy every second of your preparation."  

Pagkatapos sabihin iyon ay nawala na si Josh. Naiilang na sinara ni Carie ang pintuan. Pakiramdam ng dalaga ay may mali. Subalit naiisip niyang baka dahil lang iyon sa nalalapit niyang kasal. 

Eleven years na silang in a relationship ni Josh pero mas close pa ito kay Lexie kumpara kaniya. Balewala naman iyon sa dalaga dahil magkababata na talaga ang dalawa. Akala nga ng mga tao ay sila ang magkasintahan at si Carie ay mang-aagaw lang. 

Samantala, dala na rin ng curiosity, parang detective na sinundan ni Leon si Josh nang nakita niya itong agad na umalis ng suit ni Carie. 

Hanggang sa humantong sila sa isang garden sa likod ng hotel. Doon ay naghihintay si Lexie sa groom na ikakasal na sa loob ng ilang oras. 

"Sweetheart, everything is ready. The driver who will bring your so-called bride in the church will be the assassin," excited na sabi ni Lexie kay Josh habang nakapatong ang isang braso nito sa kaliwang balikat ng anak ni Governor Mondrano. Ang isang kamay naman ng dalaga ay naglalaro sa díbdib ni Josh. 

"Later on, I will be free. Let’s say, na na-aksidente lang kunwari ang sasakyan ng bride at mahuhulog iyon sa bangin na nandiyan lang sa malapit. Yes! Everything is perfect. Well-planned na ang lahat at naghihintay na lang tayo ng oras para mabura sa mundo si Carie.” Humalakhak si Josh Mondrado na parang demonyo. 

“You are no longer required to play the role of a good boyfriend, sweetheart. Mawawalan na rin ako ng kaagaw,” sabi ni Lexie sabay halik kay Josh. 

“I waited for this for so long. Pinagtiyagaan ko lang naman ang kapatid mo because of you, Lexie.” 

“Thank you for being the spy. You did a great job, sweetheart. Makukuha ko na ngayon ng buong-buo ang yaman ng Monte Allejo. Maso-solo na rin kita.” Humagikhik si Lexie na para bang nang-aakit. 

“Can we go to your room now? I want to celebrate our success in bed,” saad ni Josh. 

Ilang beses na napalunok ng laway niya si Leon. Gusto niyang sugurin ang groom ni Carie subalit wala siyang karapatan na saktan ito. Nawala na sa garden ang kapatid at nobyo ng heredera ng Monte Allejo pero hindi pa rin s'ya umaalis sa pinagtataguan niya. 

"Sir, why are you here?" tanong ng isa sa mga empleyado ng hotel sa binata na nagulat. 

"I… I am just walking around and checking the area. It's so nice here, anyways." Nag-stammer si Leon habang nagpapaliwanag. 

Pagkatapos ni Leon makipag-usap ng ilang minuto sa staff ng hotel, nagmamadali siyang pumasok ng hotel. Niluwagan niya ang suot niyang necktie. Habang naglalakad sa lobby ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin. His mind keeps reminding him na huwag makialam sa problema ng mga Monte Allejo pero ang puso niya ay nagsasabi na kailangan niyang kumilos para iligtas si Carie. 

Dumating ang oras na nagsipuntahan na ang lahat sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Nauna na ang groom at maraming bisita. Naghihintay na lamang sila na dumating ang bride pero sa isip nina Josh at Lexie, sigurado sila na hindi na ito darating pa.

Samantala, sa suit kung nasaan si Carie ay naghi-hysterical siya. Pinalalayas niya si Leon dahil buong akala niya ay pinaglalaruan lamang siya nito. Hindi siya naniniwala sa mga sinasbi ng binata. 

"What will you get for telling me these lies?" tanong ni Carie kay Leon.

"Nothing, coz I am not lying. Calm down and hear me out. Here is the proof." Inabot ni Leon kay Carie ang cellphone niya. 

Naginginig ang mga kamay na inabot ni Carie ang gadget. Habang pinapanood niya ang video na nakuha ni Leon ay hindi rin maubos ang luha niya. Nanghihina na napaupo na lamang siya sa pluffy carpet ng hotel suit niya. 

Makalipas ang ilang sandali, biglang nagbago ang expresion ng dalaga. Pinunas niya ang kaniyang luha at umupo siya sa couch. Isang matapang at palaban na Carie ang humarap kay Leon.  Nagplano ang dalawa at pagkatapos ng halos fifteen minutes, handa na si Leon sa isang misyon na noon lang niya gagawin sa buong buhay n'ya.  

“Are you ready?” tanong ng binata kay Carie. 

“Are you sure about it, Mr. Marquez? Hindi kaya mas lalo lang akong mapahamak sa gagawin natin na ito?” tanong ni Carie. Nakakaramdam siya ng galit pero natatakot din siya para sa kaniyang buhay. 

“Yes. Kailangan lang makita ng mga tao rito sa hotel na sumakay ka ng bridal car. Everything should go according to plan. The killer is now gone and marahil ay nagwawaldas na ng pera. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Ma’am Elizabeth na bigyan tayo. So, paano, aalis na ako?”  

Tumango ang kabado na si Carie. Ngunit bago makalabas si Leon sa silid ng dalaga, hinabol siya ng heredra ng Monte Allejo. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa binata na hindi pa rin makapaniwala na sa isang iglap ay nasali siya sa gusot ng ibang tao. 

“Thank you for trying to save me. See you later." 

“See you later,” sabi ng binata. 

Sa paglabas niya sa silid ng dalaga, inayos ni Leon ang suot niyang pang-itaas. 

“Now, makukuha ko na rin ang isa sa mga jewel ng Monte Allejo at malalaman ko na rin ang sikreto ng pamilyang ito. God job, Leon Marquez. Umaayon sa atin ang tadhana,” bulong ng binata. Isang makahulugan na ngiti ang sumilay sa gwapong mukha ng pinagkakatiwalaan ng mga Devanadera.  “To win this battle, I have to play the game expertly,” mga katagang naglalaro sa isip ni Leon.

Ang kaninang maamo na mukha ni Leon Marquez ay naging kagaya ng sa isang leon na handang sakmalin ang nakita niyang nakalatag na pagkain. 

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Che Che
kawawang Carie puro sakim ang nakapaligid sa kanya tas eto pa si Leon na may hidden agenda din sa paglapit sa kanya
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ano kaya. inabalak ni leon
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
kawawa nman c Carie pero bakit parang may kakaiba kay Leon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status