Share

CHAPTER 5

Isang matatag na dalaga ang nakaupo sa malawak na dining area ng mansion ng mga Devanadera. Kaharap niya sa hapag ang gwapong si Leon Marquez na nakasuot lang ng kulay grey na sando at malambot na kulay black na short. Mataman siyang nakikinig sa kwento ng binata. 

"A new update about you, Carie, will be out soon. Are you ready?" tanong ng binata sa dalaga. 

"Hihintayin ko na lang," matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Carie. 

"Tumawag pala si Ma'am Elizabeth. Pumayag na siyang mag-stay ka rito pansamantala." 

Umaliwalas ang mukha ni Carie nang narinig niya ang sinabi ni Leon. Ang kaninang pilit na ngiti ay napalitan ng totoong saya. 

"Talaga? Hindi ba siya nagalit?" masiglang tanong ng dalaga. 

"Hindi." 

"Thank you. Don't worry, sanay ako sa gawaing bahay. Tutulong ako sa mayordoma, sa mga katulong, at maging sa hardinero." 

"Hindi ka inoobliga ni Ma'am Elizabeth na gawin ang mga gawaing bahay," ani ni Leon. Halatang nagulat siya sa sinabi ni Carie dahil bisita ito sa mansion ng mga amo n'ya. 

"Gagawin ko pa rin. Isang magandang panimula ito. Kailangan ma-impress sa akin ang amo mo para matulungan niya ako sa plano kong paghihiganti. Gusto ko rin kasing masigurado ang kaligtasan ni Daddy." 

Alam ni Leon na determinado ang babaeng kaharap niya kaya hindi niya na ito kinontra sa mga gusto nitong gawin. 

Hanggang sa ipinalabas na nga sa telebisyon ang bagong update tungkol sa the missing bride. Dahil batid na nina Leon at Carie na sina Josh at Lexie ang may pakana ng kunwari katawan ni Carie na natagpuan ng mga imbestigador kaya hindi na sila nagulat nang sabihin ng dalawa sa media na patay na si Carie Monte Allejo. 

Dahil sunog na sunog ang bangkay na natagpuan, nagsagawa ng DNA test sa bangkay. Ilang araw lang, nagpalabas ng press statement ang pamilya Monte Allejo na match ang DNA ng babaeng natagpuan sa daddy ni Carie. With the recent events, napaniwala nina Josh at Lexie ang publiko na patay na nga ang panganay ni Don Emil. 

"Mabuti rin ang ginawa nina Josh at Lexie," pagkuwan ay wika ni Carie. "Ang pagkawala ko ay magiging dahilan para ma-paranoid sila. Kilalang-kilala ko ang dalawang iyon, hindi sila matatahimik hanggang hindi nila natatagpuan ang bangkay ko." 

Para kay Carie, isang tagumpay na ang ginawa nina Josh at Lexie na pag-manipulate sa mga tao. Deep inside kasi ay tiyak na hindi matatahimik ang dalawang taksil hanggang hindi talaga siya natatagpuan ng mga ito. 

At hindi nga nagkamali ang dalaga… Sa isang sikat na funeral homes kung saan nakaburol ang bangkay na ginamit nina Josh at Lexie para palabasin na patay si Carie, nag-aaway ng palihim ang dalawa. Nagsisisihan sila dahil sa maling aksyon nila. 

"What if Carie is still alive?" tanong ni Josh kay Lexie. "What should we do then?"

"Enough! Okay? Let's get to the bridge when we cross there," iritado na sagot ni Lexie sa lalaking hindi mapakali. "She will not come back. Duwag iyon, eh. She knows her place sa family. Everyone hated her. Alam niyang walang matutuwa kapag bumalik pa siya. Wala na rin siyang pamilya na babalikan. Kilala mo si Ate Carie, she's weak."

"But… It's your fault," pagalit na turan ni Josh. Masyado kang nagmadali na mahanap ang bangkay ni Carie. What if bigla siyang bumalik unexpectedly? What if buhay pa pala siya?" 

Naningkit ang mga mata ni Lexie. Hinarap niya si Josh. 

"Stop talking, idiot!" sigaw ni Lexie. "Have you heard the people's statements? Nang sumabog ang sasakyan, may katawan na lumipad. It might be Carie. Possible na bumagsak ang katawan niya sa dagat na nasa right side kaya hindi siya mahanap. Possible din na nagkapira-piraso ang katawan niya." 

Tumahimik si Josh. Posible ang sinasabi ni Lexie lalo pa at ang lugar kung saan sumabog ang bridal car ay malapit sa dagat. At sa lalim ng bahaging iyon, talagang nahirapan ang mga rescuers. Sa kaliwang bahagi naman ay ang bakanteng lote, malapit sa hotel ng Monte Allejo. Sa kakahuyan na iyon kung saan nila ni Lexie inilagay ang sunog na bangkay ng katulong ng pamilya nila, walang maghihinala na lahat ay plinano lang. 

"The DNA test result was ninety-nine point nine percent. Kapag bumalik bigla si Ate Carie, pwede natin siyang patayin ng tuluyan or buhayin natin s'ya pero sirain natin ang mukha niya at gawin din natin siyang halimaw tulad ni Wayne Devanadera," suggested ni Lexie. "Plinano ko ito at salamat sa hairdresser na nag-ayos sa kaniya— nakakuha ako ng buhok niya." 

"Bahala ka nga. Kung hindi lang kita mahal…" Isang makahulugan na ngiti ang sumilay sa labi ni Josh. Naunawaan naman iyon ni Lexie. Makalipas ang ilang minuto, kapwa na sila nawala sa chapel kung saan nakaburol ang inaakala ng lahat na si Carie Monte Allejo. 

Sa sasakyan ni Josh na nasa parking lot, maririnig ang mga d***g ng dalawang taong kapwa pinaliligaya ang isa't isa kahit na sa hindi kalayuan ay pinaglalamayan ang babaeng sinadya nilang patayin dahil sa sikretong nalaman nito. Lingid sa kanilang dalawa, hawak na ng tauhan ni Donya Samantha ang ebidensya na iniwan ng katulong ng mga Mondrano at handa na itong ibigay iyon kay Leon.

Kinabukasan, sa presscon kung saan hinarap ni Josh ang napakaraming media men, itinodo niya ang pag-iyak. Totoong umiyak siya dahil sa nilagay ni Lexie na kung anong substance sa mga mata niya. Mahapdi man iyon, tiniis ng binata alang-alang sa kagustuhan niyang maangkin ng tuluyan si Lexie. 

Samantala, hindi na napanood pa ni Carie ang drama sa telebisyon ng kaniyang dating kasintahan. Mas pinili ng dalaga na maglakad-lakad sa buong mansion ng mga Devanadera. Pagkatapos kasi nilang mag-almusal ni Leon, hindi niya alam kung paano siyang magsisimula sa mansion na pansamantala niyang magiging tahanan. 

"Tatay Lito, nakita mo ba si Leon?" tanong ni Carie sa hardinero. Hindi niya alam kung paano tatawagin ang matanda dahil hindi niya naman ito ka-close pa. 

"Baka may meeting sila ni Sir Wayne ngayon," sagot ng matanda. 

"Ho? Nagkikita ba talaga sina Leon at ang halimaw? Mabuti at hindi siya kinakain ng Wayne na iyon." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. 

"Kahit ako, kinakabahan sa tuwing may meeting ang dalawang iyon. Sabi naman ni Sir Leon, mabait naman daw si Sir Wayne o Senyorito Wayne. Kapag nag-uusap daw sila, laging may nakapagitan na bintanang salamin sa kanila." 

"Totoo ba talagang halimaw si Sir Wayne?" Hindi napigilan na tanong ni Carie. 

"Sabi. Hindi ko rin alam. Pero may mga pagkakataon kasi na lahat kami ay pinapaalis ng mansion, pinagbabakasyon. Ang hula namin, iyon ang panahon na hinahatiran ng makakain na tao si Sir Wayne. Hindi nga lang talaga kami pwedeng magtanong."

Natututop ni Carie ang kaniyang bibig. Nagtayuan ang kaniyang mga balahibo at para siyang masusuka habang naglalaro sa isip niya ang mga sinabi ng matanda. 

"Maiwan ko po muna kayo. Hahanapin ko lang po si Leon," paalam ni Carie sa hardinero..

Lakad-takbo ang ginawa ng dalaga. Hindi pwedeng makain ni Wayne Devanadera ang kan'yang tanging kakampi na si Leon. Lalong hindi n'ya gustong magtagal pa sa mansion ng pamilyang tinitingala sa buong Pilipinas. Dahil malaki ang kaniyang dibdib, umaalog iyon habang tumatakbo siya. Walang pakialam si Carie kahit na sa isang lihim na silid, may mga matang nakamasid sa kaniya at lihim na pinagn*nas*an ang kaniyang katawan. 

Pagpasok pa lang ni Carie sa loob ng mansion, agad niyang nakita ang isa sa tatlong katulong. Tinanong niya ito kung nasaan si Leon at itinuro naman siya nito sa ikalawang palapag ng mansion. Sa kagustuhan na makausap agad ang binata, tumakbo si Carie sa hagdanan kahit na may elevator naman. 

Suot ang isang blouse na puti at short na malambot, hindi man lang pinagpawisan ang dalagang sanay sa active lifestyle. 

"Leon! Leon! Leon!" sigaw ni Carie habang lumalakad siya sa malawak na corridor ng ikalawang palapag ng mansion. Ang kulay ng dingding ng buong palapag na pinaghalong white at chocolate brown ay nagpaliwanag sa bahaging iyon ng mansion. 

Isa-isang binuksan ni Carie ang mga silid. Namangha siya sa ganda at design ng bawat isa. Halos lumuwa rin ang kaniyang mga mata dahil sa mga mamahalin na kasangkapan na nakikita niya. 

"This chandelier is worth a million dollars. Gosh, the Devanadera clan is truly extraordinary. They deserve to be one of the richest families in the world," bulong ni Carie habang nakatingala sa kisame ng isang malaking silid. 

Ngunit nang naalala niya ang rason kung bakit siya naroon sa silid na iyon ay agad niyang isinara ang pintuan. Mula second floor, umakyat siya sa third floor. Nagsimulang magtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa batok. 

"Carie, tigilan mo ang pagiging matatakutin mo," saway niya sa sarili. Muli niyang tinawag ang pangalan ni Leon. 

Hanggang sa buksan ni Carie ang isang silid sa dulo ng corridor, malapit sa side stairs ng mansion. Tumambad sa kaniya ang isang matangkad na lalaking nasa five-nine feet ang taas, maskulado, ngunit nakakatakot ang mukha kahit na halos kalahati lang noon ang kaniyang nakita. 

"Halimaw!" sigaw ni Carie. Ngunit walang boses na lumabas sa kan'yang bibig. Namutla siya at tuluyang nawalan ng malay. 

Nang magising si Carie, nag-aalala na mukha ni Leon ang una niyang nakita. Walang kahit na anong salita ang namutawi sa labi ng dalaga. Yumakap na lang siya kay Leon nang walang paalam. 

Naramdaman naman ng binata nang dumikit ang maumbok na dibdíb ni Carie sa kaniyang matigas na katawan. Napalunok siya dahil biglang gumalaw ang laman sa pagitan ng kaniyang hita. Uminit din ang kaniyang pakiramdam dahilan para mamula ang kaniyang tainga. 

"I, I saw the monster," sumbong ni Carie kay Leon. 

"What?" Napatayo pa ng binata nang narinig niya ang sinabi ng dalaga. "Paanong nangyari iyon? Hindi mo ba alam na pwede kang palayasin ni Ma'am Elizabeth kapag nalaman niya ang ginawa mo? Have you seen Sir Wayne's face?" 

Umiling si Carie. Napapikit siya. Gusto niyang umalis sa mansion ng mga Devanadera pero not too soon. Hindi niya pa kasi alam kung saan siya pupunta. Aside from that, hindi niya gustong magalit sa kaniya si Elizabeth. Kailangan niya ang kapangyarihan ng ginang para pagbayarin ang pamilyang umapi sa kaniya. 

"Malaking problema ang pinasok mo, Carie," sabi ni Leon. "Ayusin mo ang sarili mo. There is a possibility na sumugod dito si Ma'am Elizabeth kapag nalaman niya ang nangyari."

Napaluha si Carie dahil sa narinig niya. Lumaki siyang matapang at palaban, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi niya alam kung paano aayusin ang problema na pinasok niya. Bukod pa roon, hindi mawala sa isip niya ang sunog na mukha ni Wayne. Hindi man niya ito masyadong natitigan dahil sa takot na naramdaman niya, hindi niya naman makalimutan ang biglang pagpitik ng puso niya. May kung anong damdamin ang bigla na lang niya naramdaman at hindi niya iyon maipaliwanag. 

Nang matiyak ni Leon na maayos na ang lagay ni Carie, pansamantala nitong iniwan ang dalaga. Ang huli ay hindi naman mapakali dahil may bahagi ng isip niya ang nagsisisi dahil naging mahina siya. 

Kahit nakapikit na si Carie, hindi mawala sa isip niya ang sunog na mukha ni Wayne Devanadera. Nakaramdam siya ng awa sa lalaki base sa natatandaan niyang itsura nito. Ngunit hindi maitatanggi ang takot na nadarama niya para sa tagapagmana ng Devanadera. 

Nang maayos na ang pakiramdam ni Carie, naisip niyang magbukas ng telebisyon. Ang panonood ang tangi niyang libangan sa ngayon kaya kahit inaasahan na niya ang mga balita tungkol sa kaniya ay nagulat pa rin siya nang ipakita ang kunwari burol na para sa kaniya. At dahil kilalang pamilya ang kinabibilangan niya, daig pa niya ang artista sa laki ng coverage sa kunwaring pagkamatay niya. 

Lumipas na ang ilang oras, mainit pa rin ang balita tungkol sa The Missing Bride. Dahil doon kaya si Carie ay lalong excited na paghigantihan ang mga taong umapi sa kaniya. 

"How does it feel being dead?" tanong ni Leon kay Carie. "Hindi ka ba nagsasawa na panoorin ang mga balita tungkol sa iyo?"

"Absolutely not. Awesome. I feel elated. I can move freely without worries. Leon, may update ka na ba sa hinihingi ko sa iyong tulong? Can you help me this time to take revenge on my family?" tanong ni Carie sa binata na hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala kanina pa.

"I don't think so. As I've said, I am nobody in this house. I don't have the resources na kakailanganin mo. Hindi rin ako makagagalaw without Ma'am Elizabeth's approval," Leon replied. "Yes, pumayag siyang mag-stay ka rito pero hanggang wala siyang go signal sa bawat action na gagawin mo, hindi ka pwedeng kumilos." 

Napabuga ng hangin si Carie. Inis na inis siya sa lalaking kausap niya. Feeling niya ay masyado itong dependent sa amo nito. 

"Please. I badly need your help," pakiusap ni Carie.

"Okay, let's see what I can do. Kakausapin kong muli si Ma'am Elizabeth," kalaunan ay sabi ni Leon. "Tutulungan kita pero syempre, you have to repay me." 

"Sure. Why not?" Hindi na inisip ni Carie ang consequences ng mga desisyon niya. Wala na kasing mas mahalaga sa kaniya kung hindi ang makahanap ng masasandalan para makapaghiganti siya. 

Samantalang si Leon naman ay lihim na napapangiti. "Ganiyan nga, Monte Allejo… Huwag kang mag-isip hanggang sa mahulog ka sa trap na inihanda ko para sa iyo at sa pamilya mo," bulong ng isip ng bintana kahit na ang puso niya ay parang tatalon na palabas sa dibdib n'ya dahil sa tindi ng epekto ni Carie sa kaniya. 

"Kung kinakailangan na gamitin kita, Leon, para makapaghiganti ako kay Josh at sa pamilya ko, gagawin ko," bulong naman ni Carie. "Ang mga lalaking katulad mo, dapat ay ginagawa lang tau-tauhan para hindi kayo makapanakit pa ng babae." 

Pansamantalang natahimik ang dalaga habang pinapanood niya ang binata na kinakalikot ang cellphone nito. Napapansin niya ang paminsan-minsan na pagsulyap ng Leon pero wala siyang maramdaman na kahit na ano. Punong-puno kasi ng galit ang puso niya kaya ganoon din kabilis nawala sa isip niya sa halimaw na tagapagmana ni Donya Elizabeth. 

"Carie, ano raw ba ang plano mo?" tanong ni Leon. 

"Sino ang nagtatanong?" kunot na kunot ang noo ng dalaga. Hindi n'ya kasi nagustuhan ang panghihimasok ni Leon o ng kung sinuman sa mga gusto niyang gawin sa mga susunod na araw. 

"Si Ma'am Elizabeth."

"Really? Okay, Leon, wala pa akong concrete plan pero isa lang ang sigurado ako, babalik ako sa mansion ng Monte Allejo bilang matatag at undefeated Carie. For now, my priority is to secure my father. Habang nasa mansion siya, delikado ang lagay niya." 

"Get ready. Ipinag-uutos ni Ma'am Elizabeth na pakasalan mo si Sir Wayne."

"That's ridiculous!" Napatayo at napasigaw si Carie sa sobrang gulat. "I don't want to marry a monster." 

"Batas kasi na hindi dapat makita ng kahit na sino ang anumang bahagi ng katawan ni Sir Wayne." Alam na ni Leon ang complete details ng nangyari dahil sa kwento ni Carie kaya madali na lang sa kaniya ang ipaliwanag sa dalaga ang sitwasyon. 

"No way!" Umiiyak na tanggi ni Carie. "Baka may ibang option pa, Leon." 

Leon, step forward para mapalapit siya kay Carie. Sa kabila ng kaniyang maitim na intensyon sa dalaga, hindi niya mapigilan ang mag-alala sa sitwasyon nito. Walang sabi-sabi na niyakap niya ang dalagang naghi-hysterical na dahil sa sobrang takot na nararamdaman nito. 

"Leon, pwede bang ikaw na lang ang pakasalan ko para 'di na ako mabawi pa ni Josh. Please, marry me kahit saang simbahan," pakiusap ni Carie. 

"Don't worry, Carie. Ako ang tatayo na asawa mo kapag nasa labas ka ng mansion na ito," sabi nila Leon sabay haplos sa pisngi ng dalaga. 

Marahas na itinulak ni Carie ang binata. umiiyak siya ngunit tumatawa rin siya. 

Ngunit ng siilin ni Leon ang labi ng dalaga, para itong idinuyan. Her fears vanish like smoke in the air. Her heart calms down at hinihiling ng isip niya na sana magtagal pa sila sa ganoong sitwasyon. Ngunit lahat ng pantasya ay may katapusan. Ang nakakahilong kilig ay napalitan ng pagkalito at pag-aalinlangan. 

Ang dalawang puso na may kani-kaniyang interest ay biglang natauhan. Pansamantala nilang pinakiramdaman ang isa't-isa. Kapwa rin nila pilit sinusupil ang kanilang mga damdamin. Ngunit ano nga ba ang magagawa ng isip kung puso na ang nagdidikta? 

Walang paalam, walang pag-aalinlangan, at walang pagkukunwari, lumapit muli si Leon kay Carie at niyakap niya ang nagulat

na dalaga. 

"Please marry Sir Wayne para may chance akong makasama ka pa ng matagal," pakiusap ni Leon sa nagulat na dalaga. 

Magic Heart

Readers, Ayan na... Unti-unti nang lumilitaw si Wayne Devanadera. Magawa niya kayang makuha ang puso ni Carie kung unti-unti na rin na nagpaparamdam si Leon ng damdamin n'ya sa dalaga? Please don't forget to leave your reviews sa mismong story na ito. Palambing na rin po ng gems ninyo. I love you all! Love lots, Magic Heart

| Like
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Lin lasugas
team wayne din aq,,kylan kya nx chapter nys..love lots
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
parang beauty and the beast....team Wayne ako.........
goodnovel comment avatar
Dimarucut Emelie
bakit ang yamam yaman nya dxa magpaplastic surgery kaya xa hahanhin pa ang pera kundi nya gagamitin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status