Share

His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)
His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)
Author: Magic Heart

PROLOGUE

"Magandang araw! Narito na ang pinakabagong balita tungkol sa The Missing Bride. Ayon sa mga imbestigador na may hawak ng kaso, ang nawawalang tagapagmana ng Monte Allejo na tinaguriang The Missing Bride ay patay na! Natagpuan ang bangkay ni Carie Monte Allejo sa isang bakanteng lote, malapit sa hotel kung saan siya huling nakita. Sunog na sunog ang kan'yang katawan." 

Kinuha ni Leon ang remote at pinatay ang tv. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo ng tahimik sa couch na nasa gitna ng living room. 

"You're now dead sa mata ng mga tao. Paano ka pa babalik sa pamilya mo?" tanong ni Leon sa dalagang walang kaemo-emosyon man lang. 

"Hahayaan ko silang isipin na patay na ako. Mas mabuti iyon para madali akong makapaghiganti. Pwede mo ba akong tulungan, Sir? Any help na ibibigay mo ay hindi ko tatanggihan." 

Saglit na nag-isip si Leon. Umupo siya sa katapat na upuan ni Carie. Tiningnan niya ang maamong mukha ng dalaga. Ngumiti siya ng ubod tamis. 

"Let's see what I can do. Kakausapin ko muna si Madam." He's referring to Elizabeth Devanadera— ang pinaka-amo niya. 

Napatango-tango si Carie. Si Leon naman ay naging abala sa kaniyang cellphone.

"Thank you for saving me. I owe my life to you now," Carie murmured. Dahil malapit lang si Leon sa dalaga kaya narinig pa rin niya iyon. Ngumiti lang siya at hindi tumugon. 

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa dalawa. Maya-maya pa ay tumayo si Leon. 

"Dahil sa ginawa mo raw noong isang araw na pagpunta sa ipinagbabawal na silid, utos ni Ma'am Elizabeth na pakasalan mo si Sir Wayne Devanadera," saad ni Leon. 

"Hindi! Hindi ako pwedeng magpakasal sa lalaking halimaw!" Carie was terrified. Fears radiated in her eyes.  "Please, give me an option," she begged. 

"Carie, kung gusto mong makaligtas at magkaroon ng maayos na buhay, susunod ka sa utos ng boss ko." Walang kangiti-ngiti sa labi na sabi ni Leon. Pilit niyang pinipigilan ang damdamin para sa babaeng gustong pakasalan ng kaniyang amo. 

"Hindi ko kasalanan kung nakita ko ng bahagya ang halimaw mong boss. It was an accident. I was looking for you, Sir Leon, kaya lang naligaw ako." Umiiyak na si Carie. 

Kahit nahahabag sa dalaga ay walang magawa si Leon dahil hindi na magbabago pa ang utos ni Elizabeth. Bilang lola ng taong sinasabi ng dalaga na halimaw, nakasilip ng pagkakataon ang bilyonarya  para hanapan ng magiging asawa ang apo niya. Gusto na kasi nitong magkaroon ng apo sa tuhod na magiging susunod na tagapagmana ng mga Devanadera. Ang halimaw kasing si Wayne ay kailanman hindi pwedeng humarap sa mga tao.   

Leon slowly walked towards Carie. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang yakapin ito. Si Carie ay ganoon din, ang puso niyang kasing tigas ng bato ay bahagyang lumalambot kapag malapit siya sa assistant ni Elizabeth. Hindi maikakaila na malaki ang epekto nila sa isa’t isa kahit na ilang araw pa lang silang magkasama sa i-isang bahay. 

"You have no choice, Carie. Huwag kang mag-alala, pagsisilbihan kita ng buong puso kapag isa ka na sa mga amo ko," Leon told Carie. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga pero hinila iyon ng huli. 

Tinitigan ni Carie ang malamlam na mata ni Leon. Lakas loob na hinaplos niya ang pisngi ng binata kaya naman tuluyan nang natupok ng apoy ang pagtitimpi nito. He started to kiss the girl he likes so much. Gumapang ang mga palad niya sa makinis nitong braso, pababa sa may puwet ng dalaga. Hindi niya napigilan na pisilin ang matambok na pang-upo ni Carie dahilan para mag-react ito violently. 

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata. Marahas din siyang itinulak ng babaeng nagngangalit ang mga ngipin.

"Bastos ka! Mapagsamantala ka rin katulad nila!" She cried. "Magpapakasal na lang ako sa halimaw kaysa ang lapain ako ng taong kagaya mo. Wala kang pinagkaiba sa ex ko!" 

"Fine! Walang problema sa akin na magpakasal ka sa boss ko pero huwag mong kalilimutan na akin ka lang," mariin na sabi ni Leon. 

Ang singkit na mata ni Carie ay nag-aapoy sa galit. Subalit hindi natinag si Leon. 

"Tingnan natin kung masasabi mo pa rin iyan kapag kasal na ako sa halimaw mong amo," hamon ni Carie sa lalaking naging pangahas kanina lang. 

"Carie, nakalimutan ko nga palang sabihin sa iyo, isa rin sa mga utos ni Ma'am Elizabeth ay magpapanggap akong asawa mo kapag nasa labas ka ng mansion na ito. Iyon ay para raw sa kaligtasan mo. Sa mata ng mga tao, asawa kita pero kailangan mong makipagtalik kay Sir Wayne kapag gusto niya para magkaroon kayo ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya nila." 

"You? What? Substitute husband? Anak?" Tumawa ng malakas si Carie. "It's ridiculous!" 

"Well, sa ayaw at sa gusto mo, I am your husband's substitute. Akin ka kapag kasama mo ako." Leon grabbed Carie's right arm and pinned her down. He kissed her once again, but Carie wanted to kiss him back this time. Pinipigilan lang ng dalaga ang sarili niya dahil may misyon siya na dapat tapusin. 

"Kailangan ko ang lakas ng Devanadera para gantihan ang aking pamilya at ex-boyfriend, pero pwede bang tayo na lang ang gumawa ng anak kasi nasusuka ako sa tuwing naaalala ko ang itsura ng halimaw na si Wayne?" nang-aakit na tanong ni Carie kay Leon. 

"Pwede," nakangiting tugon ni Leon. 

Ngunit sa halip na matuwa si Carie sa sagot na kaniyang narinig at sa ginagawang panunukso ni Leon ay bigla niyang tinuhod ang harapan nito. Napaigik naman dahil sa sakit ang binata. 

"Hindi ako papayag na paglaruan mo kahit na personal assistant ka pa ng pinakamayaman na tao sa buong Pilipinas," saad ni Carie. "Kung magkakaroon man ako ng anak ay sisiguraduhin kong isa na siyang Devanadera para mayroon akong kontrol sa lahat."

Leon's muscles tighten. Hindi niya matanggap na may isang babae ang tinatanggihan siya. Never kasi niyang naranasan iyon sa buong buhay n'ya. Tumayo siya at inayos ang sarili. Tiningnan niya si Carie ng ubod talim. 

"Magiging substitute husband mo ako sa ayaw at sa gusto mo. Gagawin ko ng maayos ang aking trabaho pero gusto kong may interest. Based sa napag-usapan namin ni Ma'am Elizabeth, ang interest na iyon ay ikaw, Carie." 

Parang sasabog sa galit si Carie. Subalit nagdiriwang naman si Leon dahil sa tuwa. Mayroon na kasi siyang sahod, may Carie pa siyang makakasama sa mansion kung saan nakakulong ang halimaw na tagapagmana ng Devanadera. Handa siyang gawin ang lahat para ang babaeng matagal na niyang gusto ay makuha niya kahit gagampanan lamang niya ang role ng isang substitute husband. 

Wala nang urungan pa. Wala nang makakapigil pa sa isang Leon Marquez para talunin ang isang Wayne Devanadera, at si Carie ang susi noon. 

  

Comments (12)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
Wayne are you halimaw...
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
halamaw ba talaga SI Wayne?
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wow paayaw ayaw pa pero hahaha naku
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status