Mag-log in
“Talitha, ang mga Salvador,” huling wika ni papa bago siya lagutan ng hininga.
Matagal na nagsisilbihan si papa sa mga Salvador. Isa siyang driver doon. At ang aking namayapang mama naman ay isang katulong sa mga ito.
Namatay siyang nagsilbi sa mga Salvador. Namatay siyang wala kaming natanggap ng kahit ano sa mga ito. Kahit kaonti tulong man lamang.
Nang namatay ang aking mama ay nabaon sa utang ang aking papa dahil wala kaming sapat na pera para sa pagpapalibig ni mama. Kaya doble kayod si papa para lamang mabayaran ang mga utang nito.
Namasukan din siya ng hardinero sa mga Salvador. At kahit may sakit ito sa puso, ayaw pa rin nitong tumigil sa paglilingkod sa mga Salvador.
Samantalang ako, kakatapos lang sa high school. Nais ko man tumungtong sa kolehiyo, ngunit nais ko nang tulungan si papa sa bayarin at sa mga utang niya.
Malaki ang pasahod ng mga Salvador na naririnig ko sa mga trabahador ng mga ito. Ngunit bakit nabaon sa utang si papa at walang ipon si mama kung malaki ang pasahod ng mga ito?
Bakit nahihirapan pa rin kami sa buhay kung halos kalahating buhay ng mga magulang ko ay nagsilbi sa mga Salvador?
Kung totoo ngang malaki ang pasahod nila, hindi na sana nagtiis si mama sa sakit nitong diabetes—ang sanhi ng kaniyang pagpanaw. Hindi na sana naghihirap si papa sa pagbayad ng kaniyang utang habang may sakit siya sa puso.
O baka naman dahil hindi sapat ang pasahod ng mga Salvador sa magulang ko kaya sila nagkaganito?! Kaya sila naghirap dahil sa tuwing pasahod ay kulang ang natatanggap na pera ng magulang ko?
Dahil hindi nag-aral ang magulang ko kaya madali lang nilang lokohin ang mga ito?!
Unti-unti nabuhay ang galit sa puso ko habang tinatanaw ang magkatabing puntod ng mga magulang ko. Kanina pa umaagos ang luha ko dahil sa pighati, at ngayon naman ay mas lalo akong naiyak dahil sa galit.
Galit sa mga Salvador.
Galit sa kanila dahil tila wala silang pakialam sa mga namayapa kong mga magulang. Kahit pekeng pakikipaglamay ay hindi man nila nagawa!
“Talitha, umuwi na tayo,” wika ni Lucy sa tabi.
Siya ang nag-iisang kaibigan ko. Ang kaniyang mga magulang ay nanglilingkod din sa mga Salvador. Ngunit ang kanilang buhay ay ibang-ibang sa amin. Nakakaangat sila subalit kami ay baon pa rin sa utang.
At dahil ako na lamang ang nag-iisa sa buhay. Ako ang mapapatuloy sa pagbabayad ng utang ni papa.
“Kailangan munang magpahinga, Talitha. Dalawang araw ka nang walang tulog,” paalala ni Lucy ngunit binalewala ko lamang ito.
Hinagod ni Lucy ang likod. Ngunit wala akong maramdaman na ginhawa mula rito.
Galit.
Galit ang namumuo ngayon sa akin. Galit sa mga Salvador. Galit na alam kong kapag wala akong ginawa ay dadalhin ko ito sa buong buhay ko.
“Lucy, tulungan mo ako…” Tumingin ako rito. “Tulungan mo akong makaganti.”
“Huh?”
Kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ni Lucy.
“Tulungan mo akong makaganti sa mga Salvador.”
Lumayo nang bahagya sa akin si Lucy. Ang Kunot-noo nito ang nagpapatunay na hindi nito naintindihan ang tinuran ko.
“Ang mga Salvador ang siyang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko,” klarong wika ko rito.
“Ano? Bakit sila, Talitha? Hindi kita maintindihan,” umiliing na sagot sa akin ni Lucy.
Ako naman ngayon ang kumunot ang noo dahil sa inasta ng aking kaibigan.
Hindi niya ba nakikita ang lahat? Hindi niya ba nakikita ang agwat ng aming buhay?! Pareho lang naman nagtratrabaho ang mga magulang namin sa mga Salvador. At nang namatay ang lola niya, hindi ba’t pumunta ang haligi ng tahanan ng mga Salvador? At sa amin ay hindi man lang nagpakita kahit amino nila?
Hindi ba nito nakikita na pinagmalupitan ang mga magulang ko?! Tila kinawawa nila ang mga ito.
“Tulungan mo akong makapasok sa mga Salvador, Lucy.”
“Hindi ka magkokolehiyo?”
Tanging pag-iling lamang ang sagot ko sa aking kaibigan.
“Nais ko lamang gumanti Lucy. Nais kong sirain ang kanilang masayang buhay. Nais kong magkawatak-watak din silang pamilya,” puno ng galit ang tono ko.
“Hindi kita maintindihan, Talitha. Hindi talaga. Bakit mo sinisisi ang pamilyang Salvador sa pagpanaw ng mga magulang mo? Batid mong sakit ang dahilan kung bakit sila nawala.”
“Ano ang hindi mo maintindihan, Lucy!” Napalakas ang boses ko dahilan nang pag-atras ni Lucy.
Umiling lamang sa akin si Lucy. Tila ba hindi ito makapaniwala kung bakit ko ito napagtaasan ng boses.
“Sila ang dahilan, Lucy. Tignan mo ang agwat natin. Mas maginhawa ang buhay ninyo kumpara sa amin. Mas matagal nang nagsisilbihan ang mga magulang ko sa mga Salvador kaysa sa magulang mo, subalit ganito pa rin kami!”
“Dahil marunong silang humawak ng pera, Talitha.”
Natawa ako. Tawang walang buhay.
“At sa tingin mo ang mga magulang ko ay waldas lang ng waldas sa pera, Lucy?” mapait kong wika.
Umiling si Lucy, “Hindi yan ang nais kong sabihin, Talitha.”
Mapait akong ngumiti.
“Kung hindi mo ako tutulungan, mag-isa akong kikilos.”
Nataranta si Lucy sa tinuran ko. Hinawakan nito ang braso ko ngunit mabilis ko itong winasiwas na siyang kinalungkot ng kaniyang mukha.
“Hindi maganda ang magbintang, Talitha. At mas lalong hindi magandang maghiganti. “
“Nasasabi mo lamang ‘yan dahil hindi ikaw ang nasa posisisyon ko!”
Natameme si Lucy. Dahilan kung bakit namayapa ang katahimikan sa amin.
Kung hindi ako tutulungan nito, kaya ko naman mag-isa ang planong ito.
“At paano ka maghihiganti?” malumanay na tanong ni Lucy.
Nabuhayan ako dahil sa tanong niya. Nabuhayan ako dahil batid kong tutulungan ako nito ngayon. Dahil batid kong hindi ako matitiis ng aking kaibigan.
Ngumiti ako. Naramdaman ko ang saya sa ngiti ko dahil batid kong may makakasama ako ngayon sa aking plano.
“Papasok akong katulong sa mga Salvador. Lalapit ang palay sa mga manok.”
Umiling si Lucy. Tila hindi gusto ang lumalabas sa bibig ko. Ngunit pinagsawalang bahala ko muli siya.
“At alam mo kung sino ang palay at mga manok?”
Muli akong tumawa. Tawang may pait at puot.
“Ako ang palay at ang mag-ama ang mga manok.”
Bumuntonghininga si Lucy. Umiling muli ito.
Ang kaninang positibo kong akalang may makakasama ako sa aking plano ay unti-unting naglaho nang marinig ko ang sagot nito.
“Hindi kita matutulungan sa plano mo, Talitha.”
Tumawa muli ako. Mukhang baliw na ako katatawa pero wala akong pakialam.
Akala ko naman…
“Hindi kita matutulungan sa kabaliwan mong ito.”
Tumigil ako sa pagtawa at tinignan ang nag-iisang kaibigan ko. Hindi ako nagpakita ng emosyon dito. Katulad nang unti-unting pagdilim ng mga mata ko sa kanya.
“Kung gano’n ay pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin,” wika ko bago ko siya tinalikuran. Hindi na hinintay ang pagsang-ayon niya o ang hindi nito pagsang-ayon.
Mabilis kong tinabing ang mga kamay niya sa dibdib ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakasandal ko sa pader pero malakas ang mga kamay niyang pinigilan ako.“Huwag mo akong hawakan!” sigaw ko sa kaniya.“Then explain to me why you’re not wearing a fucking bra?”“May suot akong nipple bra!”Naka shoulder dress kasi ako kaya naman nagpasya akong nipple bra na lang ang isuot ko. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang migiging reaction ng isang ito.Hindi ko rin naman alam kung bakit napunta dito ang usapan namin. At hindi ko rin alam bakit ito nandito sa aking kwarto.“What is a nipple bra?!” naguguluhang tanong nito.“Edi bra!” galit kong sagot. “Pakawalan mo nga ako!”Muli kong sinubukan kumawala sa nakaharang niyang mga kamay sa magkabilang gilid ko, pero tulad kanina, hindi ako nagtagumapay.“Change your clothes and wear a bra.”“Ano?!”“Magsuot ka nang ibang damit at bra bago kita pakawalan!”We’re not even close, pero kung umasta ang isang ito tila magkasintahan kaming nag-away lang
Kaba.Ito ang nararamdaman ko ngayon habang tinatanaw ang paglakad ni Locke patungo sa pangalawang palapag nitong kanilang mansyon.Kaba ang nararamdaman ko dahil sa pagbabanta niya.Paano kung gawin niya ang banta niya? Paano kung hindi ko magawa ang plano kong sirain ang kanilang pamilya dahil sa kaniya?Bumuntonghininga ako.Wala pa akong naranasan sa pakikipagtalik. Kaya kinabahan ako nang marinig ko ang ipaparusa nito sa akin. Subalit kung balak kong sirain ang kanilang pamilya dapat ay inisip ko na ito.Hindi maaakit ang mag-ama sa akin kung hindi ko idadaan ito sa ganoong paraan.Bahala na!Papaamuhin ko muna si Locke upang hindi ako mapalayas dito sa kanilang mansyon. At paano ko gagawin iyon? Iyon ang pag-isipan ko!“Oh, nasaan si Locke, hija?” tanong ni Kelly Salvador nang matagpuan ako nitong nakatayo pa rin sa malawak nilang tanggapan.Itinuro ko ang hagdan bago ako bumaling sa ginang.“Pumasok po yata sa kaniyang kwarto,” mahinang wika ko ngunit sapat na upang marinig ako
Narito na kami sa harapan ng malaking gate ng mga Salvador. Kasama ko si Aleng Rosa at ang isa niyang kasambahay, para kapag iniwan ako nito sa mansyon ng mga Salvador ay may kasama itong uuwi.Positibo talaga akong makakapagtrabaho sa mga Salvador dahil ang linapitan ko ay sobrang malapit din sa kanila—si Aleng Rosa. Batid ko kasing hindi ito matitiis ng mga Salvador na siyang ikanatutuwa ko.Bumukas mag-isa ang malaking gate na nasaaming harapan. Ang malakaw na Hardin at may fountain sa gitna ang siyang bumungad sa amin. Pamilyar na ako sa lugar dito dahli nga madalas akong sumama noon kay mama sa pagtratrabaho dito. May ibang nagbago pero bilang lamang sa diliri ko ang mga ito. Tulad na lang ang isang duyan malapit sa puno ng mangga. At greenhouse malapit sa tirahan ng mga aso.Mga iba’t ibang bulaklak ang siyang nakapalibot sa amin. At kung wala lang ang sementong pathway papunta sa pinto ng mansyon ay mistulang nasa kagubatan kami na mayroon iba’t ibang klaseng bulaklak.Pinagmas
Si Lucy ang nag-iisang kaibigan ko magmula nang mag-aral ako. Simula preschool hangang high school ay magkaklase kami nito. Kaya nakakalungkot man ang pasya ko, hindi pa rin ako nagsisisi dahil tama nga siguro wag na siyang madamay sa plano kong ito.Kung sisirain ko man ang buhay ko, mas magandang hindi na nga ako mandamay ng malapit sa buhay ko.Patungo ako ngayon kay Aleng Rosa. Si Aleng Rosa ay dating katiwala sa mansyon ng mga Salvador. Tumigil lang ito sa paglilingkod sa mga Salvador dahil nakapagtapos na lahat ang mga anak niya at ngayon siya ay nasa maayos na kalagayan. Hindi na niya kailangan magtrabaho dahil kinupkop siya ng mga anak.Marahil gano’n din siguro ang plano ng mga magulang ko. Ngunit dahil may mga edad na rin at nagkasakit ay halos ituon nila ang buhay nila sa mga Salvador. Ang mga Salvador na hindi tama ang pasahod at trato sa mga trabahador.“Hija, anong sadya mo?” salubong sa akin ng isang kasambahay nina Aleng Rosa.Habang tinatanaw ang malaking bahay nina A
“Talitha, ang mga Salvador,” huling wika ni papa bago siya lagutan ng hininga.Matagal na nagsisilbihan si papa sa mga Salvador. Isa siyang driver doon. At ang aking namayapang mama naman ay isang katulong sa mga ito.Namatay siyang nagsilbi sa mga Salvador. Namatay siyang wala kaming natanggap ng kahit ano sa mga ito. Kahit kaonti tulong man lamang.Nang namatay ang aking mama ay nabaon sa utang ang aking papa dahil wala kaming sapat na pera para sa pagpapalibig ni mama. Kaya doble kayod si papa para lamang mabayaran ang mga utang nito.Namasukan din siya ng hardinero sa mga Salvador. At kahit may sakit ito sa puso, ayaw pa rin nitong tumigil sa paglilingkod sa mga Salvador.Samantalang ako, kakatapos lang sa high school. Nais ko man tumungtong sa kolehiyo, ngunit nais ko nang tulungan si papa sa bayarin at sa mga utang niya.Malaki ang pasahod ng mga Salvador na naririnig ko sa mga trabahador ng mga ito. Ngunit bakit nabaon sa utang si papa at walang ipon si mama kung malaki ang pas







