로그인Akala ko ay nasa sukdulan na ako ng pagkamuhi ko sa apelyidong meron ako, pero may ikakamuhi pa pala ako rito. Dahil ang ina ko, ang babaeng sinaktan ng ama ko, ay sobrang bulag sa pag-ibig. Ayos lang sa kanya na magloko si Daddy. Ayos lang sa kanya na lumipat-lipat si Daddy sa iba’t ibang babae, basta ba sa amin siya umuwi—basta ba kami ang mahal niya. Ang masasabi ko lang sa katuwiran ni Mommy? Fuck it! Hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ni Daddy kung bakit mahal na mahal niya ito. Hindi ko alam kung anong ibinigay ni Daddy sa kanya at nakuha niyang magpakabaliw ng ganito. “Mommy, hindi pa po kayo naawa sa sarili ninyo?” tanong ko habang nasa hapag-kainan kami. Nagkaroon na ako ng muwang sa mundo. Tumanda na ko at nakilala ko na si Talitha, pero hanggang ngayon, ganito pa rin ang pamilya ko. Ayokong habambuhay na ganito. Ayokong isang nakakadiring pamilya ang yayakap kay Talitha kung sakali man na mahalin ako nito. “Hijo, siguro ito na ang oras para malaman mo a
Sinasabi ng mga tao na masuwerte ako dahil ipinanganak akong isang Salvador. Ang apelyidong ito ay simbolo ng yaman, kapangyarihan, at respeto. Ngunit para sa akin, ang apelyidong ito ay isang sumpa na nagsimula noong ako ay pitong taong gulang pa lamang. Isang araw, ako’y pitong taong gulang pa lamang, patungo ako sa library hawak-hawak ang test paper ko na may malaking marka. Gusto ko itong ipakita kay Daddy. Gusto ko itong ipagmalaki, dahil ang Daddy ko ang siyang iniidolo ko. Gusto kong maging katulad niya paglaki ko—magaling sa pamamahala sa kompanya, maging respetadong tao, at higit sa lahat, mapagmahal na asawa at ama. Pero ang paghanga ko sa kanya ay unti-unting nawala. Ang pagkaidolo ko sa kanya ay unti-unting nabura. Dahil sa pinakasulok ng library ay doon ko unang natutunan na ang mga bayaning hinahangaan ay may mga sungay na itinatago sa dilim. Nakita ko si Daddy—ang kagalang-galang na si Luther Salvador—ang iniidolo kong si Luther Salvador—na may kayakap na ibang
Nang makalipas ang ilang minuto, binuksan na ni Ashley ang pinto. Hawak-hawak pa rin niya ang isa kong kamay nang sumilip siya sa labas. At nang masiguro niyang walang tao sa hallway, mabilis niya akong binalingan. “Dahan-dahan ngunit mabilis na hakbang ang gagawin natin, Talitha. Kaya mo ba?” paalala at tanong sa akin ni Ashley. Napatingin si Ashley sa aking tiyan, at muntik ko nang makalimutan na buntis ako dahil sa kabang nararamdaman! “Oo. Kaya ko, Ashley,” mabilis kong sagot. Tatlong beses pang tumango. Ngumiti si Ashley sa akin bago muli binalingan ang labas. Unti-unti, naglakad ito kaya naglakad na rin ako. Tila nakalanghap ako ng sariwang hangin nang makatapak ang mga paa ko sa labas ng kuwarto ni Locke. Wala pa ako sa totoong labas nitong mansyon, pero parang unti-unti ay gumagaan ang paghinga ko. Unti-unting nababawasan ang hindi nakikitang tanikala na nakapalupot sa aking leeg at mga paa. Hindi ako tumingin sa paligid sa takot na may makahuli sa amin basta tahimik
Hindi si Ashley ang nagdala sa akin ng pagkain na panghapunan ko. Si Marie ang nagdala, pero hindi na ako nagtanong. Marahil may ginawang importante si Ashley para bukas kaya hinayaan ko na lang. Nang humiga ako sa kama para matulog upang makapagpahinga nang maayos katulad nang bilin ni Ashley, hindi naman ako dinalaw ng antok kahit anong pikit ng mga mata ko. Kinakabahan kasi ako para bukas at ang dami-daming tumatakbo sa utak ko. Paano kung mahuli kami? Paano kung pumalpak kami? Paano kung hindi pa kami nakakalipat sa dati kong kuwarto ay pumasok na si Locke sa kuwarto niya? Paano kung biglang sumulpot si Lucy, o kaya ay si Ma’am Kelly? Mga negatibo ang pumapasok sa utak ko kaya hindi talaga ako nakatulog. Hindi ko rin alam kung anong oras ako nakatulog dahil sa mga negatibong naiisip, hanggang sa pumasok si Locke sa kuwarto at gising pa rin ako. Ramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ko dahil lumubog ang kama. Katulad nang madalas niyang ginagawa nitong nakaraang araw, hinaplos
Pagsapit ng umaga, sinalubong ako ng mainit na sikat ng araw mula sa bintana. Sabado na. Isang araw na lang at matatapos na ang kalbaryo ko sa mansyong ito, o di-kaya, kapag pumalpak kami, magsisimula ang isang mas masalimuot na impyerno para sa akin at sa aking anak, maging kina Ashley at Bryan. Kaya hindi pwedeng pumalpak kami. Hindi pwedeng magkamali. Ang pagkakamali ay wala sa aming listahan kung ayaw naming makulong sa dilim dahil ang galit ni Locke ang siyang paniguradong haharapin namin. Wala na sa tabi ko si Locke. Mukhang kanina pa ito wala sa tabi ko dahil nang hawakan ko kung saan siya nakahiga, malamig na ang kama sa tabi ko. Nagtungo na lang ako sa banyo at pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat gawin, umupo ako sa lamesa upang doon na lang hintayin si Ashley. Kaya lang, hindi si Ashley ang unang pumasok sa aking silid. Sa halip, ang tunog ng mabibigat at de-kalidad na sapatos ang bumasag sa katahimikan—isang tunog na hinding-hindi ko malilimutan. Si Lucy na may
Hindi ko maalis sa aking isipan ang mga boses na narinig ko sa labas ng pinto kanina. Ang bawat salita ni Locke laban kay Sir Luther ay tila mga lason na unti-unting pumapatay sa anumang natitirang respeto ko sa pamilyang ito.Si Lucy, na akala ko ay kapatid niya, ay kabit pala ng kaniyang ama. At si Sofia… maging ang babaeng pakakasalan niya ay nasangkot sa dumi ng matandang Salvador. Napahawak ako sa aking tiyan. Dito ba kita palalakihin, anak? Sa bahay na puno ng pagkukunwari at kasalanan?Nanatili akong gising sa gitna ng kadiliman ng kuwarto walang kabuhay-buhay, binibilang ang bawat segundo habang hinihintay ang kaniyang pagbalik. Nang marinig ko ang marahang pagpihit ng doorknob, mabilis akong pumikit at pilit na itinuwid ang aking paghinga upang magmukhang mahimbing ang tulog. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa aking tabi. Naamoy ko ang halong bango ng kaniyang pabango at ang pait ng alak. Hinaplos ni Locke ang aking buhok, isang haplos na kailanman ay hindi ako naging
Napaupo na lang ako sa balcony nang iwan akong muli ni Locke mag-isa sa kwarto. Ang lamig ng hangin ay mabilis na tumama sa akin, nagpapahiwatig na lumalalim na ang gabi.Napatulala ako sa pagkain at gamot na nasa lamesa. Wala akong ganang kumain. At isa pa, kung kakainin ko ang pagkain na dala ni
Sa halip na dalhin ako ni Locke sa aking kwarto, dinala ako nito sa sarili niyang kwarto. Dahan-dahan ako nitong ibinaba sa kama, pero sa kagustuhan kong makaalis, mabilis akong bumaba, pero nahuli nito ang bewang ko at pinaupo niya ako muli sa kaniyang kama. “Ano ba?! Pakawalan mo ako!” sigaw
Kung may kamumuhian man ako sa buong buhay ko, ang mga Salvador na iyon. Kung may isusumpa man ako sa buong buhay ko, walang iba kung hindi ang mga Salvador pa rin. Sa loob ng mahigit tatlong linggo kong pagtatrabaho rito sa kanilang mansyon, masasabi kong sila ang pinakamasamang pamilyang nakilal
Pinanood ko ang pag-alis nina Lucy at Locke patungo sa stage kung nasaan si Tita Kelly at Sir Luther. Hindi ko maintindihan ang nangyari at mas lalong hindi ko maintindihan nang kinuha ni Tita Kelly ang mic na may ngiti sa labi habang katabi si Lucy. “Ladies and gentlemen, I would like to introdu







