LOGIN
Tahimik ang buong 32nd floor ng Velmont Corporation, pero hindi ito yung klase ng katahimikan na peaceful.
Ito yung katahimikan bago ang bagyo. Sa hallway, halos lahat ng empleyado nakatayo sa kani-kanilang cubicles, kunwari busy, pero ang totoo? Nag-aabang. Nagbubulungan. May paparating kasi. “Siya na raw yung bagong Executive Assistant ni Mr. Velez.” “Ang sabi, handpicked daw personally ng board.” “Grabe, ang taas daw at sobrang pogi.” “Pogi? Assistant lang ‘yon ah.” “Hindi lang assistant. Executive level.” May halong kilig at curiosity ang hangin sa floor. Hindi naman araw-araw may bagong hire na nagiging instant topic ng buong kumpanya. Lalo na kung tungkol sa CEO. Si Adrian Velez. The youngest CEO in the industry. Cold, ruthless, at kilala bilang walang sinasanto pagdating sa trabaho. Marami na raw assistants ang umalis after just one week. Some resigned. Some cried. Some disappeared quietly. Kaya ngayon, lahat gustong makita kung sino ang bagong magtatangkang tumagal sa tabi niya. Sa gitna ng crowd, tahimik lang si Aira Monteverde. Nasa corner siya ng floor, hawak ang folder ng reports, trying her best to look unbothered. Pero kahit siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa elevator. Hindi dahil curious siya sa “pogi.” Kundi dahil… May kutob siya. Isang hindi magandang kutob. The Elevator Doors Open Ding. Parang huminto ang oras. Bumukas ang elevator doors. At lumabas ang isang tao na parang hindi bagay maging empleyado. Naka-black tailored suit, crisp white polo underneath, at tie na sobrang perfect ang pagkakaayos. Matangkad. Broad shoulders. Sharp jawline. Yung tipo ng lalaking kapag dumaan sa hallway, automatic na mapapalingon ang lahat. Confidence radiated from every step. Parang hindi siya assistant. Parang siya ang may-ari ng building. “Ay grabe…” “Ang pogi nga…” “Model ba ‘yan?” Whispers spread like wildfire. Pero habang ang lahat ay natutulala, si Aira? Nanigas. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Hindi dahil pogi. Kundi dahil… Kilalang-kilala niya ang mukha na ‘yon. A Familiar Stranger Last month, habang stressed siya sa work at family issues, napadpad siya sa isang private online forum for business heirs and corporate insiders. Hindi niya alam bakit siya nag-sign up. Maybe boredom. Maybe loneliness. Until she met someone. Username: PrinceE Tahimik. Mysterious. Pero surprisingly gentle kausap. Random chats turned into long conversations. Late-night calls turned into comfort. Hanggang isang gabi… Biglang nagbago ang tono nito. “If we ever meet in real life…” “Promise me you won’t expose me.” Akala ni Aira joke lang. Akala niya online drama. Pero ngayon… Nasa harap na niya ang taong iyon. At ang ID badge na naka-clip sa suit? Eli Santiago Executive Assistant Pero ang totoo? Hindi lalaki si Eli. Si Eli… ay babae. At si Aira lang ang nakakaalam. Habang nag-uumpukan ang employees para silipin ang bagong assistant, dumiretso si Eli kay Aira. Parang alam nito exactly kung nasaan siya. Parang hinanap siya. Tumigil ito sa harap niya, eyes unreadable. Then, without warning, bahagya itong yumuko at bumulong: “Please…” “Don’t tell anyone.” Nanlaki ang mga mata ni Aira. “Eli…” mahina niyang sabi, halos hindi lumabas ang boses. “What are you doing here?” Hindi agad sumagot si Eli. Sa halip, tumingin siya sa paligid, parang may nakabantay. Then, in a low voice: “I have no choice.” Napakunot-noo si Aira. “No choice? Why are you pretending to be a man?” Saglit na tumahimik si Eli, jaw tightening. “Because if they find out…” “I’ll lose everything.” Aira swallowed hard. “Everything? Like what?” Huminga nang malalim si Eli bago sumagot, parang bawat salita mabigat. “My position.” “My inheritance.” “And my only chance to survive inside this company.” Bago pa makapagtanong ulit si Aira, biglang may lumapit na grupo ng female employees. “Hi! Welcome to Velmont!” “Can we take a picture with you?” “Grabe kasi, parang celebrity ka!” Agad na nagbago ang expression ni Eli. Lumabas ang charming corporate smile. Professional. Perfect. “Sure,” sagot niya, parang natural na natural. Pero habang nagpi-picture sila, tumingin siya ulit kay Aira. At sa mga mata niyang iyon… Hindi charm ang nakita ni Aira. Takot. Desperation. Parang may hinihinging tulong. Or maybe… Trust. Biglang bumukas ang pinto ng CEO’s office. At parang may invisible switch na pinindot… Nanahimik ang buong floor. Lumabas si Adrian Velez. Tall. Commanding. Cold eyes that looked like they could freeze anyone in place. Isang tingin lang niya, tumigil ang lahat. Lumapit siya kay Eli, gaze sharp. “So you’re the new assistant,” malamig niyang sabi. Eli straightened, posture flawless. “Yes, sir.” Tinitigan siya ni Adrian mula ulo hanggang paa. “You don’t look like someone who makes mistakes.” Eli’s lips curved slightly. “I don’t, sir.” May bahagyang amusement sa mga mata ni Adrian. Or suspicion. Aira felt her stomach twist. Kung malaman lang ni Adrian ang totoo… Kung malaman lang niya na ang “assistant” niya ay hindi lalaki… Lahat sila madadamay. Habang naglalakad si Adrian pabalik sa office, sumunod si Eli. Pero bago siya tuluyang pumasok, tumigil siya saglit. Hindi siya lumingon. Pero narinig ni Aira ang bulong niya. “Stay quiet…” “Or we both fall.” At tuluyang nagsara ang pinto. End of Chapter 1 At doon nagsimula ang pinaka-delikadong laro sa Velmont Corporation. Isang babae na nakasuot ng suit… Isang identity na kailangang itago… Isang CEO na walang tiwala kahit kanino… At si Aira, ang nag-iisang taong may hawak ng sikreto. Because the man everyone admires… Is not a man at all. And her secret… Could destroy them both.Malakas ang hangin sa rooftop habang magkatapat sina Adrian at Eli. Masyadong tahimik ang paligid. Pero ramdam nila ang bigat ng atmosphere sa pagitan nila at sa sandaling sabihin ni Adrian ang mga salitang…“Have we met before?”Parang tumigil ang ang mundo ni Eli. Nanlamig siya pero agad din namang ngumiti, relaxed lang kahit nasa harapan na niya ang problema.“Maybe you use that line too often, Mr. Valez” mahina, ngunit mapang-asar na sagot ni Eli.Hindi nagsalita si Adrian patuloy lang itong nakatitig sa kanya. Hindi kumukurap at masyadong matagal na parang sinusubukang hukayin ang buong pagkatao niya gamit lang ang isang tingin. At naiinis si Eli sa mga titig nito dahil pakiramdam niya nababasa siya nito.“You're calm.” Mahinang Sabi ni Adrian.“Shouldn't you be more nervous?” Dagdag pa nito. Napangisi si Eli.“And why would I be nervous?” Sabi niya pilit pinipigiln ang Kaba.“You hacked one of the biggest corporation in the country.” Sabi ni Adrian habang lumalapit sa kanya ng
Halos hindi nakatulog si Eli buong gabi.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang huling message ni Adrian.Sure.Isang simpleng salita.Pero sapat para guluhin ang utak niya.Nakahiga siya sa kama habang nakatitig sa kisame.Tahimik ang buong kwarto pero sobrang ingay ng isip niya.“Why did he agree so easily…”Mahina niyang bulong.Normal na tao ang kausap niya…Matatakot.Magdududa.O kaya iiwas.Pero si Adrian?Parang lalo pang naging interesado.At iyon ang pinaka-delikado.Napabuntong-hininga siya at bumangon mula sa kama.Kinuha niya ang laptop niya at muling binuksan ang encrypted chat.Wala nang bagong messages.Tahimik.Parang hinihintay talaga siya ni Adrian gumawa ng next move.“Fine…”Napangisi siya.“If you want to meet me…”Mabagal niyang tinype ang message.Z: Tomorrow night.11 PM.Don’t bring anyone with you.Tumigil siya sandali bago dagdagan iyon.Z: And don’t try to track me.Pagkatapos niyang i-send…Mabilis na dumating ang reply.Adrian: You sound nervous.Nanlaki nan
Tahimik ang buong conference room habang nagpapatuloy ang board meeting ng Velmont Corporation.Isa-isang nagsasalita ang board members tungkol sa marketing plans, investments, at expansion ng kumpanya. Normal na araw sana ito para kay Adrian.Pero ngayong araw…Hindi siya makapag-focus.“ As a result of the changes in the focus of our expenses…”Patuloy ng isa sa board members habang nagpapakita ng graphs sa malaking screen.“Along with the market analysis team, currently we believe that we should shift the weight of our marketing towards…”Hindi na nito natapos ang sasabihin.Dahil biglang tumayo si Adrian.Tahimik ang buong conference room.Nagkatinginan ang mga board members.“…Mr. Velez?”Takang tanong ng isa.“That hasn’t happened before, right?”Bulong naman ng isa pang executive.Dahil kilala si Adrian.Professional.Cold.At hindi kailanman nawawala sa focus sa meeting.Pero ngayon…Bigla itong tumayo at diretsong kinuha ang laptop niya.Parang may mas importanteng bagay.“Co
Tahimik ang buong bahay matapos sabihin ni Eli na kaya niyang tapusin ang programming ng robots.Pero kahit walang nagsasalita…Halata ang disbelief sa mukha ng secretary nila.Pati ang mommy niya ay hindi agad nakapag-react.Parang hindi nito alam kung seseryosohin ba ang sinabi niya o hindi.“Sweetie…”Mahina ang boses ng mommy niya.“…this isn’t a simple school project.”Napangiti nang bahagya si Eli habang naglalakad papunta sa dining table at umiinom ng tubig.“I know.”“Ang system ng robots ay sobrang complicated,” dagdag ng secretary.“Tatlong senior programmers ang gumawa ng structure niyan.”Tumango si Eli.“Mm.”“At ilang buwan nila iyong ginawa.”Tahimik.“Programming lang naman iyon.”Casual na sagot ni Eli.Halos mabilaukan ang secretary.“Programming LANG?!”Hindi makapaniwalang sabi nito.Napatingin si Eli rito na parang walang mali.“What?”“Young master… military-grade AI system po iyon!”“Okay?”“OKAY?!”Napailing ang mommy niya habang bahagyang napapangiti.Matagal
Tahimik ang umaga sa bahay nila Eli.First time after several weeks na magkaroon siya ng totoong day off. Walang tawag mula sa company, walang meeting, walang reporters, at higit sa lahat… walang Adrian na nakatitig sa kanya na parang sinusubukang basahin ang buong pagkatao niya.Pero kahit tahimik ang bahay…May kakaiba pa ring pakiramdam si Eli.Parang may mabigat sa hangin.Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan habang inaayos ang manggas ng loose black sweater niya. Medyo basa pa ang buhok niya mula sa pagligo at relaxed ang expression niya.Pero pagdating niya sa sala…Napahinto siya.Nakita niya ang mommy niya na may kausap sa phone.Tahimik lang itong nakaupo pero halatang pagod na pagod.At mas lalong hindi nakatakas kay Eli ang pilit na expression nito.“Mom?”Napalingon agad ang mommy niya at mabilis na ngumiti.Pero hindi iyon umabot sa mata nito.“Oh, sweetie… gising ka na pala.”Tumango si Eli habang dahan-dahang lumalapit.“Are you okay?”“Of course.”Masyadong mabilis ang
Pagkatapos ng kaguluhan sa lobby, halos buong Velmont Corporation ay hindi pa rin makapag-focus sa trabaho. Lahat pinag-uusapan ang nangyari kanina… ang reporters, ang issue ng manager, at higit sa lahat…Si Eli.Ang paraan ng pagsasalita niya.Ang confidence niya.At kung paano niya napatahimik ang media sa ilang salita lang.“Grabe… para siyang ibang tao kanina.”“Hindi ako makapaniwala na kaya niyang magsalita nang ganun.”“He looked scary… but cool.”Sunod-sunod ang bulungan ng employees habang palihim na tumitingin kay Eli na kasalukuyang naglalakad sa hallway na parang walang nangyari.Tahimik lang siya.Pero ramdam ng lahat ang kakaibang aura niya ngayon.Mas malamig.Mas seryoso.Parang hindi basta assistant lang.Pagdating niya sa executive floor, agad siyang sinalubong ng secretary ni Adrian.“Sir Eli…”Napatingin siya rito.“Pinapatawag po kayo ni Sir Adrian.”Hindi na siya nagtaka.Parang inaasahan na niya iyon.“Okay.”Tahimik siyang naglakad papunta sa office ni Adrian h







