Share

Chapter 9: Shot

Samantha's POV

Bakit kailangan nating masaktan kapag tayo ay nagmamahal? Bakit kailangan nating magdusa? Bakit parang ang gulo ng buhay?

Tumakbo ako palayo sa mga kaibigan ko na lumuluha ang mga mata. Gusto kong lumayo sa lahat, pero bakit nagkrus pa rin ang aming landas? Sa malabo kong paningin, nabangga ko ang isang matipunong lalaki. Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino iyon, at si Matty iyon. Nakita niya ako ng lumuluha ang mga mata ko, at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Sam, anong nangyari?" Nagmamadaling tanong niya.

"Nakita ko siya," sagot ko.

"Si Liam ba? Anong ginawa niya sayo?"

"Wala," sagot ko at tumakbo na.

"Sam, saan ka pupunta, bumalik ka dito!" sigaw ni Matty.

*********

Nasa resto-bar ako nilulunod ang sarili ko sa alak. Lumaklak ako ng maraming shot na inorder ko sa bartender. Wala akong pakialam kung may mangyari man sa akin dito, ang gusto ko lang ay ibuhos ang lahat para mawala ang sakit. Gusto kong mapag-isa kaya hindi ko hinayaang sundan ako ng mga ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status