"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."