LOGINChapter 9Shane’s POVPunong-puno ng tawanan ang buong lugar.May mga nagse-selfie.May mga nagkukuwentuhan tungkol sa incentives.May mga nagpaplano kung paano gagastusin ang kanilang bonus.Samantalang si Brix ay parang mas masaya pa sa amin.Paulit-ulit siyang napapailing habang nakatingin sa sales report na hawak niya."Amazing! How did you do it, guys?"Nagtawanan kami."Hindi ko puwedeng sabihin ang sekreto namin," biro ko.Napahagalpak naman siya.Pero ang totoo, walang sekreto.Dugo, pawis, puyat, at determinasyon lang talaga.Habang natutulog ang karamihan, kami naman ay naghahabol ng leads.Habang ang iba ay naghihintay ng walk-in clients, kami ay naghahanap ng paraan para kami mismo ang lapitan ng mga customer.Nang ipresenta ko kay Brix ang ideya ng paggawa ng sariling online page para sa marketing, medyo nag-alinlangan pa siya noong una.Pero nang makita niyang seryoso kami, binigyan niya kami ng pagkakataon.At iyon ang naging turning point.Nag-live selling kami halos g
Chapter 8Shane’s POVBago ako magsimula ng trabaho sa CDI, tinapos ko muna ang ilang araw na natitira sa isang linggong kontrata ko sa bar. Habang papalapit nang papalapit ang huling araw ko roon, hindi ko maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon. Masaya ako dahil may bagong oportunidad na naghihintay sa akin, pero nalulungkot din dahil iiwan ko ang mga taong tumulong sa akin noong panahong halos wala na akong mapuntahan.Malaki ang utang na loob ko sa lugar na iyon.Hindi man ito ang trabaho na pinangarap ko noon, ito naman ang naging tulay para makatayo akong muli pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Doon ko natutunang huwag ikahiya ang marangal na paghahanapbuhay. Doon ko rin nakilala ang mga taong tumanggap sa akin nang walang tanong at walang paghusga.Nang magpaalam ako kay Madam Bridgette, agad niya akong niyakap.“Darling, balik ka lang anytime kapag nangailangan ka ng trabaho. Andito kami para sa iyo.”Napangiti ako kahit medyo namumuo na ang luha sa mga mata ko.
Chapter 7Shane's POVPaglabas ko ng apartment noong araw na iyon, pakiramdam ko ay may malaking bato na nakapatong sa aking dibdib. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa kaba. Kahit pilit kong pinatatag ang sarili ko, may mga gabi pa ring hindi ako makatulog kakaisip kung paano kami magsisimula muli.Ngunit sa pagkakataong iyon, pinili kong maniwala.Pinili kong maniwala sa sinabi ni Brix na susubukan niyang akong matulungan.Pinili kong maniwala na hindi pa tapos ang kuwento ko.Bago ako umalis, sinubukan ko pang yayain si Macy.“Samahan mo naman ako,” pakiusap ko.Ngumiti siya ngunit umiling.“Hindi pa kaya, Shane. Ikaw muna. Nasanay na kasi ako sa bar. Kilala ko na ang mga tao roon. Natatakot akong magsimula ulit.”Naintindihan ko siya.Mahirap nga namang magsimula muli kapag ilang beses ka nang nadapa.“Okay lang. Kapag nakapasok ako, tutulungan kitang makahanap din ng oportunidad.”Napangiti siya.“At kapag ikaw ang natanggap, alam kong magiging proud ako.”Bitbit ang kaunting pa
Chapter 6Shane's POVKahit nasanay na ako sa pagtatrabaho sa bar, hindi ko pa rin maiwasang mapagod.Hindi iyong simpleng pagod na nawawala pagkatapos ng ilang oras na tulog.Kundi iyong pagod na parang nakadikit na sa kaluluwa mo.Iyong gigising ka sa umaga, pero pakiramdam mo ay hindi ka naman talaga nagpahinga.Hindi ko naman ito nararamdaman noon.Dati, kahit gaano kahirap ang trabaho, kaya ko pang ngumiti. Kaya ko pang sabihin sa sarili ko na lilipas din ang lahat.Pero ngayon?Parang iba.Siguro dahil sa bilis ng panahon.Parang kahapon lang nang mawalan ako ng trabaho sa Carusso Grand Hotel.Tapos ngayon, anim na buwan na pala ang lumipas.Anim na buwan.Anim na buwang paulit-ulit ang parehong routine.Gising.MagtitindaMag-apply.Mareject.Magtrabaho.Umuwi.Matulog.Ulit.Nakakapagod din pala ang paulit-ulit na pagkabigo.Mas mabigat pa minsan kaysa sa mga kahon ng alak na binubuhat ko gabi-gabi.Sa bar, hindi lang naman ang katawan ang napapagod.Pati isip.Pati puso.Haba
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hinangad na tuparin pa rin niya iyon. Hindi na ako karapat-dapat sa kanya. Dahil nadumihan na ako.Minsan tinanong ko si Macy. “Gusto mo bang humanap tayo ng apartment na mas malaki ng kaunti? Tutal, dalawa naman na tayong nagtatrabaho. Para kahit papaano, kahit hindi maganda ang buhay natin ngayon, ay may uuwian tayong maayos na bahay. Namilog ang kanyang mata at pumayag.Mabuti na lamang ay maraming alam ang mga girls sa bar na paupahan. Kaya inumpisahan na naming tumingin-tingin.Nakakita kami ng malapit sa bar. Isang 2-bedroom na apartment. Eksakto para may privacy kami ni Macy. Mula kasi nang kinupkop niya ako, napansing minsan nababalisa din siya. Para kasi sa mga introvert gaya ni
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapuntahan.Kaya kahit nanginginig ang dibdib ko nang unang tumapak ako sa bar ni Madam Bridgette, pinilit kong maging matatag.Makulay ang ilaw sa loob ng bar.Pula.Lila.Asul.Parang mga ilaw na pilit na tinatakpan ang lungkot ng mga taong naroroon.Makapal ang usok ng sigarilyo.Malalakas ang tawanan.At sa bawat mesa ay may mga taong pilit nilulunod ang sakit nila sa alak.May mga babaeng nakangiti pero halatang pagod na pagod na.May mga lalaking tila masaya ngunit walang laman ang mga mata.At sa unang gabing iyon…Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay doon.Inalok ako ni Madam Bridgette bilang dancer at GRO.“Maganda ka,” diretsahan niyang sabi habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.







