--"Ayoko nga lumabas.." paulit ulit na sabi ko kay Cita. Para siyang crab na nakakapit sa akin ngayon. Pinipilit na naman niya kasi akong pumunta ng mall, para lang lakad lakad doon at ayoko ngang sumama sa kanya. May plano na ako ngayong araw na ito at ang pag punta ng mall ay hindi naka lista. "Ano ba naman kasing gagawin mo dito sa bahay niyo? Mag lilinis at kakausapin yung hangin? Nako! Samahan mo na kasi ako ng makalanghap naman ng sariwang hangin yang katawan mo. Para na rin maarawan ka at hindi ganyan na namumutla ka!"Napapikit na ako dahil sa frustration.Ang mga plinano ko kagabi para ngayong araw ay naglaho na. Ang pagbabasa ng paborito kong libro ay natunaw na. Kanina ng sumugod siya rito at nag sisigaw sa may gate ay alam ko na, na ganito ang mangyayari. Minsan iniisip ko kung tama ba na nakipag kaibigan ako kay Cita. Na iistress na rin kasi ako sa kanya minsan. Ang dami niya laging gustong gawin. samantalang ako maupo lang sa harap ng tv ay solve na."Ayoko talaga Cita
---Dumiretso ako sa foodcourt at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nakaka ilang pa nga kanina habang nakasakay kami sa escalator ay nasa likod ko pa rin siya."Dito ka na umupo.." turo ko sa upuan sa pinaka likod.Tinitigan pa niya ako na parang mali yung sinabi ko. Hindi niya yata alam kung bakit ko sinabi iyon"Mag oorder na ako ng food natin." pakiramdam ko ay aangal pa siya kaya umalis na ako kaagad.Ayoko na kasi ng maraming pagtatalo.. baka kasi humaba pa. Nakalimutan ko pa ngang tanungin kung ano ang gusto niyang pagkain. Ay nako, bahala na.Nag iisip pa ako ng pagkain habang naglalakad. May nadadaanan akong stalls ng mga pizza at fries at marami pa, pero may umagaw sa pang amoy ko.Yung Sizzling sisig. Ang bango naman..Pumila ako at tamang tama naman na walang pila iyon kaya mabilis lang akong nakakuha. Nag order ako ng dalawang sisig at 2 cup of rice. Ang masarap pa nito ay maanghang pa ang sisig! Maraming sili kaya siguradong nakadagdag iyon sa sarap. Isa ang sisig s
Chapter 15"Ay, yung cookies 'n cream na lang.." Turo ko doon sa naka display sa istante. Nandito kasi kami ngayon sa Milktea shop. At nagkasundo kami na mag palamig muna habang nag kukwentuhan. Ayoko ng Milk tea ngayon kaya shake ang itinuro ko. Si Rogerr naman ang magbabayad ngayon. Pumayag na ako dahil sabi niya, ay ako naman daw ang nag bayad ng lunch namin kanina."Hahanap lang ako ng table natin." sabi ko. Nag 'okay naman siya at nag order na. Ako naman ay tumingin tingin na. Nakakita ako ng bakanteng upuan dun sa malapit sa may bintana. Dalawang bilog na upuan iyon at maliit na parisukat na lamesa na makulay. Naupo na ako don. May staff pa nga na dumating at saglit na pinunasan ang lamesa. "Thank you.." nakangiting sabi ko doon sa staff. Wala naman sa sariling napatingin ako sa pwesto ni Rogerr sa pila. Nakita ko siyang kausap na ang cashier at may tinuturo na, siguro yung order namin. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko ng tumunog iyon. Alas quatro na pala. Di ko nam
Chapter 16 Maaga akong ginising ni Ate, para makapag paalam siya na aalis. Lunes na kasi ngayon, kaya Alas singko pa lang ng umaga ay aalis na siya. Ako naman, pag kaalis ni Ate, ay hindi na rin ako nakabalik sa pagtulog ko. Hanggang sa mag ala siyete na ng umaga ay nanatili lang akong nakatulala sa kisame. "Uy, may nakarating na chismis sa akin, kahapon." bulong sa akin ni Cita, habang nag tuturo yung Prof. namin sa harap.Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin. Pero walang epekto sa kanya iyon at nag patuloy lang sa pag bulong."Kaya pala ah.." nangingiti pa siya. "Iniwan mo ako mag isa sa mall."Hindi ko napigilan na lingunin siya. Tinignan ko siya ng masama. "Ano bang sinasabi mo?"Umiwas siya ng tingin at ngumisi. "Ano ka ba.. Okay lang sa akin, isusuport pa nga kita." sabi niya pa na lalong nagpa kunot ng noo ko. Nababaliw na naman ba si Cita? Ano na naman kaya ang nakain nito? At ganito na naman ang utak nito? Nadadamay na naman ako."Ewan ko sayo.." irap na sabi ko. Pin
Chapter 17Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nag pasalamat lang ako ng mabilis at agad ng umiwas. Mabilis akong pumasok sa bahay. Natataranta ako at hindi ko alam kung bakit.Pakiramdam ko may kung anong mainit sa akin. Nababaliw na ata ako.. Hindi ko na alam ang mga pinag gagagawa ko. Masyado na akong puno ng hangin. puro na ata kabag ang ugat ko.Bahagya pa akong nagulat ng makasalubong ko si Ate sa hagdaan pababa. "Oh? Anyare sayo? Bakit ka namumutla diyan?" "Ha?" wala sa sarili ako. "Aalis ka po?" tanong ko na lang ng mapansin kong bihis na bihis siya. Naka tight dress siya na blue at naka heels pa."Oo. Pupunta lang ako sa birthday ng kaibigan ko."Napatango lang ako at hindi na nakapag salita, dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko."Nagluto naman na ako ng pagkain mo dito. Kakain ka na lang.." ani Ate at tuluyan ng bumaba sa hagdanan. Imbes na umakyat ako ay sinundan ko na lang si Ate pababa.Inayos ko pa muna ang buhok ko na nagulo dahil sa pagmamadali ko kanina.Naupo
Chapter 18Hindi ko kasi masyadong makita ang mukha niya dahil may kadiliman ang lugar. Sumasabay rin ang dilim ng mukha niya sa kapaligiran. Nagtataka naman ako, galit ba siya o hindi?pero kung galit siya, bakit naman? anong dahilan?Pero ramdam ko ang galit niya sa paraan ng pag hawak niya sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko ngunit hindi naman ako nasasaktan.Pero bakit naman siya magagalit? Kakakita pa lang naman namin ngayon, ni hindi pa nga kami nagkakausap e. Kaya hindi ko maintindihan kung para saan ang galit na nakikita ko sa muka niya ngayon.Dinala niya ako sa parte ng club na hindi gaanong matao. Tumigil kami sa pinaka gilid. May nakita pa nga ako doon na lalaking nakatungo sa lamesa. Tulog na ata."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya agad sa akin. Kahit pa na medyo malakas ang tugtog ay rinig ko pa rin ang riin sa boses niya. Hindi ako nakapag salita. "Tinatanong kita Charlene, bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" sunod sunod na tanong niya. Halos ramdam ko a
Chapter 19"Not counted, Miss." nakangising sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "A..anong.. hindi ko naman po sinasadya."Umiling siya habang nakatingin sa akin. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hindi ako makapga salita, Para akong hindi makahinga dahil sa titig niya. Nakakalunod.Marahan akong napapikit ng magaan niyang hawiin ang iilang buhok sa aking mukha. Nang dumikit ang kanyang daliri sa aking pisngi ay halos magwala na ang loob ko. Parang biglang nag karoon ng giyera sa loob ko. Nagkakabarilan na sila."Ang sabi ko dati mag hihintay ako.. Pero ngayon na malapit ka na, lalo akong naiinip." Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero naaagaw pa rin ng haplos niya ang utak ko.Hindi ako makapag focus sa mga sinasabi niya. Ano ba to? Lasing lang ba ako o talagang nagugustuhan ko na ang mga haplos niya? Ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya. Parang ang sarap magpahinga sa mga haplos niya.Napadilat ako ng mawala ang kamay niya sa aking pisngi. Sumalub
Omygosh.. Totoo ba yung nangyari? Si Rogerr hinalikan ako sa pisngi? O my gosh.. Sasabihin ko ito kay Ate mamaya pag uwi niya. Ay wait.. baka magalit siya.. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin e. At isa pa nakakabigla naman kasi yun. Kilala ko siya bilang ang tikas tikas niyang pulis tapos lagi pa siyang seryoso at nakakunot ang noo. And then bigla na lang siyang ganito. Meron pa siyang pa kiss sa pisngi. Well.. Siguro kasi sa iba hindi naman big deal ang halik sa pisngi. Meron nga mga mag kakaibgan nag kikiss sa pisngi, at hidi naman nila 'yon nilalagyan ng malisya. Baka ako lang? pero kasi.. Para sa akin big deal yun. Lalo pa at siya iyon. Dahil siya 'yon.Napag desisiyonan ko ngang hindi na lang sabihin kay Ate iyon. Pababayaan ko na lang. Tutal naman sa tingin ko ay wala lang para kay Rogerr 'yon. Siguro nga ako lang talaga itong praning na nag iisip at pilit hinahanap yung rason kung bakit niya iyon ginawa. Ginawa niya 'yon siguro kasi nag aalala na rin siya sa akin. Ka