LOGINCHAPTER 308 Kung windang siya kanina, mas windang siya ngayon. “S-Sino?!” “The owner of the sperm cell is Nathaniel Wolfgang—” Mabilis niyang dinampot ang kanyang bag saka nagtatakbo palabas ng klinika. Tinawag pa siya ng mga ito subalit, mas bumilis lamang ang kanyang takbo na parang may tinatakasan. Parang sasabog ang puso niya sa labis na kaba. Bakit si Nathaniel pa? Kung ito ang may-ari ng sperm cell, ibig sabihin, nasa iisang siyudad sila ngayon? Bigla siyang napaatras sabay liko sa kabilang direksyon nang makita ang lalaking nasa isip niya.Bakit ba ngayon pa nagsisibalikan ang multo ng nakaraan? Hindi. Hindi pwede! Umuklo si Emoura sa may fire exit para hindi siya makita ng mga taong kalalabas pa lang ng elevator. “Mr. Wolfgang, nandito ka. Madam Imelda…” kabado ang boses ng Head ng Laboratory Department. “My mom won’t leave me alone.” Kilalang-kilala ni Emoura ang malalim at buong-buo na
CHAPTER 307 Umawang ang labi ni Jihan pero maya-maya pa nakakaintinding niyakap siya nito. Palagi siyang suportado ni Jihan, ni minsan ay hindi nito hinusgahan ang mga kamalian niya sa buhay kahit nga noong itinakwil siya ng lahat dahil nabunyag ang pakikipagrelasyon niya sa propessor niya na 15 years ang agwat ng edad sa kanya. Matapos siyang i-check ng doktor ay na-discharge na siya. Nirekomenda nito na pumunta siya sa kanyang Ob-Gyne para daw masuri ang kalagayan ng kanyang baby. Pupunta naman talaga siya dahil sa ospital kung nasaan ang clinic ni Dr. Lastrollo siya magpapa-abort. Habang nasa byahe papunta sa ospital ay binuksan ni Emoura ang kanyang cellphone. Sunod-sunod ang dating ng mga tawag at text.Dustin: Nasaan ka? Kailangan kumain ni Annika ng pagkain na magaan sa tiyan. Magluto ka ng lugaw. Sarapan mo.Lydia: Babae, huwag kang mag-inarte riyan. Pumunta ka rito sa ospital para bantayan si Annika. Responsibilidad mo na ito dahil ina
CHAPTER 306[INTERCHAPTER] “Nasaan ang sperm sample ni Sir Nathaniel?” bulalas ng head ng laboratory ng ospital. “Bakit walang laman ito?” Napasugod ang mga med-tech at ilang staff sa kinatatayuan ng lalaking may test tube na hawak. “Walang sasagot?!” “S-Sir, si MedTech Rinna po ang huling nagbukas ng shelf niyan,” sabi ng isa, ang tinutukoy na shelf ay espesyal na ‘freezer’ kung saan nakalagay ang mga egg cell at sperm cell. “Nasaan siya?” “Nasa bakasyon po.” “Tawagan niyo bilis! Darating ngayon si Madam Imelda.” Nagpapanik na ang mga naroroon. Maya-maya pa ay nakontak na si Rina. Namutla ang lahat nang mapagtanto ng mga ito na maling test tube ang nakunang sperm ng isa sa mga kliyente nila. “Naiturok sa ibang egg cell?” Muntik ng mahimatay ang head ng laboratory. “Kaninong egg cell? Anong code ng test tube?” Subalit, mas lumala lamang ang problema nang ma-trace nila. Ang nabuong em
CHAPTER 305 “Totoong nakabuntis si Dustin?” dagundong ang boses ng padre de pamilya. “Dad—” “Opo, Uncle Dylan. Buntis ako,” inunahan ni Annika ang pagtanggi sana ni Dustin. “At matagal na kaming may relasyon ni Dustin.” Akala ni Emoura ay kakampi niya si Dylan dahil kahit papano ay rasyonal naman itong mag-isip. Subalit, ang lalaki ay napamura lamang sabay hilot sa noo. Dapat hindi na siya umasa dahil iisang dugo nga pala ang dumadaloy sa ugat ng mga ito. “Alright, let’s talk about this,” sabi ni Dylan. “Hindi mo siya pagagalitan?” hindi makapaniwalang tanong niya. Humugot ng malalim na hininga ang Daddy ni Dustin saka seryoso siyang tiningnan. “Matagal na kayong sumusubok ng anak ko na magkaanak pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Ngayon nakabuntis siya ay malaking blessing iyon sa pamilya.” Nawala ang katiting na pag-asa ni Emoura. Bakit ba hindi niya naisip noon na wala talaga siyang kakampi
CHAPTER 304Sabay na napasinghap ang dalawa. Hindi akalain ng mga ito na masasabi niya ang ganon kabulgar na salita dahil ilang taon siya na tahimik, mahinhin at mapagpasensyang asawa.“Saan mo nakukuha ang ganyan kabastos na salita. Makasalanan ang bibig mo kaya siguro hindi tayo nabibiyayaan ng anak dahil nagpapanggap ka lang na mabait.”“Galing pa talaga sa ‘yo ang salitang ‘yan? Nangangaliwa ka na ng maraming taon tapos sinasabihan mo akong makasalanan?” Natahimik si Dustin kaya mas lalong nakumpirma ni Emoura na kaya pala palaging may out of the country trip ang asawa niyang ito ay dahil kay Annika. Ang paalam sa kanya ay para sa negosyo lang na tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan. Kaya pala kapag sinasabi niyang sasama siya rito ay ang dami nitong dahilan. Nang minsan pang sinorpresa niya ito sa bansang kinaroroonan ay nagalit ito at pinauwi siya ng hindi man lang tinatanong kung may pera pa ba siyang pambili ng ticket pauwi ng Pilipinas. “Bak
CHAPTER 303[EMOURA ASTRANDE—YE] “CONGRATULATIONS, Mrs. Ye. Successful ang isinagawang In-Vitro Fertilization. You’re pregnat, finally!” Hindi agad pumasok sa isip ni Emoura ang sinabi ni Dra. Lostrollo. Nakaupo siya sa harap nito, kukurap-kurap at parang nawala ang lahat sa paligid. Napangiti ang doktora sa pagkatulala niya. “A-Ano po?” “I am very happy for you, Mrs. Ye. Pangsampung beses na ito hindi ba? Alam kong napakahaba ng pinagdaanan mo para lang mabuntis ka.” “B-Buntis ako. S-Sa wakas buntis. Buntis na ako, Doc?” Napatayo siya kaya hinawakan din ng doktora ang kanyang kamay. “Congratulations, Iha. Masaya ako para sa iyo at sa asawa mo.” Mahigpit niyang niyakap ang doktora na naging kaibigan niya na rin sa ilang beses na pabalik-balik sila sa clinic nito. Sa loob ng limang taong kasal nila ni Dustin, hindi sila biniyayaan ng supling kaya sumubok na sila artificial inseminitation. Subalit, sa bawat subok nil
CHAPTER 7[JILLIAN] Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas. Pamilyar na busina ng kotse ni S
CHAPTER 6 Kahit paulit-ulit nang sinabi ni Jillian a sarili na huwag siyang papaapekto, ay parang sasabog pa rin ang dibd ib niya. Nanuyo ang kanyang lalamunan at uminit ang gilid ng kanyang mga mata. “G-Good day, Sir. I-I’m,” huminga siya ng malalim para payapai
CHAPTER 5 Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing. Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na s
CHAPTER 4 “Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe. “Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata. Yumakap nam







