Share

9. TAKE OVER THE CEO POSITION

Napansin kong dumilim ang mukha ni Bong ngunit hindi ito nagpahalata sa lahat. Sinundan nito ng isang nakakalokong ngiti ang aking ginawa sabay sabi kay John na, "Okay na ba ang lahat?" sambit nito kay John. Masamang tingin naman ang ipinukol ni John sa akin at sa kanya.

Sumenyas ito at iniling lamang ang ulo. Nakita ko ang hindi maipaliwanag na inis nito. Pabagsak nitong ibinababa ang kanyang kamay sa table. Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy na nagsisidatingan ang mga share holders at ang lahat ng bakantanteng upuan ay napuno na.

"Well dahil nandito naman na ang lahat simulan na natin ang meeting na ito," panimulang sambit ni John. Tumayo siya sa harapan at hinawakan ang mike na naroon upang marinig ng lahat ang mga sasabihin niya. "Ang dahilan ng meeting ay ang pagnanais ni Olivia Fuentebella Alcantara na makakuha ng isang posisyon dito sa opisina, pasensiya na kayo kung hindi ko na siya mapigilan, mukhang matapos ang operasyon niya sa America ay naalog ang utak niya." Dahil s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status