เข้าสู่ระบบ“Imposible.”
Nanginginig ang tinig ni Celeste Monteverde habang nakatitig sa singsing na suot ko.
“Sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha iyan.”
Napatingin ako kay Adrian. Hindi ko inaasahang ang isang simpleng singsing ang magiging dahilan para magbago ang buong mukha ng kanyang ina. Kanina lamang ay nakangiti ito sa akin, pilit na ipinapakita na tinatanggap niya ako bilang magiging asawa ng kanyang anak. Ngayon, para bang may multong biglang nagpakita sa harap niya.
“Regalo ko sa kanya, Mom,” sagot ni Adrian. “Pamana ni Lola.”
Napahawak si Celeste sa dibdib niya.
“Hindi mo dapat ibinigay iyan sa kaniya!”
Napakunot ang noo ni Adrian. “Bakit? Ano bang problema sa singsing na iyan?”
Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip, lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay kong may suot na singsing.
Malamig ang mga daliri niya.
“Alessandra,” bulong niya, “may kilala ka bang babaeng nagngangalang Isabella?”
Isabella.
Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ang pangalang iyon, may kakaibang kirot akong naramdaman sa dibdib.
Wala akong kilalang Isabella. At least, wala sa mga taong naging bahagi ng buhay ko.
“Wala po,” sagot ko.
Napaatras si Celeste. Muli niyang tinitigan ang singsing, na para bang may nakita siyang bagay na matagal na niyang pilit kinakalimutan.
“Hindi maaari,” bulong niya. “Ang singsing na iyan ay dapat nasa libingan na kasama ng may-ari nito.”
“Mom!” mariing tawag ni Adrian. “Tama na. Ipaliwanag mo kung ano ang ibig mong sabihin.”
Saglit siyang napatingin sa anak niya bago piliting ngumiti.
“Wala iyon. Nagulat lang ako dahil matagal ko nang hindi nakikita ang singsing na iyan.”
“Pero sinabi mong patay na ang babaeng nagsuot niyan dalawampu't limang taon na ang nakalipas.”
Nanigas ang mukha ni Celeste.
At sa sandaling iyon, alam kong may lihim ang pamilyang ito na higit pa sa perang ninakaw, mga dokumentong itinago, at kasinungalingan na ginamit upang sirain ang buhay ng aking ama.
“Pagod na ako,” sabi ni Celeste. “Adrian, ipakita mo na sa magiging asawa mo ang kwarto niya.”
Hindi niya ako tiningnan nang muli siyang tumalikod.
Ngunit bago siya tuluyang makalayo, narinig ko ang mahina niyang bulong.
“Hindi siya dapat nakabalik.”
Napakuyom ang mga kamao ko.
Sino ang tinutukoy niya?
Ako ba?
O ang babaeng nagmamay-ari ng singsing?
“May gusto ka bang sabihin sa akin?”
Napatingin ako kay Adrian nang makapasok kami sa isang malawak na kwarto sa ikalawang palapag ng mansiyon. Halos kasing laki ito ng buong apartment na tinitirhan ko bago ako bumalik sa Manila.
May malaking kama, mga antigong muwebles, at bintanang tanaw ang hardin ng Monteverde estate.
“Bakit?” tanong ko habang inilalapag ang bag ko. “May mali ba sa mukha ko?”
“Kanina ka pa tahimik.”
“Hindi ba pwedeng nag-iisip lang ako?”
Lumapit siya sa akin, nakapamulsa ang dalawang kamay.
“Sa tingin mo ba, naniniwala akong wala kang alam tungkol sa singsing?”
Tumingin ako sa kaniya nang diretso.
“Kung may alam ako, sa tingin mo ba magpapanggap akong nagulat?”
Hindi siya sumagot agad.
Iyon ang problema kay Adrian Monteverde. Hindi siya madaling basahin. Minsan, para siyang lalaking sanay kontrolin ang lahat. Sa ibang pagkakataon naman, may kung anong lungkot sa mga mata niya na para bang may sarili rin siyang digmaang matagal nang nilalabanan.
“May isang bagay akong gustong malaman,” sabi niya sa wakas. “Ano ang alam mo tungkol sa pamilya ko?”
Halos matawa ako.
Kung alam lang niya.
“Ang alam ko, isa kayo sa pinakamayamang pamilya sa bansa. May malaking kompanya, marangyang mansiyon, at reputasyon na kailangang protektahan.”
“Wala nang iba?”
“Mayroon pa ba akong kailangang malaman?”
Lumapit siya ng kaunti.
“May mga bagay tungkol sa Monteverde na hindi mo makikita sa mga pahayagan, Alessandra. At kapag nalaman mo ang mga iyon, baka pagsisihan mong pinakasalan mo ako.”
Ngumiti ako nang malamig.
“Hindi ako madaling matakot, Adrian.”
“Alam ko.”
Nawala ang ngiti ko.Paano niya nasabi iyon sa paraang tila sigurado siyang kilala niya ako?Bago ako nakapagtanong, inilabas niya ang isang susi mula sa bulsa niya at inilapag sa mesa.
“May pribadong silid-aklatan sa kanlurang bahagi ng bahay. May mga lumang dokumento roon, pati mga rekord ng kompanya. Kung gusto mong magbasa, malaya kang pumunta roon.”
Napatitig ako sa susi.
Ito ang unang pagkakataon na may kusang nagbukas ng p***o para sa akin papunta sa mga lihim ng Monteverde.
Ngunit bakit?
“Bakit mo ako binibigyan ng access?” tanong ko.
“Dahil asawa kita.”
“Pansamantala.”
Bahagyang tumigas ang mukha niya.
“Pansamantala pa rin.”
Pagkasabi niya niyon, lumabas siya ng kwarto.
Naiwan akong nakatitig sa susi, habang isang tanong ang paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko.
Kung gusto niyang protektahan ang pamilya niya, bakit niya ako hinahayaang maghanap ng ebidensya laban sa kanila?
Kinagabihan, hindi ako mapakali.
Naghintay akong tuluyang tumahimik ang mansiyon bago ako lumabas ng kuwarto. Hawak ko ang maliit na flashlight sa isang kamay at ang susi sa kabilang kamay.
Wala akong balak mag-aksaya ng oras.
Kung may pagkakataon akong makita ang mga dokumentong maaaring magpatunay sa pagiging inosente ng aking ama, hindi ko iyon palalampasin.
Nasa dulo ng pasilyo ang silid-aklatan. Nang buksan ko ang p***o, sinalubong ako ng amoy ng lumang papel at kahoy.
Mabilis kong sinuyod ang mga estante.
Mga libro. Mga album. Mga lumang kahon.
Hanggang sa may napansin akong kabinet sa likod ng isang malaking mesa. Naka-lock iyon, ngunit hindi nagtagal bago ko itong nabuksan gamit ang isa pang susi na nakita ko sa drawer.
Sa loob ay may mga folder na may tatak na Monteverde Group, confidential.
Mabilis kong hinanap ang mga dokumentong may kaugnayan sa kasong isinampa laban sa aking ama limang taon na ang nakalipas.
Nang makita ko ang pangalan ni Gabriel Villareal, halos tumigil ang paghinga ko.
Kinuha ko ang folder at binuklat ang mga pahina.
Mga transaksyon. Mga lagda. Mga tala tungkol sa mga pondong diumano'y inilipat ng aking ama sa mga pekeng account.
Ngunit may isang bagay na hindi tugma.
Ang petsa ng transaksyon ay dalawang araw matapos masunog ang bahay namin.
Impossible.
Noong panahong iyon, nasa ospital ang aking ama dahil sa aksidenteng naganap sa opisina. Hindi siya makalakad ng maayos, lalo nang hindi makakapunta sa bangko upang personal na aprubahan ang mga dokumento.
Kinapa ko ang susunod na pahina, nandoon ang isa pang signature. Mula kay Adrian Monteverde, sa ilalim nito ay may pahayag na nagpapatunay na personal niyang nakita ang aking ama na nag-apruba sa transaksyon.
Nanlabo ang paningin ko.
Si Adrian ang tumestigo laban sa aking ama.
Si Adrian ang tumulong upang makulong ito.
At ngayon, ako ang babaeng pinili niyang pakasalan.
Bakit? Biglang may narinig akong yabag sa labas.
Mabilis kong isinara ang folder, ngunit bago ko pa ito maibalik sa kabinet, bumukas ang p***o.
“Alessandra?”
Napalingon ako.
Nakatayo sa pintuan si Adrian.
Hindi siya mukhang nagulat na makita ako roon.
Sa halip, nakatingin siya sa dokumentong hawak ko.
“Natagpuan mo na pala,” sabi niya.
Nanlamig ang buong katawan ko.
“Alam mong nandito ito?”
“Alam ko.”
“Kung ganoon, bakit mo ako hinayaang pumasok?”
Dahan-dahan siyang lumapit.
“Dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ka handang pumunta para malaman ang katotohanan.”
Napahigpit ang hawak ko sa folder.
“Katotohanan?” Halos pumutok ang tinig ko sa galit. “Ikaw ang tumestigo laban sa ama ko! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakulong!”
Hindi siya umiwas ng tingin.
“Alam ko.”
“Kung alam mo, bakit mo ako pinakasalan?”
Tahimik siya nang ilang segundo.
Pagkatapos ay may inilabas siyang lumang litrato mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inilapag iyon sa mesa.
Nang makita ko ang larawan, nawala ang lahat ng salitang nasa isip ko.
Isang babae ang nakatayo sa harap ng isang bahay. Hawak niya ang isang sanggol, at nakangiti siya sa lalaking nasa tabi niya.
Nakilala ko ang babae.
Ang mga mata niya, ang ngiti niya at ang mukha niyang minsan kong nakita sa mga litrato noong bata pa ako.
Ang aking ina.
Ngunit ang lalaking katabi niya ay hindi ang aking ama.
Si Victor Monteverde iyon.
Ang ama ni Adrian.
“Bakit magkasama ang nanay ko at ang tatay mo?” bulong ko.
Hindi sumagot si Adrian. Sa halip, itinuro niya ang sanggol sa larawan.
“May isang bagay na hindi sinabi sa iyo ng pamilya mo, Serena.”
Nanigas ako sa narinig ko, Serena. Hindi Alessandra, hindi niya ako tinawag sa pangalang ginagamit ko ngayon.
Alam niya kung sino ako. Muli niyang tiningnan ang litrato bago ibinalik sa akin ang tingin.
“Ang sunog na pumatay sa nanay mo ay hindi aksidente.”
Napaatras ako, nanginginig ang mga daliri.
“At ang lalaking tumulong para makulong ang ama mo…”
Huminto siya, tila nahihirapang sabihin ang kasunod.
“…ay hindi ang tunay na kalaban mo.”
“May kailangan akong malaman.”Unti-unting nawala ang ngiti niya, napalitan ito ng pagtataka. “Ano iyon?”Inilabas ko ang litrato ni Isabella at ang dokumentong may pangalan nito.Nang makita niya ang litrato, bigla siyang napaatras.“Dad?”Nanginginig ang mga kamay niya habang tinititigan ang mukha ng babaeng nasa larawan.“Saan mo nakuha iyan?”“Sa bahay ng mga Monteverde, sinabi ni Victor na niloko mo si Isabella. At may dokumentong nagsasabing ako ang tunay na tagapagmana ng kanilang pamilya.”Napapikit siya.“Diyos ko.”“Sabihin mo sa akin ang totoo. Sino si Isabella? Bakit siya konektado sa atin? At bakit sinasabi ni Victor na hindi ikaw ang tunay kong ama?”Nang muli siyang tumingin sa akin, may luha nang namumuo sa kanyang mga mata.“Serena, anak may bagay ako na ipinangako sa iyong ina na hindi ko kailanman pwedeng sabihin sayo.”“Pero kailangan kong malaman ang totoo! Pagkatao ko ang inililihim ninyo sa akin!”“Alam ko.”Napahawak siya sa gilid ng mesa.“Ang pangalan mong S
“Pati ang sarili niyang ama.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon ni Victor Monteverde.Nakatayo siya sa harap ko, matikas at walang bahid ng takot, na para bang hindi niya kaharap ang isang babaeng buong buhay ay winasak ng kanilang pamilya. Mahigpit kong hinawakan ang dokumentong ibinigay ni Adrian. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Bakit pati ang sarili kong ama?”Hindi sumagot si Victor. Sa halip, ibinaling niya ang tingin sa kanyang anak.“Adrian, lumabas ka.”“Hindi.”Isang salita lamang iyon, ngunit sapat upang magbago ang ekspresyon ng matanda.“Ano'ng sinabi mo?”“Sinabi kong hindi ako aalis.” Tumayo ng tuwid si Adrian. “Limang taon nang pinag durusahan ni Serena ang mga kasalanang hindi niya naman alam. Panahon nang malaman niya ang totoo.”“Ang totoo?” Mapait na natawa si Victor. “Akala mo ba kaya mong sabihin sa kanya ang lahat nang hindi ka nadadamay?”Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, alam kong may lihim din si Adrian. At posib
SERENABago ako nakapagsalita, may kumalabog sa labas ng study.Kasunod niyon ang isang matinis na sigaw.“ADRIAN!”Boses iyon ni Celeste.Nang tumakbo kami palabas, nakita namin siyang nakatayo sa pasilyo, hawak ang isang lumang litrato na kapareho ng nasa mesa.Namumutla siya habang nakatingin sa akin.“Hindi maaari,” paulit-ulit niyang bulong. “Ikaw ang sanggol…”Napatingin siya sa singsing sa daliri ko.“…ikaw ang anak ni Isabella.”At sa unang pagkakataon, nakita kong natakot si Celeste Monteverde sa akin.“Anak ni Isabella?”Parang umalingawngaw sa buong pasilyo ang mga salitang iyon.Nakatayo si Celeste Monteverde sa harap ko, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang lumang litrato. Ang babaeng kanina ay mahinahong nakikipag-usap sa akin ay tila biglang nawalan ng lakas. Maputla ang mukha niya, at ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay puno ng takot.Hindi galit.Hindi pagkagulat lamang.Kundi takot na para bang nakita niya ang isang patay na bumalik mula sa libingan.“Anon
“Imposible.”Nanginginig ang tinig ni Celeste Monteverde habang nakatitig sa singsing na suot ko.“Sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha iyan.”Napatingin ako kay Adrian. Hindi ko inaasahang ang isang simpleng singsing ang magiging dahilan para magbago ang buong mukha ng kanyang ina. Kanina lamang ay nakangiti ito sa akin, pilit na ipinapakita na tinatanggap niya ako bilang magiging asawa ng kanyang anak. Ngayon, para bang may multong biglang nagpakita sa harap niya.“Regalo ko sa kanya, Mom,” sagot ni Adrian. “Pamana ni Lola.”Napahawak si Celeste sa dibdib niya.“Hindi mo dapat ibinigay iyan sa kaniya!”Napakunot ang noo ni Adrian. “Bakit? Ano bang problema sa singsing na iyan?”Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip, lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay kong may suot na singsing.Malamig ang mga daliri niya.“Alessandra,” bulong niya, “may kilala ka bang babaeng nagngangalang Isabella?”Isabella.Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ang pangalang iyon, ma
He was waiting for my answer.“No,” I answered. “I wouldn't have refused.”“Excellent.”He picked up his phone and checked a message.“Wear something elegant. My mother dislikes surprises.”I stood.“Then she must hate you.”His eyes lifted from his phone.“What makes you say that?”“Because you seem to enjoy making them.”For a moment, he simply stared at me.Then he laughed, not the polite laugh he had given me early but a genuine one. And I hated how different he looked when he did. “Careful, Alessandra,” he said. “You might start to enjoy my company.”“Don't worry. I have excellent self-control.”“We'll see.”I turned toward the door.“Wait.”I stopped, Adrian walked back to his desk and took out a small velvet box.He opened it, inside was a diamond ring. It was beautiful, an enormous oval diamond surrounded by smaller stones and mounted on a delicate platinum band.I stared at it.“This belonged to my grandmother,” he said. “It's traditionally given to the woman who becomes th
SERENA“Are you out of your mind?”Iyon ang unang bungad sa akin ni Mikaela nang makita niya akong nakaupo sa isang mamahaling café, kalmadong umiinom ng iced coffee habang binabasa ang kontrata ng kasal na ibinigay sa akin ni Adrian Monteverde.I raised an eyebrow.“Good morning to you, too.”“Serena, I'm serious!”Inilapag niya ang handbag niya sa bakanteng upuan at agad na hinablot ang mga dokumento sa mesa.“Marriage contract? One year? Financial arrangement? Access to the Monteverde family's private business affairs?” isa-isa niyang binasa. “Ano 'to? Business merger o kasal?”“Both.”“Hindi ito nakakatawa! Alam mo ba talaga kung ano ang pinapasok mo?”“I'm not laughing, and yes alam ko kung ano tong pinasok ko.”She stared at me as if I had suddenly grown another head.“Limang taon mong pinaghandaan ang paghihiganti mo. Limang taon mong inaral ang bawat galaw ng pamilyang iyan. At ngayon, ang gagawin mo ay tumira sa isang bahay kasama ang lalaking gusto mong pabagsakin?”I took a







