“Muntik na tayo dun ah, Alpha lang pala katapat nila.” Ani ni James habang pinapagpag ang kaniyang damit.
“Anong lugar ba ito Kuya?” tanong ni Ivan ng makalapit siya kay Clayton na nakamasid lang sa paligid habang kunot na kunot ang kaniyang noo.
“Sa tingin ko ay pugad ng mga aswang, hindi ako masyadong pamilyar sa mga uri nila pero lahat ng nilalang kinakain nila.” Paliwanag niya, kinilabutan naman ang dalawa kaya mabilis nilang nilisan ang lugar na iyun kahit na malalim na ang gabi.Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay kahit na ramdam na nila ang pagod sa kanilang katawan subalit mas pinili nilang magpatuloy. Ano mang oras ay sisikat na rin ang araw.
Sa kanilang paglalakbay ay bigla na lamang huminto sa paglalakad si Clayton.“May problema ba Kuya?” takang tanong ni Ivan ng biglang tumigil ang kapatid. Sinenyasan niya naman na tumahimik na muna, sinundan naman ng tingin ni Ivan ang tinitingnan ng kaniyang Kuya.<“Wala na tayong oras, alam kong pagod na kayo. Uuwi tayong matagumpay.” Bakas na rin ang pagod sa tinig ni Clayton subalit hindi niya ito pinahalata. Sinimulan nilang labanan ang mga sari saring halimaw na nasa kanilang harapan.“Ivan!” sigaw ni James ng may magtangkang sugurin siya sa kaniyang likuran. Narinig naman ni Ivan ang sigaw na iyun ni James at mabilis na hinarap ang demonyong may matulis na sungay. Clayton greeted his teeth while looking at the big one, he is in his werewolf form. Tumalon ito sa isang sanga at kahit na sampung beses ang laki ng halimaw sa kaniya ay hindi niya iyun pinansin, sa isang bagay lang siya nakatuon, ang makuha ang mahiwagang bulaklak na siyang makakapagpagaling kay Amara.“I don’t care about my life but I care to Amara, no one will block my way, you monsters!” mula sa sangang tinalunan niya kanina ay tinalon niya ang malaking halimaw at inihanda ang kaniyang matatalim na kuko. Ki
Mga mata niyang nakikiusap, paulit ulit na pag-iling ni Amara sa tuwing susubukang lumapit ni Clayton. Ang kakaibang nararamdaman ng dalaga sa kaniyang katawan, hindi niya maipaliwanag ang bagay na ito. Gustuhin niya mang lapitan at yakapin ang binata ay hindi niya magawa sapagkat natatakot siyang may magawa siya dito katulad ng nagawa niya sa mga tauhan niyang nagbabantay.“Nakikiusap ako sayo Clayton, huwag mo akong lalapitan.” Nagmakakaawa niyang aniya.“Just tell me what happened?”“I...I don’t know, hindi ko maipaliwanag. Nagising na lang akong hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Iwan niyo na ako habang nasa maayos pa ang kaisipan ko.” naluluha niya ng aniya, hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari, kung ano ang kakaibang nanaramdaman niya sa kaniyang katawan. Halos mabaliw siya sa kaiisip. “Hindi ko alam kung epekto ba ito ng kagat ni Daryll sa leeg ko pero alam kong may mal
“Apo.” Kay Lola, mas lalong nabubuo ang galit na hindi ko maipaliwanag sa katawan ko sa tuwing naririnig ko ang mga boses nila. Nakakaamoy ako ng dugo, nararamdaman ko na ang pagkauhaw ko pero parang hindi tubig ang makakapagpunan nun. Nilingon ko ang dugong naiwan sa lupa sa isa sa mga napatay ko. Tumayo ako at diretsong tiningnan iyun, may kakaiba akong nararamdaman sa ngipin ko tila may dalawa akong ngipin na tumutubo. Ibinuka ko ang bibig ko at amoy na amoy ko ang dugong nasa lupa.“Amara/Apo.” Sabay pa nilang tawag sa akin, nilingon ko naman sila at nanlalaki ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na pinuntahan ang dugong nasa lupa subalit mabilis din akong pinigilan ni Clayton na mas lalo kong ikinainis.Hinawakan ko ang kamay niya subalit mabilis din ang kilos niya. Galit na galit akong nakatingin sa kaniya ng tapakan niya ang dugong kanina ko pa tinitingnan. I greeted my te
‘My child, I know that you are struggling right now and we’re sorry.’ Hindi ko alam kung nasaan ako, tanging madilim na paligid lang ang nakikita ko at ang boses ng isang babae na naririnig ko. Sinubukan kong maglakad pero parang walang katapusang paglalakad ang ginagawa ko.‘Just accept your destiny my child, your powers will be awaken sooner.’ Muli kong rinig sa kaniya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong kapangyarihan ang magigising sa akin?‘I know you can’t understand what I am saying now, you will meet us soon. But please before your power will awaken leave that place sooner or later. Hindi mo kakayanin at hindi mo makokontrol lahat, maaaring ikaw ang magiging dahilan ng pagkawala ng iba’t ibang nilalang. You will destroy their kingdom in just one snap, you need to practice your power first.’ Pilit kong hinahanap ang pinanggagalingan ng boses pero hindi ko alam kung nasaan. Mas lalo akon
Tiningnan ko ang dalawa kong palad at sinusubukang palabasin kung ano mang kapangyarihan meron ako pero kahit na anong gawin ko dun ay walang lumabas. Anong emosyon ba dapat meron ako bago yun lumabas?Bakit ngayon lang ito nagparamdam? Simula ba bata ako ay natutulog lang ang tunay kong pagkatao? Napatingin na lang ako sa bahay ng maalala ko si Clayton, bumalik na ang kapangyarihan niya? Hindi niya ako mahahawakan kanina kung hindi pa bumalik ang kapangyarihan niya. Anong nangyari? Paano niya napabalik ang kapangyarihan niya? Wala na akong maalala ng tamaan ako ng pana ni Daryll. Isa pa ang bampirang yun, tsss.Bumalik ako sa loob ng bahay at pinuntahan si Clayton na mahimbing na natutulog. Napangiti na lang ako ng marinig ko ang mahina niyang paghilik.“Thank you for not leaving me and my Lola Clint. Hindi mo ako iniwan kahit na anong mangyari o kahit na muntik ko pa kayong mapatay, masaya ako kasi nakita kita.” Hinawakan ko ang k
Pagkatapos naming kumain ay umalis ako sa bahay, nagtungo ako sa ilog at ibinabad ang paa ko habang nakatulala sa tubig. Ang daming laman ng isip ko pero hindi ko alam kung anong uunahin ko, gusto kong hanapin ang pinagmumulan ng boses na iyun. Alam kong hindi lang yun normal na panaginip lang, para siyang totoo.“Bakit hindi mo ako sinama?” napalingon na lang ako kay Clayton na kakaupo lang sa tabi ko.“Anong ginagawa mo dito?” balik kong tanong sa kaniya, diretso lang naman ang tingin niya sa tubig kaya ibinalik ko ang paningin ko dun.“Sinundan kita, alam kong gusto mong mapag-isa pero hindi kasi ako mapakali eh.” Wika niya, napatango na lang ako. Hindi naman na ako sumagot pa at ilang minuto rin kaming natahimik na dalawa at tila parehong may malalalim na iniisip. Napalingon na lang uli ako sa kaniya ng may pumasok na tanong sa isip ko, hindi ko alam kung tama bang itanong ko sa kaniya ang bagay na iyun p
Parang may sariling isip ang katawan ko, ikinawit ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya. Mas lalong lumalim ang mga halik niya sa akin, para akong nalulunod sa halik niya. Parang hindi ko kayang umahon sa mga yun. Hindi ko alam kung ilang minuto na naming ginagawa. Pagkalipas ay kumalas na din siya sa pagkakahalik sa akin at pareho kaming habol ang paghinga lalo na ako.“Wala kang dapat pagselosan Amara nor yourself. You’re mine, alone.” Mahina niyang wika. Lumayo naman na ako sa kaniya dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga, nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita kong nasa tubig na kami. Paano kami napunta dito? Nilingon ko ang pinagtatayuan namin kanina, napasapo na lang ako sa noo ko at yumuko. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa o ng tubig ngayon dahil sa sobrang hiya!Ni hindi ko namalayan na naglakad pala kami!“May problema ba?” tanong niya pero hindi ko siya tiningala dahil nahihiya ako. Ni hindi ko
THIRD PERSON POVLumipas ang oras at nanatili silang dalawa sa ilog. Matapos nilang maligo ay pareho silang naupo sa isang malaking bato habang nakalubog ang kanilang mga paa sa tubig at nakatuon ang mga mata sa tubig na napakapayapa.Napalingon na lamang si Amara kay Clayton ng maramdaman niyang may humawak sa kaniyang kamay, napangiti na lamang sila sa isa’t isa. Tila ba ang mga oras na iyun wala silang inisip kundi ang isa’t isa. Inalis sa kanilang isipan ang maaaring kakaharapin nilang problema. Ang magkaroon ng kapayapaan sa loob ng ilang oras ay tila nakakapagpabigay sa kanila ng kapahingaan sa isip at sa katawan. Sarili lang nila ang nakikita at naririnig nila, gustong kalimutan ang mga sandaling naranasan na kahirapan.Walang nakakasiguro kung anong pwedeng mangyari bukas o maaaaring mamaya.“Kung may kakayahan lang ako para ihinto ang oras, gagawin ko makasama lang kita.” Bahagya na