Beranda / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 100 - BAKIT SI ANALYN?

Share

100 - BAKIT SI ANALYN?

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-28 12:33:19

Agad na humiwalay si Analyn kay Anthony. Nilingon naman ni Anthony si Vivian na nakatayo pa rin sa pinto.

May hawak na brown envelope si Vivian. Walang ideya si Anthony kung gaano na katagal na nakatayo roon ang babae.

“Magre-report ka ba?” malamig na tanong ni Anthony sa babae.

Marahang tumango si Vivian, at saka alanganing naglakad palapit kay Anthony. Nang nasa tapat na siya ni Anthony, nag-aalangan siyang magsalita dahil kay Analyn. Pasimple niyang tiningnan ang babae. Hindi siya sanay na may ibang nakikinig sa usapan nila ng boss.

Nahulaan ni Anthony ang iniisip ni Vivian. “Go on, speak. Okay lang marinig ni Analyn.”

Humugot ng malalim na hininga si Vivian bago nagsalita.

“Galit sa iyo si Charles. Nahulaan niya ang nangyari sa gabi ng birthday niya,” sagot ni Vivian at saka inabot ang envelope kay Anthony.

Kinuha ni Anthony ang laman ng envelope at saka binasa ang nakalagay sa mga papel na nandoon.

“Nasaan na ang ama niya ngayon?”

“Nasa airport siya ng damputin ng kapulisan. N
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Marlet Basbas
wagkna kasi mag tanong vivian, ayan tuloy
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • I SECRETLY WED the BOSS   101 - MABUBUKING NA

    Nakita ni Anthony na pinatay na ni Analyn ang laptop sa harapan niya kaya tumayo na ang binata at lumapit kay Analyn.“Sir Anthony, narinig mo ‘yun? Pasado ang mga drawing ko!” masayang pagbabalita ni Analyn.Isinara na ni Anthony ang laptop na ginamit ni Analyn at saka inilagay iyon sa bag.“Very good.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Analyn habang nakatingin sa binata.“Wala ka namang ginawang hokus-pokus?”“Bakit? Hindi ka ba confident sa gawa mo?”“Confident naman.”“Iyon naman pala, eh,” sabi ni Anthony sa dalaga at saka dinala ang laptop sa sofa.“Alam mo ang sabi ng mga taga-Buenaventura sa design ko?” masaya uli ang boses ni Analyn.“Ano?” tanong naman ni Anthony habang pabalik na sa kama ni Analyn. “Unique daw ang design ko!”Napangiti si Anthony. Para kasing isang grade school si Analyn ngayon na tuwang-tuwa sa papuri ng kanyang teacher. “So, ibig mo bang sabihin bibigyan kita uli ng reward?” Biglang namilog at nangningning ang mga mata ni Analyn. Naisip nya ang biniling i

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-28
  • I SECRETLY WED the BOSS   102 - TWO OPTIONS

    “Ano’ng gagawin natin?” pabulong na tanong ni Analyn sa binata. Pinauna na nilang maglakad si Greg.“Lansihin mo muna si Lolo. Kuwentuhan mo. Magaling ka naman dun. Ipapalipat ko muna ang mga gamit mo sa kuwarto ko.”“Ha? Pa’nong lansihin?”“Ikaw na ang bahalang mag-isip. Ako na nga ang mamomroblema sa itaas, eh.”“Ano ba’ng pinagbubulungan n’yo diyan?”Parehong nagulat sila Analyn at Anthony nang marinig nila ang paninita sa kanila ni Greg.“‘Lo, eto kasi’ng si Anthony.”Lumipad ang tingin ni Anthony sa dalaga na par

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-29
  • I SECRETLY WED the BOSS   103 - NAIINGGIT

    Magmula ng gabing iyon ay naging busy si Anthony. Maaga siyang umaalis at gabi na nakakauwi. Minsan pa nga ay sa opisina na ito natutulog.Habang si Analyn ay nasa bahay lang at hindi pa pumapasok sa trabaho. Ang tanging gawain niya ay makipagkuwentuhan sa dalawang nakatatandang mga kasambahay, kung hindi kay Edna o kay Ria. Minsan ay si Greg ang kausap niya sa telepono.Marami na rin siyang nai-download na mga laro sa telepono niya pampalipas-oras. Pero kinasawaan din niya nang lumaon ang paglalaro sa mga iyon.Hanggang dumating ang isang araw na sobrang inip na inip na talaga si Analyn. Tumipa siya ng mensahe at saka ipinadala kay Anthony.To: Sir AnthonySir Anthony, ano’ng ginagawa mo?Umaga pa niya ipinadala ang mensaheng iyon, pero nakatapos na siyang kumain ng tanghalian ay wala pa ring sagot si Anthony.Sa kawalan ng magagawa ay natulog na lang siya.Pagkagising niya

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-30
  • I SECRETLY WED the BOSS   104 - UNETIQUETTE TO EAVESDROP

    “Walanghiya ka, Analyn!”Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Analyn, “walanghiya ako sa mga taong walanghiya sa akin.”Matalim ang naging tingin ni Fatima sa kanya pero balewala kay Analyn.“Sige na. Ibigay mo na ang regalo ko sa kanya,” pagkausap ni Analyn sa security staff ni Anthony.Pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis na roon kasunod iyong isa pang security ni Anthony. Rinig pa niya ang pag-atungal ni Fatima.“Nasaan si Anthony?” tanong ni Analyn sa kasamang security habang naglalakad sila.“Nandito lang din mam sa same floor.”Nang napatapat sila sa isang pintuan ay napahinto si Analyn ng nakarinig ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Sumilip siya sa nakaawang na pinto at nakita niya roon sila Charles at Anthony. Nakatayo si Charles, habang naka-de kuwatrong upo si Anthony sa pang-isahang sofa. Tila may pagtatalo na nagaganap sa kanilang dalawa, pero mapapansin na kalmado lang ang mukha ni Anthony.&nb

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-30
  • I SECRETLY WED the BOSS   105 - MAINIT

    “Hindi mo pa pala lubusang kilala si Anthony.”Nakatingin lang si Analyn kay Edward, sinusukat ang sinseridad sa sasabihin pa.“Anthony will never be good to someone for no reason. What if I tell you that Anthony is a selfish, cold-blooded person? Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya?”Hindi alam ni Analyn kung ano ang isasagot niya kay Edward. Sinamantala iyon ni Edward at saka lumapit pa kay Analyn. Gusto sanang lumayo ni Analyn sa lalaki pero ramdam niya na nasa pinakadulo na siya ng sofa at wala na siyang maaatrasan.“Walang hilig sa babae si Anthony. Ako, meron. Analyn, gusto kita. Try me. Maging assistant muna kita para makilala mo muna ako ng lubusan.”Nagulat pareho si Analyn at Edward nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Edward.“Anthony!”Mabilis na inilapag ni Analyn ang hawak niyang baso ng alak sa center table at saka tumayo. Hindi niya napansin ang pagsunod ng tin

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-31
  • I SECRETLY WED the BOSS   106 - JEALOUS

    Naramdaman ni Analyn na umangat ang mga paa niya. Binuhat siya ni Anthony habang hawak siya sa kanyang magkabilang pigi, kasabay ng pag-angat nito sa dalawang binti niya at saka iyon isinaklang sa magkabilang beywang.Umupo sa sofa si Anthony kasama si Analyn ng hindi pinuputol ang paghalik sa dalaga. Nakakalong si Analyn sa ibabaw ng mga hita ni Anthony at nakasaklang pa rin ang mga hita ni Analyn sa beywang nito. Mapangahas na idiniin ni Analyn ang ibabang katawan niya kasabay ng pagkapit ng isang malayang kamay niya sa leeg ng binata.Lalong nanigas ang katawan ni Anthony. May nasindihang apoy ang dalaga sa kanya. Lalo pa at nalalasahan niya ang alak sa mga labi nito, dahilan para lalo niyang palalimin ang halik sa dalaga.“You’re so brave, Analyn,” sabi ni Anthony sa pagitan n

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-02
  • I SECRETLY WED the BOSS   107 - COLLECT THE EVIDENCE

    “Akala ko ba mauuna akong umuwi?” tanong ni Analyn sa loob ng sasakyan ng binata. Sinulyapan lang siya ni Anthony pero wala itong sinabi, Ngumiti na lang si Analyn at hindi na kinulit ang binata.Pagkapasok nila sa bahay ni Anthony, nadatnan nila si Ria na nasa sala. “Oh, Manang? Bakit hindi ka pa natutulog?” “Nag-aalala ako sa inyong dalawa. Nag-away ba kayo? Ilang araw hindi umuwi si Anthony. Tapos, umalis ka naman Analyn ng hindi nagpapaalam.”“Ah, eh…” Hindi na nasabi ni Analyn ang sasabihin niya nang magsalita uli si Ria. Nakita niya agad ang mga namumulang bagay sa balat sa leeg ni Analyn. “Okay na. Mukhang nagkasundo na kayo,” sabi ni Ria habang nakatingin sa leeg ni Analyn. Napansin ni Analyn ang pagtingin ng matandang kasambahay sa leeg niya. Bigla naman niyang naalala kung ano ang naroroon kaya bigla siyang nahiya sa matanda. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang mukha niya. “Oh, sige na, Umakyat na kayo sa kuwarto n’yo. Matulog na kayo kung matutulog kayo. At matut

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-02
  • I SECRETLY WED the BOSS   108 - HEARD IT

    “May idadagdag ka pa?” muling tanong ni Anthony.Umiling si Vivian, “wala na, boss. Lalabas na ako.”Bago lumabas si Vivian, hindi sinasadyang napatingin siya kay Analyn. Nagkataong nakatingin din sa kanya ang dalaga.“Miss Analyn, baka gusto mo ng maiinom? Magpapabili ako.”Alam ni Analyn na hindi bukal sa loob ni Vivian ang pag-aalok sa kanya, Maaaring bilang paggalang lang dahil bisita siya ngayon ni Anthony. Pero ayaw niyang ipakita sa babae na apektado siya ng presensiya nito. Isa pa, obvious namang hindi nila gusto ang isa’t isa. “Salamat, Assistant Vivian. Okay lang ang mineral water sa akin. Kung okay lang sa 'yo.”Hindi na sumagot si Vivian, agad na itong lumabas ng kuwarto ni Anthony. Agad siyang bumalik sa upuan niya. Napansin ng mga kasamahan niya ang nakasimangot niyang mukha.’“Bakit ganyan ang mukha mo, Miss Vivian? Mainit ba ang ulo ni Sir Anthony?”“Napagalitan ka ba ni boss?”Mapait na ngumiti si Vivian, “mas gugustuhin ko pa nga kung mainit ang ulo niya.”“Ha?” “

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-02

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS   351 - GAANO KA-MASUNURIN

    Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth

  • I SECRETLY WED the BOSS   350 - ESCAPED & CAUGHT

    Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d

  • I SECRETLY WED the BOSS   349 - MAY KAAWAY?

    “Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p

  • I SECRETLY WED the BOSS   348 - DAMIAN IS MISSING

    [“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n

  • I SECRETLY WED the BOSS   347 - SINO 'TO?

    Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na

  • I SECRETLY WED the BOSS   346 - HOT

    Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr

  • I SECRETLY WED the BOSS    345 - AS AN ASSISTANT

    Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.

  • I SECRETLY WED the BOSS   344 - ITAPON NA

    Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag

  • I SECRETLY WED the BOSS   343 - WELCOME PARTY

    Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status