Share

CHAPTER FORTY ONE

Penulis: Gabriel Pattern
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-06 15:58:20

Maagang nagising si Iris, ramdam ang init ng araw na sumisilip sa kurtina. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na napansin ang bisig na nakayakap sa kanyang baywang. Napangiti siya—parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya si Alexander, tulog na tulog at nakasubsob pa ang mukha sa kanyang balikat. Kung kailan lang ay hindi siya maalala nito. Ngayon naman ay para silang bagong kasal na hindi mapaghiwalay.

“Ang bigat mo, parang unan na bato,” bulong niya habang pilit na kumakalas.

Ngunit mas lalo lang kumapit si Alexander. Natawa si Iris at bahagyang ginulo ang buhok nito.

“Baby, gising na. Baka ma-late ka, sabi mo may important meeting ka?” malambing na sabi ni Iris.

Dahan-dahang iminulat ni Alexander ang kanyang mga mata. Namumungay pa iyon, halatang bagong gising. “Hmm… five minutes pa. Ang bango mo eh, gusto ko pang matulog.”

“Ang bango?” kunot-noong tanong ni Iris, saka natawa. “Hindi pa nga ako naliligo.”

“Hindi mo na kailangan. Ikaw pa lang, parang m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER FORTY TWO

    Hindi mapigilan ni Iris ang pagtawa, dahil sa itsura ni Alexander na halatang naiinis na sa kanya. Sumisingkit na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya, para bang nag-iisip kung paano siya babawian sa pang-aasar niya. “Alam mo, Sweetheart, kahit kaya ko mang sungkitin ang araw at buwan para sa ’yo… hindi ko gagawin!” biro niya, sabay halakhak. “Baka masunog ka pa—masyadong mainit eh!” Napailing si Iris at natawa. “Loko ka talaga.” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Naging seryoso, at marahan siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Pero kahit hindi ko magawa ’yon… kaya ko namang painitin ang katawan mo.” “Alexander!” mariing saway niya, sabay tulak dito. “Ang aga-aga, puro ka kalokohan!” Pero ramdam niya ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o kikiligin. Natawa lang si Alexander at kinindatan siya. “Sweetheart, let’s go back to Manila. May meeting pa nga pala ako.” Natahimik si Iris. Parang ayaw na niyang bumalik

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER FORTY ONE

    Maagang nagising si Iris, ramdam ang init ng araw na sumisilip sa kurtina. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na napansin ang bisig na nakayakap sa kanyang baywang. Napangiti siya—parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya si Alexander, tulog na tulog at nakasubsob pa ang mukha sa kanyang balikat. Kung kailan lang ay hindi siya maalala nito. Ngayon naman ay para silang bagong kasal na hindi mapaghiwalay. “Ang bigat mo, parang unan na bato,” bulong niya habang pilit na kumakalas. Ngunit mas lalo lang kumapit si Alexander. Natawa si Iris at bahagyang ginulo ang buhok nito. “Baby, gising na. Baka ma-late ka, sabi mo may important meeting ka?” malambing na sabi ni Iris. Dahan-dahang iminulat ni Alexander ang kanyang mga mata. Namumungay pa iyon, halatang bagong gising. “Hmm… five minutes pa. Ang bango mo eh, gusto ko pang matulog.” “Ang bango?” kunot-noong tanong ni Iris, saka natawa. “Hindi pa nga ako naliligo.” “Hindi mo na kailangan. Ikaw pa lang, parang m

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER FORTY

    Pagkapasok ni Ivy sa loob ng bahay, agad itong napahinto. Napalinga-linga siya sa bawat sulok ng sala, tila ba hindi makapaniwala sa nakikita. “Grabe…” mahina pero mangha niyang bulong. “Ganito pala ang bahay ng mga mayaman. Kahit sampung buhay ko siguro, hindi ko kayang makapagpatayo ng ganito.” Napailing si Brigitte, inilapag ang cellphone sa lamesita. “Bakit ka ba pumunta dito? Pwede bang sabihin mo na agad para makauwi ka na!” malamig na tanong ni Brigitte. Huminga siya ng malalim. Napatingin siya sa mga corner ng kisame. Naalala niya ang mga hidden cameras na naka-install sa bahay nila. Mabuti na lang at napatanggal na niya ito. Umupo si Ivy sa malambot na sofa, para bang sinusubukan pa lalo ang pasensya ng kapatid. “Relax, Ate. Hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang naman mag bonding tayo, tulad sa ibang magkakapatid!” Napatango-tango si Brigitte. Naalala niya ang huling usapan nila ni Gabriel. Malungkot ito dahil nag-iisang anak siya, kaya mas maswerte pa siya di

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY NINE

    Nanigas si Iris sa kinatatayuan niya. Parang biglang tumigil ang oras nang makita niya ang babaeng kaharap niya. “Na…nay?” halos pabulong niyang sambit, nanginginig ang tinig. Dahan-dahang ngumiti si Lorrie, hawak-hawak pa rin ang lumang susi. Tumatagos ang kalungkutan sa mga mata nito. “Iris…” mahina nitong tawag, bago tuluyang tumulo ang luha. “Iris, anak…” Hindi na nakapagpigil si Iris. Humakbang siya papalapit at mahigpit na niyakap ang matanda. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito, parang libo-libong alaala ang biglang sumalubong sa kanilang dalawa. “Kumusta po? Si Ivy? Kasama niyo po ba?” tanong ni Iris, bakas ang pananabik. Umiling lang si Lorrie, mabigat ang ekspresyon. “Ang batang ‘yon… nagpumilit lumuwas ng Maynila. Bibisitahin daw niya ang ate niya.” Nagulat si Iris. ‘Ibig sabihin, nagkita na po sila ng tunay niyang ate?’ “Oo, hija. ‘Yun nga lang… pinagtabuyan naman kami ng ate niya. Hanggang ngayon eh masama pa rin ang loob nito sa akin.” Mahinang buntong-hi

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY EIGHT

    Saglit na natahimik si Alexander, hindi niya alam kung maiinis ba siya sa tanong ni Iris o iintindihin na lamang ito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Iris. Hindi niya inaalis ang titig dito. “Alam kong mahirap paniwalaan, alam kong walang salitang makapagpapatunay kung gaano kita kamahal, Sweetheart. Sa dami ng nangyari… ang gusto ko na lang sa ngayon ay makasama ka hanggang sa pagtanda… o kahit hanggang kamatayan man.” Mahigpit siyang niyakap ni Alexander. “Sa totoo lang, Sweetheart, ilang beses kong pinag-isipan kung tatanggalin ko na nga ba ang kontratang nag-uugnay sa ating dalawa. Kasi natatakot ako… dahil alam ko sa sarili ko na, hindi ko kakayanin na makita ka sa piling ng iba.” “Kahit sabihin pang hindi ako niloko ni Brigitte noon, hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung trauma at sakit na pinagdaanan ko… dala-dala ko ‘yon hanggang ngayon.” Kumalas ito sa pagkakayakap kay Iris at humarap sa kanya. “Pero—handa akong sumugal at magmahal ulit para sa ‘yo, Sweetheart.” Napalun

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY SEVEN

    Pagkatapos mapanood ang balita, agad na pinatay ni Brigitte ang TV. Nanlalambot ang katawan niya habang naglalakad papunta sa kusina. Kumuha siya ng gamit, umorder ng pagkain online at saka hinanda ang mesa. Habang inaayos ang mga plato at kubyertos, kusa nang pumatak ang mga luha niya. “Kasalanan mo ito, Brigitte…” bulong niya sa isipan. “Good morning, babe!” Masiglang bati ni Gabriel mula sa pintuan ng kusina. Wala itong kaalam-alam sa bigat ng dibdib niya. Nakangiti ito, may saya sa mga mata. Nilapitan siya at hinalikan sa noo, saka masayang niyakap mula sa likod. “Wow, ang sarap niyan ah! Ready ka na bang maging wife?” biro pa ni Gabriel, punô ng pag-asa na magiging maayos na ang relasyon nilang dalawa. Tipid na ngumiti lang si Brigitte. Pilit niyang itinago ang kirot na nararamdaman. “Kumain ka na, may pupuntahan tayo.” Nagningning ang mga mata ni Gabriel. Hindi na siya nagtanong pa at mabilis silang kumain. Habang sabay na naghahanda, ramdam ang kasiyahan at excitement sa k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status