Home / Romance / I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS / CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR

Share

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR

last update Huling Na-update: 2025-11-07 00:35:46

Napayuko si Iris. Hindi niya alam kung dapat niyang aminin kay Alexander ang totoo.

“Wala, ah! Wala kaya akong sinabi! Magbihis ka na nga doon at baka magkasakit ka pa!” kunwaring naiinis na sambit niya, sabay talikod para itago ang ngiti.

Pero kahit anong tanggi ni Iris, ramdam naman ni Alexander na hanggang ngayon, pareho pa rin sila ng nararamdaman sa isa’t isa. Muling humarap si Iris at binigyan siya ng tuwalya. Basang-basa si Alexander, nangingitim ang labi, at may ilang galos sa katawan.

Kinagabihan, nagising si Iris sa mahinang ungol. Napalingon siya kay Alexander na nakahiga sa tabi niya—nanginginig at pawis na pawis.

“Alex?” marahan niyang tawag. Lumapit siya at hinawakan ang noo nito. “Grabe, ang init mo!”

Hindi na siya nagdalawang-isip. Kumuha agad siya ng bimpo, binasa sa malamig na tubig, at piniga. Marahan niyang inilapat iyon sa noo ni Alexander, pero halos mapaso pa rin siya sa init ng balat nito.

“Sweetheart…” mahina ang tinig ni Alexander, medyo paos. “Sorry… a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Shadow
sana ullll majal
goodnovel comment avatar
Miles
ang ganda ganda sobra
goodnovel comment avatar
Liam More
wala ng intro intro kambak na
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   EPILOGUE

    Nakangiti si Iris habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang luha niya dahil sa magkahalong kaba at tuwang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit at huminga ng malalim. “Grabe…” mahina niyang sambit, “…ikakasal na ba talaga ’ko?” Tumawa si Veronica habang inaayos ang belo niya. “Oo, anak. At sana, maging masaya ka — iyon lang naman ang gusto namin ng Daddy mo. Maging masaya ka, at magkaroon ng maayos na pamilya.” Mahigpit na niyakap ni Iris ang kanyang ina. “I love you, Mommy,” lumuluhang sambit ni Iris. “Mahal na mahal din kita, anak,” sabi nito, sabay haplos sa pisngi ni Iris. “Ang ganda-ganda mo, anak!” nakangiting sabi ng kanyang ina. “Syempre naman, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa ’yo!” Natawa naman si Veronica. “Ay sus! Bolera!” Ngumiti si Iris, pero ramdam ang kaba sa dibdib. “Kinakabahan ako, Mommy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.” “Normal lang ’yan,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napalingon sila

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE

    Maagang nagising si Iris. Napangiti siya nang makita ang singsing sa daliri niya. "Parang panaginip lang!" nakangiting bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan niya ang window glass sa silid para pumasok ang liwanag ng araw. Ngunit halos mapaatras siya nang makita si Alexander sa tapat mismo ng bintana—nakatayo ro’n, nakangiti, at kumakaway pa. “Alex?” gulat pero natatawang sambit ni Iris. “Good morning, sweetheart!” sigaw nito mula sa ibaba. Bumaba ang tingin ni Iris. Napakunot ang noo niya, sabay takip ng kurtina. Naka-sando lang kasi si Alexander, at kitang-kita ang hubog ng katawan niya. “Ang aga mo naman mangapitbagay!” nakangising sigaw ni Iris. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alexander. “Pinagtimpla kasi kita ng coffee!” nakangiting sigaw ni Alexander. Hindi mapigilan ni Iris ang mapangiti. Pagbaba niya ng hagdan, naamoy agad niya ang aroma ng kape at tinapay na inilapag ni Alexander sa mesa. “Hindi ka pa natutulog, no? Mukhang excited masyado,”

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY

    Napaupo si Iris sa hallway sa tapat ng swimming pool. Bigla niyang pinatay ang tawag dahil sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang palinga-linga sa paligid. Nanginginig siya, takot sa posibleng gawin ni Congressman sa kanya at sa pamilya niya. Agad siyang nilapitan ni Veronica nang mapansing namumutla si Iris. “Hija? Anak, may problema ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Wala po, Mommy.” Tipid siyang ngumiti para takpan ang takot. Niyakap siya ni Veronica nang maramdaman ang panginginig ng katawan ng anak. “Okay lang, anak. Okay lang… hindi na niya tayo masasaktan ulit,” bulong ng kanyang ina. Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Iris. “Takot na takot ako, Mommy! Paano kung isa na naman sa atin ang kunin niya?” umiiyak na sambit nito. “Shhhh…” awat ni Veronica habang hinahaplos ang likod ni Iris. Lumapit na rin si Doña Conchita at niyakap siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago magpahid ng luha si Iris. “Thank you po,” halos bulong lang na sambit niy

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE

    Maaga pa lang, umalingawngaw na ang balita tungkol kay Congressman Armando Rodriguez — sa TV, sa radyo, at maging sa iba’t ibang social media platforms. Marami ang nagulat at natakot nang ibalitang buhay pa si Congressman, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa samu’t saring kasong isinampa laban sa kanya — kabilang na ang kidnapping at attempted murder kina Iris Celeste Delgado at Conchita Corañez. “Sabi ko na nga ba, buhay pa ‘yang si Congressman!” ani ng isang ale sa kanto habang nanonood ng TV sa tindahan. “Akalain mo, pati anak niyang si Brigitte, hindi napansin na hindi pala ‘yung tatay niya ang kinulong noon? O baka naman kasabwat siya?” “Eh sino pa nga ba ang magkakasabwat kundi sila-sila rin!” sagot ng isa habang nagpapaypay gamit ang lumang dyaryo. “Talaga nga palang ang mga masasamang damo, hindi agad namamatay,” sabay lagok ng kape ng matandang lalaki sa gilid. “Kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Congressman Armando Rodriguez,” dag

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT

    Kumakabog ang dibdib ni Alexander nang pindutin niya ang green button ng cellphone. “Hello, sino—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig niya ang tinig at mala-demonyong tawa ni Congressman Armando Rodriguez. “Sino kaya ang una mong ililigtas? Ang mommy mo… o ang pinakamamahal mong si Iris?” seryosong tanong nito. “Try to touch them and I’ll kill you,” malamig ngunit may diing sambit ni Alexander. “Ahhh, takot ako!” tila nang-aasar pang sagot ng Congressman sa kabilang linya, sabay halakhak. Napasalampak sa sahig si Alexander, sabay sapo sa ulo. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya—takot, galit, kaba. Napabuntong-hininga siya, saka muling tiningnan ang cellphone. “Pero dahil may pinagsamahan naman tayo noon, okay na siguro ’yung fifty million. Cash. Kapalit ng mommy mo at ni Iris,” patuloy ni Congressman. Nakuyom ni Alexander ang kamao. Kalmado, pero halata sa mga mata ang labis na takot na baka may mangyaring masama sa dalawa. “Fine! Fifty million,

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

    Napamulat ng mata si Iris nang bigla siyang sabuyan ng malamig na tubig. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin. Nasa harap niya si Congressman Rodriguez—nakaupo, kalmado, parang aliw na aliw sa nakikita. “Ibig sabihin... totoo ngang buhay siya?” bulong niya sa isip. Nanginginig ang katawan ni Iris sa ginaw, pero hindi niya iyon iniinda. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niyang sumigaw at murahin ito, pero hindi niya magawa dahil may duct tape ang bibig niya. Ginalaw-galaw niya ang kamay, pero nakatali iyon sa likod. Napangiwi siya sa higpit ng tali at halos mapaiyak nang mapansin niyang may kadena rin ang paa niya. Para bang kahit anong gawin niyang pagpupumiglas, hindi na siya makakatakas. “Mabuti naman at gising ka na, Ms. Delgado. Akala ko kailangan ko pang gamitin sa ’yo ’to para magising ka.” Sabay himas ni Congressman sa hawak niyang stun gun. Napangisi ito nang makita ang takot sa mga mata ni Iris. “Finally, nagkita rin tayo. Face to face

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status