ログイン
"Triple kill. Super kill. Power up! Demons dominate the battlefield. Protect your kingdom immediately!"
Nakadapa si Akki sa fluffy rug ng kanyang squishy neon-lit bedroom. Naka-romper lang siya as usual, pero ang intensity sa mga mata niya? Literal na pang-pro league level na. Even his tactical analysis ay pang-seasoned veteran. Naka-livestream pa siya while playing, suot ang kanyang signature hacker mask bilang si MrProdigyX. And at that very young age, mahilig na siyang sumali sa mga e-sport tournaments like the great era of Battle of the Lords. "Target locked! Shadow Hunter ready!" sigaw ni Akki sa livestream sabay inum sa kanyang freshmilk, chill na chill habang ang boses ay malalim sa isang voice changer device. At ang mga kalaban niya? Mga elite higher ranks lang naman, spoiled brats and business tycoons. "The demon has been slain. Victory!" Sa live chatbox ng streaming, pusot-pusot ang congratulatory greetings ng mga fans and viewers. Ang hindi alam ng marami, ang god-tier player na nagla-livestream ngayon ay kailangan munang magrequest ng permission sa kanyang Mommy para makapag-YouTube kids pagkatapos ng match. Akki really possessed unique skills, yung tipong five-year-old na puro pangha-hack ng server ang alam at legendary na pagdating sa online games. "Yes, yes, yes! Paldo si Akki! Paldo si Akki!" pagbubunyi niya sa isang himig, tumatalon-talon pa sa sobrang saya. Pinatay na rin niya ang livestream after that match saka bumalik sa home page ng app. Agad namang nagpop-up ang isang notification badge, exclusively selecting those great lord players to join the upcoming World Battle of the Lords Championship o mas known as WBLC. At kapag ang player was labeled as Great Lord like Akki? Sila yung may mga ranks na Monarch, Godking or Void Sovereign. Ang mas exciting? $50,000,000 prize pool. Legit! Sino ba namang player na hindi mai-excite sa ganung kalaking prize? Kaya lang ang problema, isang registration screen ang bumalandra. Para makasali sa tournament, selected players must secure $10,000 pang-registration. Talagang pang-elite level ang laro. Tiningnan ni Akki ang kanyang piggy bank na hugis astronaut. Nilog-log niya ito at may lumabas na tatlong barya at isang crumpled na 50-peso bill. Kumuha pa siya ng calculator at minultiply ang currency into dollar. "Grabe ang inflation!" reklamo niya agad. "Talaga bang kailangan ko ng ganitong kalaking registration f*e? Over naman!" Isa pa, server hacker lang siya sa mga e-sports. Hindi siya pro hacker na kayang magnakaw ng pera sa bank. Pero gusto talaga ni Akki na sumali sa championship. Once a year lang kasi ito magaganap at hindi pa open-to-all players, kaya he was fortunate enough kung tutuusin. Pero, malas siya sa part na wala siyang pera pang-registration. So he has no choice but to click the decline button na may bahid ng lungkot. Akala niya hindi na matutuloy ang championship journey niya, not until may nag-pop up na message mula sa kinikilalang LordVeeHero, isa sa pinakamayamang player sa server. LordVeeHero: Hey, I saw your game kanina. Ang galing mo! I'm bored right now and was looking for a challenger. $15,000 if you win. I'll take only $7,000 if you lose, or maybe your assets. Ano, game? Tinignan ni Akki ulit yung countdown ng registration timeline, and he only had twenty three hours to decide. Sa isip niya, saan siya kukuha ng pang-registration sa loob lamang ng twenty three hours? Pero if he will take LordVeeHero's challenge, magbabayad lang siya ng $7,000 if he lose. "Nice strategy! Ibang klase talaga mag-isip ang mga elite kapag sobrang adik sa e-sports." isip niya habang binubuksan ang snack bag ng Cheesy Crunch gamit ang kanyang ngipin. "Pero hindi ko hahayaan na matalo ako. I am one of the great lords! At sure akong makukuha ko yang $15,000 mo." Tinitigan niya ulit ang offer sa screen, saka mabilis na ginalaw ang mga maliliit niyang daliri. Pumasok siya sa root directory ng Battle of the Lords server, nag-type ng mga tag codes para pumabor sa kanya ang chance na manalo. "System boost. Engaged," bulong niya, may tira-tirang orange powder sa gilid ng labi. Then he clicked Challenge Accepted. "Easy money. May pang-registration na ako at makakabili pa ng skin!" "Akki! Anak, it’s late already! Time to brush your teeth and sleep. No more gadgets!" boses ng Mommy Lillia niya from the kitchen. "Wait lang, Mommy! I'm having my brain cells exercise!" bulyaw ni Akki, sabay tago ng device sa ilalim ng bed nang marinig niya ang mga footsteps ng Mommy niya. Nang lumalayo na ang footsteps, kinuha niya ulit ang gadget. "Okay, game na." Pero debuff ang inabot niya. Sa gitna ng labanan, nag-glitch ang Shadow Hunter character niya at naging sitting duck, dahil na rin sa biglaang system update ng app. Ang resulta tuloy? Defeat! LordVeeHero: You lose, boy! Can I have my $7,000 now? Btw, I've checked your profile. Godking ka pala but your assets were empty. Impossible! Assets? Wala siya nun. Isa lang siyang five-year-old na server hacker at genius pagdating sa e-sports. Dahil kinukulit na siya ni LordVeeHero na isang Void Sovereign at nam-blocked mail pa na ireport siya sa server as fraud, nag-panick si Akki nang malala. Sa sobrang takot, his five-year-old brain logic worked. Dahil may Mommy siyang single mom at hardworking, nagkaroon siya ng super bright idea. "Si Mommy ang pinaka-valuable na tao sa buong mundo. Kung may asset man akong ipambayad, siya na yun. She's even worth more than a billion dollars. And to be honest, masyadong cheap yung $7,000 for her. Mommy is smart, and I know she’ll handle this." In-attach niya ang file ng details ni Lillia pati yung best photos na galing sa profile picture album sa social media. MrProdigyX: Here’s my asset, my Mommy. Take her. She’s the boss of the house. Call her if you want the $7,000. Surely, magbabayad siya kasi rich siya mag-isip. Then, pinindot ang send attachment. Nakangiti pa siyang pinipindot yun dahil feeling niya he just solved a business problem with a brilliant asset transfer at naisahan si LordVeeHero. Ang hindi niya alam? He sold out his mom sa isang player na babago sa takbo ng buhay nila. Sa kabilang panig ng mundo, nakatayo si Larry Yuan Sy sa kanyang penthouse sa Berlinton City. Siya ang CEO ng AstraMind Tech at ang taong minsan nang pumatay sa e-sports industry dahil sa sobrang yaman niya. Mabilis niyang binuksan ang pop-up message sa kanyang screen na galing kay MrProdigyX, at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. "Lillia?" Hindi lang yun basta random profile ng isang babae. Lillia was the woman he spent half of his life five years ago before he had to fly back home to save his empire. Matagal na rin niya itong hinahanap dahil sa naudlot nilang nakaraan. "Mommy?" kunot-noong wika ni Larry habang nakatutok pa rin sa screen, binabasa nang paulit-ulit ang message ni MrProdigyX at pilit na inuunawa. "Imposibleng bata ang nasa likod ng account na ito. Hindi naman tumutugma ang timeline sa profile niya dahil legal age ang nakalagay. Pero bakit tinawag niyang Mommy ang babaeng minahal ko?" Sa gitna ng masusing pag-iisip, hula niya ay baka ginawang sugar mommy nito si Lillia. Dahil dito, dahil sa mga questions at speculations na nabuo sa isip niya, agad niyang pina-imbestigahan ang profile ni Akki sa kanyang team. "Prepare everything, now!" dagdag pa niyang utos sa mga tauhan. "I finally found my girl, at hindi ko hahayaan na makuha siya ng iba! Let's go to Azerbia! There's a missing piece of my life that I badly need to know.""Sir Larry, naka-ready na po ang mga sasakyan sa labas. Nagtanong din po pala si Ma'am Lillia at Young Master Akki kung ano raw po ang agenda niyo today at kung saan po ang biyahe."Iyan ang magalang na sabi ng head butler habang tahimik lang si Larry sa mini lobby sa mga oras na yun. Naka-tailored designer suit siya na literal na nagpapakita ng karangyaan at kapangyarihan. Pero sa kabila ng kinang ng kanyang outfitter, ang mga mata niya ay nakatutok sa isang lumang dusty-finish na kahon na ibinigay sa kanya ni George. Binubuklat niya ang makapal na customized scrapbook, ang mismong ebidensya ng limang taong nakalipas sa Azerbia. Sa bawat daplis ng daliri niya sa mga Polaroid photos, bumuhos ang sariwang alaala. Parang kahapon lang, nagtatawanan pa sila sa dalampasigan."Bakit ganito, Lillia? Bakit?" tanong niya sa sarili, nanginginig ang panga habang pinipigilan ang nagbabagang luha sa kanyang mga mata. "After five long years of endless searching, parang wala ring silbi na nahanap
Nang idilat ni Lillia ang mga mata niya, ang unang bumungad sa paningin niya ay ang mabigat at sobrang lapit na mukha ni Larry. Agad siyang napabangon sa sobrang gulat, habang titig na titig lang si Larry sa kanya na parang isang misteryong matagal na nitong gustong lutasin."Good morning, my love," bumulong si Larry as if feel na feel talaga na siya pa rin ang Lillia na minsang nagmahal sa kanya limang taon. Inangat niya ang isang mamahaling ceramic mug na may umaasong usok. "I made this for you. Our favorite pampa-good vibe bago magsimula ang araw. Brewed Arabica with a drop of hazelnut."Mabilis ang naging reaksyon ni Lillia. Marahas siyang dumistansya palayo sa kabilang dulo ng king-sized bed at halos kapusin ang hininga sa sobrang irita. "I don't drink coffee! At pwede ba? Wala na tayo sa harap ng media at reporters, so stop acting like you're my husband. Yung nangyari sa expo kahapon? Part lang yun sa terms ng contract. Pretend-pretend lang yun para sa mga investors mo! Sa d
Pagkatapos ng insidente sa Expo, naka-pout na ngayon si Faith habang nakasalampak sa velvet couch. Halos umusok talaga ang ilong niya sa galit. Sa harap niya ay si Victor, na kalmado namang umiinom ng champagne, kahit mabigat din ang aura. "Ghad, Victor! Hindi ko matanggap!" nanggigigil na reklamo ni Faith, umiiling-iling sabay kalkal sa sariling buhok sa sobrang inis. "Nahihiya ako! Pinahiya ako ng probinsyanang yun at nung brat na batang yun sa harap ng buong industry! Like, hello? Sino ba sila para tawaging 'Lost Royal Family of AstraMind' ha?" "Chill ka lang, Faith. Uminom ka muna," pampalubag-loob ni Victor habang inaayos ang cuffs ng suit niya. "Isang business transaction lang si Lady Evelyn. Nagpabola lang yun sa bata. At the end of the day, nasa atin pa rin ang core investors. Na-secure na natin ang karamihan ng partners nila. Wini-win natin ang board room, kaya hayaan mo na silang mag-ilusyon sa red carpet." Pero hinding-hindi mapakali si Faith. Nag-aalboroto talaga an
Pagbalik nina Lillia at Larry sa AstraMind booth, sinalubong agad sila ng isang napakainit at pamilyar na sermon. Parang mga amoy-sunog na kalan na nag-aalboroto ang pamilya Sy sa gitna ng hall. "Larry! Anong kaguluhan ito?" nanggagalaiting sigaw ng Mama niya habang hawak ang dibdib sa sobrang highblood. Agad na lumapit ang secretary ni Larry, hingal na hingal habang hawak ang tablet na naglalabas ng red blinking notifications. "Very bad po ang data status natin ngayon. Lumagapak nang thirty percent ang market value natin sa loob lang ng isang oras. Tuloy-tuloy ang pagbaba ng stocks!"Literal na namutla ang Mama niya sa narinig. "What? Anong stocks? Ibig sabihin, totoo nga? Nagsi-atrasan na ang mga major business partners at investors natin?" "Damn it!" sabat ng Papa ni Larry sabay hataw ng gold-tipped cane sa marmol na sahig. "At kasalanan lahat ito ng babaeng yan! Malas! Isa siyang malaking malas sa pamilya natin! Paano raw matutulungan ang paglago ng kumpanya kung wala siyan
Habang mainit ang tensyon nina Lillia at Larry sa kabilang dulo ng convention hall, si Akki naman ay chill lang to the max. He's roaming around sa gitna ng expo kasama ang mga bodyguards niya na para bang siya ang may-ari ng buong gusali."Slightly mid yung graphics nung kabila," bulong niya habang tinatapik ang maliit na screen sa gadget. "Tapos ang bagal pa ng latency. Parang pampasakit lang ng ulo sa mga pro gamers."Habang nagpapatuloy siya sa pag-roaming, nakarating siya sa pinaka-main stage ng isang sikat na mobile accessories brand. At ang nage-explain sa gitna ay ang mismong chairperson ng Global Tech Judiciary and the lead investor of WBLC, si Lady Evelyn."This is the ultimate game-changer for your battle royale needs!" sigaw ni Lady Evelyn sa mic habang nagpapakita ng isang bagong klase ng mobile cooling system at gaming trigger. "May advanced thermal dynamics ito na guaranteed, zero lag, zero stutter! Best in customer satisfaction, guaranteed!"Nagpalakpakan ang mga ta
Hindi na nag-aksaya ng oras si Larry para makipagsagutan pa kina Faith at Victor. Isang malamig at nanunuring titig lang ang ipinukol niya sa dating fiancé at sa CEO ng Apex Core bago marahas na hinawakan ang kamay ni Lillia. At habang tinatahak nila ang malawak aisle patungo sa kabilang wing ng convention hall, ang kaninang tapang na ipinapakita ni Lillia sa harap ni Faith ay mabilis na napalitan ng matinding inis at pagtataka."Bitawan mo nga ako!" mabilis niyang baklas sa kamay ng bilyonaryo. Napatigil naman si Larry, bahagyang inayos ang kanyang suit jacket, at tiningnan si Lillia nang may pag-aalala."What's wrong, my love? May problema ba?""Bakit mo hinayaan na tratuhin ka nang ganun?" gigil na singhal ni Lillia, halos pabulong na sumisigaw para hindi mag-attract ng sobrang atensyon mula sa mga naglalakad na guests. "Bakit hindi ka man lang lumaban nung binabastos ka na nung Mr. Aurelio na yun? Nakikinig ka lang habang sinasabi nilang wala kang kwentang CEO at pabagsak na
Pagdating nila sa lumang warehouse na parang set ng isang abandoned horror movie, halos maiyak na si Akki. Hindi dahil sa takot sa dilim, kundi dahil sa pinaka-malalang bangungot ng isang Gen Z kid. Zero bars of signal. Akki was frantically raising his iPad, pilit hinahanap ang signal na para ba
Lillia crossed her arms, looking at the two massive goons like they were just annoying door-to-door salesmen she’d accidentally opened up to."Look, sabihin niyo sa Boss niyo na isa lang itong misunderstanding at napakalaking kalokohan. Get off my property right now before I call the police and ha
"Argh! Ano ba yan!" asik ni Akki, halos mabali na ang mga daliri kaka-pindot. Sunod-sunod na Access Denied kasi at Firewall Intrusion Detected ang nagpa-pop up sa screen, na parang mga kabuteng pilit sumisira sa mood niya. "Someone is brute-forcing my system! Paano ako makakabili ng skin nito?"
Hindi mapakali si Larry habang nasa loob ng private jet. The view of the clouds was peaceful, but his mind? It was a chaotic server room. Hawak niya ang kanyang iPad, nakatitig sa chat log nila ni MrProdigyX. Hindi ito tungkol sa seven thousand dollars. It was about the data. It was about the pas







