Malamig ang simoy ng hangin sa deck ng Blue Ocean Cruise Ship. Walang ibang naririnig si Cherry kundi ang banayad na tunog ng alon na bumabangga sa barko. Ngayong araw, sa wakas ay day-off niya mula sa trabaho bilang passenger crew. Suot ang simpleng t-shirt at shorts, nagpasya siyang gumala sa paligid ng barko, nagbabakasakaling makahanap ng tahimik na lugar kung saan puwede siyang mag-relax.
Sa isip niya, ito na ang pagkakataong magpahinga mula sa magulong mundo ng kanyang trabaho. Pero ang hindi niya alam, isang gulo ang naghihintay sa kanya.
Habang abala si Cherry sa pagkuha ng litrato ng malawak na dagat gamit ang kanyang cellphone, bigla siyang nakaramdam ng tapik—hindi sa balikat kundi sa kanyang puwet! Gulat na gulat siyang napalingon, ang kanyang mukha’y namumula sa halong galit at hiya.
“Excuse me?!” sigaw niya, halos sumabog sa galit.
Ang salarin, isang matangkad, gwapo, at tila mayabang na lalaki, ay nakatingin sa kanya na may nakakalokong ngiti. Ito si Jal, ang kapitan ng barko na hindi niya pa nakikilala nang personal. Ngunit sa mga oras na iyon, wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Para sa kanya, isa lang itong bastos na lalaki.
“Oh, ikaw pala 'yan,” sabi ni Jal, tumatawa pa. “Kagabi pa kita hinahanap, ah. Hindi ko akalain na nandito ka rin sa deck. Late night hangout ulit mamaya?”
Nagtama ang kilay ni Cherry. “Ano?! Ano'ng sinasabi mo?” Napakapit siya sa baywang, ang mga mata’y nanlilisik. “Hindi kita kilala, at paano mo nagawang bastusin ako?!”
Natigilan si Jal. Kita sa mukha nito ang pagtataka, ngunit agad din itong ngumiti na parang hindi seryoso ang sitwasyon. “Teka, hindi ba ikaw yung... sa bar kagabi?” tanong nito, sabay turo sa mukha ni Cherry. “Ikaw yung sumayaw sa stage, ‘di ba?”
Halos mauntog si Cherry sa sobrang inis. “Stage? Bar? Ano’ng pinagsasasabi mo?!” Sigaw niya. “Hindi ako kung sinuman ang iniisip mo! Bastos ka!”
Sa puntong iyon, napansin ni Jal ang suot ni Cherry—malinis, simple, at wala ni katiting na bakas ng pagiging party girl. Napakamot siya sa batok, mukhang napagtanto ang pagkakamali. Ngunit imbes na mag-sorry, ngumisi ito at humalukipkip.
"Well, my bad," sabi niya na parang wala lang. "Pero aminin mo, hindi ka ba nagagwapuhan sa akin? Ang cute mo kasi, eh."
“Ang kapal ng mukha mo!” bulyaw ni Cherry. Pakiramdam niya’y gusto niyang sabuyan ng tubig ang lalaki sa sobrang inis. “Kung hindi lang ako day-off ngayon, matagal na kitang isinumbong sa management!”
Tumalikod si Jal at naglakad palayo, ngunit bago ito tuluyang mawala sa paningin niya, muli itong lumingon. "Relax ka lang, Miss. sayang ang ganda mo, nakasimangot ka. Don't worry, hindi kita makakalimutan. Malakas ang dating mo."
Naiwang tulala at nagngangalit si Cherry. "Sino ba ’yon? Napakayabang at Napakabastos! Dapat makarma agad!" bulong niya sa sarili.
Habang bumalik siya sa kanyang upuan sa deck, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung sino ang lalaking iyon.
Ang hindi alam ni Cherry, ang lalaki palang iyon ay walang iba kundi ang may-ari at kapitan ng barko. At ang maling tapik na iyon ang simula ng alon ng emosyon at pagkakagulo na magbabago sa buhay niya magpakailanman. "Hindi," bulong niya. "Hindi ko akalain may mga bastos na lalaki talaga kahit saan."bulong ni Cherry sa kanyang sarili. Habang si Cherry ay abala sa pagdedesisyon kung paano magpapakalma, si Jal naman ay bumalik sa kanyang opisina sa pinaka-itaas ng barko. Nakatitig ito sa salamin, pinapanood ang mga alon sa ibaba."Hindi ba siya 'yon o namamalikmata lang ako?" bulong niya sa sarili, tumatawa nang mahina. "Pero napaka- interesting niya."
Pumasok ang kanyang assistant na si Marco, bitbit ang ilang dokumento. "Sir Jal, ito na po ang mga reports na kailangan ninyo para sa weekly evaluation."
"Thanks," sagot ni Jal, ngunit halatang wala ang isip niya sa trabaho. "By the way, kilala mo ba ang mga crew members sa deck?"
Natigilan si Marco. "Crew members, sir? Ah, hindi po lahat. Bakit po, may problema ba?"
Umiling si Jal. "Wala naman. May nakilala lang akong... interesting." Ngumisi siya, at hindi maikakailang may kung anong naglalaro sa kanyang isipan.
Kinabukasan, nagpasya si Cherry na huwag nang magpakita sa deck. Sa halip, nagpunta siya sa canteen ng mga crew para doon magpalipas ng oras. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil pagbalik niya sa kanyang kabina, nakatanggap siya ng mensahe mula sa supervisor niya.
Supervisor: Cherry, pumunta ka sa meeting room sa deck 5. May ipapakilala akong bagong directive mula sa management.
Napabuntong-hininga si Cherry. "Sana naman hindi na baguhin ang shift ko o malipat ako ng ibang departamento; malaking hassle iyon para sa akin . "bulong niya habang inaayos ang uniporme.
Pagdating sa meeting room, laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan, nakatayo at nakangiti sa lahat ng crew.
"Good morning, everyone," ani Jal, suot ang kanyang unipormeng pang-kapitan na nagpapatingkad sa kanyang tindig at kisig. "Ako si Jal Pereno, ang kapitan ng Blue Ocean Cruise Ship at CEO ng Pereno Shipping Lines."
Napalunok si Cherry. "Siya?!" bulong niya sa sarili. Mabilis niyang iniwas ang tingin, umaasang hindi siya mapapansin.
Ngunit tila hindi siya pinalampas ni Jal. Habang nagsasalita ito, bigla nitong itinuro si Cherry. "Ikaw," sabi nito, may bahid ng ngiti sa kanyang boses. "nagkita na naman tayo."
Nagtinginan ang ibang crew kay Cherry, na ngayo’y halos gusto nang magtago sa ilalim ng mesa. "Sir," sagot niya, pilit na kalmado. "Ano pong kailangan niyo sir?"
Ngumiti si Jal, ang kanyang mga mata’y parang nang-aasar. "Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa mainit na pagtanggap mo kahapon."
Hindi alam ni Cherry kung maiiyak o magagalit. Ang buong meeting room ay napuno ng mahihinang tawanan mula sa iba pang crew. Ngunit sa halip na magpaapekto, tumindig siya nang maayos at ngumiti nang peke.
"Welcome po, Sir," sagot niya. "Next time po, mas mainit pa."
Natawa si Jal, ngunit sa kabila ng kanyang panunukso, may bahagyang paghanga sa tapang ng dalaga. "I’m looking forward to it," sagot niya, bago bumalik sa pagpapaliwanag sa mga bagong polisiya ng kumpanya.
Habang umuusad ang pagpupulong , si Cherry ay nananatiling tahimik, ngunit sa loob-loob niya'y punung- puno ng emosyon at pagkapahiya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya na ang simpleng day-off ay nagdala sa kanya ng alon ng komplikasyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang galit niya sa isang lalaki ay tila humahalo sa isang bagay na mas mahirap intindihin.
Pagkatapos ng mabigat ngunit makabuluhang pag-uusap, unti-unting nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Cherry habang tinitingnan ang mga anak niyang magkakatabi sa sala. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ang pagbabago sa hangin—tila unti-unti nang lumuluwag ang matagal nang nakakuyom na damdamin.Lumapit si Jal at mahigpit na niyakap si Cherry. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang haplos ng kanilang yakap upang magsilbing paalala: kahit magkaiba na sila ng landas, may pinagsamahan silang kailanman ay hindi mabubura.“La… maraming salamat sa lahat,” malumanay na sabi ni Cherry kay Madam Luisa, sabay yakap sa matanda.Ngumiti si Madam Luisa, hinaplos ang pisngi ni Cherry at nagsabing, “Ikaw pa rin ang ina ng mga apo ko. Sana'y patuloy mong gabayan sila ng may pagmamahal at tapang.”Paglabas ng bahay, hawak-hawak ni Cherry ang mga kamay ng kanyang mga anak—sina Mikee, Mikaela, at Mike. Tahimik silang naglalakad papunta sa sasakyan. Ngunit bago pa makasak
Matapos ang malalim na pag-uusap nina La Luisa, Jal, at Prescilla, nagkaroon ng isang taimtim na sandali sa loob ng bahay. Si Jal at Prescilla, bagamat magkasama pa sa mga pagdududa, ay nagkaroon ng pag-asa na magkaayos at magtulungan. At sa kabila ng lahat ng alitan, ang mga bata ay nagsimula ring magkausap, unti-unting nakakalimutan ang mga hidwaan at nagsimulang maghilom.Si Mike, Mikee, at Mikaela—ang triplets—ay nagsimula nang mag-usap, may mga sulyap ng pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Nakatingin sila kay Miguel, na naglalakad papalapit, at lahat ng kanilang nararamdaman ay nag-umpisang magbukas nang sabay-sabay. Naglalakad si Miguel patungo sa kanila, ang mga paa niyang may kaba at ang mga mata’y puno ng takot at pangarap ng pagpapatawad.Nagkatinginan ang mga triplets, at isang saglit na katahimikan ang bumangon sa pagitan nila. Ang mga salitang hindi nila kayang ipahayag ay nahulog sa mga mata nila, mga saloobin ng paghihirap, galit, at kalungkutan na matagal nang tinata
Lumapit si La Luisa, ang matandang lola ni Jal, na may mga mata ng isang ina, puno ng pagmamahal at kabuntot na mga taon ng karanasan. Sa kabila ng mga pagkatalo at pagsubok, nakita ni La Luisa ang pag-asa na maaari pang magbago ang lahat. Ang kanyang mga mata ay puno ng malasakit, at kahit ang edad niya ay nagdulot na ng mga pilat sa kanyang balat, hindi nito pinipigilan ang pagnanasa niyang magkaayos ang pamilya.Nakita niyang tahimik si Jal at si Prescilla, at sa bawat tingin nila, makikita ang mga sugat ng nakaraan. Ang mga mata ni Jal ay puno ng pagsisisi at pangarap na muling magsimula, samantalang si Prescilla naman, na matagal nang pinipigilan ang galit, ay naghihirap na balansehin ang mga damdamin ng pagkatalo at pagsisisi. Lahat ng ito ay nararamdaman ni La Luisa, at alam niyang siya na lamang ang maaaring magbigay ng gabay.“Jal, Prescilla…” ang tinig ni La Luisa, malumanay ngunit puno ng kabuntot na pasakit. Lumapit siya sa kanilang dalawa at tumingin sa kanila na para bang
Ang mga salitang iyon ay parang mga palaso na tumusok sa puso ni Prescilla. Nagulat siya, ngunit alam niyang may katotohanan sa sinabi ni Madam Luisa. May mga pagkakataong ang galit na matagal nang pinipigilan ay umabot na sa punto ng hindi na kayang kontrolin, at ang mga pagkakamali ay nagiging sakit na hindi kayang iwaksi."Oo, Madam Luisa," ang sagot ni Prescilla, ang tinig ay tahimik, puno ng pagsisisi. "Alam ko. Hindi ko kayang itago ang galit ko, pero hindi ko rin dapat pinatulan ang anak ni Cherry. Hindi ko na dapat pinagbuhusan ng galit ang bata.""Ang galit na iyon, Prescilla, ay hindi dapat ilabas sa bata," mariing sinabi ni Madam Luisa. "Nasa harap natin ang pagkakataon upang magbago. Kung gusto mong magkaroon ng kapayapaan, dapat mo ring malaman kung paano magpatawad. Kailangan mong magsorry kay Cherry. Hindi para sa iyo, kundi para sa mga anak ninyo."Ang mga salitang iyon ay parang mga alon na bumangon mula sa pusod ng dagat at bumagsak sa buhay ni Prescilla. Walang mas
Kinabukasan, isang bagong araw ang sumik para kay Jal at sa kanyang pamilya. Ang mga anak ni Cherry—sina Mikee, Mike, at Mikaela—ay dinala ni Cherry sa bahay nila ni Jal, isang lugar na matagal nang puno ng hindi pagkakasunduan. Ngunit ngayon, may bagong dahilan ang bawat hakbang nila papasok sa bahay: isang pagkakataon upang magdulot ng kapayapaan, upang mabura ang mga sugat ng nakaraan at makapagsimula muli.Habang naglalakad ang mga bata, magkasama silang nagbabaybay sa madilim na pasilyo ng kanilang mga buhay. Ang bawat hakbang ay tila may bigat, puno ng mga tanong at hindi nasasagot na alalahanin. Hindi pa nila lubos na nauunawaan kung paano mag-uusap ang mga magulang nila. Ang puso ng mga bata ay puno ng takot at pangarap, sapagkat ang mga sugat ng nakaraan ay hindi basta-basta nagagamot ng oras. Ngunit ang mga batang ito, sa kanilang simpleng pananaw, ay nagsisilbing paalala na ang mga pagkakamali ng nakaraan ay hindi ang wakas ng lahat. Sa bawat hakbang nila, unti-unti nilang
Sa isang maliit na bahay sa Quezon , tahimik na nakaupo si Cherry sa harap ng salamin. Hawak niya ang concealer, pero ngayong gabi, tila wala na rin itong silbi. Para saan pa ang pagtatakip, kung mismong puso niya ay wasak-wasak?Pulang-pula ang kanyang mga mata. Ibinabad ng gabing walang tulog, at ng luha na hindi niya na muling napigilan. Lumalaban siya—sa sakit, sa pagod, sa paulit-ulit na tanong na ni minsan ay hindi sinagot ng tadhana: “Bakit ako?”Isang mahinang buntong-hininga."Kaya ko pa... para sa mga anak ko. Kaya ko pa."Yan na lang ang paulit-ulit niyang dasal. Pero sa repleksyon ng salamin, kita niya ang katotohanan—hindi na siya ang dating Cherry. Wala na ang kislap sa mata. Wala na ang tapang sa ngiti. Wala na rin ang babaeng kayang ipaglaban ang pagmamahal—dahil ang lalaking minahal niya, si Jal, ay hindi kailanman lumaban para sa kanila.Ring. Ring. Ring.Napalingon siya sa cellphone. Si Marites. Ang kaibigang kahit nasa ibang bansa ay tila nararamdaman pa rin ang bi