LOGINPARANG sasabog ang dibdib ni Aedam sa galit, katatawag lamang ng nurse na inutusan niyang iligpit ang tunay na Aedam, ngunit sa kasamaang palad, sinasabi nitong nawawala ang lalaking yun. Hindi siya makaalis-alis sa hospital dahil kasalukuyang nagli-labor si Meadow. Hindi rin kumakawala sa kaniyang bisig ang anak na si Avi. Nakakailang buga na siya ng hangin, pero hindi maibsan ang galit niya. "Daddy, calm down po. Magiging okay lang po si Mommy at si Baby Riley." Malamyos ang tinig ni Avi. Ang mata nitong nakatutok ay ipinapanatag ang kalooban niya. "Sorry, baby. I'm just worried about your mother." Hindi niya masabing hindi si Meadow ang nagpapabagabag ng kalooban niya kundi ang tunay na Aedam. Ngumiti ito at yumakap sa kaniya. May sinasabi ito, pero hindi niya maintindihan o mas tamang sabihing hindi niya iniintindi. Nananaig ang galit niya sa pagkawala ni Aedam, at naniniwala siyang may tumulong para makaalis ito. "Imposibleng makalabas yun ng hospital na mag-isa," angil ng is
SALUBONG ang kilay ni Drake habang matiyagang pinagmamasdan ang lalaking walang malay na nakahiga. Nirerebesa ang mukha ng lalaki, pero hindi makilala dahil may balot ang mukha nito. Tanging ang nakalapat na mata lamang ang nasisilayan niya. At habang pinagmamasdan ay kumakabog-kabog ang dibdib niya, hindi mawari kung bakit, magkagayun pa man ay pilit niyang inaalala kung saan ito nakita o nakasalamuha para pag-initeresan ni Aedam. "Who are you?" Wala siyang matandaan na may ibang kapamilya si Aedam, kung merun man, yun ay naninirahan na sa ibang bansa. "Miss, puwedeng mag-stay ako rito hanggang sa magising siya. I-i just wanna know him." "Hindi po puwede, Sir. Mapapagalitan po ako ng management. Isa pa po, delikado po ang pag-stay niyo rito." Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. "Papaanong naging delikado?" "Nagwawala po kasi ang pasyente, Sir. Nasa antas pa siya ng hallucination, kung anu-ano ang sinasabi. Baka mapahamak ka lang po 'pag nag-stay ka rito." Igigiit pa
Naihilamos ni Drake ang sariling palad sa mukha. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Meadow, sinasabing nagpakita si Brenda kay Avi para lang balaan ang mag-ina. "Hindi kaya si Aedam ang tinutukoy ni Brenda?" tanong niya sa sarili. Noong una pa lang ay may duda na siya nang maoperahan ang kaibigan niya. May kakaiba siyang kutob, pero wala siyang mahanap na butas dito. Napasandig siya sa head rest ng upuan. Nasa loob siya ng sasakyan, patungo sana sa kaibigang si Zeus, pero naantala nang tumawag si Meadow. Humihingi ito ng tulong na makausap si Brenda. "But how? Mainit ito sa mata ng mga pulis." Naipikit niya ang mata, nag-iisip ng magandang gagawin at sa muling pagmulat ay napasulyap siya sa mga dumadaan, hanggang sa napansin niya ang isang sasakyan. "Kay Aedam ang sasakyan na 'yon ah!"Napatuwid siya ng upo at mabilis na sinundan ang sasakyan. Kinumpirma kung ito nga ba ang sasakyan ng kaibigan. Hindi siya dumikit para hindi makahalata. At para makasigurado ay tinawagan niya ito
Ilang beses nang napabuga ng hangin si Meadow, nakadungaw siya sa bintana. Nakatitig sa tanawing nasa ibaba, ngunit wala naman doon ang atensyon. Hindi patahimikin ang isipan niya. Laging nagtatanong kung bakit tumakas si Brenda, anong dahilan?May pumasok sa isipan niya, what if, galit pa rin ito sa kaniya? What if, maghihiganti pa rin ito? "Imposible!" mariin niyang tanggi ag marahas na ipinilig ang ulo. "Hindi na gagawin ni Ate Brenda sa akin 'yon," giit pa niya sa sarili.Alam niyang nagbago na ito. Hind na nito uulitin ang nagawang pagkakamali noon. Alam niyang mabuti itong tao, napuno lang ng galit ang dibdib kaya ito naging masama. Napasulyap siya sa umbok na tiyan. Ilang araw na lang ay nalalapit na ang kaniyang pagsilang sa pangalawang anak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. "Mommy..."Napalingon siya nang marinig ang tinig ng kaniyang panganay. Nakasuot pa ito ng school uniform. Parang dati lang ay karga-karga pa niya ito, umiiyak sa bisig niya. Nadadapa sa tuwing
"Lintik ka, Brenda! Sisirain mo pa ang plano ko!" Galit na galit si Rex nang ipaalam sa kaniya ni Jack ang balitang nakatakas si Brenda. Pero naiinis din siya sa sarili, kung hindi sana niya ipinaalam dito ang katotohanan, hindi sana ito tatakas sa kulungan. "Hindi ako makapapayag na isiwalat mo ang katotohanang ako si Rex! Hindi ko hahayaang makalapit ka kahit kanino sa pamilya ko!" Nagbibigay kilabot ang titig na pinapakawalan niya sa daang tinatahak. Papunta siya sa city jail para alamin kung paano nakatakas si Brenda. Bago siya umalis sa mansyon ng Cromwell ay may itinalaga na magbabantay na mga pulis si Jack. Nag-ring ang cellphone niya-- si Meadow. Sinagot niya 'yon at ang matinis na boses ni Avi ang kaniyang narinig. "Daddy, where are you po?"Kinalma muna niya ang sarili bago siya sumagot. "Baby, papunta ako sa bilangguan.""Daddy, bakit pa po kayo ang pupunta? Mayroon naman po na puwedeng pumunta. Hindi ka po ba natatakot sa maaaring gawin ni Tita Brenda?"Kahit galit ang
Nakahanda na ang mga gamit ni Meadow sa panganganak. Ilang araw na lang ay masisilayan na niya si Railey. Lahat ay excited na sa paglabas nito, lalo na ang panganay niyang anak. Si Aedam ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siya nitong mino-monitor, kahit nasa trabaho o kaya'y may importanteng nilalakad. Ganoon din ang kaniyang beanan. Kumpara n'ong ipinagbubuntis niya si Avi, nahihirapan siya ngayong kumilos. Marahil ay sa pagiging antukin niya, bukod pa roon ay lumaki siya. Hindi na niya halos maisuot ang pambahay na tsinelas at tanging daster na lang ang isinusuot niyang damit. "Okay lang 'yan, maganda ka pa rin naman," tugon ni Aedam nang isang araw ay sabihin niya ang pagbabago sa pisikal na anyo. Agad siyang sumimangot. "Maganda ba yun? E ang laki-laki ko na. Para na akong dambuhalang butiki." Napalabi siya at padabog na tinungo ang nag-aabang na kama. Sa gilid ay umupo siya. "Ang sarap kasing matulog e." Maingat siyang humiga habang naghihikab. Hinayaan ang sarili na lipar
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary
"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin k
KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamat
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa ka







