Share

Indayog 75:

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-06 22:51:22

“Enough, Rhamesis. What we have now is just a contract! No feelings involvement… for your entertainment purposes only, Mr. VIP.”

Isang nakakabibinging katahimikan ang pumalit matapos kong bitiwan ang mga salitang iyon.

Nakita ko kung paano dumaan ang purong sakit sa mga mata ni Rhamesis bago iyon mabilis na napalitan ng isang madilim, mapanganib, at nag-aapoy na emosyon.

Ang panga niya ay nagtagis nang napakalakas, halos marinig ko ang pagkikiskisan ng kaniyang mga ngipin. Ang mga ugat sa kaniy
ExDealers

May reader pa ba ako dito? Hello sa inyo <3

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gretchen Maghanoy
me author always waiting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 77:

    “Crazy bastard,” iling ni Julian. “Kikay, I think we need a break. The VIP needs to cool down before he murders someone. I'll be in the lounge.”Kumindat pa si Julian sa akin bago tuluyang naglakad palabas ng studio, iniiwan na naman kaming dalawa ni Rhamesis sa loob ng malamig at malawak na kwarto.Sumandal ako sa salamin, humalukipkip, at matapang na sinalubong ang tingin niya. “Ano, masaya na ba ang ego mo? You just disrupted a perfectly good run-through.”Hindi niya ako sinagot.Sa halip, humakbang siya palapit. Umatras ako, ngunit naramdaman ko na agad ang malamig na salamin sa likod ko. Wala na akong kawala. Ikinulong niya ako sa pamamagitan ng pag-alalay ng kaniyang dalawang kamay sa salamin sa magkabilang gilid ng ulo ko.Ang lapit-lapit niya. Ang kaniyang amoy ay pumasok sa sistema ko, pilit na ginigising ang mga emosyong sinusubukan kong ibinaon.“Why are you punishing me like this?” bulong niya, ang boses ay puno ng pait. Ang kaniyang mga mata ay naghahanap ng kasagutan sa

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 76:

    Kinabukasan.Ang malawak na rehearsal studio sa loob ng mismong penthouse ay balot ng malamig na aircon, ngunit ramdam ko ang nakapapasong init na nagmumula sa madilim na sulok ng kwarto.Nakaupo si Rhamesis sa isang solong leather couch, ang mga binti ay naka-krus, at ang mga braso ay nakapulupot sa kaniyang dibdib, halatang inis n ainis at umuusok ang tainga sa galit, pero pumunta pa rin siya.Gusto niya rin yata talagang manood? O bantayan ang mga gagawin namin ni Julian ngayon? Ang kaniyang mga mata ay hindi kumukurap, nakatutok nang diretso sa bawat galaw namin ni Julian.Walang emosyon ang mukha niya, ngunit ang madilim na aura na nakapalibot sa kaniya ay sapat na para gawing tensyonado ang buong paligid. Ang VIP ay nanunuod.“Relax your shoulders, Kikay,” bulong ni Julian, ang boses ay sadyang nilalambingan.Naramdaman ko ang malalaking kamay ni Julian na gumapang mula sa baywang ko pataas sa aking likuran. Hinawakan niya ang aking bewang at inilapit ako sa kaniyang katawan. A

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 75:

    “Enough, Rhamesis. What we have now is just a contract! No feelings involvement… for your entertainment purposes only, Mr. VIP.”Isang nakakabibinging katahimikan ang pumalit matapos kong bitiwan ang mga salitang iyon.Nakita ko kung paano dumaan ang purong sakit sa mga mata ni Rhamesis bago iyon mabilis na napalitan ng isang madilim, mapanganib, at nag-aapoy na emosyon.Ang panga niya ay nagtagis nang napakalakas, halos marinig ko ang pagkikiskisan ng kaniyang mga ngipin. Ang mga ugat sa kaniyang sentido at leeg ay pumintig na tila anumang oras ay sasabog siya sa tindi ng pagpipigil.“Entertainment purposes,” mabagal niyang pag-uulit, ang kaniyang boses ay naging isang malamig at mababang ungol na nagpatayo sa mga balahibo ko. “You think this is a fucking game, Kikay? You think I’ll just sit back in my VIP chair and watch another man touch what is mine?!”Pumakawala ako ng isang mapaklang ngiti kahit pa sa loob-loob ko ay nanginginig ang mga tuhod ko sa tindi ng presensya niya. “It’s

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 74:

    “GET THE FUCK OUT!”Umalingawngaw ang boses ni Rhamesis sa buong opisina, nanginginig ang mga pader sa tindi ng kaniyang galit. Ang kaniyang mga mata ay madilim, nag-aapoy, at nakatutok nang diretso kay Julian.Ramdam ko ang pag-igting ng mga kalamnan ni Julian sa tabi ko. Pero sa halip na matakot, isang mahina at nakakainsultong tawa ang pinakawalan nito.“You heard the VIP, Kikay,” kaswal na bulong ni Julian.Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa baywang ko, pero bago niya ako tuluyang bitawan, hinuli niya ang kamay ko at idinampi ang mga labi niya sa likod ng palad ko. Isang sadyang mabagal na halik.“I’ll leave you to your… private negotiation. Call me when you’re ready for our rehearsal.”“I’LL FUCKING KILL YOU, JULIAN!” akmang susugod si Rhamesis, ang kaniyang mga kamao ay handa nang dumapo sa mukha ni Julian, ngunit mabilis akong humarang sa pagitan nila.Ibinuka ko ang mga braso ko. “Subukan mo siyang saktan, Rhamesis, at isinusumpa ko sa’yo, hindi mo na ako makikita kah

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 73:

    “I’m honored, Ms. Dela Torre. I’ve always wanted to experience what a million-dollar exclusive show feels like.”“Take your filthy hands off her, Julian, or I swear to God I will kill you right here!” palahaw ni Rhamesis.Mabilis at mabigat na humakbang palapit sa amin, ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na halos dumugo na ang kaniyang mga palad sa diin ng kaniyang mga kuko.Humakbang ako paharap, pumapagitna upang pigilan siya. Tinaasan ko siya ng kilay, ipinakitang hindi ako takot at kaya kong tapatan ang tapang niya.“Why are you mad, Rhamesis?” inosente kong tanong, bagaman ang tono ko ay nag-uumapaw sa panunuya.“Hindi ba’t ito ang gusto mo? Ang bayaran ako para gumiling, para magpasaya, para maging isang parausan? You paid for a show. At ibibigay ko iyon sa'yo nang buong husay.”“Stop it, Kikay! This is not a fucking game!” asik niya, ang kaniyang hininga ay mainit at mabilis. “I am not letting another man touch you! I own that contract!”“Yes, you own the contract

  • Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)   Indayog 72:

    “Iyan ang sinabi mo sa akin. Kaya sige, papatunayan ko sa'yo na pag-aari mo ako. I will follow every single word in this contract.”Kinuha ko ang papel at binasa nang malakas ang isang particular na line na nakastate sa contract.“The entertainers shall perform private routines exclusively for the VIP. The female talent must exclusively entertain the VIP with her assigned co-contract partner.” Ibinaba ko ang papel at ngumisi.“Ikaw ang gumawa ng kontrata, hindi ba? At kagabi, inamin mo mismo sa akin na ikaw... ang VIP.”“Yes, I am the VIP. At bilang VIP, iniuutos kong tapusin na ang kahibangan na ito,” madiin na asik niya, ang awtoridad ay pilit na ibinabalik.“Ah, ah, ah,” mahinang iling ko, naglalakad paikot sa lamesa habang pinagmamasdan siya. “The contract states I must entertain the VIP. I am willing to entertain you, Rhamesis. I will give you the show of a lifetime as a thank you for saving my mother's life. I will serve you, exactly as a bar dancer should.”Nanlamig ang mga mata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status