FAZER LOGIN“W-Wala na, Sasha... Wala na ang nanay mo.”Natigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mga makina, ang mga nag-uusap na doktor, ang pag-iyak ng mga tao sa paligid—lahat iyon ay nagmistulang mahinang ugong na lamang sa tainga ko.“P-Po? A-Anong sinasabi niyo?” nanginginig ang mga labi kong tanong, unti-unting umaatras. “Hindi... H-Hindi po totoo 'yan. D-Diba kakatawag niyo lang kanina? Buhay pa siya kanina eh! Sabi niyo isinugod niyo lang! H-Hindi pwede... hindi totoo 'yan!”“Ginawa lahat ng mga doktor, Sasha... pero sumuko na ang puso niya bago ka pa man makarating... kanina pa...”Gumuho ang aking mga tuhod. Kusang bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig ng ospital. Wala akong maramdamang sakit sa tuhod, dahil ang sakit ay nasa dibdib ko. Isang matinding kirot na parang pinipilas ang kaluluwa ko nang buhay.“Nanay!” isang malakas, nakakabingi, at punong-puno ng pighating sigaw ang kumawala sa aking lalamunan.Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng lahat ng tao
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid.Bago ko pa man magawang umatras, isang mabilis na anino ang sumugod sa akin.Umangat ang kamay ni Kristoff at walang awang sinakal ang panga ko. Ang mga daliri niya ay tila mga bakal na bumaon sa laman ko, pinipiga ang buto ko sa sobrang higpit.“Ah!” napadaing ako sa sobrang sakit, pilit na inaalis ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas.Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ang kaniyang mga mata na minsan kong pinangarap na tumitig sa akin nang may pagmamahal ay tila naging mga nagbabagang uling na handa akong sunugin nang buhay.“Do you think I'm afraid of your cheap threats, Sasha?” nanggagalaiti niyang asik, ang mainit niyang hininga ay tumatama sa mukha ko. “Do you really think someone will believe a pathetic daughter of a maid over me? Isang pitik ko lang, pwede kitang ipapapatay nang walang nakakaalam! I can make you disappear!”“G-Gawin mo...” hirap na hirap kong sagot, pilit na nagsasalita sa kabila ng mahigpit niya
Naiwan akong mag-isa sa gitna ng malamig at malawak na sala.Nakaluhod. Nakatingin sa basag na cellphone.Unti-unting nawala ang luha sa mga mata ko. Ang sakit, ang pangungulila, ang desperasyon... lahat iyon ay tila namanhid.Habang nakatitig ako sa mga bubog ng telepono ko, may isang bagay na tuluyang namatay sa loob ko.Ang pagmamahal ko kay Kristoff Montenegro.Isang kabaliwan. Isa akong malaking tanga para umasang may pag-asang mahalin niya ako kapag nagpakasal ako sa kan’ya! Isang malaking kabobohan! Katangahan na ngayon, sobrang pinagsisihan ko!Dahan-dahan kong pinulot ang mga basag na piraso. Bumaon ang ilang maliliit na bubog sa mga daliri ko hanggang sa dumugo ito, pero wala akong naramdamang sakit. Mas masakit ang nararamdaman ko! Sobra sobrang sakin! Ang nanay ko! Ang ginagawa ni Kristoff sa akin na para bang hindi niya ako kilala at lalong lalo na ang nanay ko!Hindi ako makapaniwalang sa ilang taong paninilbihan ni Nanay sa mansion nila ay nasabi niyang wala siyang paki
“K-Kristoff... m-magpapaliwanag ako...” umatras ako, nanginginig ang buong katawan. “Hindi totoo ang sinabi niya—”Hindi na niya ako pinatapos. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at buong lakas akong isinandal sa pader.“Aah!” napadaing ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ng likod ko sa matigas na semento.“How dare you lay your filthy hands on her?!” umalingawngaw ang nakakabinging sigaw niya sa buong sala.Ang mukha niya ay ilang pulgada lang ang layo sa akin, ang matatalim niyang mata ay tila gusto akong patayin sa mga sandaling iyon. “I gave you one simple rule, Sasha! Do your job and stay out of my way! And what do you do? You attacked the woman I love?!”“Hindi ko siya inatake!” umiiyak kong sigaw pabalik, pilit na kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak na paniguradong mag-iiwan ng pasa. “S-Sinugod sa ospital ang nanay ko! Gusto ko lang umalis, pero hinarangan niya ako! Siya ang pumigil sa akin! Isang maliit na tulak lang ang ginawa ko pero sinadya niyang it
“At saan ka pupunta? Do you think you can just freely go out?”Matalim ang pagkakahawak ni Vivieane sa braso ko. Ang kuko niya ay halos bumaon na sa balat ko. Pilit ko itong binabawi ngunit sadyang hinigpitan niya pa lalo.“Bitawan mo ako, Vivieane!” naiiyak at nagmamakaawa kong sigaw. “Kailangan kong umalis! Nasa ospital ang nanay ko at nag-aagaw buhay siya!”Imbes na maawa, isang malamig at nakakainsultong tawa ang pinakawalan niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, na para bang isa akong nakakadiring insekto sa paningin niya.“And so? What makes you think I care about your pathetic mother?” mataray niyang sagot, nakataas ang isang kilay. “Hindi ka pwedeng umalis ng bahay na ito hangga't hindi mo natatapos ang mga ipinagagawa ko sa'yo. You are a maid here, remember? Linisin mo muna ang buong sala at ipagluto mo ako bago ka umalis!”Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Halang ba ang kaluluwa niya?! Buhay ng nanay ko ang nakasalalay, tapos paglilinis ng bahay ang inaalala n
“Oh, poor Sasha,” peke siyang nag-pout. “Nabigla ka ba kung bakit ako ang sumalubong sa ‘yo, wala si Kristoff. Pumunta ng opisina para ayusin ang kalat na ginawa ng media. Alam mo naman, he's building our empire. Walang time para pagtuunan kapa ng pansin. Kaya, sabi ko ako na ang bahalang sumalubong sa iyo.”Tumawa siya nang mapakla at naglakad palibot sa akin, parang sinusuri ang isang mumurahing produkto. “Tsaka, masyado siyang napagod kagabi. You know... we had a very long, intense night.” Pasadya niyang hinawi ang buhok niya para mas lalong ipakita ang mga hickeys sa leeg niya.Nag-igting ang panga ko. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, pero hindi ko hahayaang makita niyang naaapektuhan ako. “G-gano’n ba? O-okay… pwede ko na bang malaman kung saan ang kwarto ko? Gusto ko na sanang magpahinga.”Huminto siya sa mismong harapan ko. Ang mapang-asar niyang ngiti ay biglang naglaho at napalitan ng matalim na galit.Bago pa ako makapag-react, umangat ang kamay niya at buong lakas na
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p







