LOGINChapter 89Claudia’s POVIsang invitation ang dumating sa amin mula sa pamilya ng mga Alvaro.They will be holding a tribute for Don Alejandro Alvaro. Ang ama ni Beatriz at naging mentor ni Vanruth.And everyone’s invited.From the top-tier personalities, politician and businessmen.Nang makita ko ang invitation, agad akong nakaramdam ng kakaiba.Hindi ko alam kung bakit.Parang may sinasabi sa akin ang instinct ko na hindi ito simpleng tribute lamang.Matagal nang hindi naging maayos ang relasyon ng pamilya namin sa mga Alvaro.At alam iyon ng lahat.Kaya bakit ngayon?Bakit kailangan pa nilang imbitahan kami?“Ano kaya tumakbo sa isip ni Beatriz at pati tayo ininvite?”“Maybe she’s bored,” nasabi na lang ni Van.Napatingin ako sa kanya.Akala ko pareho kami ng iniisip ni Van.Na ayaw na ng mga komplikasyon sa buhay.Maging tahimik at unbothered.Pero nagkamali ako.Dahil bigla siyang nagsalita.“We are going,” mariing sinabi niya.“Van?”“Bakit Claudia, may kinakatakutan ba tayo?”“
Chapter 88Claudia’s POVSa dinadami-dami ng mga tao sa mundo na magiging bahagi ng buhay ng anak namin.Bakit pa mula ito sa mortal naming kaaway?Hindi ko maiwasang isipin iyon habang pinagmamasdan ko si Gabriel. Tahimik lang siyang naghahanda ng mga gamit niya. Para bang wala siyang alam sa bigat ng sitwasyong kinakaharap niya. O marahil, alam niya, pero ayaw lang niyang ipakita sa amin.Noon sinabi ni Van na kahit anak pa niya ang ipinapaako ni Elaine ay hindi niya kikilalalin dahil walang mabuting lalabas sa bunga ni Elaine.Naalala ko pa ang mga salitang iyon.Napakatindi ng galit ni Van noon. Galit na hindi ko rin naman masisi dahil sa lahat ng ginawa ni Elaine sa pamilya namin.Pero hindi ko rin inakala na balang araw, ang anak ni Elaine ang magiging taong malapit sa anak namin.Noong nakilala namin si Seo-ri, napakabuti niya.Wala siyang namanang ugali ng kanyang ina.Marahil dahil hindi naman siya lumaki dito. Pinalaki siya ng isang maestra na umampon sa kanya. Minahal at ti
Chapter 87Claudia’s POVNaging abala si Van sa pagsasaayos ng mga naiwan ni Lynus sa kanyang pamilya. Bilang malapit na kaibigan, tinulungan niya ang pamilyang naiwan nito na makuha ang nararapat sa kanila. Pero alam niyang hindi ito magiging madali.Dahil maimpluwensiya rin ang pamilya ni Lynus.Maraming kamag-anak nito ang hindi matanggap ang naging desisyon sa huling habilin ni Lynus. Para sa kanila, hindi patas ang naging hatian ng kumpanya at ng mga ari-arian.Nagkukuwento pa siya tungkol sa mga nangyayari.Tutol ang mga kamag-anak niya na makakakuha lamang ng 10% share ng kumpanya. Samantalang 50% ang para kay Amber at tig-12% share ang tatlo niyang anak. Bukod pa sa mga estate na ipinamana lahat sa kanya. At ang natitira ay sa charity.“Pero may laban ba sila?”“Honestly, wala. Kahit saan pa nila dalhin sa korte ito, wala talaga.”Napailing ako.“Sila ang legal na tagapagmana.”“Naawa na lang siguro si Lynus na kahit papaano ay may ipinamana sa kanila.”Napabuntong-hininga ako
Chapter 86Claudia’s POV“Van, sa tingin mo sino talaga ang pumatay kay Lynus?”Napatingin ako kay Van habang tahimik kaming nakaupo. Hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Lynus.“Hindi naman masamang tao si Lynus, pero dahil sa posisyon niya marami siyang kaaway, kaya marami ang puwedeng paghinalaan.”Napabuntong-hininga ako.“Sana mahuli na.”Hindi lamang dahil gusto naming may maparusahan. Gusto naming makamit ni Amber ang katarungan para sa pagkamatay ng asawa niya.“Para makamit ni Amber ang katarungan ng pagkamatay ng asawa niya,” dagdag ni Van.Tumango ako.Hindi ko maalis sa isip ko na minsan na ring nanganib ang buhay ni Van. Mabuti na lang at nakasurvive siya sa pagkabaril sa kanya.Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang takot na naramdaman ko noong mga panahong iyon.Ang posibilidad na mawala sa akin si Van ay isang bagay na ayaw ko nang maranasan kailanman.Pero si Lynus ay hindi pinalad.Isang bu
Chapter 85Claudia’s POV“Honey, si Seo-ri.”Itinuro ko siya kay Vanruth.Nakita kasi namin ito sa isang restaurant, pero ibang-iba ang hitsura niya. Dati-rati’y napakasimple lang ng suot niya. Maganda naman siya kahit simple, pero may kakaiba sa kaniya noon—parang ayaw niyang ipakita ang tunay niyang sarili.Pero ngayon, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya.Mukha siyang mayaman at napakaelegante talaga niya. Mula sa suot niyang damit hanggang sa paraan ng paglakad niya, halatang nagbago ang buhay niya. May kumpiyansa siya na hindi ko dating nakikita sa kaniya.Bigla siyang umalis. Kaya hindi ko siya nabati at nakausap.Napansin ko ring may mga bodyguards siya. Hindi lamang isa o dalawa, kundi ilang lalaki na tahimik na sumusunod sa kaniya at maingat na nagmamasid sa paligid.Maraming tanong ang sumagi sa isip ko.May napakalaking pagbabago sa buhay niya.Iyon din ba ang dahilan niya kung bakit nakipaghiwalay siya kay Gabriel?Dahil lang doon?O may mas malalim pa siyang dahilan n
Chapter 84Claudia’s POVPagkatapos ng madilim na kabanata sa buhay ni Gabriel, nakita ko nang unti-unting bumalik ang isang masayahin at free spirit na anak ko.Unti-unti na niyang nababalikan ang dating Gabriel na kilala ko. Iyong batang palangiti, palabiro at parang walang kinatatakutan sa buhay.Mukhang nakamove on na talaga siya kay Seo-ri, kaya lang nababalitaan ko kung sino-sinong babae na ang nakakasama niya.Minsan, gabing-gabi pa kung umuuwi.Hindi ko naman siya pinapakialaman dahil alam kong nasa hustong gulang na siya. Pero bilang ina, hindi ko rin maiwasang mag-alala. Hindi naman dahil ayaw kong maging masaya siya. Gusto ko lang na maging maingat siya sa mga taong pinapapasok niya sa buhay niya.Sa dinner namin, bigla siyang nagsalita.“Magko-condo na lang ako.”Napatingin ako sa kanya.“Why, anak?”“Ayaw mo na ba kami kasama ng Dad mo?”“Mom, that’s not true. Hindi ganoon iyon.”“Nahihiya na lang ako dahil adulto na ako, nakikisama pa ako sa mga magulang ko.”Napatingin a
Chapter3Claudia Diaz POVDumating si Mr. Amores sa kanyang opisina. Kasunod niya ang 6 na executive. Tumayo ako nang tuwid at taas noong bumati sa kanya.Huminto siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Walang ekspresyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos ay pumasok na. Halo
Chapter 2Claudia Diaz POVSa Maynila ako napadpad. Kailangan kong lumayo sa mga Montefalco. Sa tuwing naalala ko ang pangalan nila, nag-aapoy ako sa galit.Nagbigay ng kondisyon si Senyora Ingrid, “Huwag na huwag na raw akong lalapit pa sa kanila kung ayaw kong makulong.” Kalimutan ko na si Migu
Chapter 5Claudia Diaz POVNagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala n
Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng







