ANMELDENChapter 65Claudia’s POV“Ma'am... Sir... may tao po sa gate.”Napatingin kami ni Van sa kasambahay na halatang kinakabahan.“Sino?” tanong ni Van habang ibinababa ang hawak niyang tasa ng kape.“Si... Former President Beatriz Alvaro po.”Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.Nagkatinginan kami ni Van.Hindi na kailangang magsalita pa. Pareho naming alam na walang mabuting dahilan kung bakit bigla siyang narito.Pagkatapos ng lahat ng nangyari...Pagkatapos ng tangkang pagpatay kay Van...Pagkatapos ng mga pagbabanta at mga misteryosong pangyayari...Hindi ako naniniwalang nagpunta siya rito para lamang bumisita.“Ako na lamang ang haharap, Claudia,” seryosong sabi ni Van habang dahan-dahang tumatayo.“Ano?”“Ako na lang.”“Hindi.”Tumayo rin ako.“Gusto kong malaman kung bakit siya narito.”Umiling siya.“Mas mabuting ako na lang.”“Pero—”“Please, Claudia.”Iyon ang klase ng pakiusap na alam kong hindi ko basta matatanggihan.Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.“Ayoko
Chapter 64Vanruth's POV"Akala nila kapag napatay nila ako, magtatagumpay na sila."Tahimik kong binitiwan ang mga salitang iyon habang pinagmamasdan ang mga ulat na nakalatag sa mesa ko.Minsan, iniisip ng mga taong gumagawa ng kasamaan na sapat nang patahimikin ang isang tao upang tuluyan nang mailibing ang katotohanan.Nagkakamali sila.Dahil ang katotohanan ay may paraan ng pagbangon.At habang may mga taong handang lumaban para sa tama, hindi kailanman magtatagumpay ang kasinungalingan.Hindi perpekto ang hustisya.Mabagal man ang batas.May mga pagkakataong tila kinakampihan nito ang mayayaman at makapangyarihan.Ngunit naniniwala pa rin akong may mga taong hindi nabibili ng salapi.May mga pulis na tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.May mga imbestigador na hindi sumusuko.May mga mamamahayag na handang isugal ang kanilang buhay upang mailabas lamang ang katotohanan.At higit sa lahat...May mga taong naniniwala pa rin na may saysay ang katarungan.Ayon sa mga nakalap na e
Chapter 63Claudia’s POVIlang linggo matapos magkamalay si Van ay tuluyan na rin siyang pinayagang makauwi sa bahay.Napakalaking ginhawa ang balitang iyon para sa aming lahat.Ayon sa mga doktor, mabilis ang naging recovery niya. Wala na raw siyang agarang panganib at maaari na siyang magpagaling sa loob ng aming tahanan basta't tuloy-tuloy ang kanyang gamot, therapy, at regular check-up.Para bang muling nabuhay ang aming buong pamilya.Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko habang pinagmamasdan siyang muli na nakangiti. Ilang linggo lang ang nakalipas ay halos mawalan na ako ng pag-asa. Ngayon, unti-unti na siyang bumabalik sa dating Vanruth Amores—ang lalaking matatag, matalino, at walang kinatatakutan.Alam kong hindi pa siya ganap na magaling.May mga pagkakataon pa ring sumasakit ang kanyang tagiliran at kailangan niyang magpahinga agad.Pero hindi mo iyon mapapansin kung pagmamasdan mo siya.Parang walang nangyaring trahedya.Parang walang bala na muntik nang kumitil sa ka
Chapter 62Claudia’s POVHindi ko namalayang nakatulog ako.Nakasubsob ang ulo ko sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Van. Hindi ko na maalala kung ilang gabi na akong halos walang maayos na tulog. Sa tuwing pipikit ako, natatakot akong baka paggising ko ay may masamang balitang naghihintay sa akin.Kaya kahit ilang beses akong pinilit nina Gabriel at ng mga doktor na magpahinga, hindi ko magawa.Gusto kong ako ang unang taong makita ni Van kapag nagising siya.Gusto kong marinig niya agad ang boses ko.At gusto kong malaman niyang hindi ko siya iniwan kahit isang segundo.Habang mahimbing akong nakatulog, bigla kong naramdaman ang isang marahang haplos sa buhok ko.Napakagaan.Napakapamilyar.Parang isang haplos na ilang linggo kong pinangarap na maramdaman muli.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Malabo pa ang paningin ko sa una.Pero nang luminaw ang lahat...Nanlaki ang mga mata ko.“Hon…”Mahina ang boses.Halos pabulong.Pero sapat na iyon para mapuno ng pag-asa ang pus
Chapter 61Claudia’s POVHalos gumuho ang mundo ko nang mag-critical si Van.Pakiramdam ko ay huminto ang pag-ikot ng oras sa mismong sandaling sinabi ng doktor ang kalagayan niya. Hindi ko na marinig nang malinaw ang mga sumunod niyang paliwanag. Ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang salitang critical.Isang salitang kayang wasakin ang buong pagkatao ng isang taong mahal na mahal ang nakahiga sa hospital bed.Hindi ko alam kung paano pa namin haharapin ang bawat araw kung sakaling hindi siya lumaban.Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala siya.Mula nang ilipat siya sa ICU ay hindi ko siya iniwan kahit isang segundo. Nakaupo lang ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang malamig niyang kamay habang pinagmamasdan ang mga monitor na walang tigil sa pag-beep.Bawat tunog ng makina ay parang nagpapaalala sa akin na nakikipaglaban pa rin siya.Paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang kanyang noo."Van..." mahina kong bulong. "Naririto lang ako. Huwag mo akong iiwan."Umaasa akong kahit w
Chapter 60Claudia’s POV“Van, mamaya magkita tayo sa restaurant ha. Mag-bonding naman tayong pamilya,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang kurbata niya. Maingat kong pinantay ang pagkakatali nito at pinahiran ng kaunting himulmol ang balikat ng kanyang coat.Napangiti siya habang pinagmamasdan ako.“Sure, sure, honey. I won't miss it.”“Huwag kang malalate.”“Opo, mahal ko,” sagot niya na tila isang masunuring bata.Napailing na lang ako. Kahit ilang taon na kaming mag-asawa, hindi pa rin nawawala ang pagiging sweet niya. Sa bawat umaga, para bang bagong kasal pa rin kami.“Gabriel, halika na! Mahuhuli na tayo!” sigaw ni Van.“Coming!”Napabuntong-hininga ako.“Talaga itong batang ito. Napakabagal kumilos kahit kailan,” pagrereklamo ko habang nakapamaywang.Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na rin si Gabriel mula sa kanyang kuwarto.Pareho kaming natigilan ni Van.Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanan.“Ano ba iyang hitsura mo, anak?” natatawang sabi ko. “Hindi ka na nga nag-
Chapter 34Vanruth’s POVMasaya kaming nag-almusal noon ni Claudia sa bahay. Nang tumawag si Don Alejandro Álvaro.“Yes, Don Alejandro," sagot ko.“Pupunta ako sa Amores, lets meet there.”sabi ni Don AlejandroHindi ako makatanggi. Napakalaki ng utang na loob ko kay Don Alejandro. Marami siyang
Chapter 25Claudia’s POV“Alis na kami Claudia,” paalam nila Roselle at Rommel.“Dito na kayo mag-dinner,” pag-anyaya ko.“Hindi na. Nabusog na kami. Kanina pa kami kain-kain,” reklamo ni Roselle.Eksaktong dumating si Van. Ang saya ko nang nakita ko siya.“Van, alis na kami.” magalang na paalam
Chapter 2Claudia Diaz POVSa Maynila ako napadpad. Kailangan kong lumayo sa mga Montefalco. Sa tuwing naalala ko ang pangalan nila, nag-aapoy ako sa galit.Nagbigay ng kondisyon si Senyora Ingrid, “Huwag na huwag na raw akong lalapit pa sa kanila kung ayaw kong makulong.” Kalimutan ko na si Migu
Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng







