"HEY Milo. What are you up to? Parang ilang araw kanang naglulungga dito sa headquarters ah."Isang sulyap lamang ang ginawa ni Ashton nang marinig ang boses na iyon. It was Knight. Nakakunot ang noo nito habang bitbit-bitbit ang sariling laptop."I'm doing business, isn't obvious?" Sarcastic niyang sagot sa kaibigan at muli nang itinuon ang atensyon sa pagtitipa sa kanyang cellphone. "Doing business? Eh halos puro pagcecellphone lang naman ang ginagawa mo simula noong dumating ka dito ah. At saka men! Kaka-close lang natin ng deal sa Europe, hindi ba't sabi mo ay magpahinga na muna tayo after that. I thought you already have some plans-""Don't mention it. And shut up, Knight. I'm trying to focus here.""Yeah, yeah whatever. Psycho."Isang ismid lamang ang huling sinagot ni Ashton kay Knight bago nagpunta ang huli sa harap ng mga computer. It's been three days since he left his house and he's still expecting a call from someone. Pero parang unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loo
AGAD na napatayo sa kanyang kinauupuan si Taphney nang marinig niyang may papalapit na yabag sa kanyang kinauupuan. An automatic smiled suddenly flashed in her lips but it instantly fades as she saw who was the person approaching. Unti-unti rin siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo."May hinihintay po ba kayong dumating, Miss Taphney?" Mabilis na umiling ang dalaga sa tanong ng kasambahay na si Alex. "Ah wala naman. Akala ko kasi si Manang Martha na. Nagluto daw kasi siya ng ginataang bilo-bilo. Hindi pa kasi ako nakakatikim n'on kaya medyo nae-excite ako." Pagsisinungaling niya na lihim niyang pinagdarasal na sana ay hindi mahalata ng kasambahay na puro lamang kabulaanan ang kanyang mga pinagsasasabi. Hindi man tuluyang nakumbinsi si Alex sa dahilan ni Taphney ay dahan-dahan nalang itong tumango at isang naiilang na ngiti na lamang ang ibinigay. "Saglitin ko nalang po muna na pumuntang kusina, Miss Taphney para matanong ko din si Manang Martha kung tapos na siya magluto.""Teka la
"ANONG ginagawa natin dito?"Mabilis na pinalibot ni Taphney ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar kung saan siya dinala ni Ashton. Alam niya kung ano ito. Hindi naman sya nakatira sa bundok at lalong hindi sa kweba para hindi malaman na nasa casino sila ng binata ngayon."I just want you to know where I have been after the past few days. Nandito lang ako, nakatengga-""Naglalaro?" Biglang natikom ng dalaga ang kanyang bibig nang mapagtanto na sumingit siya sa mga sinasabi ng binata. An awkward smile instantly flashed into her lips.Saglit lamang na umarko ang kilay ng binata na agad rin namang umiling."No, of course not. I'm not into gambling-""But you own this casino, right? You owned this place?" Magkasunod na tanong muli ni Taphney.Papaanong hindi ito naglalaro ganoong alam niyang ito ang nagmamay ari ng casinong kinatatayuan nila ngayon?Hello?! Kaya nga nabaon sa utang ang kanyang ama ay dahil mismo sa casino'ng pagmamay ari ng binatang kaharap niya ngayon 'di ba? Kaya't n
“WHAT is wrong with you? Bakit ka nakikipag usap sa taong iyon? Are you flirting with him?!” Malakas at pasigaw na tanong ni Ashton kay Taphney habang hila-hila ang braso ng huli.“What?! Of course not!” Mariing tanggi ng dalaga at hindi na ininda pa ang sakit ng dulot ng mahigpit na pagkakahawak ng binata sa kanyang braso. Mahina rin siyang napadaing nang walang ingat-ingat at halos pasalampak na lamang siyang inihagis ni Ashton sa loob ng sasakyan.Kumunot rin ang kanyang noo nang mapansin na imbes na tabihan siya nito sa kanyang kinauupuan ay malakas lamang nitong isinara ang pinto ng sasakyan at salubong ang dalawang kilay na iniwan siya.Nawala naman ang pagtataka sa mukha ni Taphney nang makitang ang unahang pinto ang muling binuksan ng binata.“Really?! You’re not flirting with him but have you seen his eyes while he is staring at you?! What the fuck Taphney! He’s looking at you intently as if he’s already stripping you out on his mind!” Galit na pagpapatuloy nito.Mabilis na i
PAKIRAMDAN ni Taphney ay uhaw na uhaw siya pagmulat na pagmulat niya pa lamang ng kanyang mga mata. She hurriedly roam her eyes to the surroundings. At noong akma na niyang paiikutin ang ulo upang mas makita niya ang lugar na kinaroroonan niya ay tahimik siyang napaaray dahil sa sakit na naramdaman. Dahan-dahan siyang lumunok at napapikit ng kanyang mga mata.Nasaan siya? Anong nangyari?Pilit niyang inalala ang huling memorya at nagbabakasakaling masasagot n’on ang mga katanungan niya at ganoon na lamang ang kabang bumundol sa kanyang dibdib nang mapagtanto kung anong nangyari.Bumangga sila! Silang dalawa ni Ashton. Bumangga sila sa isang paparating din na truck at hindi na niya maalala ang sunod na nangyari dahil agad na siyang nawalan ng malay.Muli niyang ipinikit ang mga mata nang makarinig siya ng mga yabag at mga boses na paparating. Napansin niya kasing nakabukas iyon nang bahagya kung kaya’t naririnig niya ang ingay na nanggagaling sa labas.“Yeah, good thing that fucker su
“HOW are you, my love? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Oh wait, let me get you a water. I’m sure uhaw na uhaw ka…”Hindi magawang titigan nang matagal ni Taphney ang Ashton na nakaupo ngayon sa kanyang harapan. Pilit siyang inaasikaso ng binata kahit na mukhang nahihirapan rin naman itong gumalaw sa wheelchair na sinasakyan. “Let me do it for you, man,” wika ng isa sa mga kaibigan nitong nakatayo sa isang gilid at ito na nga ang nagsalin ng tubig upang iabot iyon sa kanya.Isang blangkong tingin lamang ang namagitan sa kanila pagkaabot na pagkaabot ni Taphney sa baso. Unti-unti naman niya iyong ininom.“A-are you o-okay, A-ashton?” sa wakas ay naisakatinig na niya ang tanong na iyon.Pakiramdam niya ay may kung anong bagay na nabasag sa kanyang dibdib nang makita ang isang matamis at inosenteng ngiting iginawad sa kanya ng binata. Maging siya ay nanibago sa binatang kaharap niya.Nasaan na ang masungit, suplado at laging nakaismid na Ashton’g nakilala niya? Anong nangyari
HINDI malaman kung paanong ngiti ang gagawin ni Taphney nang sa wakas ay nakalabas na silang dalawa ni Ashton sa ospital ngunit imbes na sa mansyon ng binata sila dumiretso ay sa hindi pamilyar na lugar sila dinala ng mga kaibigan nito.“Nasaan tayo?” hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong.Mabagal siyang lumingon sa kanyang tabi nang maramdaman niyang may kung sinong pumisil nang mahina sa kanyang kamay. It was Ashton. Inosenteng nakangiti sa kanya habang namumungay ang mga mata. Na animo’y masayang-masaya ngayon ang binata na magkasama sila.“It is one of my property, Taphney. I used to go here whenever I feel stress because of my heavy work-”“Nasaan nga tayo? I want to know the specific place-”“Tagaytay. Will you please stop being rude to Ashton?”Awtomatikong tumalim at lumipat ang mga paningin ni Taphney sa ibang banda nang marinig ang mahina ngunit may diin na wika sa kabila niyang tenga. Agad naman niyang nakilala kung kanino nanggaling ang mga salitang iyon. Kanino
NAGISING na animo'y galing sa isang napakasarap na pagkakatulog si Taphney nang makaamoy ng isang pamilyar na amoy. Ang usok galing sa pinipritong Tinapa!Dali-dali siyang bumangon at masayang-masayang lumabas ng kwartong tinulugan niya. Ngunit ganoon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat niya nang makita ang taong hindi naman niya inaasahan. It was Ashton who's swaying his hips sexily while frying the dried fish. Nakakarinig rin siya ng mga mumunting huni mula sa binata. Animo'y nag eenjoy talaga ito sa ginagawang pagluluto.Bakit nga ba nakalimutan niyang ang binata na nga pala ang kasama niya ilang araw na ang nagdaan? Hindi pa ba siya sanay na sila na lamang dalawa ang nasa iisang bubong ngayon? Hindi katulad dati sa mansyon nito na kahit saan man siya lumingon ay laging may kasambahay siyang nakikita."You seems enjoying what you're doing, Mr. Santocildez." Mabilis na tumigil sa paggiling ng kanyang balakang ang binata at ngayon ay pulang-pula na ang mukhang humarap sa kanya