Share

CHAPTER THIRTY EIGHT

"TAMA po ba 'tong lugar 'nay Tasing? Bakit parang ang laki naman yata at ang taas?" mangha kong tanong sa kasama kong matanda habang hindi na magkandaugaga sa pagtingala para siyasatin ang kabuuan ng lugar.

Hanggang ngayon ay bitbit-bitbit ko pa rin ang mga gamit ko at sa tuwing naglalakad si nanay Tasing ay siya rin namang higit ko sa mga dala ko. 

"Aba'y oo naman, Shella. Hindi ako pwedeng magkamali," usal naman ni nanay Tasing habang palinga-linga sa paligid ko. 

Hindi ko alam kung may hinahanap ba siyang tao o sadyang namamanghaan din siya dito sa lugar. 

"Parang hindi ko naman po nakikita si Jolo, 'nay Tasing. Baka po maling lugar ang nabababaan natin-" 

"Ano ka ba naman Shella, sino ba sa ating dalawa ang mas matagal na dito sa Maynila? Hindi ba't ako? Magtiwala ka lang at sigurado akong tama ang pinuntahan natin!" saad ulit ni nanay Tasing at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil kakalingon sa paligid. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status