Share

CHAPTER FOUR

MATAPOS ang naging pag-uusap ni Jolo at ni Tatay Ruben ay hindi muna siya pinayagan ni Nanay Leoning magtrabaho sa bukid kung kaya’t hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin siya at hindi maisip kung ano ang maaaring gawin ganoong ang lahat ng nakakausap niya ay nasa bukid at nagtatrabaho.

“Tao po? ‘Tay Ruben? ‘Nay Leoning?”

 Bago sa pandinig ng binata ang boses na narinig kung kaya’t hindi na muna niya ito nilabas upang sabihin na wala pa roon ang dalawang matanda. Inakala niyang umalis na iyon nang lumipas ang limang minuto ay hindi na ito muling nagsalita ngunit hindi pala.

“Shella ‘buti naman at ikaw ang naabutan ko.”

Hindi na napigilan ng binata ang sarili at unti-unti nang sinilip sa maliit na bintana ang mga tao sa labas ng silid na kinaroroonan niya. Doon ay nakita niya ang dalaga habang hindi tinitingnan ang lalaking nasa harapan. Nagtaas naman ang dalawa niyang kilay nang mapansin ang biglaan nitong paglapit sa dalaga.

“W-wala pa rito sila Tatay Ruben. Kung gusto mo ay babalik ako sa bukid upang sabihin na nagpunta ka dito sa amin,” usal ng dalaga sabay lihis ng daan dito. Agad itong pumasok sa kubo kung kaya’t mabilis pa sa alas-kwatro ay bumalik ang binata sa papag na kanina ay hinihigaan.

“Pumasok ka nalang muna Mario at susunduin ko sila Tatay-”

“Hindi na kailangan Shella at nandito na kami ng Inay mo.”

Pinakikinggan lamang ng binata ang mga boses na nangaggaling sa kusina ng maliit na kubo. Gustuhin man niyang hindi makinig ay hindi niya maiwasan dahil rinig na rinig pa rin ang mga boses nito sa buong parte ng kubo.

“Ano ba ang sa atin ngayon Mario? Hindi ba’t nagkausap na kami ng iyong ama tungkol sa bayarin?”

“Alam ko naman po iyon Tatay Ruben pero sadyang mapilit talaga ang aking ama na singilin kayo ngayon. Kung mamarapatin ninyo ay may isa pa siyang sinusuhestiyon at naiisip na paraan,”

Kinakabahan man ang binata sa maaaring marinig mula sa di katiwa-tiwalang lalaking nagngangalang Mario ay nanatili pa rin siya sa kaniyang silid at pinagpatuloy ang pakikinig.

“Hindi naman po siguro lingid sa inyo na may gusto ako sa inyong apong si Shella, hindi ho ba? Ngayon po ay naiisip ng aking ama na hindi na pabayaran sa inyo ang inyong nautang at maging ang inyong lupa ay magiging sa inyo na muli kapalit ng pagpapakasal sa akin ni Shella-”

“Ano namang katarantaduhan iyang sinasabi mo Mario! Mamulubi man ako hinding-hindi ko ipakakasal ang apo ko sa iyo! Hindi ko hahayaan na pahirapan lamang siya ng matapobreng pamilya mo!” sigaw ni Tatay Ruben ang mabilis na nagpabalikwas mula sa pagkakahiga ang binata. Agad siyang lumabas ng kanyang silid at doon ay nakita niyang nakatayo ang matanda habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

“Naku ang asawa ko! Shella! Bilis at kumuha ka muna ng maiinom ng Tatay Ruben mo.”

Doon ay nakita niya ang pagkabalisa ng dalaga sabay kuha ng isang basong tubig at abot sa kaniyang lolo na agad namang tinanggihan ng matanda.

“Sabihin mo sa ama mo Mario hinding-hindi mangyayari ang pinaplano ninyong mag-ama. At ilagay mo rin diyan sa kukote mo na kailanman ay hindi mo mahahawakan miski dulo ng daliri ng aking apo! Lumayas kana sa pamamahay ko bago ka pa samain sa akin!”

“Kayo rin Tatay Ruben, baka magsisi kayo. Dahil na rin sa inasal ninyo ngayon ay baka pati bukas ay wala na kayong matirhan. Bibigyan ko kayo hanggang bukas na makapagbayad. Kung hindi ninyo magagawa ay mapipilitan kaming idemanda kayo at ipakulong. O pupwede din namang si Shella nalang ang-”

“Give me the price. I will make it double. No, I will even make it triple. Just get out of my sight or else I am the one who will sue you for trespassing. And don’t you dare fooled me about the price, I have my attorney. Don’t even try me or else you will be put in prison in no time.”

Gulat ang makikita sa mga mukha ng mga tao sa kaniyang harapan nang bigla na lamang siyang sumulpot kung saan.

Hindi na niya makayanan ang ginagawang pambabastos ng walanghiyang lalaking Mario na iyon kay Tatay Ruben. Oo na, mayabang na kung mayabang pero kinatuwa naman ng loob nya na ngayon ay naipapamukha niya sa mga bastos na tao na kayang-kaya niyang bilhin ang mga ari-arian ng mga ito maging ang buhay ng pamilya nila Mario kung gugustuhin man ng binata.

“Sino ba ‘yang mayabang na lalaking iyan ha Shella? Makapagyabang akala mo naman kung sino. Hindi mo ba ako nakikilala ha? Anak lang naman ako ng kapitan ng barangay na ito! At itong kinatitirikan ng kubong ito at oo yan mismong kinatatayuan mo ay mawawala na bukas dahil kukunin na namin ito at ikaw, tatadyakan pa kita palabas diyan mismo sa pwesto mo.”

“Let see who will be kicked out first of this place, and I am fucking sure that it is you and not the other way around. Get the hell out! Before I punch that ugly face of yours dumbass!”

“Babalik ako Shella! At sisiguraduhin kong wala kayong mauutangang para hindi kayo makapagbayad sa’min! Sinisigurado ko iyon!”

Akmang susugurin na niya ito nang mabilis itong nagtatakbo palayo sa kubo nila. Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila si Mario ay agad namang nilapitan siya ng matandang lalaki sabay hinampas ng hawak na salakot.

“Bakit mo naman sinabi iyon bata ka oo! Anong sinabi mong dodoblehin o kaya titriplehin mo pa iyong pambayad e wala nga  tayong mahanap na pera para sa saktong utang natin. Ano pa ngayon? Paano na tayo?” nag-aalala nitong usal sabay pabagsak na umupo sa pinakamalapit na kawayang upuan. Naawa naman siya sa nakikitang kalagayan ng mga ito ngayon kaya kahit ayaw pa niyang kontakin ang mga tao sa lungsod ay gagawin na niya. Kahit ayaw pa niyang umalis at iwan ang dalaga ay mapipilitan siyang gawin iyon.

“Ako na pong bahala Tatay Ruben. Sa ngayon po ay kailangan kong makapunta sa sasakyan ko upang matawagan ang sekretarya ko upang makapagwithdraw ng pera-”

“Ano na naman ba iyang sinasabi mo hijo? Anong sekretarya at withdraw? Akala ko ba ay isang simpleng nagbebenta ka lamang ng mga gadgets? Paanong nagkaroon ka ng sekretarya?”

“Kailangan po talaga iyon sa trabaho ko. Medyo nakakaangat po ako kumpara sa isang simple lang na nagbebenta talaga. Tara na Shella? Samahan mo muna ako?” anyaya niya agad sa dalaga bago pa dumami ang tanong ng matanda sa kaniya.

Habang naglalakad sila ng dalaga ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Mario na papakasalan nito si Shella. Napaka kapal naman ng pagmumukha nito para piliting magpakasal sa mala-diwatang kagandahan ng dalaga samantalang si Mario ay dinaig pa ang sinuntok ng sampung tao ang pagmumukha. Sa ganoong isipin ay bigla na naman siyang natawa. Totoo nga ang sinabi nito noong kumakain sila sa lilim na puno nga ng kahanginan ang katawan ng gagong Mario na iyon.

“Bakit ka natatawa? Ngayon lang ba nag sink in sayo iyong mga pinagsasabi mo kanina?” bigla ay naitanong ng dalaga sa kaniya. Tiningnan niya muna ito ng mariin bago sumagot.

“Hindi, naalala ko lang iyong sinabi mo nakaraan na puno ng hangin ang katawan noong Mario na iyon. Ngayon ko lang napatunayan na totoo nga,” sagot niya sabay hagikgik na naman. Napatingin ulit siya rito nang tumawa rin ito ng mahina.

Masarap pakinggan ang boses ni Shella, lalo na ngayon na narinig niya ang mumunting tawa nito. Hindi niya tuloy namalayan na nasa lugar na pala sila kung saan siya naaksidente.

“Ito na ang sasakyan mo. Wala kang malay noong makita ka namin ni Angelo. Wala kaming ginalaw o kaya binago riyan sa loob ng kotse mo kaya sigurado akong makikita mo agad iyong cellphone na tinutukoy mo.”

Basag ang salamin at pipi ang unahan ng kotse niya ngunit sa kabila ng nakitang mapait na sinapit ng sasakyan ay agad-agad niyang hinagilap ng cellphone niya at laking tuwa niya nang mabilis niya itong nakita.

Agad niya itong binuksan at laking pasasalamat niya ay hindi ito lowbat at may signal pa. Nang buksan niya ito ay mga missed calls lamang ng sekretaryang si Lawrence ang nandoon. Nagtataka man ay agad na lamang niyang tinawagan si Lawrence.

“Hello, this is Lawrence Sevilla, secretary of Mr. Jolo Raymundo, speaking?”

“Yes I know Lawrence. This is your boss speaking.”

Panandaliang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ng kaniyang sekretarya. Saglit pa niyang tiningnan kung naputol ba ang linya nilang dalawa ngunit hindi naman.

“Lawrence, are you still there? You know what? I will fire you right after kong makabalik riyan sa opisina kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin kikibo at kakausapin ako,” aniya habang may pagbabanta sa kaniyang boses.

“Sir Jolo ikaw po ba talaga iyan? Pero sabi nila-”

“Wala akong pakielam kung sino man ang nagsabi. Ang gusto ko pumunta ka ngayon dito kung nasaan ako at magdala ka ng sasakyan, at please use one of our plane para naman madala mo rin iyong sasakyan natin pabalik riyan sa Maynila. At bago ko makalimutan. Withdraw at least five million cash. I want it to be raw. As in cash. Did you get it Lawrence?’’

“Sir yes po. I will go right there immediately after this call. Tell me where you at and I will go there-”

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng sekretarya at basta na lamang binaba ang tawag. Isang text na lamang ang pinadala niya rito na nagsasabi ng eksatong lugar kung nasaan siya.

“So ano na? Let’s go Shella? By the way, kung ako ang magbabayad ng utang nyo, ibig sabihin ba noon ay sa akin kana magpapakasal?”

Tila napipilan ang dalaga sa bigla niyang pagtatanong. Bakas sa mukha nito ang matinding pagtataka at pagkabigla dahil sa tinuran ng binata.

“No, I am just kidding. Huwag mong seryusuhin. Maybe soon. But not now,” agad niyang bawi sabay nauna nang maglakad pabalik daang kanina’y tinahak nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status