Share

CHAPTER THIRTY SEVEN

SA SOBRANG tagal ng byahe ko papuntang Maynila ay wala akong ibang ginawa kung hindi matulog at kung magising man ay tanging si Jolo lang ang laging laman ng isip ko. 

Nang tuluyan na nga akong makababa mula sa bus ay mabilis akong naghanap ng maaring pagbilhan ng cellphone. Iyong keypad phone lang sana dahil hindi naman ako maalam pagdating sa mga cellphone na katulad nang kay Jolo.

"Excuse me po lola, saan po kaya may bilihan dito ng cellphone?" agad kong tanong sa isang matandang babae na nagtitinda ng mga candy malapit lang din dito sa binabaan ko. 

Mariin niya muna akong tinitigan na tila ba buong pagkatao ko na ang sinisiyasat niya. Ako nalang tuloy ang naiilang sa ginagawa niyang pagtitig.

"Bago ka lang ba dito ineng?" kapagkuwan ay masungit niyang tanong. Saglit akong napatingin sa kanya at hindi ko malaman kung sasagutin ko ba ang tanong nito o hindi. 

"Ineng?" usal ulit nito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi saguti

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status