LOGINChapter 5
Sydney Panganiban POV
Dinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.
“Halika ka na anak sa bukid,” ang sabi ni nanay
Pilit kong inaabot ang kamay niya, pero hindi ko man lang mahawakan ito.
“Nay, isama ninyo na ako.” pagmamakaawa ko.
“Sydney! Sydney! Naririnig kong tinatawag ako ni Ana.
Pilit kong idinidilat ang mga mata ko. Basang-basa ng luha ang mga mukha ko.
“Naku ang taas ng lagnat niya, ano ang gagawin natin?” nagaalalang tanong ni Ana
“Allan, kinukumbulsiyon na siya. Humingi ka ng tulong.”sigaw ni Ana.
“Sandali, sandali!!!” sabi ni Allan
“Ito ang tubig at bimpo, punasan mo siya, Ana,” sabi ni Ate Lena.
Pero nagpatuloy pa rin ang aking pagdurusa. Bakit ayaw na lang nila ako hayaang mamatay na lamang?
Pumikit na ako. Hindi ko na inaasahang gigising pa ako. Sasama na lamang ako sa mga magulang ko sa kamatayan. Tama, sasama na lamang ako sa kanila.
Pagdilat ng mata ko, nasa isang napakalaking silid ako. Nasaan ako?
Naamoy ko ang mga bulaklak na nakalagay sa silid. Magaganda lahat ang nakikita ko
Tumayo ako at pumunta sa bintanang bahagyang nakabukas. Sumilip ako. Ang labas ay isa ring hardin. Para malaman kung ano pa ang mayroon sa silid na ito, ginala ko ang mga mata ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng pintuan na nakayapak. Ang suot ko ay puting satin na pangtulog.
Bumati ang mga taong naroroon. Maganda ang kanilang mga ngiti. Kaya nginitian ko rin sila.
Naglakas-loob akong magtanong kung nasaan ako.
“Nasaan po ako? Kanino pong bahay ito” pagtatanaong ko
“Maam Sydney, andito po kayo sa La Casa Madrid?” maikling sagot niya at pagkatapos ay umalis na
Narinig ko na lamang na may mga mabilis na yabag na papalapit sa akin.
Humahangos siya. Sinuotan niya ako ng puting robe para takpan ang katawan ko. Pagkatapos ay binuhat niya ako at dinala ako mula sa silid na pinanggalingan ko.
Hindi ako handa sa ganitong pakiramdam. Pero hindi ako nakaramdam na nasa panganib ako.
Sino itong lalaking nagbibigay ng proteksiyon sa akin?
Bakit ako narito? Ano ang kinalaman ko sa kanya?
Pumasok ang doktor at sinuri niya ako.
Nakahalukipkip ang lalaki habang sinusuri ako. Na parang binabatayan ako. Nag-aabang sa anumang balitang sasabihin ng doktor.
“Mr. Madrid, she is ok now. Okay na ang mga vitals niya, pati ang heart rhythm niya ay maayos na rin. Nakatulong na nakapagpahinga siya. Ang mga episode niya ay dahil sa withdrawal sa mga gamot na napainom sa kanya before. But I think she is getting better. Basta, continue niyo lang ang mga ginagawa ninyo. It will help.” sabi ng doktor
Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.
“Madrid?” nasabi ko sa isip.
“Siya marahil ang may-ari ng La Casa Madrid. Nakatingin lang siya sa akin. Mababanaag mong nag-aalala siya sa akin. “Isang estranghero magaala sa akin? Bakit? Parang napaka imposible naman yata nito” sa isip ko
“Let me introduce myself. I am Brandon Madrid. Nakiusap kasi sila Manang Lena na kung maaari ay dumito ka muna sa aking bahay. Nagaalala kasi sila at madalas ay natataranta kapag nagkakaepisodes ka.” sabi nito.
“Teka, bakit may sakit ba ako? Anong episodes? Hindi kita maintindihan.”tanong ko.
“I think yes, may sakit ka,” sinabi niya habang nilalagay ang isang daliri sa kanyang mga sentido.
“Hoy, Mr. Madrigal, wala akong sakit,” naiinis kong sinabi sa kanya.
“Well, today wala, pero we don't know perhaps tomorrow baka bumalik ito kapag matigas ang ulo mo,” sinabi niya.
Hindi na ako nakaimik. Siguro nga sa ngayon ay may alam ang lalaking ito sa kalagayan ko. Kaya hindi na lamang ako nakipagtalo sa kanya. Pero marami pa rin akong gustong itanong.
Bakit nangyayari ito sa akin?
“Magbihis ka, Sydney, para makakain ka na sa dining. Ilang araw ka na kasing nakasuwero lang. Sumenyas siya sa isang katulong na naroroon para matulungan ako sa paliligo at pagsuot ng damit.
At pagkatapos ay lumabas na ito.
“Ma'am Sydney, ok na po ba ang init nito?”mabait na tanong ng katulong sa akin.
Hinawakan ko ito at sa tingin ko ay kaya ko na ang init
Tinanong ko ang katulong . Habang ako ay nakalubog sa tubig.
“Ilang araw na ako naririto? Tanong ko.
“Sa tantiya ko po, mga 10 araw na po,” sagot niya sa akin.
Napabalikwas ako dahil nagulat ako na napakatagal na pala na naririto ako.
“10 araw? Paanong wala akong naalala.”
“Opo, Ma'am, kadalasan po ay tulog po kayo. Pagkatapos naman, kapag gising, kayo ay tulala lang po,” kuwento niya.
“Minsan pong hindi kayo tulala, ay inaaway ninyo po ang lahat. Sigaw lang kayo nang sigaw, tapos hindi po maintindihan ang mga sinasabi ninyo.”
“Eh, si Mr. Madrid, masungit ba talaga siya?” tanong ko.
“Naku Maam, hindi po. Napakabait po ni Sir Brandon. Kahit po sa amin, hindi po niya kami itinuturing na iba. Para pong santo si Sir?” dagdag pa niya.
“Santo? Mayroon pa ba ngayon niyan?” tanong ko.
“Opo, si Sir,” sagot niya.
“Ewan ko, hindi iyan ang tingin ko,” sabi ko naman.
“Kapag nakilala ninyo po, Ma'am, si Sir, maiintindihan ninyo po ang sinasabi ko,” sagot naman niya.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ko sa tumutulong sa akin.
"Ako po si Mayee." sagot nito sa akin
"Asan ang pamilya mo?" tanong ko
"Nandito rin po sa bayan na ito, magsasaka rin po sila kasama ni Sir Brandon.
"Ah, magsasaka din si Brandon."
"Opo Maam, lagi po siyang nasa bukid." kuwento ni Mayee.
"Lahat ba ng tao dito ay ganyan ang trabaho?" tanong ko.
"Opo, iyan po ang pangunahing kinabubuhay namin dito. Kung wala po ang pagsasaka. Hindi po kami makakain. " dagdag pa nito
"Ma'am, kayo po, ano po ang trabaho ninyo?" tanong naman ni Mayee sa akin.
"Hindi ko alam eh. Pero gusto ko din magsaka. Puwede kayang makapagtrabaho ako dito?"tanong ko kay Mayee.
"Oo naman po, puwede ninyo pong sabihin iyan kay Sir Brandon," sabi niya.
Pagkatapos ay may pumasok na mas nakatatandang katulong sa bahay.
"Ikaw talaga, Mayee. Kung ano-ano pa ang sinasabi mo kay Ma'am Sydney," sabi nito.
"Hindi ah, sinasagot ko lang ang mga tanong niya." sabi ni Mayee
"Sabihin ninyo kay Brandon, magtratrabaho din ako sa bukid." sabi ko.
Kaya nagulat sila at nagtataka kung bakit marami na akong tinatanong at sinasabi . At nakikipag-usap na rin sa kanila.
Nakikita kasi nila ako na lagi lamang nakatulala sa isang tabi. At walang kibo. Pero ngayon parang may nagbabago na sa behavior ko.
Chapter 35Brandon’s POV“BRANDON! BRANDON! BRANDON!”“Asawa ko!”Halos mabasag ang katahimikan ng bahay dahil sa malakas na sigaw na iyon.Kasabay nito ay ang mabilis na pagbukas ng pinto.Humahangos na pumasok si Mayee.“Kuya!”Halos hindi na siya makahinga.“Si Ate Sydney!”Nanlaki ang mga mata ko.“Anong nangyari?”Pero wala na siyang oras para magpaliwanag.Umiiyak siya.Namumutla.At kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding takot.Hindi na ako nagtanong pa.Mabilis akong napatakbo papunta sa silid ni Sydney.Habang tumatakbo ako sa hallway, halos marinig ko ang malakas na tibok ng puso ko.Hindi ko alam ang nangyari.Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin.Pero isang bagay lang ang nasa isip ko.Sana ligtas siya.Pagpasok ko sa silid...Napatigil ako.Nakatayo si Sydney sa gitna ng kwarto.Namumula ang kanyang mukha dahil sa mataas na lagnat.Nalilito.Takot.Pero nang makita niya ako...Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata.“ASAWA KO!”Parang tumigil ang mundo.Hin
Chapter 34Brandon’s POVPapasok na sana kami ni Allan sa opisina ni Sydney nang marinig ko ang boses ng isang lalaking nasa loob.Huminto agad ako.Kasunod noon ay ang boses ni Sydney."Hindi ako magrereklamo. Bumalik ka lang sa akin. Please."Napatigil ako.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.Si Samuel.Kilala ko ang boses na iyon.At sa sumunod na segundo, parang may apoy na sumiklab sa loob ng dibdib ko."Just leave."Malamig ang sagot ni Sydney.Ngunit hindi sapat iyon para mapawi ang galit na bumabalot sa akin.Nakayukom ang mga kamao ko.Mahigpit.Napakahigpit.Halos pumutok ang mga ugat sa aking braso.Ang lakas ng loob ng lalaking iyon.Pagkatapos niyang wasakin ang buhay ni Sydney.Pagkatapos niyang lustayin ang pinaghirapan nito.Pagkatapos niyang iwan itong sugatan, nag-iisa, at halos mawalan ng dahilan para lumaban.Ngayon gusto niyang bumalik?Parang walang nangyari?Parang puwede niyang burahin ang lahat ng sakit na iniwan niya?Dahil sa kanya,
Chapter 33Sydney’s POV“Ano na naman ang ginagawa mo sa opisina ko, Samuel?”Hindi ko na itinago ang pagkainis sa aking boses. Pagod na pagod na akong makita ang mukha niya. Sa tuwing nakikita ko siya, para akong binabalik sa panahong pinakamahina ako—sa panahong naniniwala akong may taong tunay na nagmamahal sa akin.“Look, Sydney. I just want to talk to you.”“Talk? About what?” malamig kong sagot.Napabuntong-hininga siya at naupo sa harapan ng mesa ko na parang siya pa ang agrabyado.“Hindi ka na ba naaawa sa akin? Naka float ako, Sydney. Ano na ba ang papel ko sa kumpanyang ito?”Hindi ako nagsalita.“Nandito nga ako pero parang wala naman akong silbi.”Bahagya akong napangisi.Noon, kapag nakikita ko siyang malungkot, agad akong naaalarma. Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya. Pero ngayon? Wala akong maramdaman.“Kung gusto mo, just terminate me. Hindi yung pinapahirapan mo ako araw-araw.”Sa loob-loob ko, mas higit pa roon ang gusto kong gawin.Gusto ko siyang ipakulong.Gu
Chapter 32Sydney’s POVMasaya akong pinagmamasdan ang mga bata habang nagkukulitan sila. Para silang mga ibong matagal na nakulong sa hawla at ngayon ay malayang nakakalipad. Walang iniisip na problema, walang iniindang responsibilidad. Ang mahalaga lamang sa kanila ay ang kasalukuyang sandali—ang tawanan, ang laro, at ang mga taong kasama nila.Nakaupo kaming lahat sa sala habang nagkukuwentuhan. Ang mga bata naman ay paikot-ikot sa amin, minsan nakikisali sa usapan, minsan nagbibiruan sa isa’t isa. Nakakatuwang panoorin kung gaano sila kakomportable sa mga nakatatanda. Walang takot, walang alinlangan. Malaya nilang nasasabi ang gusto nilang sabihin.“Ninong, dito na ba talaga kami titira?” tanong ng isa sa mga bata habang nakatingala kay Brandon.Tumango lamang si Brandon at ngumiti.“Oo. Dito na muna kayo. At bukas, papasok na kayo sa eskwelahan. Magpakabait kayo doon ha?”“Opo!” sabay-sabay nilang sagot.Napangiti ako. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ni Brandon
Chapter 31Sydney’s POVNapatingin ako sa bintana nang makarinig ako ng masayang tawanan ng mga bata.Noong una ay hindi ko iyon pinansin. Akala ko ay mga batang naglalaro lamang sa kabilang kalye. Ngunit habang tumatagal, lalo kong naririnig ang kanilang hagikhikan at masasayang sigawan.Parang nakakahawa ang saya nila.Kaya naman lumapit ako sa bintana at sumilip.Tatlong bata ang nakita ko.Isang batang lalaki na mukhang siyam o sampung taong gulang at dalawang mas maliliit na bata na marahil ay nasa anim o pitong taong gulang lamang.Naghahabulan sila sa tapat ng bahay ni Brandon.Pawisan.Magugulo ang buhok.Pero walang bahid ng problema sa kanilang mga mukha.Tawang-tawa sila habang tumatakbo.Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.Nakakainggit silang panoorin.Napakasimple ng kaligayahan nila.Maya-maya ay may tumawag sa kanila.“Hoy, dahan-dahan!”Napalingon ako sa direksyon ng boses.At doon ko siya nakita.Isang babae.Halos kasing-edad ko lamang.Simple ang kasuotan niya.
Chapter 30Brandon’s POV“Sasama ka na rin doon, Ana.”“Sige. Pero paano kaya ang mga bata?”“Papatulungan kita. May nakita akong malapit na elementary school doon.”“Sige, ikaw ang bahala.”Napangiti si Ana habang tumatango. Kita ko sa mga mata niya ang halong pananabik at pag-aalala bilang isang ina. Hindi naman biro ang ilipat ang buong pamilya sa ibang lugar, lalo na kung nasanay na sila sa buhay sa Maynila.Pero para sa akin, ito ang pinakamagandang desisyon.Mas nagustuhan ko na kasi sa Antipolo. Sariwa ang hangin, mas tahimik, at higit sa lahat, malapit ito kina Sydney. Isa pa, madalas nang hindi nakakauwi si Allan sa bahay dahil sa dami ng ipinagagawa ko sa kanya sa kumpanya. Halos sa opisina na siya natutulog kung minsan.Naaawa rin ako kay Ana.Kahit gaano kaganda ang mansyon ko sa Maynila, wala pa ring saysay iyon kung mag-isa niyang hinaharap ang bawat araw habang wala ang asawa niya.Maayos naman ang kalagayan nila doon. Hindi sila nagkukulang sa anumang bagay. Pero iba p
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lum
Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kon
Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang
Chapter 1:Sydney Panganiban POVNagsaayos ako ng isang malaking party. Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin. Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakaka







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)