LOGINChapter 3
Sydney Panganiban POV
Nang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.
Nang lumabas ako ng bahay, nakita kong nasa gitna ako ng isang kabukiran. Maamoy mo ang nasusunog na damo, pero masarap ito sa pakiramdam. Biglang humampas sa akin ang isang nakaka-represkong hangin. Napakasarap damhin at matagal nang panahon nang naramdaman ko ang kapayapaang ito.
Narinig ko na lamang na may tumawag sa akin, “ Sydney.” Mabuti na lang at gumising ka na.
“Gising na si Sydney, gising na si Sydney,” sabi ng babaeng hindi ko kakilala.
Kinurot ko ang sarili ko dahil baka isa na naman ito sa mga panaginip ko. Pero dahil nasaktan ako, ang mundong ito ay totoo.
“Halika muna sa loob para makakain ka,” pagaya niya sa akin habang hawak-hawak niya ang aking braso.
Iniisip ko kung sino itong babae na ito. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya matandaan.
Sa hapagkainan ay may kanin, talbos ng kamote, inihaw na isda, hiniwang kamatis at bagoong. Bigla kong naramdaman ang gutom, kaya nagsimula na akong kumain. Dahil sa gutom ko, hindi ko naaya ang babae na kumain man lang.
Kaya inalok ko siya’
“Kain kayo.” alok ko
“Sige, kain ka lang,” sabi naman nito sa akin.
Para akong patay-gutom dahil halos maubos ko ang pagkain na nasa harap ko.
“Nay, mano po,” sabi ng babae sa nakatatandang babae.
“Mabuti na lang, gising ka na, Sydney,” sabi niya sa akin.
“Sino ba ang mga ito? Bakit nila ako kilala? Nasaan ako?” mga tanong ko sa isip.
Nang nahalata nila, nagtataka ako.
“Ako nga pala si Magdalena, pero Ate Lena na lang ang itawag mo sa akin. At ito naman ay si Ana na anak ko,” pakilala nila.
“Nasaan ho ba ako? Tanong ko.
“Nandito ka sa Sta. Inez, hindi mo na ba naalala ang lugar na ito? Ito ang bayan ng nanay mo?
“Bayan ni nanay?” Hindi ko maalala.
“Bakit ho ako nandirito? Tanong ko
“Para ano, para ah, magbakasyon, tama para magbaskayon” sabi ni Ate Lena
“Kaano-ano ko po ba kayo?” tanong ko.
“Ah kami? Ah malayong malayo mo kaming kamag anak.” sagot ni Ate Lena
“Pasensiya na po ha, pero ang totoo, wala po akong maalala,” sabi ko.
“Okay lang ’yon, lahat naman tayo minsan nakakalimot. Minsan nga mas mabuti na rin iyon eh.”Dagdag pa niya.
“Pero ano ang mga naalala mo? Mayroon ba?” biglang tinanong ni Ana.
“Ha?”
“Kilala mo ba ang nanay mo o tatay mo?” dagdag pa ni Ana.
“Oo, ang tatay ko ay si Leonardo Panganiban at ang nanay ko naman ay si Matilde Panganiban,” sagot ko.
Nagkatinginan sila pareho.
“Tama ka, tama ka. Sila nga ang magulang mo,” sabi ni Ate Elena.
“Ah Sydney, bukod sa kanila. Sino pa ang naalala mo?” tanong uli ni Ana.
Oo nga, parang wala akong maalalang kahit sino. Bukod sa mga magulang ko at sa sarili, ay wala na akong maalala pang iba. Pero bakit nga ba?
Bumalik na ako sa silid na pinagtulugan ko. Ginala ko ang mga mata ko. Napakasimple ng tahanang ito, pero maayos naman. May nakita akong salamin, kaya tiningnan ko. Napansin kong maikli ang buhok ko. Hanggang ilalim ng tenga, pagkatapos ay hindi pantay-pantay ang pagkakagupit dito.
“Ano ba ang ginagawa ko dito?” tanong ko sa sarili.
Gabi na at may narinig akong bagong boses ng lalaki.
“Ano ulam nating ngayon ha? Tanong nito.
“Ang paborito mo,” sabi ni Ana.
Pagkatapos ay sabay sabay nilang sinabi;
“Eh di talbos ng kamote.” Tapos, tawa na sila nang tawa.
Lumabas na ako ng kuwarto para makilala pa ang iba pang tao na naroroon. Nagulat ang lalaki nang lumabas ako.
“Ay oo nga pala nalimutan namin, gising na si Sydney.” sabi ni Ate Lena
“Sydney, ito pala ang asawa ko, si Allan,” pakilala niya.
“Hello, Sydney,” nakikipagkamay ito, kaya inabot ko na rin ang kamay ko at nginitian siya.
“Halika na rin, Sydney. Umupo ka na rin dito. Sumabay ka na rin sa pagkain.” sabi ni Ana.
Maya-maya ay may tatlong bata na nagtakbuhan papasok sa bahay. At naghahabulan sila. Masaya silang naghaharutan sa isat isa. Sunod-sunod sila ng laki.
“Hoy, hoy, magsipaghugas muna kayo ng mga kamay at kakain na tayo,” utos ni Ana.
“Ay, Sydney, sila naman ang mga anak namin. Itong panganay ay si Alan Jr., at itong kambal naman ay sina Alena at Alen,” pakilala niya.
Nakakatuwa ang mga pangalan ng mga bata; iisa lang ang tunog. Bakit kaya iyon ang napiling ipangalan s mga anak nila?
“Hello” bati ko sa kanila.
May ngiti rin sa kanilang mga mata. Habang binabati ko sila
“Ay nay ang ganda pala niya kapag gising, lagi kasing natutulog si Ate” sabi ni Alen
Biglang hinawakan ni Alena naman ang buhok ko.
“Anong nangyari sa buhok mo? Galit nag-gupit niyan? Inosenteng tanong niya.
“Ha?” tanong ko rin dahil hindi ko alam kung ano rin ang nangyari.
“Tama na yan, sige na maghugas na kayo ng kamay para makakain na tayo.”utos ni Ate Lena
Sumunod agad ang mga bata sa kanilang lola na si Ate Lena.
Ang mga bata talaga ay sadyang napaka-inosente. May mga sinasabi silang hindi masabi ng mga matatanda. Totoo lamang sila sa kanilang nakikita at naiisip. Wala silang pagkukunwari.
Sana naging bata na lang ako. Sana kagaya ko rin silang maging tapat sa mga nararamdaman ko.
Chapter 6Sydney Panganiban's POVUnti-unti nang bumubuti ang kalagayan ko. Pero wala pa rin akong maalala. Sinabihan ako ni Brandon Madrid na kailangang kong magtrabaho sa bukid“Sa Bukid? Tanong ko“Anong problema sa bukid? Marangal na trabaho iyan.” sabi niyaLahat ng tao dito ay nagbubukid para mabuhay. Pero kung ayaw mo, puede naman. Pero anong gagawin mo dito?” sabi pa niya.“Wala naman akong problema sa trabahong iyan, pero di ko alam kung marunong ako niyan eh . Magbubukid ba ako dati? Iyan ba ang trabaho ko? Tanong ko.“Brandon, alam mo ba kung paano ako napadpad dito? Ayaw namang magsalita nila Ate Lena. Sino ba ako?”tanong ko.“Wala akong alam tungkol sa iyo at marahil ganun din sila. Bigla ka na lang napadpad dito,”paliwanag niya.“Ano? Magtatrabaho ka ba?” tanong niya.“Oo, magtatrabaho na ako,ang sungit naman nito ”sabi ko.“Bukas ng madaling-araw, magsisimula ka na,” sabi ni Brandon.Kinaumagahan ay sinamahan ako nina Ana at Allan para mag-train sa bukid.Pagdati
Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,” ang sabi ni nanayPilit kong inaabot ang kamay niya, pero hindi ko man lang mahawakan ito. “Nay, isama ninyo na ako.” pagmamakaawa ko.“Sydney! Sydney! Naririnig kong tinatawag ako ni Ana.Pilit kong idinidilat ang mga mata ko. Basang-basa ng luha ang mga mukha ko.“Naku ang taas ng lagnat niya, ano ang gagawin natin?” nagaalalang tanong ni Ana“Allan, kinukumbulsiyon na siya. Humingi ka ng tulong.”sigaw ni Ana.“Sandali, sandali!!!” sabi ni Allan“Ito ang tubig at bimpo, punasan mo siya, Ana,” sabi ni Ate Lena.Pero nagpatuloy pa rin ang aking pagdurusa. Bakit ayaw na lang nila ako hayaang mamatay na lamang?Pumikit na ako. Hindi ko na inaasahang gigising pa ako. Sasama na lamang ako sa
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lumabas ako ng bahay para sugurin ang gumagawa ng ingay. “Ano ba ang iingay ninyo! Sigaw ko.Nakita kong napatulala ang lahat sa pagsigaw ko. Tumakbo ako at naghanap ng ihahampas sa sasakyang gumagawa ng ingay. Nakakita ako ng isang malaking sanga at inumpisahan kong hatawin ito. Hindi ko alam kung bakit, pero nasisiyahan akong wasakin ito. Hindi ako tumitigil; patuloy pa rin ang paghampas ko.“Sydney, tama na,” naririnig kong sigaw nila sa akin.Halos maubos na ang lakas ko.“Sydney, tumigil ka na.” Paulit-ulit nilang isinisigaw.May nag-iiyakan na ring mga bata na nagpalala ng galit ko. Lahat sila ay napakaingay.May lalaking bumaba sa sasakyan at pinigilan ako. Hindi ko maaninag ang mu
Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kong nasa gitna ako ng isang kabukiran. Maamoy mo ang nasusunog na damo, pero masarap ito sa pakiramdam. Biglang humampas sa akin ang isang nakaka-represkong hangin. Napakasarap damhin at matagal nang panahon nang naramdaman ko ang kapayapaang ito.Narinig ko na lamang na may tumawag sa akin, “ Sydney.” Mabuti na lang at gumising ka na.“Gising na si Sydney, gising na si Sydney,” sabi ng babaeng hindi ko kakilala.Kinurot ko ang sarili ko dahil baka isa na naman ito sa mga panaginip ko. Pero dahil nasaktan ako, ang mundong ito ay totoo.“Halika muna sa loob para makakain ka,” pagaya niya sa akin habang hawak-hawak niya ang aking braso.Iniisip ko kung sino itong babae na ito. Kahit anong ga
Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang bulsa.“Here, Sydney, to prove my love to you. Marry me. Anytime you want. I’ll be yours forever,” sabi niyaPagkatapos ay isinuot niya sa daliri ko ang isang singsing na may napakalaking bato.Singsing na halos wala nang kahulugan sa akin, singsing na binili mula sa pera ko.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matagal ko nang pinangarap na mapakasalan ni Samuel. Siya lang ang minahal ko. Siya lang ang mundo ko.Siguro nga ay patatawarin ko siya. Mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa pagkakasala niya sa akin. Siguro nga matatanggap ko pa rin siya. Hindi ko makita ang sarili na wala siya sa buhay ko.Pagkatapos ng gabing iyon. Ay, nanumbalik ang mga bangungot ko. Nag
Chapter 1:Sydney Panganiban POVNagsaayos ako ng isang malaking party. Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin. Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakakabangga ko sa negosyo. Mga kamag-anak na hinahangad na pabagsakin ako. Lahat iyon ay ginawa para sa akin ni Samuel. Binigyan ko siya ng pinakamataas na kapangyarihan sa aking kumpanya. At ipinagkatiwala ko ang milyong-milyon kong asset. Lubos ang pagtitiwala ko sa kanya. Hindi niya ako binigo kahit minsan.Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang akong pamahalaan ang kumpanyang iniwan sa akin ng aking mga magulang. Litong-lito ako kung paano ko gagawin ang mga tungkulin ko. Pagkatapos kong bumalik galing sa Amerika, ang lahat ng bagay ay bago sa akin.Pansamantalang pinamahalaan ang kumpanya ng aking tiyo na si Edgardo Panganiban. Dahil bata pa ako noon, siya ang tumulong para mapat







