LOGINChapter 4
Sydney Panganiban POV
Umaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.
Lumabas ako ng bahay para sugurin ang gumagawa ng ingay.
“Ano ba ang iingay ninyo! Sigaw ko.
Nakita kong napatulala ang lahat sa pagsigaw ko. Tumakbo ako at naghanap ng ihahampas sa sasakyang gumagawa ng ingay. Nakakita ako ng isang malaking sanga at inumpisahan kong hatawin ito.
Hindi ko alam kung bakit, pero nasisiyahan akong wasakin ito. Hindi ako tumitigil; patuloy pa rin ang paghampas ko.
“Sydney, tama na,” naririnig kong sigaw nila sa akin.
Halos maubos na ang lakas ko.
“Sydney, tumigil ka na.” Paulit-ulit nilang isinisigaw.
May nag-iiyakan na ring mga bata na nagpalala ng galit ko. Lahat sila ay napakaingay.
May lalaking bumaba sa sasakyan at pinigilan ako. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi ko siya makikilala. Sino ba itong taong nakikialam sa akin?
Nagpupumiglas ako at siya naman ang inatake ko, pero unti-unti akong nanghina hanggang sa mawalan ako ng malay.
Ilang oras pagkatapos ng insidente.
Narinig ko ang paguusap ng mga tao sa labas ng aking silid.
“Doc, ano po ang nangyari? Okay na po ba siya?”tanong ni Ate Lena.
“Nagkaroon siya ng IED, or Intermittent Explosive Disorder. Maaring ang ingay na narinig niya ay nagtrigger sa kanya para magoutburst.” paliwanag ng doctor
“Dapat pala ay huwag tayong ma-ingay.” sabi nila Allan
“That would help. For now, mas mabuting iwasan nating gumawa ng makakatrigger sa kanya.” sabi ng doctor.
“Kawawa namn si Sydney,” sabi ni Ana.
Hindi ko gustong kinaawaan ako. Ang mga taong ito na nasa paligid ko ngayon ay hindi ko naman kilala, pero tunay silang nagmamalasakit sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin at bakit ako nagkakaganito.
Umiyak na lang ako nang tahimik para hindi pa nila ako alalahanin.
Isang araw
Sinamahan ako nila Allan at ng mga bata sa pamamasyal sa bukid. Nakasuot ako ng tsinelas at pulang duster na ipinahiram ni Ana. Medyo may kaluwagan ito, kaya nilagyan na lang namin ng pardible para umeksakto sa akin. Iilan lang daw kasi ang damit nila, kaya hindi na ako nagreklamo sa kung ano ang ibinibigay nila sa akin. Ipinusod ko ang aking buhok para hindi mahalata ang hindi pantay-pantay na putol nito.
Ang ganda sa bukid, ang palayan ay berdeng berde. Ang mga tao ay abala sa pagtatanim at paggagapas. Sa tirik na tirik na araw ay may mga taong nagtatrabaho para may mailapag sila sa hapagkainan at mailaan sa pamilya. Napakasimple pero masaya sila.
“Hoy, Allan! Petiks ka na naman,” sigaw ng ilan sa mga naroroon.
“Inggit lang kayo!” sigaw din nito.
Nagtakbuhan na sa bukid ang mga bata. Masaya sila at wala silang kaproblema problema.
“Dito tayo sa ilalim ng puno ng mangga,” sabi ni Allan sa akin habang pinapagpagan ang isang kawayang papag. Ginagamit ito para makapagpahinga ang mga magsasaka.
“Upo ka muna, Sydney, at may kukunin lamang ako,” sabi niya.
Tumango lamang ako.
Napakalawak ng bukirin. Ang sarap pagmasdan. Pumikit ako para magnilay-nilay. Nakaka-relax at nakakaginhawa sa pakiramdam.
Nang magtanghalian na ay nagtipon-tipon na ang mga magsasaka. Pinagsama-sama nila ang mga pagkaing ipinabaon ng kanilang mga pamilya.
May talbos na kamote, ginisang replyo, may sinabawang sinigang na isda, pritong isda, pritong talong at bagoong.
Inabutan ako ni Allan ng isang dahong saging na may kanin.
Sa pagtataka ko.
“Sydney, iyan ang plato dito. Pasensiya na. Wala akong nadalang kutsara kaya magkakamay tayo ngayon.” sabi niya
“Ok lang ba?” Tanong niya
Tumango na lamang ako.
“Tay, tay kami din.” sabi ng mga bata
“Oh, ito ang sa inyo ha, ang paborito natin?”
“Talbos ng kamote.” Sabay-sabay nilang sinabi.
Napapatawa talaga ako ng pamilyang ito. Lagi silang masaya at magiliw sa isat-isa. Siguro kung ako ay bahagi ng kanilang pamilya. Magiging kontento na ako at tunay na maligaya.
“Hoy, wala ba kayong panghimagas diyan?” tanong ni Allan sa mga magsasaka.
Tanawin mo ang puno ng mangga. Baka may natira pa? Kahapon kasi ay ipinakuha na iyan dahil bumabagsak na ang bunga nito.” paliwanag ng isang magsasaka.
“Hayun, mayroon pa dun sa kabilang puno. Akyatin mo na lang, Allan,” utos ng isa pang magsasaka.
“Ay, oo nga, at mukhang may mga hinog na roon,” sabi ni Allan.
“Sydney, dito ka lang muna at ako ay paparoon doon.” Sabi niya.
“Tay, sasama po kami,” sabi ng mga bata.
“Halika na kayo!” pag-aya niya sa mga bata, pero nauna pa ang mga ito sa pagtakbo papunta sa kabilang puno.
Tumayo na rin ako para sumama.
“Sasama ka ba? Madulas doon” babala ni Allan.
Tumango lang ako at sumunod sa kanila.
Habang binabaybay namin ang kabilang puno. Nadaanan ko ang kaliwat-kanang palayan. Hinawakan ko ang mga mahahabang dahon. Marahan kong pinadadan ang mga daliri ko sa mga ito. Parang nabubuhay ang dugo ko sa mga nakikita at nadarama ko. Masaya ang pakiramdam ko.
Pagdating namin sa puno, nagsimula nang umakyat si Allan. Inihuhulog niya ang mga nakukuha niya.
“Alen, pumaroon ka roon at humingi ka ng supot para sa paglalagyan ng mga mangga,” sigaw nito.
Sumunod agad ang bata at tumakbo patungo sa kasamahang magsasaka.
Tumingala ako at tinanaw ang mga mangga. Nakakita ako ng mga nagkumpol na mangga ng piko. Nakakasilaw at sobrang liwanag ng sinag ng araw.
Nakita kong mahuhulog at babagsak ang mga manggang kinukuha ni Allan. Sa panghihinayang na mabiyak na naman ito, tumakbo ako para saluhin ito. Pero di ko napansing may madulas na bahagi na naapakan ko.
“Aaaaay!” biglang sigaw ko.
Napapikit na lamang ako at di ko nakontrol ang katawan ko. Siguradong babagsak ako sa lupa.
Pero pagdilat ko ay, naamoy ko ang isang lalaking nakasalo sa akin. May pagkabrusko ang kanyang samyo. Salong-salo niya ako sa malawak niyang mga bisig.
“Sydney,”sigaw ni Allan na nagmamadaling bumababa sa puno.
Hindi ko maiwasang mapatitig pa rin sa lalaking nakasalo sa akin dahil napakaguwapo nito, para itong bidang artista sa mga pelikula. At mabango rin siya.
“Mabuti na lang ang nasalo ka na ni Beno,” sabi ni Allan.
Parang pamilyar siya sa akin, pero hindi ko lamang maalala kung saan siya nakita.
Kumalas ako sa kanya at lumayo sa kanya. At nagpagpag sa pulang duster na suot ko.
“Salamat, Beno, ha, at nasalo mo si Sydney.” sabi nito sa kanya.
“Bakit ikaw ang nagpapasalamat, eh hindi naman ikaw ang nasalo ko,” sabi niya.kay Allan
Habang nag-aabang ng pasasalamat mula sa akin.
Antipatiko ito ah, pero sige lang. Hindi kita papatulan ngayon
.
Pinanindigan ko at hindi pa rin ako nagpasalamat sa kanya. Hindi ko naman siya inobliga. Siya ang kusang gumawa noon, kaya bakit ako magpapasalamat sa kanya? Sayang, pogi pa naman siya, pero may pagka-demanding na ayaw na ayaw ko sa mga tao.
“Uwi na tayo,” sinabi ko kay Allan.
Kaya nagmadaling humabol na si Allan sa akin. Tinawag na rin niya ang mga anak niya para umuwi na. Natatakot kasi sila na baka magalit na naman ako.
“Bukas na lang Beno, dadaan ako sa bahay ninyo,” sabi ni Allan habang sumisenyas kay Beno.
“Beno? Ang bantot naman ng pangalan niya,” sa isip-isip ko.
Siguro ay isa rin siyang tauhan sa bukid. Mukhang hindi naman siya magsasaka dahil bihis na bihisan siya.
Chapter 44Brandon’s POV“As the major shareholder, it's me who will decide.”Halos nagkakagulo na ang mga board members tungkol sa nabalitaan nilang may problema si Sydney mentally.Ramdam ko ang tensiyon sa loob ng conference room. May mga bulungan sa magkabilang panig ng mesa. May ilan na hindi man direktang nagsasalita laban kay Sydney, pero malinaw sa kanilang mga mata na gusto nilang malaman kung hanggang saan pa ako kakapit sa kanya.“Naginvest din kami, Mr. Madrid.”“Mawawala na rin ba lahat ng pinaghirapan namin?”“Paano kung hindi na siya makabalik sa dati?”“Paano ang kumpanya?”Napakaraming tanong at pagaalala.Pero sa lahat ng mga tanong nila, iisa lamang ang malinaw kong nakikita.Pera.Interes.Seguridad.Wala ni isa sa kanila ang nagtatanong kung kumusta na si Sydney.Wala ni isa ang nagtatanong kung natatakot ba siya.Kung nalilito ba siya.Kung nahihirapan ba siyang intindihin ang sarili niyang isip.Kaya nagsalita na ako.“Then leave.”Biglang natahimik ang buong co
Chapter 43Sydney’s POV“Honey… okay lang ba kung hihingi ako ng power of attorney?”Napatingin ako kay Brandon, halatang seryoso ang ekspresyon niya. Hindi iyon simpleng tanong. Ramdam kong pinag-isipan niya iyon nang mabuti bago niya sinabi sa akin.“Para saan?” nagtataka kong tanong.“May mga decisions kasi na kailangang gawin,” mahinahon niyang paliwanag. “Para sa welfare mo, sa company, at sa maraming legal na bagay. Gusto kong siguraduhin na mapapangalagaan ang lahat ng para sa iyo. Ayaw kong may makapanlamang sa'yo habang nagpapagaling ka.”Tahimik akong napabuntong-hininga.Hindi ko maipaliwanag ang biglang kabigatan ng dibdib ko.“Hindi ko alam kung bakit,” mahina kong sabi habang nakatitig sa mesa. “Pero parang may nagawa na akong ganito dati. Na nagtiwala ako nang buong-buo... tapos sa bandang huli...”Napahawak ako sa aking sentido.“…I was betrayed.”Hindi malinaw ang mga alaala.Parang mga piraso ng salamin na nagkalat sa isip ko. Hindi ko mabuo ang larawan, pero sapat a
Chapter 42Sydney’s POV"Honey..."Napalingon ako kay Brandon habang magkahawak kami ng kamay sa sala. Katatapos lang naming mag-almusal at pareho kaming papasok sa opisina.Ngumiti ako sa kanya."Hmm?""Mag-cruise naman tayo." pag aya ko.Napakunot-noo siya."Ha?"PagkataposTumango siya habang nakangiti."Sige na. I want to explore the world with you."Napangiti na ri si Brandon"Okay." sagot niya"Papabook ako sa secretary ko.""Talaga?" tanong niyang tila natuwa."Oo.""Masaya iyon."Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa iba't ibang bansa na gusto rin niyang puntahan. Tahimik lang akong nakikinig habang nakatitig sa mukha niya.Maya-maya...Parang may kung anong humila sa isip ko.Unti-unting lumabo ang paligid.Humina ang boses ni Brandon.Hanggang sa wala na akong marinig.Parang may makapal na ulap na bumalot sa utak ko.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala."Sydney..."Mahina niyang tawag.Hindi ako sumagot."Sydney..."Mas lumapit siya."Sydney..."Napakurap
Chapter 41Brandon's POVSa bawat paggising ni Sydney, hindi ko alam kung anong bersyon ng mundo ang sasalubong sa kanya.May mga araw na para lang siyang normal—masayahin, makulit, palabiro, at puno ng pangarap.Pero mayroon ding mga araw na para siyang estranghero sa sarili niyang buhay.May mga pangalang hindi na niya kilala.Mga lugar na hindi na niya maalala.Mga taong minsan niyang minahal... na tila hindi na kailanman naging bahagi ng kanyang pagkatao.Kaya hangga't maaari, iniiwasan kong magkaroon siya ng matinding emosyon.Kapag nagagalit siya...Hindi ko siya sinasabayan.Kapag naiiyak siya...Mas lalo akong nagiging kalmado.Kapag naguguluhan siya...Ako ang nagsisilbing sandalan.Dahil sa sinabi ng doktor...Ang matinding emosyon ang isa sa pinakamalaking kalaban ng kanyang kondisyon.At higit sa lahat...Natatakot ako.Hindi para sa sarili ko.Kundi sa posibilidad na isang araw...Ako naman ang mabura sa kanyang alaala.Hindi ko kakayaning titigan siya habang hindi na niy
Chapter 49Sydney's POV"Wow, Brand! I'm surprised. Really? May girlfriend ka na ulit?"Pagkarinig ko pa lang sa boses ng babaeng iyon ay parang may kumurot agad sa dibdib ko.Napakaganda niya.Mahaba ang alon-alon niyang buhok, maputi ang kutis, at kitang-kita ang kumpiyansa sa bawat galaw. Halatang sanay siyang maging sentro ng atensyon."Antipatika ito ah," bulong ko sa sarili ko.Bakit naman ganoon ang reaksyon niya?Hindi ba ako mukhang karapat-dapat maging girlfriend ni Brandon?Inilibot ko ang tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Aaminin ko, maganda siya. Iyong tipong maraming lilingon kapag naglakad sa mall.Pero...Sorry na lang siya. Ako ang pinili ni Brandon.Napansin kong bahagyang namula si Brandon habang sumasagot."Oh yes... kailan lang."Mukhang nahihiya pa nga.Ngumiti ang babae at bahagyang tumawa."Don't get me wrong, Sydney. Akala ko kasi magpapari na itong si Brandon natin."Natigilan ako.Brandon... natin?Napatigil ang ngiti ko."Excuse me? Brandon natin?"
Chapter 48Sydney's POV"Wow... you have a nice office here. Kaya pala gusto mong magtrabaho rito."Hindi ko napigilang mapahanga habang iniikot ko ng tingin ang opisina ni Brandon.Hindi ito iyong tipikal na opisina ng isang CEO na puro mamahaling kasangkapan lang ang makikita. Kitang-kita na bawat detalye ay pinag-isipan nang mabuti. Modernong-modernong ang disenyo ngunit may halong klaseng hindi nakakasawa sa mata.Sa isang gilid ay may malalaking floor-to-ceiling windows na tanaw ang buong business district. Napakaganda ng view, lalo na't papalubog na ang araw.Sa dingding ay nakasabit ang ilang original paintings mula sa mga kilalang international artists. Hindi ako eksperto sa sining, pero sapat ang kaalaman ko upang malaman na milyon ang halaga ng bawat isa sa mga iyon.May isang abstract painting na agad nakakuha ng pansin ko.Napansin iyon ni Brandon."Gusto mo?"Napalingon ako sa kanya."Maganda.""Birthday gift ko iyon sa sarili ko noong unang taon na naging profitable ang
Chapter 26Sydney’s POVPagkatapos ng event ay sabay kaming umuwi ni Mayee na parehong pagod ngunit masaya.Punong-puno ng tao ang event na iyon. Maraming negosyo ang dumalo, maraming personalidad ang nakilala namin, at higit sa lahat, naging matagumpay ang buong programa.Habang nasa sasakyan kami
Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,”
Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kon
Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang







