“ANONG MERON, Makoy?” May pagka-sarcastic na sita ni Clarisa sa binata nang ma-korner niya ito.Kumunot ang noo ni Markus sa narinig. “Ano kamo?”“Mayro’n ba akong hindi nalalaman?” Hindi ngumingiti ang dalaga.“Tumbukin mo na Clarisa, puwede ba? Alam mo namang busy ako sa pag-aasikaso kay tatay. Bukas na ang libing niya.” Inis si Markus.“Mula nang mamatay si Ka Berting, hindi na tayo nakapag-usap. Busy ka ba talaga o bisi-bisihan lang? Ang hirap, pag ‘yong amo mong maganda at mayaman ang dumarating, natataranta ka. To the rescue ka agad, eh. Samantalang ako na kaibigan mo, nandito lang ako sa tabi-tabi at bisi-bisihan din sa pagtulong sa lamay ng tatay mo, pero ni hoy ni hay ‘di mo ako pinapansin.”Natawa si Markus. “Para ka talagang bata. Iba ang sitwasyon ngayon, Risa. May nangyari na ipinagluluksa namin. Ngarag kaming lahat lalo na ako.”“Huuu, ngarag? Pero pag dumarating si Miss Helena, pumapalakpak ‘yang puwet mo!”“Tigilan mo ako, Risa. Wala akong panahong makipagbiruan sa ‘yo
“OO NGA. Bakit siya ang pinili mo? Ano ang nakita mo sa kan’ya na wala sa ibang lalaki sa paligid mo?” ani Raquel nang pag-usapan nila ang tungkol kay Markus.“Hindi ko rin alam, Raquel. Maybe, I just trusted my intuition that I didn't make a mistake when I chose him.”“How did you convince yourself that he is a good person? I know you, Helena. You don't easily trust someone unless, na lagi mong nakakahalubilo. But this man – Markus Angeles…? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. That means, wala siyang mataas na posisyon sa kompanya mo para makilala siya at makahalubilo mo.”“Isa lang siyang pangkaraniwang empleyado sa isang departamento ng kompanya, Raquel.”“And you only met him based on his brief account qualification, am I right?”Tumango si Helena.“How about, hindi pala siya ganoon? I mean, paano kung mapagsamantala pala siya? That everything he said was all lies and he just wanted to gain your trust?”“I’m smart enough to fooled by anyone again. Not this time, Raquel. Iba
MATAPOS ang pakikipagharap kay Doña Amanda ng pamilya ni Markus, nang gabing iyon ay nag-usap ng masinsinan ang mag-anak.“Wala nang atrasan ‘to, anak. Bukas, ikakasal ka na kay Helena.” ani Aling Lora na hindi alam kung anong emosyon ang paiiralin ng mga sandaling iyon.Matutuwa ba siya sa pinasok na buhay ni Markus na ang kapalit ay kaginhawahan nila, o malulungkot siya dahil matatali ang anak sa sitwasyong pare-pareho nilang hindi alam kung ang hatid noon ay suwerte sa binata.“Wala nang atrasan, ‘nay. Tuloy-tuloy na ‘to.”“Paano kung isang araw, matuklasan ni Doña Amanda ang totoo? Baka, makasama iyon sa matanda…!”Inakbayan ni Markus ang ina. “Nay, huwag na muna tayong mag-isip ng negatibo. Ang mahalaga lang ngayon, tinanggap ako ng buong-buo ni Doña Amanda. Kung ano lang ako. Kung sino lang ako. At gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat ako sa paningin niya. Dumating man ang oras na matuklasan niya ang totoo, siguro, hindi magiging dahilan iyon para mangyari ang kinatat
SA LOOB lang ng pribadong tanggapan ng kaibigang Judge ng mga Montenegro ikinasal sina Markus at Helena ng gabing iyon. Isang tahimik at pribadong seremonya na dinaluhan lamang nina Doña Amanda, ni Raquel at ng pamilya ni Markus.Nang sabihin ng Hukom na puwede nang halikan ng groom ang bride, nagkakahiyaan man at nagkaka-ilangan, walang nagawa sina Markus at Helena kun'di ipakita sa lahat lalong-lalo na kay Doña Amanda ang isa sa pruweba ng kanilang kunwaring pagmamahalan.Kinabig ni Markus ang ‘kabiyak.’ At kinintalan ito ng saglit lang pero masuyong halik sa labi.Nagpalakpakan ang lahat matapos ang ‘eksena’ na iyon.Matapos nga noon ay sa isang simpleng restaurant lang naghapunan ang lahat. Mga simpleng putahe lamang ang pinagsaluhan nila base sa kakayanan ni Markus isang bagay na hinangaan dito ng Hukom na nagkasal sa kanila.“I think your granddaughter is in good hands, Doña Amanda and you have nothing to worry about.” Pabulong na sabi ng mahigit sisenta anyos na si Judge Peter
KINABUKASAN, sa unang araw matapos ang kanilang kasal, napuno uli ng mga pagkukunwari ang pagitan nina Markus at Helena bilang ganap na ngang mag-asawa. Mga pagkukunwaring kailangan nilang patuloy na pangatawanan dahil kay Doña Amanda na heto, sa mga sandaling ito’y nagpahanda ng masaganang almusal sa hardin para sa kanila.At tila nag-i-enjoy naman sa pagsisilbi sa isa’t-isa ang mag-asawa. Ipinagtimpla pa ni Helena ng kape si Markus at dinulutan ito sa plato ng mainit na fried rice. “Ano ang gusto mong ulam, Mac?” tanong pa ni Helena dito. May lambing.Napangiti si Markus, hindi dahil sa dami ng nakahaing masasarap na ulam sa harapan niya kun’di sa paraan ng pagtawag sa kan’ya ni Helena.‘Mac…’ Iyon ba ang name of endearment sa kan’ya ng asawa?Mac…’ Ang sarap sa tenga. Ang sarap pakinggan.First time na may tumawag sa kan’ya ng ganoon. At hindi niya yata mapapayagan ang iba na tawagin din siya ng ganoon. Kay Helena niya lang ibibigay ang karapatan na tawagin siya sa ganoong pangalan
MATABANG ang pakikiharap ni Lester kay Markus nang lapitan niya ito matapos siyang lumabas ng pribadong opisina ng asawa.Si Lester ay ang kaibigan ni Markus sa kompanyang iyon. Sanggang dikit sila nito kumbaga. Sabay silang nag-apply dito at halos sabay ding natanggap. Nasa accounting department siya samantalang nasa marketing department naman ito.“K-kumusta?” ani Markus na tinapik pa ang balikat ng kaibigan habang busy ito sa harap ng computer.Umiwas si Lester. Tumayo ito at kunwa’y inabala ang sarili sa ibang bagay.Alam ni Markus, masama ang loob sa kan’ya ng kaibigan. Halos lahat ng bagay kasi na may kinalaman sa kanilang mga buhay, mapa-personal man iyon o hindi ay napag-uusapan nila, pero hindi nga ang tungkol kay Helena. At isa pa, hindi niya na rin ito naabisuhan sa pagkamatay ng kan’yang ama dahil sa maraming kaguluhan ng isip na na-engkuwentro niya nang nagdaang mga araw.“Tara sa canteen, pare. Magkape tayo.” anyaya dito ni Markus. “Maghuntahan tayo saglit.”“Hindi pa or
PANGITI-NGITI lang si Doña Amanda habang inililibot ang mga mata sa kabuoan ng bahay na uupahan ng kan’yang apo at ni Markus.“Hmmnn, lola? P’wede ko bang malaman kung ano ang iniisip mo sa titirhan namin ng asawa ko? What do you think?” untag ni Helena sa abuela.Tumango-tango ang matanda. “Kaya mo bang maging masaya at makuntento sa ganito kasimple lang na bahay, apo?” sagot ng matanda. Bumaling ito kay Markus. “Don’t get me wrong, hijo. Please understand what I’m trying to say. It’s just that, nasanay lang ang aking apo sa marangyang pamumuhay at kapaligiran. But, I’m not againts to this kind of sorroundings. At tanggap ko na, na kung ano lang ang kaya mong ibigay kay Helena, dapat din iyong tanggapin ng aking apo. Kasi ikaw ang pinili niyang makasama sa buhay. Ikaw na isang simple lang na lalaki. Ang gusto ko lang tiyakin dito sa aking apo, tatagal ba siya sa ganito lang kasimpleng buhay?”“Of course, lola!” maagap na sagot ni Helena. “You know me, right? Kahit mula nang magkaisi
“SALAMAT, Mac…” masayang sabi ni Helena habang nag-aalmusal sila, nang marinig kinabukasan kay Markus na pumapayag na itong mamili sila ng lahat ng kailangan niya para maging komportable siya sa tinitirhan nila. “Malaking bagay sa akin ang pagpayag mong ito. Hindi ako magiging guilty na natapakan ko ang ego mo.”“Ang totoo, naawa ako sa ‘yo kagabi,” nahihiyang tugon ni Markus. “Hindi ka agad nakatulog kahit may katapat kang electric fan.”“Paano mo nalaman?” nanlaki ang mga matang tanong ni Helena. “Hmmnn, sinisilip mo ako kagabi sa kuwarto?”Tumawa si Markus. “Walang malisya ‘yon, maniwala ka. Naramdaman ko lang kasi na malikot ka. Hindi mapakali. Palibhasa papag lang ang hinihigaan mo. Lumalangitngit sa bawat paggalaw mo.”“Alam ko naman ‘yon. Binibiro lang kita. Pasens’ya ka na, ha? Aaminin kong hindi talaga ako makatulog kagabi. Sobrang init ng pakiramdam ko. Siguro gano’n talaga. Maiinitin siguro talaga ang mga buntis.”“Hindi ka sanay na walang aircon, Helena. Iyon ‘yon.” tuma