Share

Kabanata 48

Unang nagpunta si Alea sa Kaharian ng Turing upang hanapin si Reyna Theodora. Isa ang reyna sa mga nakapulot sa nagkapira-pirasong brilyante. Nang makita ang hinahanap ay agad niya itong nilapitan.

"Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't pinauwi mo na ang lahat ng mga aliping tao rito? Ano pa ang iyong kailangan?" tanong ng  reyna.

"Mahal na reyna, may nais lang sana akong hingin sa iyo."

Ngumisi ang reyna sa narinig mula kay Alea. "Ginto ba, Alea?"

"Hindi po, mahal na reyna."

"At sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi? Nagkakamali ka, Alea. Kung ano man iyan ay hinding-hindi ko ibibigay sa iyo!" 

"Nagmamakaawa ako. Ibigay mo sa akin ang kapiraso ng nabasag na brilyante, mahal na reyna."

"Umalis ka na," mariing sabi ng reyna.

"Mahal na reyna, nagmamakaawa ako sa 'yo."

"At bakit ko naman ibibigay sa iyo? Isa kang kalaban! Kaya huwag kang umasa na ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi!"

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status