LOGINRENJIEDalawang araw ko nang napapansin na malamig ang pakikitungo sa akin ni Andrea. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang nagawa kong mali. Dati, kahit pagod siya sa trabaho, kinakausap niya pa rin ako at kung minsan ay inaasar pa ako habang nasa biyahe kami. Pero nitong mga nakaraang araw ay halos puro maiikling sagot na lang ang natatanggap ko mula sa kanya. Sinubukan ko na siyang tanungin nang ilang beses kung may problema ba, pero lagi niyang sinasabi na pagod lang siya at wala akong dapat isipin. Hindi ako kumbinsido dahil kilala ko na siya kahit papaano, at alam kong may dahilan kung bakit bigla siyang naging ganoon sa akin.“Ayos ka lang ba, anak?” tanong sa akin ni mama habang nag-aasikaso na ako paalis.“Opo, mama. Medyo nalulungkot lang ako dahil parang ang lamig sa akin ni Andrea.”“May ibig sabihin ang biglang panlalamig ng isang babae sa isang lalaki. Kaya dapat malaman mo ang dahilan ng panlalamig niya.”Tipid akong ngumiti bago tumango.Nang araw n
ANDREAKinabukasan, hindi pa rin ako pumasok sa Étoile Maison. Wala naman talaga akong importanteng meeting na kailangang asikasuhin kaya hindi rin naman malaking problema kung magpahinga muna ako ng isang araw, pero alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit ayaw kong lumabas ng mansion. Ayoko lang munang makita si Renjie pagkatapos ng nakita ko kahapon. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin nang hindi ko ipinapakita na nasaktan ako, lalo na at wala naman akong karapatang magtanong tungkol kay Rona.Kinuha ko ang cellphone ko habang nakahiga ako at nakita kong may ilang messages si Renjie. Binuksan ko ang pinakahuli niyang message at napabuntong-hininga ako nang mabasa ko ang tanong niya kung okay lang ba ako at kung bakit parang ayaw ko siyang kausapin. Ilang minuto akong nag-isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong dahilan, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Sa huli, nag-type na lang ako ng maikling sagot bago ko tuluyang ibaba ang cellphone.ANDREA: [
ANDREAMakalipas ang dalawang araw, wala akong pasok sa kumpanya dahil wala naman akong importanteng kailangang asikasuhin. Kagabi pa lang ay sinabi ko na kay Renjie na magpahinga muna siya dahil sunod-sunod din ang mga naging schedule niya nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta ako sa bahay nila. Gusto ko sanang sorpresahin siya, kaya maaga akong nagpahatid sa driver ni Mommy Eve.Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang gagawin namin kapag nakita ko siya. Wala naman akong partikular na dahilan para pumunta roon, pero gusto ko lang siyang makita. Simula nang mangyari ang mga bagay-bagay sa pagitan namin, parang mas madalas ko na siyang hinahanap kaysa dati.Nang malapit na kami sa bahay nila, napatingin ako sa bintana. At doon ko nakita si Renjie na nakatayo sa tapat ng bahay. May kausap siyang babae.Hindi ko agad nakilala kung sino iyon. Pero nang bumagal ang sasakyan, nakita ko ang mukha niya.Si Rona.Agad akong nakaramdam ng inis.
ANDREAKinabukasan, naghanda ako para sa event sa Étoile Maison. Simula pa lang ng umaga ay busy na ang buong kumpanya dahil maraming bisita ang darating, kaya kailangan kong makapunta roon nang mas maaga kaysa sa normal kong schedule. Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko agad si Renjie na naghihintay sa labas ng mansion.Pagkasakay ko sa sasakyan, napansin niya agad ang suot kong damit."Ma'am Andrea, mukhang ready ka na para sa event. Akala ko kailangan ka pang hintayin nang matagal dahil ang dami mong gamit kanina," sabi niya."Marami lang akong kailangang dalhin. At huwag mo na akong tawaging Ma'am Andrea nang ganyan kapag tayo lang, para namang hindi tayo nagbembangan niyan,” sagot ko.Natawa siya ng malakas sabay kamot sa ulo."Eh ano bang gusto mong itawag ko sa iyo? Andrea?" tanong niya."Kapag tayo lang, oo.""Okay, Andrea," sagot niya.Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya. Napangiti ako nang bahagya bago ko agad ibin
ANDREAPagsapit ng hapon, matapos kong maligo at mag-ayos, napagpasyahan ko nang umuwi sa mansion. Suot ko pa rin ang damit na hiniram ko kay Renjie dahil wala naman akong ibang damit na dala, at kahit medyo maluwag sa akin ang T-shirt niya, hindi ko iyon masyadong pinansin. Ang mahalaga sa akin ay nakapagpalit ako at nakapagpahinga bago bumalik sa bahay.Habang nasa biyahe kami, tahimik lang ako sa passenger seat. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa suot kong damit at hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti. Amoy Renjie pa rin iyon at hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong isipin kung gaano ako kasaya sa simpleng bagay na iyon.Nang makarating kami sa mansion, agad akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na buksan ni Renjie ang pinto para sa akin dahil gusto ko nang makapasok bago pa may makakita sa akin na suot ang damit niya."Salamat sa paghatid sa akin, Renjie. Salamat din sa lahat ng ginawa mo nitong mga nakaraang araw, lalo na sa pag-aasikaso sa akin at sa pamilya
ANDREA Alas-dose na ng tanghali nang tuluyan akong magising. Ilang segundo akong nakahiga. Habang nakatingin sa kisame at sinusubukang alalahanin kung anong oras na, hanggang sa tuluyang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa mukha ko dahil doon ko lang naalala na hindi pala ako nakauwi sa mansion. At hindi rin ako nakapasok sa kumpanya ngayong araw. Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang buhok ko bago lumabas ng kuwarto. Pagbukas ko pa lang ng p***o, agad akong natigilan nang makita ko ang isang pamilyar na babae sa sala. Si Aling Cecelia ang naroon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakaupo habang may inaayos na mga gulay sa maliit na mesa. Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumiti at tumayo. "Go-Good morning, Tita Cecelia," bati ko kahit halos hindi ko maiharap nang maayos ang mukha ko sa kanya. "Pasensya na po at ngayon lang ako nagising." "Good morning, Andrea. Huwag kang mahiya, anak. Alam kong pagod ka kaya hinayaan ka lang namin
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




