LOGINpakibasa ang "My Husband's Biggest Regret"
SOFIA Hindi ko alam kung gaano katagal na nakadikit ang labi ko sa labi ni Andrew. Nang bahagya akong matauhan ay saka ko lang napagtanto ang ginawa ko. Mabilis akong napaatras at napatitig sa kanya. Pakiramdam ko ay lalo pang uminit ang mukha ko, pero hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa alak o sa sobrang hiya. Hindi rin agad nakapagsalita si Andrew. Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa. "Ano..." mahina kong sambit habang napapikit. "Ano'ng ginawa ko?" Napahawak ako sa noo ko dahil pakiramdam ko ay lalo pang umiikot ang paningin ko. Mabigat na ang ulo ko at hirap na akong ituon ang tingin ko sa paligid. "Sofia." Narinig ko ang boses ni Andrew pero parang malayo na iyon sa pandinig ko. Pakiramdam ko, wala ako sa sarili sa mga oras na iyon. Bakit ko siya hinalikan? Anong pumasok sa kukote ko para gawin iyon? "Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang sabi. Hindi ko na siya agad nasagot. Pakiramdam ko ay umiinit ang buong katawan ko at tila lumulutang ang isip ko. Huminga ako n
SOFIAMABILIS NA LUMIPAS ANG ILANG LINGGO. Sa mga panahong iyon ay naging maayos na ulit ang takbo ng trabaho sa Étoile Maison. Hindi man tuluyang nawala ang pagiging kakaiba ng ugali ni Andrew, natutunan ko na lang na huwag pansinin ang mga pagkakataong bigla na lang siyang magsisimangot o tatahimik kapag nakikita niyang magkasama kami ni Zid. Ang mahalaga sa akin ay maayos kong nagagawa ang trabaho ko at unti-unti nang nakakabawi ng lakas si mama.Noong Biyernes ng umaga ay pinatawag na naman ako ni Andrew sa opisina niya. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang may binabasang mga dokumento. Hindi man lang siya agad nag-angat ng tingin."Pinatawag mo ako?"Tumango siya bago isinara ang folder na hawak niya."Oo. May sasabihin lang ako.""Ano iyon?""Birthday ni Mommy sa Sabado.""Okay.""May simpleng salu-salo sa bahay.""Eh ‘di babatiin ko na lang si ma'am Eve ng happy birthday.”Tiningnan niya ako na para bang may hinihintay na reaksyon."Kasama ka.""Ha?""Inimbita ka niya.""Ako?""Oo
SOFIAPAGKATAPOS ng nangyari sa hallway noong isang araw ay lalo kong napatunayan na mahirap talagang intindihin si Andrew. Minsan parang wala siyang pakialam sa akin, tapos mayamaya ay bigla na lang siyang magtatanong kung bakit palagi akong kasama ni Zid. Hindi ko na lang iyon inisip dahil ayoko nang dagdagan pa ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko. Mas gusto kong ituon ang oras ko sa trabaho at sa paggaling ni Mama.Pagsapit ng tanghali ay natapos ko agad ang mga reports na ipinagawa sa akin. Isinara ko ang computer at kinuha ang lunch box ko. Hindi na rin nagtagal ay lumapit sina Janella at Zid sa mesa ko."Tara na?" nakangiting aya ni Janella."Tara."Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay biglang may iniabot si Zid sa akin na isang baso ng iced coffee."Para sa iyo."Napatingin ako sa hawak niya."Ano ito?""Pasasalamat. Ang dami mong naitulong sa akin nitong mga nakaraang araw."Napailing ako habang natatawa."Naku, huwag na. Gumastos ka pa.""Isang kape lang naman.
SOFIAMABILIS NA DUMAAN ANG DALAWANG LINGGO. At sa mga panahong iyon, nanatiling malamig ang pakikitungo ko kay Andrew. Kahit na alam kong gusto na niya akong lapitan o kausapin. Maaga akong natapos sa mga reports na ipinagawa sa akin kaya eksaktong alas-dose ay isinara ko ang computer at kinuha ang lunch box ko. Hindi na ako nagtataka nang lumapit sina Janella at Zid sa mesa ko dahil nitong mga nakaraang araw ay nakasanayan na naming sabay-sabay kumain."Tara na?" nakangiting aya ni Janella."Tara.""Sofia, huwag mong sabihing diet ka na naman. Noong isang araw pa kaunti lang ang kinain mo," sabi ni Zid habang naglalakad kami papuntang cafeteria.Napailing ako at natawa."Hindi ako nagda-diet. Hindi lang talaga ako masyadong nagugutom.""Huwag kang ganyan. Kapag nagkasakit ka, kami rin ang mahihirapan. Sino ang pagtatanungan ko kapag may hindi na naman akong maintindihan sa system?""Naku, hindi mo na kailangan ng tutor. Ang bilis mo nang matuto.""Ikaw lang ang may sabi niyan.""To
SOFIATatlong araw ang mabilis na lumipas mula nang makilala ko si Zid.Dahil pareho kaming bagong empleyado sa Étoile Maison, madalas kaming magtanungan tungkol sa trabaho. Kapag may hindi siya naiintindihan sa filing system o sa paggamit ng software ng kumpanya, lumalapit siya sa akin. Kung may alam ako, agad ko naman siyang tinutulungan. Ganito rin ang ginagawa niya kapag may bahagi ng trabaho na mas pamilyar siya kaysa sa akin.Hindi nagtagal ay naging komportable na rin kaming mag-usap.Madalas pa kaming samahan ni Janella tuwing lunch break kaya halos araw-araw ay sabay-sabay kaming kumakain sa cafeteria. Masaya silang kasama dahil pareho silang palabiro. Si Janella naman ay mahilig mang-asar kaya halos hindi nawawala ang tawanan sa mesa namin.Nang araw na iyon ay ganoon na naman ang nangyari."Sofia, aminin mo na," natatawang sabi ni Janella habang umiinom ng juice. "Mas mabilis ka talagang matuto kaysa sa amin. Noong isang linggo lang, nangangapa ka pa. Ngayon, ikaw na ang
SOFIADalawang araw na ang lumipas mula nang magtalo kami ni Andrew sa lobby ng Étoile Maison. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala na kaming naging maayos na usapan.Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak makipag-away sa kanya. Gusto ko lang ipaalam na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Pero mukhang wala rin naman siyang balak ipaliwanag ang sarili niya. Kaya mas minabuti ko na lang na ilagay ang hangganan ng pakikitungo ko sa kanya.Trabaho lang. Iyon na lang ang iniisip ko sa tuwing kaharap ko siya. Katulad ng umagang iyon. Katatapos ko lamang ayusin ang ilang reports nang tumawag ang telepono sa mesa ko."Sofia, pinapapunta ka ni Sir Andrew sa opisina niya," sabi ng babae."Sige. Pupunta na ako."Kinuha ko ang notebook ko bago nagtungo sa opisina niya. Pagkatok ko ay narinig ko agad ang boses niya."Pasok."Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumuga ako ng hangin nang mapatingin sa kanya."Pinatawag mo ako?"Tumango siya."Oo. Umupo ka muna."Hindi na ako nagsalita p
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






