Share

40 - High

40

Agad na may sumalubong kay Ivo na mga kaibigan niya. Ang iba ay kilala ako kahit na ngayon ko lang naman sila nakita.

Pumunta kami sa isang u-shaped na sofa at agad kaming binigyan ng inumin ng mga kaibigan niya. Ang iba ay namumukhaan ko dahil nakita ko sila sa party, pero halos hindi ko na maalala ang mga pangalan nila kahit na nagpakilala naman sila sa'kin noon.

Naupo kami sa sofang iyon habang may hawak ng inumin. Naupo si Ivo sa tabi ko.

"It was nice to meet you, Affeya. I couldn't go to your party because I have some important things to do, but our family was a friend and we were invited," sambit ni Faith, isa sa mga kaibigan ni Ivo na kakapakilala lang niya sa'kin.

Sa kanilang lahat, si Faith ang medyo magaang kausap. 'Yung iba kasi parang dinidistansya ang sarili sa'kin.

"Ayos lang. It was nice to meet you din," sambit ko at ngumiti sa kanya. Tinaas nito ang baso at wala akong nagawa kung hindi makipag cheers sa kanya at inumin agad ang alak na binigay nila.

Napapikit ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status