Share

Kabanata 8

Like

Napapikit ako nang maglakad siya palayo. Ngunit bigla kong naalala si Kendra kaya nilingon ko siya sa kinaroroonan niya subalit hindi ko na siya nakita roon.

"T-Teka si Kendra..."

Sinubukan kong bumaba mula sa bisig ni Kaleb pero hindi siya natinag. At mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa akin.

"Don't worry she's safe," malamig niyang sinabi.

Napabuntong hininga ako at sumubsob ang ulo ko sa matigas niyang dibdib dahil sa pag-ikot ng paningin. Wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo ako sa kaniya.

Napapikit ako at dinama ang kanyang amoy na nanunuot sa aking ilong.

Unti-unting humina ang malakas na tugtugin kaya napaangat ang ulo at namalamayan ko na lang na nakalabas na pala kami ng resto.

"Kaleb..."

Hindi siya nagsalita at patuloy lang sa paghakdbang hanggang sa huminto siya kaya lumingon ako at nakitang may binuksan itong sasakyan at pinasok ako roon.

Dahan-dahan at puno nang pag-iingat kahit na parang nahihirapan.

"Kanino 'to?" usisa ko pero wala akong natan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status